• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2022

US nagpadala ng Patriot missiles sa Poland bilang proteksyon laban sa posibleng pag-atake ng Russia

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPADALA  ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine.

 

 

Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles.

 

 

Sinabi ni Capt. Adam Miller ang tagapagsalita ng EUCOM na ang desisyon ng paglalagay ng patriot missiles ay base na rin sa utos ng US Secretary of Defense at sa kanilang Polish allies.

 

 

Ang nasabing hakbang aniya ay inilaan para labanan ang anumang panghihimasok laban sa mga kaalyadong bansa.

NIGERIAN NATIONAL NA SANGKOT SA CYBER CRIME, IKINUSTODIYA NG BI

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK  na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na nauna nang naaresto at ikinulong dalawang taon na ang nakararaan dahil sa pagkakasangkot sa credit card fraud and cyber-crime activities.

 

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang Nigerian national na si Emmanuel Obi Nwadkure, 26, na inaresto sa Hall of Justice bldg. sa  Muntinlupa City.

 

 

Ang FSU ay armado ng mission order na inisyu  ni Morente na isinilbi sa Nigerian habang nag-attend ng kanyang hearing  sa Muntinlupa City regional trial court.

 

 

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy  na kinakailangan na nasa kustodiya nila ang Nigerian para masiguro na hindi tatakas o magtatago habang dinidinig ang kaso laban sa kanya.

 

 

Sinabi pa ni Sy ay pinayagan mag-piyansa ang dayuhan kaya pinakawalan sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

 

Paliwanag ni Sy na sa kasalukuyang batas, ang isang dayuhan na may pending criminal case at nakalaya dahil sa piyansa ay kinakailangan ilipat sa kustodiya ng BI bilang bahagi ng deportation proceedings.

 

 

Sa datos, ang Nigerian national ay overstaying na, kung saan inaresto noong  Sept. 8, 2020 ng mga ahente ng anti-cyber crime unit ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa paglabag sa  Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998. (GENE ADSUARA)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 51) Story by Geraldine Monzon

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANG UMALIS sina Jeff at Bela sakay ng motor, napansin ng huli na may kotseng sumusunod sa kanila. Nakumpirma nila ito nang lumiko sila sa isang kanto at sumunod pa rin ito. Pinaharurot ni Jeff ang motor. Napatili naman si Bela nang bigla na lang silang paulanan ng bala ng humahabol sa kanila.

 

“EEEEEE!”

 

“KUMAPIT KA LANG SA’KIN BELA, HUWAG KANG BIBITAW, HIGPITAN MONG MABUTI ANG KAPIT MO!”

 

“OO JEFF, HINDI AKO BIBITAW, SINO BA SILA, BAKIT NILA TAYO BINABARIL?”

 

“HINDI KO ALAM, WALA AKONG KAAWAY!”

 

“MAS LALO NAMAN AKO, WALA RIN AKONG KAAWAY!” pagkasabi niyon ay biglang sumagi sa isip ni Bela si Regine.

 

Hindi pinanghinaan ng loob si Jeff. Idiniretso pa rin niya ang pagpapaharurot sa motor sa kabila ng mga balang humahabol din sa kanila. Naramdaman ni Bela na tinamaan siya sa balikat. Pero hindi lumuwag ang kapit niya sa binata. Sa halip ay lalo pa niyang hinigpitan. Hindi niya sinabi rito na tinamaan siya dahil ayaw niyang mawala sa pokus sa pagmamaneho si Jeff. Tinatagan na lang niya ang loob.

 

Ngunit ang mga nasa loob ng kotse ay desidido sa kanilang pakay. Walang balak huminto. Hanggang sa masapul si Jeff sa likuran ng ilang beses. Lingid sa kanya ay nauna nang matamaan si Bela dahil ito ang nasa likuran niya. Unti-unting lumuwag ang pagkakakapit ng dalaga sa beywang ng binata. Sa tingin niya ay makakabitaw na siya. Hindi na niya kaya…

 

“Jeff…”

 

Nakadama na rin ng panghihilo ang binata at panlalabo ng paningin. Nagsimula silang gumewang dahil hindi na halos nito makontrol ang manibela. Matapos nilang magpagewang gewang ay tuluyang bumagsak ang motor kasabay ng kanilang pagbagsak.

