• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 23rd, 2022

Award-winning novel ni Marivi Soliven: SHARON, kumpirmado nang bibida sa Hollywood movie adaptation ng ‘The Mango Bride’

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIRMADO na ngang magli-lead si Megastar Sharon Cuneta sa Hollywood movie adaptation ng award-winning novel ni Marivi Soliven na The Mango Bride.

 

 

Sa Instagram account ng Megastar pinost niya ang screen shot ng article na nilabas ng Variety.

 

 

Caption ni Sharon, “SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!” kasama ang mga  emojis.

 

 

Sa pagpapatuloy niya, “Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open doors for ALL OF US in the industry – FINALLY!”

 

 

Kalakip ng post ang link kung saan mababasa ang article: https://variety.com/2022/film/news/sharon-cuneta-the-mango-bride-adaptation-marivi-soliven-1235186783/

 

 

Naka-tag naman sa IG post ang kanyang pamilya, mga malalapit na celebrity friends, mga taga-FPJ Ang Probinsyano at iba marami pang iba: @frankiepangilinan @mielpangilinan @kiko.pangilinan @bethtamayo21 @annitazo @lorrainerecto @paolorecto @justinenicole___ @egan_aileen @garyvalenciano @john__estrada @mdemesa24 @michaeljohnflores @jay_gonzaga @macherieamour @jhett_tolentino @gabpangilinan @jnpangilinan @detailsink @isabelvsandoval @malusevilla @officialjuday @reginevalcasid @ogiealcasid @popsfernandezofficial @zsazsapadilla @msaiaidelasalas @montesjulia08 @cocomartin_ph @biboy_arboleda_ @deo_endrinal @malousantos03 @imangelaquino @therealangellocsin @iamangelicap @viva_ent @viva_films @draivee @drzteo @deleonphoto @jeff.g.l @_tessalapradez @jokoy

 

 

Idi-direk ito ng Filipino-Canadian na si Martin Edralin, ang movie ay iikot sa buhay ng  dalawang Filipino women na sina Amparo, na isang socialite na ipinanganak sa wealthy family, at si Beverly, na isang mail-order bride.    Magma-migrate sila sa California na madi-discover ang hidden truths as their stories meet and intertwine.

 

 

Si Rae Red (“The Woman and the Gun”) ang magsusulat ng screenplay na base sa award-winning novel na na-publish noong 2013 sa English ng Penguin Random House, sa Filipino (translated by Danton Remoto) ng National Book Store at noong 2014 sa Spanish ng Grupo Planeta na may titulong Hace una eternidad, en Manila. 

 

 

Nagwagi ang The Mango Bride ng highest literary prize sa bansa, ang Grand Prize ng Carlos Palanca Memorial Awards.

 

 

Magsisimula ang production ng pelikula bago matapos ang 2022.

 

 

Sa naging pahayag ni Sharon sa Variety, “I wanted to do ‘The Mango Bride’ because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this.”

 

 

Pag-amin pa ni Mega, “I have long been a fan of Marivi Soliven’s writing, from ‘Suddenly Stateside,’ her collection of light essays about living in the U.S., to ‘The Mango Bride.’ She captures the Filipino migrant and Filipino American experience skilfully.

 

 

Congratulations and goodluck Sharon!

(ROHN ROMULO)

Gilas Pilipinas nasa training bubbles na para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA training bubbles na ang Gilas Pilipinas ilang araw bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula ngayong linggo.

 

 

Pinangunahan ni coach Chot Reyes at ang 13 manlalaro nito para sa torneo na magsisimula sa Pebrero 24 hanggang 28.

 

 

Kabilang sa bubbles sina B. League players Thirdy Ravena at Dwight Ramos, naturalized player Ange Kouame, Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel, Lebron Lopez, Robert Bolick, Poy Erram, Kelly Williams, Gab Banal at Kib Montalbo.

 

 

Kumpleto ring nasa bubbles na ang coaching staff ni Reyes na sina Jong Uichico, Josh Reyes, Marc Pingris at Nedad Vucinic at mga team officials.

 

 

Sisimulan ng Gilas ang laro sa Pebrero 24 laban sa South Korea at susundan kontra sa India sa Pebrero 25.

DND, lalagda ng kontrata sa pagbili ng 32 ‘Black Hawk’ helicopters

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG tintahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang isang kontrata para sa pagbili ng 32 karagdagang S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters mula PZL Mielec ng Poland, Martes ng tanghali.

