• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2022

P6.9 MILYON HALAGA NG SHABU GALING SA SOUTH AFRICA, NABUKING SA PACKAGE

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG P6.9 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Custom (BoC) at Cavite Police sa isang package na ipinadala galing sa South Africa na ipinadala sa isang recipient  sa  Imus City, Cavite, Lunes ng hapon.

 

 

Kinilala ang inaresto na tumanggap ng package na  si Razel John Manuel, 22 ng Green Gate Home Phase 2, Block 30 Lot 6 Malagasang 2B, Imus City, Cavite habang pinaghahanap din ng awtoridad si Louis A. Diaz.

 

 

Nag-ugat ang pag-aresto kay Razel sa isang package na naglalaman ng kahina-hinalang illegal na droga galing sa Johannesburg, South Africa na dumating sa Port of Clark noon March 11, 2022 at naka-consignee sa isang Louis A. Diaz na idi-deliver sana sa kanyang address sa Angeles City, Pampanga.

 

 

Dahil walang tatanggap sa  address ni Diaz sa Angeles City, ni-redirect ng courier service ang package sa Imus City, Cavite dahilan upang magsagawa ng operasyon ang pinagsamang pwersa ng PDEA PRO III- Pampanga PPO, PDEA PRO IV-A RSET 2, PDEA PRO- Ill Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA Cavite Provincial Office, BOC Port of Clark, Imus City Police Station at  AVSEU3 sa  Green Gate Phase 2 Malagasang 2B, Imus City dakong alas-5:50 kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon sa PDEA, hindi rin lumutang si Diaz (Consignee) sa nasabing lugar subalit may authorization letter sa Razel na maaari nitong tanggapin ang nasabing package na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

 

 

Nabatid na  sinabihan umano ni Diaz ang Nanay ni Razel na mayroon itong package na darating at dahil nagtratrabaho ang Nanay ng naaresto kaya siya na lamang ang binigyan ng authorization upang tanggapin ang nasabing package.

 

 

Sinasabing si Diaz at ang pamilya Manuel ay dati umanong magkapitbahay.

 

 

Narekober sa lugar ang isang package na naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,900,000, isang Identification Card at isang authorization letter.

 

 

Kasong paglabag sa Section 4 (Importation of dangerous drugs ) ng RA 9165 ang kinakaharap na kaso ng Consignee na si Diaz at sa tumanggap ng package na si Razel. GENE  ADSUARA

Pilipinas, ika-2 pinakamasayang bansa sa Southeast Asia

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG PILIPINAS na ngayon ang pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia.

 

 

Ayon sa 2022 World Happiness Report (WHR) na inilabas ng Sustainable Development Solutions Network (SDSN).

 

 

Pang-60 ang bansa sa 146 na ekonomiya sa mundo na may markang 5.904 sa ika-10 edisyon ng WHR.

 

 

Ang Pilipinas ay napabuti ang kanilang ranggo ng 1 notch mula sa 61 noong 2021 na ulat.

 

 

Ang pinakamasayang bansa sa Southeast Asia na kasama sa ulat ay ang Singapore, ika-27 sa buong mundo, habang ang Finland ang pinakamasayang bansa sa mundo.

 

 

Ang data na ginamit upang suriin ang pagganap ng isang bansa ay kinuha mula saa data ng Gallup World Poll.

 

 

Ang iba pang bansa sa Southeast Asia na kasama sa ulat ay ang Thailand na nasa ika-61 na pwesto; Malaysia, ika-70; Vietnam, ika-77; Indonesia, ika-87; Cambodia, ika-114; at Myanmar, ika-126.

 

 

Batay sa ulat, ang 10 pinakamasayang bansa bukod sa Finland ay kinabibilangan ng Denmark, Iceland, Switzerland, Netherlands, Luxembourg, Sweden, Norway, Israel, at New Zealand.

Riot napigilan, 2 teenagers tiklo sa Molotov bomb sa Malabon

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGAWANG mapigilan ng mga awtoridad ang magaganap sanang riot ng grupo ng mga teenager dahil sa mabilis na pagresponde ng mga ito na nagresulta sa dalawang 18-anyos na lalaki sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Mark Jordan Blas alyas “Egloy”, 18, construction worker ng 69 Gulayan, Concepcion at John Mark Diaz alyas “Jamak”, 18 ng Sitio 6, Gulayan, Catmon.

