• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 3rd, 2022

FINAL TRAILER OF “MORBIUS” UNLEASHES THE DARKNESS INSIDE

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments
“LET go of what you used to be. Discover who you’re meant to be.” 
Columbia Pictures has just released the final trailer of its upcoming Marvel action-thriller Morbius starring Jared Leto.  

 

 

Check it out below and watch Morbius exclusively in Philippine cinemas March 30.

 

YouTube: https://youtu.be/ZOjXgec3gdw

 

About Morbius

 

One of Marvel’s most compelling and conflicted characters comes to the big screen as Oscar® winner Jared Leto transforms into the enigmatic antihero Michael Morbius. Dangerously ill with a rare blood disorder and determined to save others suffering his same fate, Dr. Morbius attempts a desperate gamble.  While at first it seems to be a radical success, a darkness inside him is unleashed. Will good override evil – or will Morbius succumb to his mysterious new urges?

 

Morbius is directed by Daniel Espinosa, story by Matt Sazama & Burk Sharpless, screenplay by Matt Sazama & Burk Sharpless and Art Marcum & Matt Holloway, based on the Marvel Comics.

 

Produced by Matt Tolmach, Avi Arad and Lucas Foster. The executive producers are Louise Rosner and Emma Ludbrook.

 

The film stars Jared Leto, Matt Smith, Adria Arjona, Jared Harris, Al Madrigal with Tyrese Gibson.

 

Morbius is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #Morbius

 

(ROHN ROMULO)

P13.8 M SHABU, NASABAT SA ISANG HABAL-HABAL DRIVER SA BUY BUST SA CAVITE

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMAYO pa ang isang habal-habal na driver sa Cavite upang magdeliver ng mahigit P13 milyon halaga ng shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa isang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ang suspek na si  Jay-r Fuenteveros y Banal, alias “Panget”, nasa wastong edad ng  Hermanos Compound, Bicutan, Parañaque City

 

 

Sa ulat, dakong alas-12:00 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A Cavite PO, PDEA IS, PDEA RO-NCR, AFP, Cavite DEU  at Bacoor City Police Station sa Pulong Mabilog St., Brgy Molino IV, Bacoor City, Cavite kung saan target ang suspek.

 

 

Ayon kay Asst Regional Director Billy Viray, PDEA IV-A, ang pagkakaaresto sa suspek ay bunsod sa tip ng kanilang confidential informant kung saan nagsagawa ng surveillance sa area na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek

 

 

Ayon sa suspek, hindi niya umano alam na droga ang laman ng dala niya sa kanyang habal-habal  na idi-deliver sa isang tao sa Cavite at binayaran lamang siya ng P1,000 kapalit ng kanyang pagde-deliver.

 

 

Narekober sa suspek ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P13,800,000 na nakalagay sa tea bag.

 

 

Kasong paglabag sa Sec 5 at 11, Article ii ng RA 9165 ang kinakaharap ng suspek. (GENE ADSUARA)

LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan.

 

 

Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan.

 

 

Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa Alert Level 1, na nagpapahintulot sa pampublikong sasakyan na umaandar nang may kapasidad.

 

 

Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, walang katotohanan ang mga agam-agam na pagkatapos ng March 2022 ay ipe-phase out na daw ang mga jeep.

 

 

Noong Martes, nagprotesta ang mga jeepney driver at operator sa pamumuno ng Piston laban sa pag-phase-out ng mga tradisyunal na Public Utility Vehicles sa ilalim ng modernization program ng gobyerno, sa harap ng Land Transportation Office sa East Avenue sa Quezon City.

 

 

Ngunit sinabi ni Cassion na pinag-iisipan ng gobyerno na palitan ang mga diesel-powered jeepney, ngunit binigyang-diin na magtatagal ang programa.

 

 

Ang isa sa mga layunin ng programa ng modernisasyon ay upang ihinto ang mga mapanganib na emisyon ng sasakyan sa pamamagitan ng pag-phase out ng mga unit na may mga lumang makina.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 45) Story by Geraldine Monzon

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATALIKURAN sana ni Bernard ang babae ngunit bigla siya nitong niyakap mula sa likuran.