 

Saka lamang huminto ang pag-ulan ng bala. Bumaba ang isa sa mga lalaking nasa loob ng sasakyan. Lalapitan sana nito ang dalawa upang siguraduhin ang kamatayan ng mga ito ngunit biglang may dumating na police patrol kaya’t nagmamadali ring bumalik sa sasakyan ang lalaki at agad na silang umalis sa lugar.

 

Parehong duguan na nakahandusay sa kalsada sina Jeff at Bela. Pilit inaabot ni Jeff ang kamay ni Bela na nakapikit na.

 

“B-Bela…Bela…” paulit-ulit niyang tawag sa nanghihina niyang boses.

 

Nang sa wakas ay mahawakan niya ang kamay ng dalaga ay sinikap niyang makausad ng gapang palapit dito.

 

“Bela… Lord, save her…” ani Jeff sa tinig niyang siya lang din ang nakakarinig.

 

Niyakap niya si Bela hanggang sa unti-unti na ring pumikit ang kanyang mga mata.

 

 

Patakbong nagpunta sa emergency room sina Bernard at Angela. Subalit hanggang pintuan na lamang sila dahil pinigilan na sila ng isang staff na makapasok sa loob kung saan inaasikaso na ng mga doktor sina Jeff at Bela.

 

Napatingin sila sa mag-asawang kinakausap ng isang pulis. Napatingin din sa kanila ang mga ito. Lumapit sila.

 

“K-kami po ang mga magulang ni Bela, kayo po ba ang mga magulang ni Jeff?” si Angela.

 

“Yes.” sagot ng mommy ni Jeff.

 

Sa gitna ng kanilang pagluha ay pinag-usapan nila ang nangyari sa kanilang mga anak.

 

“Gagawin namin ang lahat para malaman kung sino ang may gawa nito sa kanila.” anang ama ni Jeff na isang businessman.

 

“Kami rin. Pagtulungan nating resolbahin ito. Hindi kami papayag na hindi magbayad ang nasa likod ng pananambang sa kanila.” sagot ni Bernard.

 

Sa chapel ng ospital nilapitan ni Cecille si Angela at naupo sa tabi nito.

 

“Minsan din niya akong naging ina…at sa mga panahong iyon, itinuring ko talaga siyang akin.” pagbubukas ni Cecilia ng usapan. “Hindi ko akalain na siya pala ang batang matagal nyo nang hinahanap…nang maduda ako sa narinig ko mula kay Chief Marcelo, natakot ako…natakot ako na dumating ang panahon na mawala na siya sa akin, kaya kahit masakit, pilit ko nang sinanay ang sarili ko na wala na talaga siya sa buhay ko, alam kong dinamdam niya ‘yon…ngayon ko lang na-realize na hindi ko talaga kayang mawala si Bela sa akin, ang aking si Andrea…”

 

“Noong mawala sa akin ang anak ko…pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.” tugon ni Angela na ang mga matang may luha ay nananatili sa altar. “Ngunit nang ibalik siya sa akin ng langit, sa isang iglap ay muling nabuo ang mundo ko, ang mundo namin ni Bernard…kaya kung mawawala ulit siya sa akin, baka hindi ko na kayanin…”

 

“Angela, bilang isang ina, karamay mo ako, karamay mo ako sa panalangin para sa kaligtasan niya at gayundin ni Jeff.”

 

Tumingin si Angela kay Cecilia.

 

“Salamat Cecille…”

 

Nakarating na rin sa ospital si Regine. Agad nitong nilapitan si Bernard nang makitang mag-isa itong nakaupo sa mahabang upuan na nasa tapat ng operating room.

 

“Bernard!”

 

“Regine?”

 

“Nabalitaan ko ang nangyari, sinabi ng assistant mo.” sabay upo ng babae sa tabi ni Bernard. Hinawakan niya ito sa balikat bago muling nagsalita.

 

“I am so terribly sorry you’re having to go through this…I’m sorry for your loss…” puno ng emosyon ang mukhang anang babae.

 

Napamaang si Bernard.

 

“Regine, buhay pa ang anak ko!”

 

“What?” namula sa pagkapahiya ang babae. “I-I’m sorry, mali ang nakarating sa aking balita…”

 

Napapailing at napahugot ng malalim na paghinga si Bernard. Iniwan niya si Regine sa upuan.

