• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 19th, 2022

Dumbledore’s First Army Reveals in ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ Featurette

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’ just revealed a featurette about Dumbledore’s First Army, along with character posters of the magical group!

 

 

Get an inside look into the making of ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore‘ with a newly-released featurette about Dumbledore’s First Army.  The launch coincided with the reveal of solo posters of characters belonging to the magical group.

 

 

Check out the video below and watch “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” exclusively in cinemas across the Philippines on Black Saturday, April 16. https://www.youtube.com/watch?v=tym3FP2cVwc

 

 

About “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore”

 

 

Warner Bros. Pictures’ “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” is the newest adventure in the Wizarding World™ created by J.K. Rowling.

 

 

Professor Albus Dumbledore (Jude Law) knows the powerful Dark wizard Gellert Grindelwald (Mads Mikkelsen) is moving to seize control of the wizarding world.  Unable to stop him alone, he entrusts Magizoologist Newt Scamander (Eddie Redmayne) to lead an intrepid team of wizards, witches and one brave Muggle baker on a dangerous mission, where they encounter old and new beasts and clash with Grindelwald’s growing legion of followers.  But with the stakes so high, how long can Dumbledore remain on the sidelines?

 

 

The film features an ensemble cast led by Oscar winner Eddie Redmayne (“The Theory of Everything”), two-time Oscar nominee Jude Law (“Cold Mountain,” “The Talented Mr. Ripley”), Ezra Miller, Dan Fogler, Alison Sudol, Callum Turner, Jessica Williams, Katherine Waterston, and Mads Mikkelsen.

 

 

“Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” was directed by David Yates, from a screenplay by J.K. Rowling & Steve Kloves, based upon a screenplay by J.K. Rowling.  The film was produced by David Heyman, J.K. Rowling, Steve Kloves, Lionel Wigram and Tim Lewis.  Neil Blair, Danny Cohen, Josh Berger, Courtenay Valenti and Michael Sharp served as executive producers.

 

 

Warner Bros. Pictures presents a Heyday Films Production, a David Yates film, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” in Philippine theaters April 16.  The film will be distributed worldwide in select theatres and IMAX by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #SecretsOfDumbledore

 

(ROHN ROMULO)

Tulak timbog sa baril at P408K shabu sa Caloocan

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at mahigit P.4 milyon halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Marvin De Vera alyas “Bigboy”, 37 ng Hernandez St., Brgy., Catmon, Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activity ng suspek kaya’t isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC-RMFB ang buy bust peration sa Kapak St., Brgy. 12, Caloocan City kung saan isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay De Vera ng P10,000 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ng back-up na operatiba ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad itong lumapit saka inaresto nila ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000. 00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong P1,000 boodle money at isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala.

 

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 and Section 11 Art  II of RA 9165 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines. (Richard Mesa)

Ads March 19, 2022

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ginagawa ang lahat para manumbalik ang showbiz career… ALBIE, nabinyagan na rin sa ‘love scene’ at aminado na nahirapang gawin

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPASABAK na rin ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casino sa pakikipag-love scene sa latest offering ng Viva Films, ang Moonlight Butterfly na streaming na ngayon sa Vivamax worldwide.

 

 

For the first time, nakagawa na si Albie ng sex scene na pelikulang dinirek ni Joel Lamangan na kung saan nabinyagan siya newest sexy star ng Viva na si Christine Bermas, na walang kiyeme sa hubaran.

 

 

Aminado naman ang aktor na talagang nanibago at nahirapan siyang makipag-love scene sa movie.

 

 

At dahil nga sa daring scenes nila ni Christine sa Moonlight Butterfly ay kailangan niyang mag-plaster sa private part at aminado siya na, “Yung pinakamahirap siguro ay yung love scene namin ni Christine bilang conservative akong lalaki so nahirapan ako sa mga ganung bagay.

 

 

First time ko rin kasing magkaroon ng love scene tapos ganu’n pa ka-intense.

 

 

Pahayag pa ni Albie na gumaganap na pinag-aaral na boyfriend ni Christine na isang namang sikat na GRO, “Yung plaster, pinakamahirap din talaga yon especially taking it off, putting on, first time ko kasing kailangang magsuot ng plaster. Doon talaga ako nahirapan. Masakit siyang tanggalin.”

 

 

Happy naman si Albie, dahil nagkaka-project na siya uli ngayon. Nawalan talaga siya ng raket dahil sa pandemya, kaya  ginagawa ang lahat para manumbalik ang sigla ng kanyang career.

 

 

Ang hirap talaga nu’ng pandemic for all of us. Simula 2019, 2020, 2021 talagang ang hirap ng work, hirap na hirap po ako sa tatlong taon na yon,” pag-amin niya.