 

“Bernard please!”

 

Sa aktong iyon bumungad sa pintuan ng opisina si Angela.

 

“Bernard…”

 

Sabay na napalingon kay Angela ang dalawa. Mabilis na inalis ni Bernard ang mga kamay ni Regine na nakayakap sa kanya.

 

“Angela, sweetheart!” hindi maiwasan ni Bernard ang mamutla.

 

Habang si Regine ay nakaisip agad ng sasabihin.

 

“Angela, I’m sorry kung nakita mong nakayakap ako kay Bernard, nagmamakaawa kasi ako sa kanya na huwag akong paalisin sa trabaho, nagkataon kasi na nagtatanggalan ngayon at inuna sa listahan ng mga matatanggal ang mga huling nakapasok.” Pagkasabi niyon ay nilapitan ni Regine si Angela at hinawakan ang mga kamay nito. “ Please Angela, alam nyo naman na kailangang kailangan ko ang trabahong ito, help me to stay here please!” sabay yakap din niya rito.

 

Inalis ni Angela ng pagkakayakap sa kanya ni Regine.

 

“Regine, hindi ko alam kung paano kita matutulungan…pwede bang mag-usap muna kami ng asawa ko?”

 

“Sure, sige lalabas na muna ko.”

 

Nang makalabas na ito ay agad nilapitan ni Bernard si Angela.

 

“Sweetheart, kanina pa ako kinukulit ni Regine, tinalikuran ko na nga siya, pero …” umaasa si Bernard na walang narinig si Angela sa mga napag-usapan nila ng babae.

 

“Totoo bang magtatanggalan?”

 

“Actually napag-usapan na ‘yon sa meeting kaya sinabihan ko na si Regine para hindi na siya mabigla. Pero may chance pa naman na hindi matuloy kung makukuha namin yung target client this week.”

 

“Gano’n ba…”

 

Kinuha ni Bernard ang kamay ng asawa.

 

“Sweetheart, huwag mo sanang bigyan ng kahulugan ang nakita mo. Alam mo naman ang mga kilos ni Regine, dati pa siyang gano’n diba?”

 

“Buo ang tiwala ko sa’yo Bernard. Alam kong hindi mo sisirain ‘yon.” mariin at makahulugan ang sinabing iyon ni Angela.

 

Isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Bernard.

 

“Ano nga palang ginagawa mo rito, diba ako dapat ang susundo sa’yo sa restaurant?”

 

“May binili lang kasi akong malapit dito sa office mo kaya dumaan na rin ako.”

 

“Okay, tatapusin ko lang itong ginagawa ko, upo ka muna.”

 

Habang pinagmamasdan si Bernard ay naiisip ni Angela ang tagpong nadatnan niya. Pilit man niyang iwaksi sa isip ang pagdududa ay parang anay naman itong nagsusumiksik sa puso niya. Sana lang ay mali ang hinala niyang sine-seduce muli ni Regine ang kanyang asawa.

 

Sa isang bar naglagi si Jeff kasama ang isang kaibigan na may-ari nito.

 

“O ano ‘dre ,nakahanap ka na ba ng katapat?” pang-aasar ni Brye nang sabihin niya rito ang tungkol kay Andrea.

 

“Sabihin na nating oo, pero sa akin pa rin ang bagsak niya!”

 

“Talaga ba? Paano kung mahulog ang loob niya ro’n sa pinsan mo, lalo pa at staff pala sa resto nila ‘yung gagong ‘yon?”

 

“Kahit magsumiksik pa siya kay Andrea hinding hindi mahuhulog ang loob nito sa kanya.”

 

“Weh? Paano ka naman nakasiguro?”

 

“Sisiguraduhin ko…” sabay tungga ni Jeff sa hawak na baso ng alak.

 

Naguguluhang napailing na lang si Brye.

 

“Cheers for Andrea!” anito na tinugunan naman ni Jeff. “And for Jared!” dugtong pa ni Brye.

 

“Lukoluko!” sabay pabirong batok ni Jeff sa kaibigan.

