• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 15th, 2022

PDu30, hindi naniniwalang babalewalain ng Comelec ang “rules’ sa ballot printing

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi babalewalain at isasantabi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga alituntunin sa pagbubukas ng ballot printing sa election observation groups.

 

 

“I do not believe it because itong Comelec naman ang mga tao diyan ay kilala ko lahat ,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy na inere, araw ng Sabado sa SMNI.

 

 

Giit ng Pangulo, wala pa siyang naririnig na ganyang paglabag. Sinabi nito na palagi namang binubuksan ng Comelec ang ballot printing at operations sa accredited election observation groups.

 

 

“I think the ballot is being printed sa  Bureau of Printing. At palagay ko naman , if there is a requirement that there should be witnesses, I am sure wala akong rason narinig na  this particular rule has been disregarded. I have not yet heard of it,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Nauna nang binatikos ng poll watchdogs, kinabibilangan ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) ang Comelec matapos na hindi pahintulutan ang election observation groups na makita at saksihan ang preparasyon para sa national elections.

 

 

Binatikos ng Namfrel kung paano itinago at hindi ipinakita sa election observation groups, kabilang na ang accredited citizens’ arms ang ballot printing sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City at ang operasyon sa Comelec Sta. Rosa warehouse.

 

 

“Namfrel recommends opening up the facilities for observation during the election period until termination of operations,” anito.

 

 

Nabahala rin ang grupo sa kakulangan ng guidelines na buksan at payagan na obserbahan ng accredited election monitors ang operasyon sa iba’t ibang data centers kung saan ang Comelec Central Server, backup server, at transparency server ay matatagpuan kabilang na ang access sa regional hubs.

 

 

Ayon sa Namfrel, dapat na magpalabas ang Comelec ng guidelines para payagan ang mga stakeholders, kabilang na ang accredited citizens’ arms, na maging saksi sa iba’t ibang data centers at regional hubs sa panahon ng halalan hanggang sa matapos ang operasyon.

 

 

Bilang tugon, sinabi naman ng Comelec na target nila ang mas maraming observers sa kanilang ginagawang paghahanda para sa May polls.

 

 

Nakasaad sa Seksyon15 ng Republic Act 9369, “watchers should be assigned by accredited political parties and deputized citizen’s arms to observe the printing, storage, and distribution of official ballots.”

 

 

Habang nakasaad naman sa Seksyon 187 ng Batas Pambansa (BP) 881 o Omnibus Election Code of the Philippines na kailangan ang presenisya ng mga watchers. (Daris Jose)

Clarkson mainit sa panalo ng Jazz

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASABOG si Fil-American guard Jordan Clarkson ng career-high 45 points para tulungan ang Utah Jazz sa 134-125 pagligwak sa Sacramento Kings.

 

 

Kumonekta si Clarkson ng pitong triples at may perpektong 8-of-8 shoo­ting sa free throw line para sa Jazz (42-25) na nanatili sa No. 4 spot sa Western Conference.

 

 

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 26 points kasunod ang 25 markers ni Donovan Mitchell para sa Utah na kinuha ang 111-95 bentahe sa fourth quarter bago makalapit ang Sacramento sa 106-111.

 

 

Sa San Francisco, nag­latag si Klay Thompson ng season-best 38 points para akayin ang Golden State Warriors (46-22) sa 122-109 pagdakma sa nagdedepensang Milwaukee Bucks (42-26).

 

 

Ang kabiguan ang pumutol sa six-game winning streak ng Bucks (42-26) na second placer sa Eastern Confe­rence.

 

 

Sa Miami, umiskor si Jaylen Nowell ng 16 points at may tig-15 markers sina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards sa 113-104 panalo ng Minnesota Timberwolves (39-30) sa East-leading Heat (45-24).

 

 

Sa Chicago, naglista si DeMar DeRozan ng 25 points sa 101-91 pagsuwag ng Bulls (41-26) sa Cleveland Cavaliers (38-29).

 

 

Sa iba pang laro, dinomina ng Toronto Raptors ang Denver Nuggets, 127-115; panalo ang Indiana Pacers sa San Antonio Spurs, 119-108; at wagi ang Portland Trail Blazers sa Washington Wizards, 127-118.

US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine.

 

 

Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces sa Irpin, Ukraine.

 

 

Kinumpirma ito ng isang volunteer surgeon para sa Ukrainian territorial defence na si Danyloi Shapovalov at sinabing may dalawa pang journalists ang sugatan ngayon na kasalukuyan nang nagpapagaling sa isang pagamutan doon.