 

 

“But thankfully, di ba, sobrang dami ng pasasalamat ko dahil pagkalabas ko pa lang ng PBB (Pinoy Big Brother) ito na kaagad yung sinasabi ko na, ‘This is it, ito na yung second chance ko.’

 

 

“Kasi nu’ng nagsimula ako sa showbiz sobrang bata ko pa, eh. And alam mo yon, hindi ko pa talaga alam kung paano yung takbo.

 

 

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa industriyang ito. And I’m super thankful sa nangyayari.

 

 

“Kaya sinusubukan kong i-level-up pa yung work ethic ko. Kung dati nung bago ako hindi ko talaga gagawin yung mga ganun kasi parang tinatamad ako, but now, di ba, talagang strike while the iron is hot bago ako malaos ulit.”

 

 

Mahumaling kay Moonlight Butterfly, ang maganda at kakaibang paru-paro na dumapo sa Vivamax, streaming online na sa iba’t-ibang panig ng mundo, na kung saan compatible na rin sa TV casting.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net at pumili ng plan at magbayad sa iba’t-ibang pamamaraan.

 

 

Mas affordable, mas marami at mas pinadali kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

PUJ drivers napipilitang huminto ng pasada

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY MGA  public utility jeepney (PUJ) drivers ang napipiitan huminto ng pasada sa kanilang ruta dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at hindi dahil sila ay nagproprotesta.

 

 

Ayon sa 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) na maaaring mahirapan ang ibang pasahero na kumuha ng transportasyon sa mga PUJs dahil nagbabala ang mga drivers na hindi na nila kaya ang mga pagkalugi sa mga susunod pa na pagtataas ng presyo ng krudo at gasolina.

 

 

“They are not protesting or whatever. They just won’t be able to earn ang recoup their losses from yet another round of oil prices hikes seen coming in coming weeks,” wika ni I-UTAK chairman Vigor Mendoza.

 

 

Sinabi ni Mendoza na ang mga drivers ay nangangamba na ang fuel price forecast ay mas tataas pa ng P12 kada litro sa darating na mga linggo.

 

 

“Drivers wouldn’t be able to take home any earnings Even operators are saying if the earnings are too meager, why would they even send out their fleet of PUJs? What if they figure in accidents and, of course, they need to pay for the maintenance of the vehicle as well,” saad ni Mendoza.

 

 

Sa ngayon ay hindi pa inaaksyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ibat-ibang grupo ng transportasyon upang itaas ang minimum na pamasahe ng P15.

 

 

Ang LTFRB ay wala pa rin aksyon na ginagawa sa interim na petisyon na humihingi na P1 provisional fare increase para sa P10 minimum fare sa PUJs upang makatulong man lang na makayanan ang lingo-lingong pagtaas ng krudo.

 

 

Sinabi naman ng LTFRB na ang kanilang ahensya ay handa ng mamigay ng unang tranche ng fuel subsidy sa lahat ng drivers ng mga pampublikong transportasyon.

 

 

Ayon naman sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na ang ibang pasahero na may simpatiya sa mga drivers ay kusang nagbabayad ng P10 bilang kanilang pamasahe.

 

 

Ang ibang operators naman ay binabaan na ang kanilang boundary rates ng 60 porsiento upang makatulong sa mga nangangailang mga drivers.

 

 

Nagbigay naman ng mungkahi si Mendoza sa pamahalaan na dapat sana ay magkaron ng designated na stops ang mga PUJs upang mabawasan ang fuel cost na siya na ngayon ginagawa ng ibang grupo sa Marikina.

 

 

“We think we could reduce the number of liters consumed if we can reduce the loading and unloading areas. Not stopping anywhere could save them about P75 in daily fuel costs,” dagdag ni Mendoza.

 

 

Magkakaron ng pagdinig sa inihain na petisyon ng 1-UTAK, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers of the Philippines, Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas at Alliance of Concerned Transport Organization sa darating na March 22. LASACMAR

Private hospitals na kakalas sa PhilHealth, balik-transaksiyon na

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-TRANSAKSYON  na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pribadong pagamutan na una nang nagbantang kakalas na sa state insurer, dahil sa pagkabigo nitong kaagad na mabayaran ang kanilang mga claims.

 

 

Ayon kay Dr. Shirley Domingo, vice president for corporate affairs ng PhilHealth, naresolba na ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at ng mga naturang private hospitals kaya’t balik-transaksiyon na ang mga ito.

 

 

“As of now, those who gave us some, who brought us some issue to our claims, nakipag-usap na kami dati at na-resolve po natin ‘yung mga issues,” paliwanag pa ni Domingo sa panayam sa Teleradyo.