 

Nag-alala si Bela nang malaman mula kay Manang Sonya na hindi umuwi si Jeff sa kanila.

 

“Haist…saan na naman kaya nagsuot ang mokong na ‘yon…baka naghanap na naman ng babae na magco-comfort sa kanya…” inis na naisaloob ni Bela habang nakaupo sa terrace.

 

Gusto niya sanang i-dial ang number nito para tanungin pero nagdalawang isip siya.

 

“Kapag tinawagan ko siya, iisipin niya na nag-aalala ako sa kanya…kapag naisip niya ‘yon siguradong iisipin na rin niya na may gusto talaga ko sa kanya…”

 

Pero hindi talaga siya mapakali. Dapat sanay na siya sa ganoong istilo ni Jeff dahil noon pa man ay lulubog lilitaw na lang ito sa bahay at kung minsan ay may karay pang babae pag-uwi. Iniiyakan man niya ito noong kasambahay pa siya at isinusumbong sa kaibigang si Janine, after no’n okay na siya. Pero bakit ngayon parang nahihirapan siyang tanggapin na ganoong klaseng lalaki talaga ito? Maangas,tamad at babaero pa. Bakit ba kasi ito pa ang nagustuhan ng puso niya?

 

Dahil wala pa ang mga magulang, naisipan ni Bela na magluto ng meriendang sopas para kay Lola Corazon.

 

“Sigurado marami na naman kaming mapapagkuwentuhan ni Lola Corazon kaya tamang tama itong mainit na sopas habang nagtsitsikahan kami.”

 

Nang matapos magluto ay dinala nan i Bela ang sopas na may kasamang mainit na monay sa kuwarto ng matanda.

 

“Lola, time for tsika na ulit tayo with my special sopas pa!”

 

Inilapag ni Bela ang tasa ng mainit na sopas sa table na nasa kuwarto ng matanda. Sinulyapan niya ito.

 

“Aba at mukhang napasarap ang tulog ni lola ah.”

 

Naupo si Bela sa gilid ng kama nito. Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan, hinawakan niya ito sa kamay.

 

“L-lola…Lola Corazon?”

 

Sinalat niya ang leeg at pulso nito.

 

“Lola?”

 

Niyugyog ni Bela ang lola niya.

 

“Lola! Lola!”

 

Ngunit wala ng tugon mula sa matanda. Nanatili itong nakapikit.

 

“Lola Corazon!” sabay yakap ng dalaga rito.

 

“Lola, huwag ka munang umalis, marami pa tayong pag-uusapan diba?” umiiyak na sabi ni Bela.

 

Habang sakay ng kotse pauwi ay pinag-uusapan nina Bernard at Angela ang tungkol sa big client na hinihintay ng kumpanya nila Bernard na mapa-oo para maisalba ang kumpanya. Totoo namang nalulugi na ito.

 

“Ako ang nautusan na makipag-meet sa client. Kapag nai-close ko ang deal sa kanya, sigurado na ang promosyon ko.”

 

“Talaga sweetheart? Goodluck, alam ko naman na kayang kaya mo ‘yan.”

 

“By the way sweetheart, about kay Regine, kung sakali na maisalba ang kumpanya, hindi na matutuluyan na matanggal siya diba?” tanong ni Angela sa nasabi kanina ni Bernard.

 

“Hindi na.”

 

Huminga ng malalim si Angela. Deep inside kasi ay parang hindi na siya komportable na kasama ito ni Bernard sa trabaho.

 

Samantala.

Naiinip na ang client na makaharap si Bernard.

 

“Bernard Cabrera…see you soon…” sa isip nito habang nakaupo sa swivel chair.

 

(ITUTULOY)

Kharkiv, Ukraine inulan ng missile sa Russia

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGDULOT  ng malawakang damyos ang ginawang pag-atake ng Russian forces sa residential areas ng Kharkiv, Ukraine.

 

 

Sinabi ni regional head ng Kharkiv na si Oleh Synehubov na gumamit ang Russia ng Grad missiles isang artillery system na nakalagay sa truck na kayang pagkawala ng maraming missiles sa nasabing lugar.