 

Inis namang kinuha ng babae ang cellphone sa handbag. Naglakad sa lobby habang nakikipag-usap sa tinawagan.

 

“Akala ko ba okay na?”

 

“Yeah!”

 

“Yeahin mo ang mukha mo, she’s alive at malamang pati ‘yung idinamay nyo buhay pa.” mahina ngunit may gigil sa boses ni Regine.

 

“WHAT?”

 

“Now what?”

 

“Ok calm down. Stay close to the family. Kailangan kong malaman ang bawat galaw nila para matapos ko ang pinasimulan ko.”

 

Matapos makipag-usap ay bumalik si Regine sa upuan at doon naghintay sa pagbalik ni Bernard. Pero maya-maya lang ay nakaramdam na siya ng pagkainip dahil walang nangyayari. Hindi pa bumabalik si Bernard o si Angela man. Wala pa ring doktor na lumalabas mula sa operating room para malaman niya ang lagay ni Bela. Tumayo, umupo, nagpalakad lakad na siya.

Hanggang sa maulinigan niya ang pag-uusap ng isang lalaki at isang pulis sa di kalayuan.

 

“Kahit maubos ang pera namin chief, mapagbayad ko lang ang may gawa nito kina Jeff at Andrea.” anang lalaki kay Chief Marcelo na kadarating lang. “Kaisa-isa naming anak si Jeff kaya gagawin namin ang lahat para makuha ang hustisya.”

 

“Huwag po kayong mag-alala Mr. Dominguez, gagawin din po namin ang lahat para maresolba ang kasong ito at mahuli ang mga bumaril sa kanila.”

 

Napalunok si Regine sa narinig. Bumalik siya sa upuan na hindi mapakali. Hindi siya pwedeng madamay kung sakali. Nag-iisip siya kung paano maipagkakanulo si Roden nang hindi siya madadamay.

 

“Tama, galit si Roden kay Bernard kaya anak niya ang ginantihan nito…kung idadawit man ako ni Roden, wala siyang ebidensya na makapagpapatunay na kasabwat niya ko…tama, tama ang naisip ko…” gulo ang isip na lumabas nan g ospital si Regine.

Pagdating sa apartment ay nagbukas agad siya ng wine at muling nilunod ang sarili sa alak.

 

Ilang saglit pa at nakabalik na sina Bernard at Angela sa harap ng operating room.  Naroon din si Cecilia at mga magulang ni Jeff. Matiyaga nilang hinintay ang resulta ng operasyon.

 

Maya-maya pa ay lumabas ang isang doktor.

 

“Mr. and Mrs. Cabrera?”

 

“Kumusta po ang anak namin?” tanong agad ni Angela.

 

“Naalis na po namin ang lahat ng bala sa katawan niya. Thank God dahil naging responsive naman ang mga vital signs niya. She is still unconscious pero huwag na po kayong masyadong mag-alala, she is a survivor.”

 

Nagyakap sina Bernard at Angela nang marinig ito mula sa doktor. Hindi nila mapigilan ang luha.

 

Bumaling naman ang doktor sa mag-asawang Dominguez. Pero hindi na nito pinarinig sa iba ang sinabi sa mag-asawa. Ikinabahala ni Angela ang emosyong rumehistro sa mukha ng mga ito.

 

(ITUTULOY)

PVL schedule inilabas na

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng Premier Volleyball League (PVL) ang schedule nito para sa Open Conference na papalo sa Marso 16 sa Paco Arena sa Maynila.

 

 

Sa opening day, u­nang masisilayan ang salpukan ng Champions League titlist F2 Logistics at Philippine Army sa alas-3 ng hapon na susundan ng bakbakan ng reigning Open Confe­rence champion Chery Tiggo at Cignal HD Spi­kers sa alas-6 ng gabi.

 

 

Sunod na papalo sa Marso 17 ang laban ng PetroGazz at BaliPure sa alas-3 ng hapon at ng Creamline Cool Smashers at PLDT sa alas-6 ng gabi.

 

 

Magpapatuloy ang aksyon sa Marso 18 tampok ang laban ng Choco Mucho at Philippine Army sa alas-3 at ng F2 Logistics at Chery Tiggo sa alas-6 ng gabi.