 

 

Batay sa imbestigasyon nina PSSg PSSg Mardelio Osting at PCpl Renz Marlon Baniqued, nakatanggap ang mga tanod ng Barangay Potrero ng impormasyon hinggil sa ginagawang paghahanda ng grupo ng mga suspek ng riot sa Durian St. at Mc Arthur Hi-way Brgy. Potrero.

 

 

Agad humingi ng tulong ang mga tanod sa Malabon Police Sub-Station 1 na kapwa mabilis rumesponde sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na gumagawa ng Molotov cocktail bomb na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila dakong alas-2:20 ng madaling araw.

 

 

Gayunaman, nagawang makatakas ng iba pang kasamahan ng mga suspek matapos magtakbuhan sa iba’t-ibang direksyon nang mapansin ang pagdating mga awtoridad.

 

 

Kakasuhan ng pulisya ang mga naarestong suspek ng paglabag sa RA 9516 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines. (Richard Mesa)

Pilot episode ng ‘Family Feud’, nakakuha ng mataas na rating… DINGDONG, naipasyal na rin nila ni MARIAN ang mga anak na sina ZIA at SIXTO

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil ang world premiere ng bago niyang show, which he is hosting, ang “Family Feud Philippines” ay nakakuha ng mataas na rating kaysa dalawang kasabayan niyang programa sa ibang network, last Monday, March 21. Hinintay naman ng mga viewers ang pilot telecast ng show na minsan nang nai-host ni Dingdong noong 2009, nang mag-pitch-in siya sa host nito noon na si Richard Gomez. 

 

 

Very entertaining ang show, na nagsimula munang hindi tunay na families ang magkalaban, mga family ng mga artists and talents ng GMA Network muna ang naglaban-laban, nauna ang “The Boobay And Tecla Show,” vs. the family  ng “All-Out Sundays.”

 

 

Masaya at napapasayaw pa si Dingdong habang nagtatanong sa mga contestants na kinuha sa may 100 respondents na ininterview ng programa.  Sayang at hindi umabot ang score ng All-Out Sundays Family, para makuha ang jackpot prize.  Pero nanalo sila ng P100,000 cash prize at ang losing team ay nakakuha naman ng P 50,000.

 

 

Napapanood ang “Family Feud PH” Mondays to Fridays, 5:45 PM sa GMA-7.

 

 

Pero bago nagsimula ang airing ng show, last Sunday, ay ipinasyal na muna ng mag-asawang Dingdong at Marian Rivera ang mga anak na sina Zia at Sixto sa kanilang favorite place since allowed nang lumabas ang mga bata dahil nasa Alert level one na tayo ng pandemic.

 

 

Noong binawalang lumabas ang mga bata, they transformed muna their backyard para maging whole play area, kaya hindi hinanap nina Zia at Sixto ang paglalaro sa labas ng bahay nila.

 

 

***

 

 

NAPAPANOOD na gabi-gabi ang primetime drama series na “Widows’ Wife,” na nagtatampok kina Carmina Villarroel, Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vaness del Moral, Ryan Eigenmann, EA Guzman at Christian Vasquez.

 

 

Tapos na ang lock-in taping ng serye kaya back at home na si Carmina, just in time naman na ang husband niyang si Zoren Legaspi ang aalis para sa lock-in taping ng bagong serye nito, ang “Apoy sa Langit.”

 

 

 “But this time, hindi na ako iiyak na aalis siya, although di pa siya umaalis, nami-miss ko na siya,” sabi ni Carmina. “It’s time for Tatay to leave for his lock-in taping for GMA.  I’ll see you in May.”

 

 

Dati kasi, tuwing may aalis na member ng family para sa lock-in taping, lagi nang umiiyak si Carmina.  Iyakin daw kasi siya talaga, at dahil nanay, hindi siya sanay mahiwalay sa family niya.  “Sa ngayon, wala naman akong choice kung hindi tanggapin ito because it’s still a blessing.”

 

 

Medyo lamang naninibago ang mga viewers sa bagong character ni Carmina na laging high-strung, kaaway ang lahat sa family niya.  Kaya thankful naman si Carmina na binigyan siya ng mga mahuhusay na artista na kabatuhan niya sa mga eksena.