 

 

Ayon kay Kyiv Police Department Head Andrey Nebitov, nagpaulan ng bala ang tropa ng Russia sa isang kotse kung saan nakasakay ang nasabing mga biktima.

 

 

Samantala, sa isang statement ay nagpaabot naman ng pagdadalamhati at pakikiramay ang pamunuan ng naturang pahayagan sa pagkamatay ni Renaud kasabay nang paglilinaw na wala itong anumang assignment sa Ukraine para sa New York Times at ipinaliwanag na ang pagkalat umano ng mga naunang ulat na nagtatrabaho ito sa naturang pahayagan dahil sa suot nitong Times badge ay ibinigay lamang noon para sa isang assignment, maraming taon na ang nakakaraan.

 

 

Si Renaud ay isang Peabody Award-winning documentary filmmaker, producer, at journalist, na nanirahan at nagtrabaho sa New York City at Little Rock, Arkansas.

Latest ‘Sonic 2’ Trailer at Super Speed Features Idris Elba as Sexy Knuckles

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE latest trailer for Sonic the Hedgehog 2, which flies by at super speed, actually features an image of Idris Elba as a sexy Knuckles.

 

The first Sonic the Hedgehog was one of the few box office successes of 2020, and it also earned positive reviews to boot. As a result, the upcoming sequel is by far one of the most anticipated movies of the year. Once again directed by Jeff Fowler, Sonic the Hedgehog 2features the returns of Ben Schwartz as the voice of the titular speedster and Jim Carrey as his nemesis Dr. Robotnik.

 

 

This time around, Dr. Robotnik has teamed up with a character that will be familiar to fans of the Sonic games: Knuckles the Echidna. Idris Elba voices the hot-headed bad guy, and he’s already set to receive his own spinoff TV series.

 

In Sonic the Hedgehog 2, Dr. Robotnik and Knuckles are dead set on finding the Chaos Emerald so they can conquer the world, and it’s up to Sonic and his pal Tails (Colleen O’Shaughnessey) to stop them.

 

The movie also stars James Marsden, Tika Sumpter, Natasha Rothwell, and Adam Pally.

 

 

On Sunday, Schwartz surprised fans on social media with the newest Sonic the Hedgehog 2trailer. Only, it’s played at a super fast, Sonic-approved speed.

 

 

The regular speed trailer is playing. Still, there are some really excellent Easter eggs tucked into today’s trailer, including an image of Elba as a sexy Knuckles. Schwartz followed up the trailer post with a closer look at some of his favorite shots.

 

 

Check out the speedy trailer and some of its hilarious images down below.

 

 

The concept of a sexy Knuckles has fascinated the internet since Elba was cast as the character. Everyone from Schwartz to Elba himself have chimed in on whether the echidna can be considered sexy inSonic the Hedgehog 2.

 

 

For his part, Elba said it wasn’t what he was going for, but Schwartz and his Space Force co-stars later decreed that there isn’t a part Elba can play that isn’t attractive. Evidently, the sexy Knuckles discourse has become so large that Sonic the Hedgehog 2 is making use of it in its marketing.

 

 

Sadly, latest trailer likely won’t include that glorious shot of Elba as the sexy Knuckles. Assuming that the super fast trailer was actually just a joke, the official Sonic the Hedgehog 2 video will probably include more footage from the movie itself. Of course, we could end up being proven wrong.

 

 

All that’s clear right now is that the newSonic the Hedgehog 2 trailer, and that the marketing team is very aware of fans’ interest in a sexy Knuckles. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 54) Story by Geraldine Monzon

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAMPANTE  si Cecilia sa kanyang naging desisyon. Akala yata ng tatlong ulupong ay mababahag ang buntot niya.

 

Bago umalis ay itinutok pa ni Bert ang baril niya sa sentido ni Cecilia.

 

“3 days lang ang ibibigay naming palugit para maibigay mo ang kailangan namin. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari Cecilia, kaya sana huwag kang sasablay. Hindi ka lang sa amin mananagot kundi maging kay Roden!”

 

Hindi kumibo si Cecilia hanggang sa makaalis ang mga ito. Nang masiguro niyang wala na ang tatlong ulupong ay saka niya inilabas ang cellphone na nasa bulsa. Pinakinggan niya kung ano ang nasagap nito.

 

Kinabukasan.