 

 

Tatakbo ang eliminasyon hanggang sa Marso 24.

 

 

Ang apat na mangu­ngu­nang koponan sa bawat pool ang aabante sa quarterfinals.

 

 

Ang Top 2 teams sa bawat pool ay mabibiya­yaan ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

 

 

Excited na ang lahat sa pagbabalik-aksyon ng PVL partikular na sa edisyong ito kung saan masisilayan sa unang pagkakataon ang F2 Logistics.

 

 

Nasa Pool A ang F2 Logistics kasama ang Chery Tiggo, Choco Mucho, Phi­lippine Army at Cignal HD Spikers.

 

 

Magtatagisan naman sa Pool B ang Creamline, PLDT Home Fibr, PetroGazz at BaliPure.

Actress-beauty queen, inaming nakaramdam ng galit: TOM, nagpaliwag at nag-apologize kay KELLEY sa pagkakadawit sa issue

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Kapuso actress-beauty queen na si Kelley Day na nakaramdam siya ng galit nang idawit ang pangalan niya sa hiwalayan issue ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

Nagsalita si Miss Eco International 2020 first runner-up sa online show nila Boobay at Pepita Curtis na ‘Kalurks’ sa YouLOL channel.

 

Sa tanong ni Boobay kung nagkaroon ba sila ng lihim na relasyon ni Tom at siya ang tinurong dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa, heto ang sagot ni Kelly:

      “We just worked in The World Between Us. We taped from May to October. Tom is super mabait, but I wasn’t that close to him, compared to my other co-actors who became really close to him. I didn’t have many scenes with him. I didn’t know where that rumor came fro.”

Lalo pa raw nadiin si Kelley at tinawag na other woman dahil sa lumabas na blind item na tukoy na tukoy siya.

      “You know what, I can’t actually blame the people for blaming me kasi the way Cristy Fermin was doing her blind item, I would say that was definitely about me. There’s no other person in showbiz who would fit her description.     

I wanted to directly ask Cristy because she was saying she had five sources that confirmed I was the third wheel or something. I don’t know if she’s to blame or her sources are to blame, or sino ang nag-start ng rumor, but it really has nothing to do with me.

 

I had this confirmed through reliable sources close to Tom and Carla, who confirmed it has nothing to do with me and it’s all speculation. ‘Yun talaga ang totoo,” diin pa niya.

Inamin din ni Kelley na personal siyang pinadalhan ng mensahe ni Tom para magpaliwag at mag-apologize sa pagkakadawit niya sa issue. Ang bigla raw pag-bash sa kanya sa social media ang labis na ikinabahala ni Kelley, pero to the rescue daw ang kanyang ina na prinotektahan siya.

      “Noong first po, before I saw the video of Cristy, I was a bit angry with the comments I was getting kasi I thought it was coming from nowhere. Pero noong nakita ko yung video, I understand naman why people were linking me. I wouldn’t say that it is right to bash anyone online. I don’t believe in hate on social media. But I guess I can give an understanding to the people who were assuming that it was me.


      “Kasi, after two days, my mom called me and she asked me if I was pregnant because she saw everything online. She was actually, like, ‘I will support you. You don’t have to hide it.’ I was, like, ‘Ma, I’m not pregnant.’ I talked to her about it.

      “Kasi, before I told her not to attend to the bashers, just to let it go. But she really wanted to speak up after talking to me to defend me. Siyempre, bilang mother you want to be there with your daughter. So, I allowed her to do what she felt she wanted to do to protect me.”

 


      Meron naman daw boyfriend si Kelley at hindi ito taga-showbiz.

 

***

 

MARAMI nang nakaka-miss kina Liza Soberano at Enrique Gil kaya naman kinilig ang mga followers nila sa social media nang mag-post ang aktres ng photo nila ni Enrique.

 

Sa photo ay background nila ang sunset habang nakangiti at nagtititigan sila.  Sa second photo naman ay tila hahalik sila sa isa’t isa.

 

“You make my heart smile,” caption ni Liza sa Instagram post niya.

 

Naghihintay na lang ang kanilang fans kung kelan na magpapakasal ang dalawa. Seven years na raw kasi sila at nasa tamang edad na sila para magdesisyon kung kelan sila mag-settle down.