 

 

Ang “Widows’ Web” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “First Lady” sa GMA-7

 

 

***

 

 

MUKHANG enjoy na si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa pagpasok niya sa showbiz.

 

 

Nagsimula si Rabiya sa isang drama episode ng “Wish Ko Lang,” na nakatambal niya for the first time ang boyfriend niya ngayon na si Kapuso actor Jeric Gonzales. Ngayon ay isa siyang action star sa role niya na isang special agent sa “Agimat ng Agila,” kasama si Senator Bong Revilla, na napapanood every Saturday evening, pagkatapos ng “Pepito Manaloto.”

 

 

At this Saturday, March 26, magho-host naman si Rabiya, kasama si Kapuso actor Manolo Pedrosa sa live opening ceremony ng “Stronger Together: Buo Ang Puso, NCAA Season 97,” 2:30PM, after “Eat Bulaga,” sa GMA-7, simulcast sa GTV.

(NORA V. CALDERON)

PDu30, umaasa na mananatili at hindi lulusawin ng kanyang successor ang anti-insurgency task force NTF-ELCAC

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na manatili ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa susunod na administrasyon.

 

 

Para sa Chief Executive, ito ang pinaka-epektibong paraan para labanan ang insurgency.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang the anti-insurgency task force na nagpalabas ng barangay development funds para sa mga lugar na inaakalang libre o malaya na mula sa komunista at iba pang insurgent groups.

 

 

“I hope the next administration will continue NTF-ELCAC. Sabi ko sa mga komunista, lumabas na kayo. Kung may panahon pa, kasali kayo sa land reform. Mag-surrender na kayo kasi iyang ELCAC, tutulungan kayong mga rebelde,” ayon sa Punong Ehekutibo sa Talk to the People, araw ng Martes.

 

 

“Ito ay may sariling bahay at sariling lupa. Huwag kayong sumali diyan sa mga rebelde na kasabwat ang mga miyembro ng political parties sa kabila,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inulit naman ni Pangulong Duterte ang nauna niyang sinabi na mayroong isang presidential candidate ang nakikipagtulungan sa rebeldeng komunista.

 

 

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sino ang presidential bet na ito.

 

 

“At this time, I’m not ready to mention the names, but mayroon tayong partido headed by someone running for the presidency and yet they are also playing into the hands of communist mismo,” ayon kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon.

 

 

Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa GMA News, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, CNN Philippines at Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado.

 

 

“Baka alanganin siya , baka marami nag-aattend ng debate. Baka mahiyain siya. One-on-one na lang, para malaman ng taumbayan ang plataporma ko at plataporma niya,” ayon kay Pacquiao, Lunes, na isang eight-division world champion sa larangan ng boxing.

 

 

“Okay sa akin, mag-debate kaming dalawa lang.  Tingnan natin kung ano ang plataporma niya, kung ano ang plataporma ko.”

 

 

Sa ngayon, tanging ang debate ng SMNI na pinamamahalaan ni Pastor Apollo Quiboloy — na nag-endorso kay Marcos — ang dinaluhan ni Bongbong.

 

 

Una nang sinabi ng kampo ni BBM na wala silang planong dumalo sa mga debateng pagsasabungin lang ang mga kandidato, at nais lang magtungo sa mga programang magbibigay sa mga kandidato ng sapat na oras para ipaliwanag ang kanilang mga plataporma.

 

 

“Ano bang plataporma ang gusto niyang marinig?  Mag-attend siya ng debate para malaman din ng taumbayan kung ano ang plataporma niya,” sabi pa ni Pacquiao, na matatandaang bumuhay sa isyu ng korapsyon ni Bongbong kaugnay ng “pork barrel” scam.

 

 

“Lumaban nga tayo dito para sa mga Pilipino.  handa tayong sagutin ang mga tanong na ibabato sa atin… kung ano ang plano natin sa taumbayan.”

 

 

Bagama’t karapatan daw ni Marcos na tumanggi sa debate, panahon na raw para pag-isipan ng publiko kung bakit hindi niya mailahad kung ano ang plataporma niya. Kilala ang UniTeam tandem nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa paggamit ng islogan na “pagkakaisa.”

 

 

Kahapon lang nang sabihin ni Comelec commissioner George Garcia na pag-uusapan nila sa Miyerkules ang mga posibleng mas mahigpit na parusa sa mga ayaw sumipot sa debate. Sa ngayon kasi, tanging pag-ban lang sa platforms ng Comelec e-rallies ang nagagawa ng poll body.