Tinawagan ni Regine ang assistant ni Bernard. Inalam kung pumasok ang lalaki. Napangiti siya nang malaman na naroon ito sa opisina. Ibig sabihin ay makakauwi siya sa apartment nang hindi kinakabahan na baka inaabangan siya nito roon.

 

Tahimik na binuksan ni Regine ang pinto ng apartment gamit ang sariling susi. Ngunit pagbungad niya sa pintuan ay nabigla siya nang makita roon si Bernard. Tiim bagang na nakaupo sa sofa.

 

“Bernard!”

 

“Kagabi pa ako nandito at naghihintay, kaya sana huwag mo ng sayangin ang oras ko Regine. Sabihin mo na sa akin ngayon ang mga dapat kong malaman!”

 

“P-paano ka nakapasok dito?”

 

“Hindi na importante ‘yon. Sagutin mo na lang ang tanong ko…”

 

Humakbang palapit si Regine.

 

“Yes. Of course. Sasabihin ko naman talaga sa’yo, kaya lang, ang pangit naman nung atake mo sa akin na para bang ako ang may kasalanan…”

 

“Huwag na tayong magpaligoy ligoy Regine, sabihin mo na ngayon ang nalalaman mo.”

 

“Ok fine. Si Roden…”

 

Napatayo si Bernard.

 

“Sinasabi ko na nga ba!”

 

“Noong magkita kami sa building, nagulat ako dahil hindi ko ini-expect na makikita ko siya ro’n. Tapos inaya niya akong magkape, dahil dati ko naman siyang kaibigan pinaunlakan ko siya. And then he told me everything kasama na ang galit niya sa’yo na hindi niya makalimutan. Nasabi rin niya sa akin na nagbalik siya para maghiganti…it’s all because of Angela, gagawin niya ang lahat para sa kanya.”

 

Lumapit pa si Regine sa lalaki.

 

“Ang sabi niya, idadamay niya si Bela. Gusto niyang maramdaman mo ulit kung anong naramdaman mo noon nung mawala ang anak nyo…and after Bela, ikaw na ang isusunod niya…para maging masaya na sila ni Angela.”

 

Kumuyom ang palad ni Bernard.

 

“You know what, kung alam ko nga lang na gano’n ang mga lalabas sa bibig niya, sana nai-record ko para may ebidensya akong ihaharap sa’yo ngayon.”dagdag pa ng babae.

 

“Hindi na kailangan. Magtutuos kami ni Roden!”

 

Ramdam na ramdam ni Regine ang nag-uumapaw na galit sa dibdib ni Bernard. Balak sana niya itong pakalmahin sa mga yakap niya ngunit nagmamadali na itong lumabas ng apartment.

Pagkaalis ni Bernard ay tinawagan ulit niya ang assistant nito at sinita.

 

“Hoy, akala ko ba nandiyan sa office si Bernard?”

 

“E ma’am ang bilin kasi niya kapag may naghanap sa kanya sabihin kong busy siya sa office at hindi pwedeng istorbohin.”

 

“F*** you!”

 

Matapos isend kay Angela ang narecord ng cellphone niya ay dumiretso na kay Chief Marcelo si Cecilia para ibigay ang kanyang ebidensya kaugnay sa pamamaril kina Jeff at Bela.

 

“Salamat Cecille. Tatawagan ko si Bernard. Ikakasa na rin namin ang pagdakip sa mga ulupong na ‘yon at sa mastermind nilang si Roden!” ani Chief Marcelo.

 

Hindi makontak ni Angela si Bernard kaya nagsimula siyang mag-alala.

 

“Bernard, nasaan ka?”

 

Sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang kasamahan sa trabaho ay nakuha ni Bernard ang address ni Roden. Pero pekeng address lang pala ito.

Sa kotse…

 

“Hindi mo ako mapagtataguan Roden, hindi mo matatakasan ang ginawa mo!”

 

Nagpunta muna si Bernard sa ospital upang magpakita kay Angela at alamin ang kalagayan ni Bela.

Agad siyang niyakap ng asawa. Naroon din si Cecilia.

 

“Bernard,  nag-alala ko sa’yo sweetheart!”

 

“Ayos lang ako. Natanggap ko na ang sinend mo at nakausap ko na rin sa phone si Marcelo. Nagrequest na ako ng mga pulis dito na magbabantay sa inyo.”

 

“Bakit Bernard, saan mo balak pumunta?”

 

“Maghaharap kami ni Roden. Hindi ako papayag na hindi niya pagbayaran ang ginawa niya.”