 

Sa isang interview ni Enrique noong 2021, sinabi nito: “Of course, we want to take it step by step. That’s why we’re getting into business muna. We are thinking about the future, but we have to concentrate on now,”

 


      Last year ay nagsosyo sa business ang LizQuen na HKT Essential na ang product ay affordable rubbing alcohol. Paghahanda raw ito para sa future nila ni Liza.

 


      “We just want to make sure that when we have our own family, we’re comfortable. Basta we can live comfortably, we’re fine,” sey pa ni Gil.

 

***

 

SA November 2022 na ang release ng memoir ng Friends star na si Matthew Perry titled Friends, Lovers and the Big Terrible Thing… Matthew Perry’s Ups and Downs Through the Years: A Timeline.

 

Sa naturang libro, mababasa ang ilang mga sikreto na hindi alam ng mga tagahanga nila tungkol sa mga kasama ni Perry sa Friends na sina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc at David Schwimmer.

 


      Ayon sa 52-year old actor, wala siyang pakialam kung sino ang masasaktan. Gusto lang daw niyang ilabas na ang ilang taong pagkimkim niya ng sama ng loob sa mga nakasama niya sa show for ten years.

 

Ayon sa report ng OK! Magazine: “The word is he’s going to unload on the whole crew, which has everyone in a panic. Matthew figures it’s time to come clean not just about his own life, but also about the good, the bad and the ugly things that happened on the Friends set.      

Matthew wants to recount his experiences, both good and bad, to help others and set the record straight over a number of incidents that were either untold until now, taken out of context or in some cases totally twisted the wrong way and needing complete clarification.”

 


      Nagsimula raw ang idea na magsulat si Perry ng libro pagkatapos ng kanilang Friends: The Reunion special sa HBO last year. Naging target daw siya ng katatawanan dahil sa hitsura niya.

 


      “He didn’t feel like any of them supported him, and it was a bitter reminder of how much he suffered back when they were shooting the show. They weren’t as close as people think. Their characters were so tight, but the reality is there was a lot of tension and jealousy,” sey ng source.

 

Kasama rin sa libro ang pinagdaanan na struggle ni Perry with drug and alcohol abuse. Pati na rin ang ilang failed relationships niya sa mga nagdaang taon.

(RUEL J. MENDOZA)

Krudo papalo na sa P100 kada litro

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022.

 

 

Isang araw pa lang ang ipinatutupad na pinakamataas na dagdag presyo sa loob ng taong ito ay umuugong na ang mas matinding pagtataas sa presyong ipapataw sa darating na Martes (Marso 16) at sa mga susunod na linggo.

 

 

Binanggit sa GMA News Online ng isang source mula sa oil industry sa bansa, na sa kanilang monito­ring sa kalakalakan ng langis nitong Marso 7, 2022 sa Mean of Platts Singapore (MOPS), na posibleng madagdagan pa ng panibagong pagtataas na P12.72 sa kada litro ng diesel at P8.28 naman sa gasolina sa susunod na linggo.

 

 

Ang lokal na industriya ng langis ay ­gumagamit ng Mean of Platts Singapore (MOPS), ang pang-araw-araw na average ng lahat ng transaksyon sa pangangalakal sa pagitan ng mga mamimili at nagbebenta ng mga produktong petrolyo.

 

 

Gayunman, ang nasabing price adjustment ay posible pang magbago depende sa resulta ng kalakalan sa susunod pang apat na araw.

 

 

Samantala, sa virtual press briefing, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi  na maaring umabot sa P100 kada litro ang pump prices kung aabot sa $200 ang kada barrel nito sa pandaigdigang merkado.

 

 

“The retail prices of fuel will depend on how far the prices will go up in the world market. Currently, the average retail price is at P70 per liter. If the world price hits $200 per barrel, it may result in an average retail fuel price of P100 per liter. Hopefully, it will not reach that point for us,” ani Cusi. (Daris Jose)

Kyrie Irving nagbuhos ng 50-pts sa panalo ng Nets vs Hornets

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBUHOS  ng 50 points ang NBA superstar na si Kyrie Irving upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa panalo laban sa Charlotte Hornets, 132-121.