 

 

“Bukas po ng hapon, Mr. President, ay pipirmahan ko ‘yung kontrata para sa karagdagang 32 ‘Black Hawk’ helicopters,” ang sinabi ni Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People ng huli, Lunes ng gabi.

 

 

Sa oras na mai-deliver na aniya ang aircraft, sinabi ni Lorenzana na “this will increase the fleet to around 48 units, including the 16 earlier delivered to the Philippine Air Force (PAF).”

 

 

“Puwede na po nating i-retire ‘yung ating lumang ‘Huey’ helicopters,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Katulad ng mga naunang biniling military equipment para sa nagpapatuloy na Armed Forces of the Philippines Modernization Program, sinabi ni Lorenzana na ang assets na ito ay multi-functional at maaaring gamitin para sa surveillance at disaster response.

 

 

Ipinalabas naman ni Lorenzana ang Notice of Award para sa PZL Mielec ng Poland kaugnay sa 32 “Black Hawk” helicopters noong nakaraang Disyembre 28.

 

 

Idinagdag pa nito na ang proyekto, nagkakahalaga ng P32 bilyong piso, ay nanggaling sa initial logistics support package at training para sa piloto at maintenance crew.

 

 

“The delivery of these helicopters will start on CY (Calendar Year) 2023 (five units) while the remaining ones will be delivered in three batches as follows: CY2024 – 2nd batch (10 units); CY2025 – 3rd batch (10 units); and CY2026 – last batch (seven units),” ayon sa Kalihim.

 

 

Kinompleto naman ng PAF ang pagbili sa 16 Black Hawk helicopters, mula rin sa Polish aerospace manufacturer, na nagkakahalaga ng USD241 million (P11.5 billion).

 

 

Ang first batch ng anim na helicopters ay idineliver noong Nobyembre 2020, sinundan ng second batch na lima noong Hunyo ng nakaraang taon na pormal na tinanggap at tinurn over at pina-bendisyunan noong Oktubre 13, 2021.

 

 

Ang last batch na lima naman ay dineliver noong Nobyembre 8, 2021, at pormal na tinanggap ng PAF noong Disyembre 3.

 

 

Isa sa paunang anim na units na dineliver ay nag- crashed noong Hunyo 24, 2021 habang nagsasagawa ng night-flying exercise.

 

 

“The lack of transport planes and helicopters have never been more acute during the pandemic and in the aftermath of Typhoon Odette. This was exacerbated by our aging Hueys that have become uneconomical to maintain. The 12 brand-new ‘Black Hawk’ bore the brunt of the work during these critical times,” ayon kay Lorenzana.

 

 

Ang PAF S-70i units ay nagdadala ng relief supplies at rescue personnel sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang Disyembre.

 

 

Ginagamit din ito para magdala ng Covid-19 vaccines sa mga geographically isolated areas. (Daris Jose)

Saso giniit ang pagiging Pinay

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING Japanese citizen simula nitong Enero si Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso.

 

 

Pero habang-buhay pa ring giniit ng reigning world women’s golf No. 7 na may dugong Pinoy siya na ‘di niya kalilimutan.

 

 

Klinaro ito ng 20-taong-gulang na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na Fil-Japanese  Lunes sa isang press conference sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City nitong Lunes.

 

 

“I’ll be forever Filipino and Japanese,” wika ng 2021 US Women’s Open champion sa unang pagbabalik ng ‘Pinas dalawang taon mula nang tumira sa pamilyang nasa Tokyo at magpirmi sa Estados Unidos upang maglaro sa LPGA Tour. “And the main reason in choosing Japanese citizenship is the passport.”

 

 

Binunyag ng dalaga na Hapones ang ama at Pinay ang ina, na pangunahing niyang dahilan sa pagpapalit ng pasaporte ang mas komportbleng paglalakbay saan mang panig ng daigdig kung Japanese passport kesa sa Philippines ang bitbit.

 

 

“The ease of travel, like I said earlier, the time management is very important for us athletes and that makes our — as a team, the time management [is] easier because we travel a lot,” paliwanag ni Saso.

 

 

Bago nag-Japanese citizen, matagal na kinatawan ni Saso ang ‘Pinas sa iba’t ibang mga kumpetisyon na nagsimula sa pagiging junior golfer pa lang.

 

 

Pinakamalaki sa mga paligsahang dala niya ang ‘Pinas ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Olympics at ang 18th Asian Games 2018 sa Indonesia.

 

 

Sinimulan naman niya ang pagkakabit ng Land of the Rising Sun flag sa kanyang mga kasuotan nang lumahok sa Hilton Grand Vacations Tournament of Champions sa Florida noong Enero 20-23.