 

“No Bernard, hayaan na natin ito sa mga pulis, ayokong pati ikaw malagay sa alanganin!”

 

“Hindi ako matatahimik sweetheart, kaya hayaan mong gawin ko ang dapat kong gawin bilang padre de pamilya.”

 

Bumaling si Bernard kay Cecilia.

 

“Cecille, salamat sa tulong mo.”

 

“Walang anuman Bernard…”

 

Nang dumating na ang mga pulis na magbabantay kina Angela ay muling umalis si Bernard. Malungkot siyang inihatid ng tanaw ng asawa.

 

Samantala.

Walang kamalay malay si Roden sa panlalaglag na ginawa sa kanya ni Regine at gayundin ng tatlong ulupong. Kaya kampante pa rin siyang nagpunta sa kumpanya. Ngunit pagpasok niya sa building ay namataan agad niya ang mga pulis kausap ang staff sa information area. Kinutuban siya kaya bumalik siya sa kotse. Siya namang pagdating ng kotse ni Bernard.

 

“RODEN!” sigaw nito.

 

Sa halip na huminto ay diretso pa ring sumakay ng kotse si Roden at mabilis itong pinaandar. Kasunod niya si Bernard. Daig pa nila ang nasa karerahan. Hanggang sa maisipan na ni Roden na barilin si Bernard habang patuloy siya sa pagmamaneho. Mabuti na lang at sumasablay ang bawat baril niya dahil hindi siya makapokus.

Para silang nasa isang pelikula na sumuot man sa makitid na kalsada ay nagagawa pa ring makalusot. Halos lumipad ang mga gulong huwag lamang magpang-abot. Kapwa balot ng galit sa isa’t-isa.

Desidido si Bernard na tapusin na ang laban ngayon sa pagitan nila at sisiguraduhin niya na maibibigay niya ang hustisya para sa kanyang pamilya. Pinalampas na niya noon ang pagtatago ni Roden kay Angela, pero ang ginawa nito para subukang patayin ang kanyang anak ay hinding hindi na niya mapapatawad.

Itataya na niya ang buhay niya para sa katahimikan ng kanyang pamilya.

Hanggang sa humantong sila sa sukol na lugar. Wala nang maiikutan si Roden kaya no choice siya kundi bumaba ng kotse at harapin si Bernard. Agad ding bumaba ng kotse ang huli. Nag-unahan sila sa pagtutok ng baril sa isa’t-isa.

 

“Hayup ka Roden, akala mo ba ganoon lang kadaling gumawa ng krimen?”

 

“Anong pinagsasasabi mo Bernard?”

 

“Huwag ka nang magkaila, huli na para d’yan, alam na namin ang lahat kaya pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko at kay Jeff!”

 

“Whoa, teka lang muna, ako na naman? Bernard, hindi lang ako ang may galit sa’yo kaya huwag kang pakasiguro na ako lang ang may kasalanan, napag-utusan lang din ako!”

 

“At sino namang mas gago sa’yo ang mag-uutos na ipapatay ang anak ko?

 

“Sino pa, eh di ang babaeng baliw na baliw sa’yo, ang pabagsakin ka sa kumpanya, yun lang ang plano ko pero ang mawala si Bela sa frame, hindi aking plano ‘yon, kay Regine!”

 

Natigilan si Bernard.

 

“O ano, hindi ka makapaniwala na magagawa iyon ng ex mo na tinutulungan mo pa naman ngayon?”

 

“Anong motibo niya para gawin ‘yon?”

 

“Simple lang. Masyado raw kasi pakialamera ang anak mo sa mga plano niya at alam mo ba kung ano ang plano niya?”

 

“Anong plano?” kunot noong tanong ni Bernard.

 

“Plano niya lang naman na agawin ka kay Angela, para maging stable na ulit ang buhay niya kasama ka, ang kaso winarningan siya ng anak mo, nasampal pa raw siya nito isang beses, kaya naman galit na galit siya!” umaarte pa si Roden habang sinasabi iyon. “Hiniling niya sa akin na alisin ko si Bela sa landas niya kapalit ng pagtulong niya sa akin na pabagsakin ka…awts, bakit nga ba hindi ko naisip na hindi ka niya pababagsakin dahil gusto nga niyang maging Mrs.Cabrera, hindi ko rin naisip na tatraydurin niya ako sa’yo!” napapailing pang sabi ng lalaki.

 

Parang gustong sumabog ni Bernard sa galit. Hindi malaman kung nagsasabi ng totoo ang lalaki o nais lang nitong mandamay ng iba.