 

 

Tinarget umano nila ang regional state administration office kung saan kanilang ini-estimate ang kabuuang damyos sa lugar.

 

 

Ito na ang pangalawang lugar sa Ukraine na may matinding pagsalakay ng Russian forces kasunod ng Kyiv.

 

 

Ang ginawa umano ng Russia ay isang malinaw na paglabag sa Geneva conventions kung saan ang nasabing bansa pa ang nag-ratipika na nagsasaad na ang pag-target ng mga sibilyan ay ikinokonsiderang war crimes.

‘Price ceiling’ sa mga bilihin hirit sa ika-9 linggo ng oil price hikes

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN na ng “price ceiling” ang ilang magsasaka’t consumer sa Department of Trade and Industry (DTI) para mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng ikasiyam na sunod na linggong pagtaas ng presyo ng langis — ito habang sinasakop ng Russia ang Ukraine.

 

 

Lunes nang sabihin ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na posibleng tumaas sa 3.2% ang inflation rate nitong Pebrero kahit na bumaba ito sa 15-month low nitong Enero dahil sa walang humpay na pagmamahal ng produktong petrolyo at pagkain.

 

 

“The government is not helpless in addressing price hikes. The DTI may recommend the imposition of mandated price ceiling on basic and prime commodities as stipulated in the Price Act of 1992,” ani Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson emeritus Rafael Mariano, Miyerkules.

 

 

“The government has power and authority to act on price hikes. Basic sectors — workers, farmers, and consumers are most vulnerable to ‘price shocks.’ The absence of any aid or economic relief for marginalized sectors worsens the situation.”

 

 

Sa pagtaas ng presyo n langis, na ginagamit sa pagtransporta ng iba’t ibang produkto, sinasabing tumaas ang presyo ng bigas, karne, manok, tinapay, gulay atbp. Maliban pa ‘yan sa mataas na presyo ng pataba sa lupa.

 

 

Ani Mariano, na chair din ng Anakpawis at dating kalihim ng Department of Agrarian Reform, maaari ring gumawa ng “buffer fund” sa mga implementing agencies para bumili, mag-import o stockpile ang gobyerno ng anumang basic necessity o prime commodity at maibenta ito sa publiko sa murang halaga.

 

 

“The DTI and DA can procure and stockpile basic goods and sell to them to the public at much lower and affordable prices,” dagdag pa ni Mariano.

 

 

Una nang nanawagan ng suspensyon ng pagkolekta ng fuel excise tax si vice presidential candidate Rizalito David kaugnay ng pagtaas ng presyo ng gasolina habang price controls naman ang itinutulak ng katunggali niya na si dating Akbayan Rep. Walden Bello.

 

 

Patung-patong na ngayon sa Kamara ang nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag na ng special session kasama ang Kongreso para pag-usapan paano kakaharapin ang isyu ng pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Ano ang pwede i-‘price ceiling’ sa batas?

 

 

Ilan sa mga dahilan para magkaroon ng mandated price ceiling sa ilalim ng batas ang mga kalamidad, banta o epekto ng emergency, malawakang pagmamanipula ng presyo, artipisyal o unreasonable price increases sa bassic at prime commodity.

 

 

“The President, upon the recommendation of the implementing agency, or the Price Coordinating Council, may impose a price ceiling on any basic necessity or prime commodity if any of the following conditions so warrants,” ayon sa Republic Act 7581 o Price Act.