 

 

“Therefore, we are happy to report that those hospitals, in fact, almost all hospitals, are now accredited,” dagdag pa niya.

 

 

Sinabi rin ni Domingo na ang mga regional offices ng PhilHealth ay patuloy na nakikipag- re­concile ng kanilang claims sa mga private hospitals.

 

 

Tiniyak pa ng PhilHealth official na patuloy nilang pinaghuhusay ang kanilang sistema para i-fast track ang automation ng proseso para sa releasing claims ng mga pribadong pagamutan.

Tracy Maureen, nakapasok sa Top 13… Karolina Bielawska ng Poland, kinoronahan bilang Miss World 2021

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINORONAHAN bilang Miss World 2021 si Miss Poland Karolina Bielawska. 

 

 

Ginanap ang Miss World 2021 sa Coca-Cola Music Hall in San Juan, Puerto Rico.

 

 

Tinalo ng Polish beauty sa grand coronation night ang 39 candidates na nagmula sa iba’t ibang bansa.

 

 

Ang 1st Runner-Up ay si Miss USA Shree Saini at 2nd Runner-Up si Miss Cote d’Ivoire Olivia Yace.

 

 

Karolina is a model at nagte-take up ng master’s degree in management. Gusto rin niyang maging isang motivational speaker.

 

 

During the Q&A portion, she was asked the “most important discovery yet to be discovered.”

 

 

Sagot niya: “The most important discovery I believe that this is no one but everyday we learn something new. We all have unique experiences and all of us can learn something about ourselves and to be authentic of personal.

 

 

“What I discovered is that it caused us so little to nourish the life of others… and believe me it’s worth its prize. So if you want to discover something new just try to learn to be rich more in empathy, in compassion, in gratitude because we can all do it, we can all be great because we can all serve.

 

 

Si Miss World Philippine Tracy Maureen Perez ay nakapasok sa Top 13 ng competition.

 

 

***

 

 

KINASAL na ang dating Eat Bulaga Dabarkads na si Sam YG sa kanyang fiancee na si Essa Santos sa St. Benedict Church in Silang, Cavite noong nakaraang March 13.

 

 

Sa Instagram video ng radio personality DJ Tony Toni, mapapanood ang wedding ni Sam at Essa. Nilagyan niya ng caption na: “Eto na! Happily self-imposed lockdown foreva eva! Congrats to our brother Mr. Samir & Mrs. Essa Gogna. Signed and sealed with a kiss.”

 

 

Prior to their wedding day, nagkaroon ng prenup photoshoot ang dalawa suot ang traditional Indian clothing and casual outfits. The two officially became a couple noong April 28, 2018, at nag-propose si Sam kay Essa noong January 2021.

 

 

Nakilala si Sam bilang radio DJ sa Magic 89.9 noong 2003. Mula sa kanyang tunay na pangalan na Samir Gogna, ginawa niyang itong Sam YG for Samir Young Guy para sa radio. Naging hit ang radio show nila nina Tony Toni at Slick Rick na Boys’ Night Out noong 2006.

 

 

Sumikat ang nilikhang character ni Sam na si Shivaker sa isang segment ng Eat Bulaga kaya ginawa siyang regular co-host. Pitong taong ding naging Dabarkads si Sam hanggang sa nag-focus na ito sa kanyang career bilang isang radio DJ.

 

 

***

 

 

Ang Harry Potter star na si Daniel Radcliffe ang napiling gumanap sa upcoming biopic ng singer-comedian na si Weird Al Yankovic.

 

 

Malaking transformation daw ang gagawin kay Daniel para maging kamukha niya si Weird Al.

 

 

“I grew the mustache, so the mustache was mine ’cause I didn’t want to wear a fake one every day,” sey ng 32-year-old actor na magsusuot din ng wig para sa signature curly locks ng singer-comedian.

 

 

Makakasama ni Daniel sa movie si Evan Rachel Wood na gaganap bilang si Madonna sa biopic.

 

 

Ayon sa aktor: “It’s absolutely 100 percent true story of Al’s life. I’m gonna keep that going for as long as I can. Because it’s insane. It’s going to be a lot of fun hopefully.”

 

 

Sumikat si Weird Al Yankovic noong ’80s dahil sa kanyang parody ng ilang sikat na pop songs tulad ng “I Love Rocky Road”, “Ricky”, “Eat It”, “Livin’ In The Fridge”,  “Like A Surgeon”, “King of Suede ” and “My Balogna”. Nanalo siya ng five Grammy Awards at nakabenta siya ng higit na 12 million albums worldwide.