 

Dahil naman sa saglit na pag-iisip ni Bernard ay nakakuha ng pagkakataon si Roden para makatakbo.

Agad din siyang hinabol ng una habang pinapaputukan. Naggantihan sila ng putok hanggang sa tamaan sa balikat si Roden.

 

“Huwag ka nang tumakas Roden, harapin mo ang kasalanan mo!”

 

“GA**, PATAYIN MO AKO KUNG KAYA MO!”

 

Muli silang naghabulan. Nakarating sa riles ng tren. Medyo nahilo na si Roden sa ilang bala pa ng baril na tumama sa kanya kaya’t hindi na niya alintana ang paparating na tren nang matalisod siya sa mismong riles nito.

 

“RODEEEN!”

 

Hindi na nagawang tingnan ni Bernard ang sumunod na nangyari.

 

Samantala.

Muling nagtungo si Regine sa ospital upang alamin ang kalagayan ni Bela. Kinabahan man ay nilampasan lang niya ang dalawang pulis na nagbabantay. Nagawa niyang makapasok sa silid ng dalaga. Nadatnan niya roon si Cecilia. Sa pagtatama ng kanilang paningin ay naroon na ang pagdududa sa isa’t-isa.

 

(ITUTULOY)

Ads March 15, 2022

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pagtaas sa presyo ng langis, gawin ng “staggered basis”

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga local oil firms na maghanap ng paraan na magpapagaan sa sunud-sunod na pagtaas sa domestic pump prices na makagiginhawa sa epekto na tumama sa mga consumers.

 

 

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, hiniling ng departamento sa mga kimpanya ng langis na tingnan at subukan at pagtataas sa presyo ng langis “on a staggered basis.”

 

 

“Patuloy ‘yung panawagan ng Department of Energy sa ating mga oil companies kung gumawa ng paraan para hindi naman matindi ang tama sa ating mga consumers,” ayon kay Romero.

 

 

Ito’y matapos na itaas ng mga local oil firms ang presyo kada litro ng gasolina ng P3.60; diesel ng P5.85, at kerosene ng P4.10. Ito na ang pang-10 linggo nang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ang pinakahuling data available mula sa Department of Energy (DOE) ay nagpapakita na ang year-to-date adjustments ay pumalo na sa kabuuang net increase na P8.75 kada litro para sa gasolina; P10.85 kada litro para sa diesel, at P9.55 kada litro para sa kerosene “as of February 22, 2022.”

 

 

Sa ulat, sinabi ng isang industry source na ang big-time pump price hike ay maaaring ikasa sa susunod na linggo. Ang gasolina ay posibleng tumaas ng P8.28 kada litro habang ang diesel naman ay P12.72 kada litro.

 

 

“Kung ikukumpara mo ‘yung trading nitong nakaraang linggo versus the two weeks before, ‘yung comparison natin week-on-week talagang malaki iyong sinipa nitong linggo na ito,” ani Romero.

 

 

Samantala, naglaan ang pamahalaan ng P2.5 bilyong piso para sa public utility driver fuel subsidies, habang ang Department of Transportation (DOTr) ay mayroong service contracting program na magbabayad sa mga tsuper kapalit ng pagbibigay serbisyo sa mga mananakay ng libre. (Daris Jose)

Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL  na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe.

 

 

Ito ay para makatipid sa pera at krudo.

 

 

Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor Mendoza II, na asahan na ng publiko ang pagbaba ng mga jeepney units na papasada sa ilang ruta sa buong bansa bukas o sa Miyerkules.

 

 

Ayon kay Mendoza, isa sa mga idinadahilan ng drivers ang mataas na presyo ng petrolyo dahil malulugi ang mga ito kapag tataas pa ulit ang presyo ng petrolyo bukas.

 

 

Tinitignan din aniya ng mga driver ang maintenance ng sasakyan at ang posibilidad na maaksidente ang mga ito habang nasa biyahe na magiging dagdag pasanin pa ng mga ito kung sakali.

 

 

Dagdag ni Mendoza, tototohanin daw ng mga driver ang kanilang banta na stop operations pero hindi naman ito bilang protesta kundi dahil sa kawalan na ng pera ng mga ito.

 

 

Ilan na rin aniya sa mga jeepney operators ay ibinaba na ang kanilang boundaries sa 60 percent para matulungan ang mga driver.