 

 

Ilan sa mga “basic necessities” at “prime commodities” na pwedeng ayon sa RA 7581  ang sumusunod:

  • *bigas
  • *mais
  • *tinapay
  • *isda atbp. lamang-dagat
  • *sariwang baboy, baka at poultry gaya ng manok
  • *sariwang itlog
  • *gatas
  • *sariwang gulay
  • *root crops
  • *kape
  • *asukal
  • *mantika
  • *asin
  • *sabong panlaba
  • *detergent
  • *kahoy panggatong
  • *uling
  • *kandila
  • *mga gamot na tutukuyin ng Department of Health
  • *harina
  • *dried, processed at canned pork
  • *beef at poultry meat
  • *dairy products na hindi basic necessities
  • *noodles
  • *sibuyas
  • *bawang
  • *suka
  • *patis
  • *toyo
  • *sabon
  • *pataba sa lupa
  • *pestisidyo
  • herbicides
  • poultry
  • pagkain ng baboy at baka veterinary products para sa poultry, baboy and at baka
  • papel
  • school supplies
  • nipa shingles
  • sawali
  • semento
  • clinker
  • GI sheets
  • hollow blocks
  • plywood
  • plyboard
  • pako
  • battery
  • electrical supplies
  • bumbilya
  • steel wire

MASSAGE PARLORS, TUTUTUKAN SA HUMAN TRAFFICKING

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUTUTUKAN   ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga massage parlors na sangkot sa human trafficking ngayon na ang Metro Cebu ay gumaan ang quarantine restrictions .

 

 

Ito ay bunsod  sa pagkakaaresto ng NBI field office sa Mandaue City ang tatlong personalidad kasunod ng  simultaneous counter-human trafficking operation isa dalawang  massage parlors sa kahabaan ng  H. Cortes Street sa nasabing lungsod kung saan nasagip naman ang 20 kababaihang  therapists.

 

 

Sinabi ni Arnel Pura, NBI director ng Mandaue City office, na ang kanilang sentral na tanggapan ay may mga tiyak na tagubilin upang ilagay ang mga posibleng hotbed ng human trafficking sa Metro Cebu sa ilalim ng surveillance.

 

 

“Human trafficking is one of the primary jurisdictions where the NBI can conduct investigation and operation. In line with this mandate, Central Visayas regional office and Cebu district office agents and operatives conducted a counter-human trafficking operation last February 24, involving operations of two massage parlors,” ayon pa kay Pura .

 

 

Ayon sa ulat, ang dalawang establisimento ay nag-e-empleyo ng babaeng therapists ngunit nalaman ng mga sumunod na imbestigasyon na ang lugar ay para sa prostitusyon.

 

 

Aniya, nagpapatakbo sila bilang mga massage parlor ngunit isa talaga silang prostitution den kung saan ang mga biktima ay inalok para sa sekswal na aktibidad kapalit ng pera.

 

 

Nalaman din ng NBI na dalawang establisyimento ang kumokolekta ng P1,700 bilang fee para sa services ng isang attendant na ayon kay Pura ay malayo sa ordinaryong massage fee na P300 hanggang P500.

 

 

Dagdag nito, natukoy na ang may-ari ng dalawang massage parlors na ngayon ay iniimbestigahan na at posibleng makasuhan ng paglabag sa Republic Act 9208, o  Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

 

 

Nasa kustodiya naman ng Department of Social Welfare and Development (DWSD)  Central Visayas field office facility for women ang mga nasagip na kababaihan na nasa edad 20 hanggang 30. (GENE ADSUARA)

PROYEKTONG MAS MAGPAPAANGAT SA BUHAY NG NAVOTEÑOS, SISIMULAN

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sinimulan ng tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga palaisdaan sa Tanza na may kabuuang 343 hectares airport support services.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño dahil dito itatayo ang iba’t ibang airport support industries para sa New Manila International Airport tulad ng aviation maintenance, airpot catering, fast cycle logistics, tourism at iba pa.

 

 

Magmula Tanza, ang integrated tool expressway ay didiretso sa New Manila International Airport sa Bulacan, Bulacan kung saan ang Navotas ay mapupunta sa pagitan New Manila International Airport at ng ibang mga lugar sa Metro Manila.

 

 

Maghahatid aniya ang proyektong ito ng mas marami pang oportunidad ng hanapbuhay at trabaho para sa mga Navoteño.

 

 

Sa bisa ng ordinance No. 2021-40 na inaprubahan ni Mayor Tiangco noong July 21, 2021, 70% ng mga empleyado ay dapat mga Navoteño.