 

 

Sa init ng kamay ni Irving nagpasok din ito ng siyam na three pointers upang tulungan ang Brooklyn na matuldukan ang apat na sunud-sunod na talo.

 

 

Batay sa NBA history kabilang si Irving sa tanging 22 players na merong limang naitalang 50-point games.

 

 

Binitbit ni Irving ang team matapos na inalat ang kanilang beterano pang All-Star na si Kevin Durant na nagpakita lamang ng 14 na puntos.

 

 

Naghahabol ang Brooklyn na umusad sa NBA playoffs dahil sa nasa pangwalong puwesto lamang sila ngayon sa Eastern Conference.

Ex-top prosecutor nahalal bilang bagong presidente ng South Korea

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAHALAL bilang bagong pangulo ng South Korea ang oposisyon at dating top prosecutor na si Yoon Suk-yeol sa ginanap na halalan nitong nakalipas na Miyerkules.

 

 

Nanguna si Yoon na nakakuha ng 48.6% na boto laban sa ruling liberal party Democratic candidate na si Lee Jae Myung na nakatipon ng 47.8% votes mula sa mahigit 99% votes na nalikom.

 

 

Ang pagkapanalong ito ni Yoon ay inaasahang magiging daan para magkaroon ng malakas na alyansa sa US at mas maigting na ugnayan sa North Korea.

 

 

Sa victory speech ng dating top prosecutor at newly elected president ng South Korea, na kaniyang igagalang ang konstitusyon at parliament gayundin makikiisa ito sa opposition party para sa matiwasay na pamumuno.

 

 

Sa buwan ng Mayo nakatakdang manumpa bilang bagong pangulo si Yoon at magsisilbi ng limang taong termino bilang lider ng itinuturing na 10th largest economy sa buong mundo.

The Voice Cast Shares How Their Kids Love ‘PAW Patrol: The Movie’

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

RAISE your PAWs up if your kids can’t stop talking about PAW Patrol!

 

 

Check out the newly released feature below on how the kids of the voice cast (led by Kim Kardashian, Dax Shepard, Tyler Perry and Jimmy Kimmel) love PAW Patrol: The Movie.

 

The PAW Patrol is on a roll! When their biggest rival, Humdinger, becomes Mayor of nearby Adventure City and starts wreaking havoc, Ryder and everyone’s favorite heroic pups kick into high gear to face the challenge head on. While one pup must face his past in Adventure City, the team finds help from a new ally, the savvy dachshund Liberty.

 

 

Together, armed with exciting new gadgets and gear, the PAW Patrol fights to save the citizens of Adventure City!

 

 

Joining the PAW Patrol in their thrilling first big screen adventure are members from the original series’ cast along with Iain Armitage, Marsai Martin, Yara Shahidi, Kim Kardashian West, Randall Park, Dax Shepard, with Tyler Perry and Jimmy Kimmel and introducing Will Brisbin.

 

 

Paramount Pictures and Nickelodeon Movies and Spin Master Entertainment Present A Spin Master Entertainment Production.

 

 

The gripping, inspiring animated adventure from Paramount Pictures opens exclusively in cinemas across the Philippines on March 16.

 

(ROHN ROMULO)

Minimum wage sa NCR ‘di na sapat, regional wage boards kailangang mag-review na – Sec. Bello

Posted on: March 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA  si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi na sumasapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng presyo sa mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.

 

 

 

Inihalimbawa ni Bello ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital Region na nasa P537 ay hindi aniya sapat para sa presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain gayundin sa iba pang gastusin sa bill ng kuryente at tubig.

 

 

 

Sa isang statement, inatasan ng kalihim ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa buong bansa na paspasan ang pag-review sa minimum wages.

 

 

 

Kumpiyansa ang Labor chief na maisusumite ng board ang kanilang rekomendasyon bago matapos ang buwan ng Abril.

 

 

 

Aminado naman ang kalihim na malaking hamon ang pagtatakda at adjustment ng angkop na antas ng minimum wage kayat mahalaga ang pagbalanse dito.

 

 

 

Nauna ng nakatanggap ng mga petisyon ang RTWPB hinggil sa minimum wage increase, isa dito ang panawagang pagkakaroon ng tinatawag na uniform increase ng P750 bilang minimum wage sa buong bansa.