 

 

Inirekomenda rin nito sa pamahalaan na magpatupad na ng designated stops sa mga PUJ para makatipid ng kahit limang porsiyento ang mga driver kada linggo o katumbas ng P75 hanggang P100 savings kada araw.

 

 

Paliwanag niya, ang mga jeep kasi ay saan-saan lamang humihinto kung nasaan ang mga pasahero kaya mainam na mayroong

 

 

Sa fuel forecast mula Enero 15 hanggang 21, sinabi na ng Unioil Petroleum na posibleng pumalo ang kada litro ng diesel sa P12.20 hanggang P12.30.

 

 

Ang gasolina naman ay posibleng pumalo sa P6.80 hanggang P7 ang umento sa kada litro.

 

 

Sinabi naman ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda, na malaki itong sorpresa sa mga tsuper na tatamaan ng malakihang increase. (Daris Jose)

PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito.

 

 

Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay inendorso ni Pangulong Duterte ang presidential bid ni Robredo nang sabihin nito na ang susunod na Pangulo ng bansa ay dapat na “compassionate and decisive lawyer.”

 

 

“For me and for millions of Filipinos, there is only one decisive and compassionate lawyer among those aspiring to be president and she is VP Leni,” ayon kay Evardone sa isang kalatas.

 

 

“She’s the only one who can hurdle President Duterte’s standard for his successor,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ni Evardone na consistent si Robredo sa kanyang pro-poor advocacies, na aniya’y umabot pa sa Eastern Samar.

 

 

“We will need a president who is determined and forceful in addressing these issues but at the same time one who has compassion for all affected sectors, especially the poor. It’s VP Leni who fits the bill,” ayon kay Evardone.

 

 

Samantala, hanggang sa gayon ay wala pa ring ine-endorso na presidential candidate sina Pangulong Duterte at ang PDP-Laban faction sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi. (Daris Jose)

Excited na sa muling pagho-host ng ‘Family Feud’: DINGDONG, tahasang sinabi na gustong maka-trabaho sa teleserye si JO BERRY

Posted on: March 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG excited ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang bagong show sa GMA-7, ang Family Feud.

 

 

Kilala si Dingdong bilang isa sa mga mapagkakatiwalaang host ng Kapuso network at sa pagkakataong ito, sa isang game show naman nga.

 

 

Nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng picture sa taping ng isa sa mga episode ng show. At sabi nga niya, “Dito , manalo o matalo, sasayaw ako kasama mo. Family Feud… malapit na malapit na!”

 

 

Kung excited si Dingdong, mukhang excited din sa bagong GMA show na ito ang mga Kapuso stars. Ang pinsan niya na si Arthur Solinap ay napa-comment at nag-suggest pa na, “Mag- ‘do you really want me’ tayo na sayaw pag guest ko dyan.”

 

 

Sinagot naman ito ni Dingdong na, “ha ha ha ihanda mo na ang jacket na pantali sa baywang!”

 

 

Pero winner si Jo Berry na mukhang tahasang sinabihan ni Dingdong na gustong maka-trabaho sa isang teleserye.

 

 

“@thejoberry it was great to have you on the show! Sana makatrabaho naman kita sa isang drama soap balang araw.”

 

 

Kaya ang reply ni Jo Berry rito, “@dongdantes nag-enjoy po ako! Yes po! Sana po magkatrabaho tayo sa isang soap drama.”

 

 

***

 

 

NAKAUWI na sa bansa ang actress at itinuturing na fashion icon na si Heart Evangelista.  

 

 

Mula sa kanyang napaka-sosyal na Paris trip for Paris Fashion Week.

 

 

Pero kahit daw nasa bansa na siya, umasa raw ang mga followers niya na 10 million na sa Instagram na karamihan pa rin ng mga ipo-post niya ay ang mga pictures niya na kuha sa Paris o sa Paris Fashion Show.

 

 

“Made it to my drive way but expect my feed to still be in Paris.”

 

 

Ini-assure naman si Heart ng mga followers niya at mga fans na sige lang daw itong mag-flood ng mga pictures niya sa PFS dahil super like raw nila ang lahat ng mga larawang naise-share nito.

 

 

Sa isang banda, para na rin talagang loveteam sina Heart at Governor Chiz Escudero. Ang dami naming nababasang comment na natutuwang nakabalik na ng bansa si Heart at sa piling daw ng asawa nito.

 

 

Hindi na raw nila mami-miss ang isa’t-isa at looking forward daw sila sa mga ipo-post ng dalawa na magkasama.

(ROSE GARCIA)