 

 

“Ang Navotas institute ay magbubukas ng mga kursong kinakailangan upang maihanda ang ating mga kababayan para sa mga skills na kinakailangan. Makakaasa po kayo na hindi tayo hihinto sa pagsusumikap na ipagpatuloy ang pag-unlad ng Navotas at pag-angat ng buhay ng bawat Navoteño,” ani Mayor Toby.

 

 

“Ang plano ng Manila International Airport ay mula sa world renowned urban planner Arch. Jun Palafox na isa sa nagdevelop ng napaka-progresibong siyudad na Dubai at nag likha ng libu-libong mga trabaho sa higit na apat-napung bansa”, pahayag naman ni Cong. John Rey Tiangco. (Richard Mesa)

Pag-shift sa Alert Level 1, makadaragdag ng ₱9.4B sa ekonomiya kada linggo kabilang na ang ₱3B sa sahod— NEDA

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagpapagaan sa Kalakhang Maynila at 38 iba pang lugar sa Alert Level 1 ay inaasahan na makadaragdag ng ₱9.4 bilyong piso sa buong ekonomiya kada linggo.

 

 

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Chua na sa nasabing halaga, ₱3 bilyong piso ay karagdagan para sa pasahod.

 

 

“The areas downgraded to Alert Level 1 account for 62% of the Philippine economy,” ayon kay Chua sabay sabing ang ginawang pag- shift ng alert level status ay mapakikinabangan ng 20.3 milyong manggagawa o 48% ng labor force sa bansa.

 

 

Inaasahan naman na ang national unemployment tally ay bababa ng 170,000 sa susunod na quarter dahil sa pinagaan na restriksyon.

 

 

“Meanwhile, if the entire country is placed under Alert Level 1, ₱16.5 billion would be added to the economy every week, Chua said. Workers’ salaries are expected to increase by ₱5.2 billion too,” dagdag na pahayag ni Chua.

 

 

Ang pag-shift sa pinakamababang level ng COVID-19 alert system ay nakikitang magiging pangunahing kapaki-pakinabang sa tourism industry, matinding tinamaan ng COVID-19 health crisis dahilan upang isara ang border at nagpatupad ng mahigpit na paggalaw.

 

 

“Sa 2020, ₱1.5 trillion ang nawala sa tourism sector pero at least one half of that — ₱750 billion — ay pwede nating mabawi given that we are in Alert Level 1,” ayon kay Chua.

 

 

Samantala, inaasahan naman ng economic team ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay babalik na sa pre-pandemic level,.

 

 

“Especially since the end-2021 tally already comprises 99.4% of end-2019 GDP,” ang pahayag ni Chua. (Daris Jose)

Ukraine President, nagpahayag ng katatagan para sa kalayaan sa kanyang madamdaming talumpati sa harap EU

Posted on: March 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG makabagbag damdamin ang ibinahagi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa kanyang naging talumpati sa European Parliament.

 

 

Sa kanyang mensahe ay ipinahayag ni Zelenskyy ang kanyang katapangan at katatagan na sumasalamin din sa pakikibaka ng Ukraine ngayon sa kasagsagan ng mas umiinit pang tensyon nito laban sa Russia.

 

 

Sinabi ng pangulo ng Ukraine na walang sinuman ang makakasira sa Ukraine na nakikipaglaban para sa kanilang bayan at kalayaan.

 

 

Ani Zelenskyy, isa sa mga dahilan ng kanilang pakikipagbaka sa gitna ng krisis na kinakaharap ng kanilang bansa ay upang maging isang equal na miyembro ng Europa.

 

 

Sa pamamagitan din ng talumpati ay nanawagan si Zelenskyy sa European Union na patunayan aniya ng mga ito na kasama nila ito sa kanilang pakikipaglaban at hindi sila nito pababayaan.

 

 

Ang naturang talumpati ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ay sinundan naman ng standing ovation at malakas na palakpakan mula sa mga tagapakinig nito, na ang karamihan ay nakasuot ng T-shirt na may nakalimbag na #standwithUkraine dala ang bandera ng Ukraine, habang ang iba naman ay nakasuot ng blue-and-yellow na scarf o ribbon.