 

 

Weird: The Al Yankovic Story will stream on The Roku Channel.

Filipino-Japanese Judoka Kiyomi Watanabe hindi makakasama sa 31st SEA Games

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hindi makakasama si Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam.

 

 

Sinabi ni Philippine Judo Federation secretary-general Dave Carter na hindi pa gaanong gumaling si Watanabe mula sa kaniyang injury.

 

 

Dagdag pa nito na patuloy ang paggaling ng 25-anyos na Japan-based judoka mula sa anterior cruciate ligament (ACL injury) na kaniyang natamo dahil sa ilang taong training.

 

 

Nangunguna kasi si Watanabe sa 63 kg. division ng women’s biennial meet kung saan mula pa noong 2013 SEA Games sa Myanmar ay nakapag-uwi na ito ng gold medals.

 

 

Tiniyak din ni Carter na sasabak si Watanabe sa ASIAD sa Hangzhou, China na gaganapin sa buwan ng Setyembre.

PANUKALA ng NEDA na gawing polisiya ang 4 day work week

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na malaman sa darating na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up.

 

 

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag na naman kay Pangulong Duterte ang magiging benepisyo ng nasabing mungkahi kung saan layunin nitong makatipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa ang mga manggagawa sa gitna ng pamahal na pamahal sa presyo ng mga prime commodities.

 

 

Ayon pa kay Andanar, lahat ng suhestiyon ay pinakikinggan ng Pangulo.

 

 

Bukas din aniya ang Chief Executive sa lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa kanyang gabinete kabilang na ang economic team gayundin maging mula sa mga dalubhasa, mambabatas at mga ekonomista.

 

 

Aniya pa, nagsalita na rin naman si Pangulong Duterte na kung anuman ang magiging desisyon ng economic cluster ay iyon ang magiging polisiya ng pamahalaan gayung ito naman ang kanilang forte.

 

 

Matatandaang, inirekomenda ng economic team na huwag suspendihin ang excise tax na inaprubahan naman ng Punong Ehekutibo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena

Posted on: March 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

 

 

 

Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA).

 

 

 

Nakasaad aniya sa konstitusyon na maaaring suspendihin ng POC ng kahit na anumang dahilan ang anumang sports organization.

 

 

 

Nagpapakita aniya na sinadya ng PATAFA ang pagbalewala ng prinsipyo sa pagpromote ng sports developments.

 

 

 

Dagdag pa ni Tolentino na kahit na gumawa na sila ng hakbang para mag-meditiate sa alitan ng PATAFA at Obiena ay nanaig pa rin ang pride ng PATAFA.

 

 

 

Maaari lamang na matanggal ang 90-day suspension kapag naaayos na ang gusot sa pagitan ng PATAFA at kay Obiena.

 

 

 

Magugunitang tinanggal ng PATAFA si Obiena sa opisyal ng listahan ng mga manlalaro na sasabak sa 31st SEA Games sa Hanoi Vietnam ganun din ang hindi nila pag-endorso sa World Indoor championships.

 

 

Tagumpay ng Philippine sports para sa lahat — Ramirez

 

 

Hindi inangkin ni Phi­lippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang tagumpay ng bansa sa nakaraang taon.

 

 

 

Ito ang sinabi ni Ramirez sa kanyang speech matapos tanggapin ang Excellence in Leadership Award sa PSA Awards Night kamakalawa sa Diamond Hotel.

 

 

 

“This leadership award is not mine,” ani Ramirez. “Together we are part of Philippine sports history. I share this with all of you, for I cannot claim this award alone. Let’s work together for the betterment of Philippine Sports.”

 

 

 

Sa ilalim ng liderato ng 71-anyos na PSC chief ay nakamit ng Pinas ang kauna-unahang gold medal sa Olympic Games mula sa panalo ni weightlifter Hidilyn Diaz sa women’s 55 kilogram division sa Tokyo, Japan noong 2021.

 

 

 

Tinapos ng tubong Zamboanga City na si Diaz, hinirang na 2021 PSA Athlete of the Year, ang 97-taong paghihintay ng bansa sa Olympic gold.

 

 

 

“I am blessed to have been given the chance to be part of these milestones as one of the elders of these excellent Filipino athletes,” wika ni Ramirez, dating men’s basketball team head coach at Athletic Director ng Ateneo de Davao University.

 

 

 

Sa pamamahala rin ni Ramirez nakamit ng bansa ang overall championship ng Southeast Asian Games noong 2019.

 

 

 

Kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo ay ang pagbaba rin ni Ramirez sa PSC top post.

 

 

 

Magtatapos din ang pag-upo nina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin bilang Commissioners ng sports agency.