 

 

“I still have my Philippine passport, it’s just that for my career I had to do that,” panapos niyang bulalas. (REC)

FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3  ayon sa  New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec).

 

 

Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol bago, habang, at pagkatapos nilang lumahok sa mga botohan sa Mayo 9.

 

 

Para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1, sinabi ng Comelec na ang paggamit ng mga face shield ay boluntaryo, batay sa Memorandum ng Executive Secretary na may petsang 15 Nobyembre 2021, sa Protocols on the Use of Face Shields

 

 

Para sa mga botante na may temperaturang 37.5 degrees Celsius, dapat silang dalhin sa mga medical personnel na naka-deploy sa lugar ng botohan. Kung susuriin na may lagnat, maaaring pumunta ang mga botante sa Isolated Polling Places (IPP) para bumoto.

 

 

Hinihiling din sa publiko na obserbahan ang physical distancing ng hindi bababa sa isang metro.

 

 

Pagkatapos ay magpapatuloy sila sa Voters’ Assistance Desk upang makakuha ng presinto at sequence number; tumuloy sa lugar ng botohan; i-sanitize ang mga kamay sa sanitation station bago pumasok sa lugar ng botohan; ibigay ang kanilang numero ng presinto at sequence number at bumoto.

 

 

Samantala, ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ay nakiisa sa panawagan ng iba pang stakeholders para sa paghirang ng mga karampatang at tapat na kalalakihan at kababaihan sa tatlong bakanteng posisyon — Chairperson at dalawang Komisyoner — sa Comelec.

 

 

“The 2022 National and Local Elections are less than three months away, and will be conducted under extreme safety and health challenges; an open process will help reinforce public trust to the Comelec as an institution; a transparent appointment process, with focus on qualifications and suitability for the job, will help dispel concerns that the Comelec as a constitutional body will be composed of individuals that only come from the President’s hometown, or who are inside the President’s inner circle,” dagdag ng grupo

 

 

Sinabi ng Namfrel na bilang tagapangasiwa ng proseso ng halalan sa Pilipinas, “dapat palakasin ang Comelec, at dapat mag-imbita ng tiwala at paggalang ng sambayanang Pilipino.”

 

 

Sinabi nito sa pamamagitan ng pagtiyak na magiging bukas at transparent ang proseso ng appointment, mag-iiwan ang Pangulo ng pangmatagalang pamana ng isang malakas, independyente, at kapani-paniwalang Comelec.

 

 

Ang Comelec ay kasalukuyang binubuo nina acting chairperson Socorro Inting, Commissioners Marlon Casquejo, Aimee Ferolino at Rey Bulay. GENE ADSUARA 

PDU30 ipinagmalaki na natupad na niya ang pangako sa PNP at AFP

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMAMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang pangako nito sa mga kasundaluhan at kapulisan gaya ng pag-doble ng kanilang sahod.

 

 

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na mula ng pagkaupo niya ay tiniyak niya na aayusin ang kalagayan ng mga sundalo at kapulisan.

 

 

Ilan sa mga dito ay ang pagkakaroon ng ngayon ng mga upgrades sa armas ng mga kapulisan at kapulisan.

 

 

Nagkaroon din ang bansa ng mga bagong air assets at maging ang naval assets ng bansa.

 

 

Napagtanto niya kasi na mula noong maupo bilang alkalde ng Davao ay mahalaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa kapulisan at kasundaluhan.

 

 

Noong 2018 ay nagsimula ng itaas ng gobyerno ang sahod ng mga kapulisan at sundalo sa bansa. (Daris Jose)

Maraming bansa nagkondena sa pag-angkin ng Russia sa 2 breakaway region ng Ukraine

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMARAMI pa ang mga bansa na nagkondena sa tila pag-angkin na ni Russian President Vladimir Putin sa dalawang breakaway region ng Ukraine, ang Donetsk at Luhansk.

 

 

Ilan sa mga bansa na naglabas agad ng kanilang pagkondena ay ang United Kingdom, Germany at France.

 

 

Ayon sa nasabing mga bansa na ang hakbang na ito ni Putin ay isang paglabag sa International Law at isang malaking hamon sa diplomatic effort para sa mapayapang pag-aayos at political solution sa kasalukuyang kaguluhan.

 

 

Hinikayat nila ang Russia na bawiin ang naging desisyon nito.

 

 

Magugunitang inanunsiyo ni Putin na matagal na niyang pinag-isipan na killalanin bilang bahagi nila ang nasabing breakaway region ng Ukraine.

 

 

Matapos ang naganap na anunsiyo na ito ni Putin ay nagdiwang ang mga tao sa Donetsk at Luhansk kung saan nagsilabasan sila sa kanilang bahay at nagsindi pa ng fireworks.

 

 

Sa panig naman ng US ay agad na tinawagan ni US President Joe Biden si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy at tiniyak nito na nasa likod pa rin nila ang Amerika at mga kaalyadong bansa.

 

 

Nagbigay din ng update si Biden sa Ukrainian President na kanilang inaayos na ang sanctions na ipapataw sa Russia.

Djokovic pasok na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championship

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championships si Serbian tennis star Novak Djokovic.

 

 

Tinalo kasi nito si Lorenzo Museti ng Italy sa score na 6-3, 6-3.

 

 

Ito ang unang laro ni Djokovic ngayong taon matapos na ito ay ma-deport sa Australia nitong Enero dahil sa hindi pagsiwalat ng kanyang vaccination status.

 

 

Sinabi nito na nasiyahan siya sa kaniyang laro dahil sa ito ang unang pagkakataon na maglaro ngayong taon.

 

Vax certs ng 8 bansa nadagdag sa kikilalanin ng Pinas

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALO pa ang nadagdag sa listahan ng mga bansa na kinikilala ng Pilipinas ang vaccination certificates laban sa COVID-19.

 

 

INIHAYAG ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagtanggap sa vaccination certificates ng mga biyaherong manggagaling sa Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.

 

 

Kamakailan ay 15 bansa ang kinilala rin ng IATF ang vaccination certificates.

 

 

Kabilang dito ang Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau Special Administrative Region at Syria.

 

 

Muling inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation One Stop Shop at Bureau of Immigration na kilalanin ang mga katibayan ng bakuna laban sa COVID-19 ng mga nabanggit na bansa.

LRTA at LRMC nagbibigay ng bakuna sa piling estasyon ng LRT 1 & 2

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nagbukas ng vaccination sites sa mga piling estasyon ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Manila, Antipolo at Pasay.

 

 

Bukas na ang LRT 1 Central station sa Manila kahapon at matatapos sa Biyernes na nagsisimula sa 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ang mga available na brands ay ang AstraZeneca, Moderna at Sinovac. Habang ang Baclaran station ay magbubukas ngayon simula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

 

 

Ayon sa LRMC, ang vaccination site ay bukas para sa mga taong may edad na 18 pataas na gustong magpabakuna ng unang shot. Mayron din booster shot na available para sa mga taong nabigyan na ng primary vaccines mula sa ibang facilities at lokal na pamahalaan. Kailangan lamang ang mga tao ay mag register sa www.manilacovidvaccine.ph.

 

 

Mayron din representatives mula sa Manila Health Office ang naka standby upang tumulong sa mga taong gustong mag register.

 

 

“This initiative highlights the importance of having relationship with our government partners. We are grateful to be partnering with the Manila city government. We share the same goal of protecting commuters and making COVID-19 vaccine more accessible to the public,” wika ni LRMC head ng health, safety, environment and quality department Louernie De Sales.

 

 

Nakipagugnayan din ang LRMC sa siyudad ng Pasay para sa pagbubukas ng vaccination site para sa second dose at booster shots. Makikipagugnayan rin ang LRMC sa iba pang lokal na pamahalaan para sa karagdagang rollout sa ibang estasyon ng LRT 1.

 

 

Nagsimula rin ang vaccination sa estasyon ng Recto at Antipolo sa LRT 2 rail system. Mayron vaccination sa estasyon ng Recto kada Martes at Huwebes simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Habang ang estasyon naman sa Antipolo ay may vaccination ng Miyerkules at Biyernes simula sa 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

 

 

“Commuters may take the train and get vaccinated for primary COVID-19 vaccines and booster shots. Eligible individuals could get vaccinated by registering at manilacovid19vaccine.ph at antipolobantaycovid.appcase.net,” saad ng LRTA.

 

 

Hinihikayat ng LRTA administrator Jeremy Regino ang mga commuters kasama ang kanilang pamilya na mag avail ng booster jabs para sa karagdagang proteksyon at ganon din para sa mga wala pang mga bakuna.

 

 

“Through the assistance of the city governments of Manila and Antipolo, we are making COVID-19 vaccines easily available and convenient to commuters,” dagdag ni Regino.

 

 

Sinigurado naman ng LRTA ang publiko na ang mga vaccination sites sa Recto at Antipolo ay compliant sa mga health protocols ng Department of Health (DOH).  LASACMAR