 

 

Matatandaang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na may mga bansa gaya ng Argentina kung saan required ang pagdalo sa electoral debates. Ang mga kandidatong hindi sumusunod nito roon, tinatanggalan ng kapangyarihang magpalabas ng mga patalastas sa broadcast media.

 

 

Kahapon nang iendorso ng PDP-Laban si Marcos para sa pagkapangulo. Si Pacquiao ay bahagi rin ng PDP-Laban sa ilalim hiwalay na paksyon kung saan siya ang presidente at si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang chair. (Daris Jose)

P1 fare hike hindi pinayagan ng LTFRB

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI PINAGBIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon na mabigyan sila ng P1 provisional minimum fare increase sa public utility jeepneys (PUJs).

 

 

Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na kanilang binigyan konsiderasyon ang assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa magiging inflationary effects nito sa ekonomiya.

 

 

“When these costs are transferred to the consumers as higher transportation expenses, it will also reduce the purchasing power of the general public,” wika ni Cassion.

 

 

Ang nasabing petisyon ay inihain ng Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association (Pasang Masda) upang maging P10 ang minimum na pamasahe.

 

 

Noong 2018, ang LTFRB ay inaprobahan ang P1 fare increase upang matugunan ang tumaas na presyo ng gasolina at krudo subalit muling binalik ng ahensya sa P9 ang minimum na pamasahe ng bumaba na ang presyo ng krudo.

 

 

Sinabi naman ni Pasang Masda president Roberto Martin na payag silang hind ibigay ang kanilang kahilingan na P1 fare increase subalit kinakailangan na ang pamahalaan ay ituloy pa rin ang programa sa service contracting kung saan ang mga public utility vehicle (PUV) drivers at operators ay babayaran sa kanilang tinakbong ruta.

 

 

“As long as the service contracting is there, many drivers will be glad,” sabi ni Martin.

 

 

Ngayon lingo ito naman ay sinimulan na ng Land Bank of the Philippines ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga jeepney drivers sa ilalim ng programang Pantawid Pasada. May 377,00 na drivers at operators ng jeepneys, UV express, taxis, tricycles at iba pang full-time ride-hailing at delivery services ang inaasahang mabibigyan ng P6,500 na ayuda mula sa pamahalaan.

 

 

Nauna ng inaprobahan ng pamahalaan ang pag release ng pondo na nagkakahalaga ng P2.5 billon para sa nasabing programa kung saan ang P1.75 billion ay nakalaan para sa mga public utility vehicles sa pangagasiwa ng LTFRB.

 

 

Ang natitirang P625 million naman ay ipamamahagi sa mga tricycle drivers at operators habang ang P125 million ay para naman sa mga delivery services.

 

 

Samantala, nakikipagusap naman ang Grab Philippines para sa inihain na P15 base fare increase ng grupong transport network vehicle services (TNVS) dahil na rin sa tumataas na presyo ng gasolina. Noong nakaraang November pa naghain sa LTFRB ang MyTaxi.PH Inc (Grab) para sa kanilang petisyon.

 

 

“The proposed fare increase for TNVS includes P5 increase in the flag down rate of P40 for a car/sedan, and P10 increase in the flag down rate of P50 for premium AUV/SUV,” saad ng Grab.

 

 

Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay nagsubmit na ng listahan para sa mga delivery riders sa LTFRB para sa fuel subsidy ng pamahalaan. Kasama sa listahan ang mga pangalan ng mga delivery riders, independent delivery riders na gamit ang platforms na tinatawag na “last mile delivery service provider.”

 

 

Sa kabilang dako pa rin, sinabi naman ni presidential candidate Panfilo Lacson na dapat ay kasama rin sa fuel subsidy ang mga colorum na drivers sapagkat sila rin ay naapektuhan ng pagtaas ng krudo.  LASACMAR

Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors.

 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya sa LGUs na magpaliwanag kung bakit hindi pa nakompleto ng mga ito ang distribusyon ng financial assistance.

 

 

“Ang ginawa rin po natin sa mga LGUs na medyo mabagal ang pagbibigay ng ayuda ay pinadalhan natin ng show cause orders. Ito po ay umaabot sa 48 LGUs,” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, may 16 na LGUs ay mula sa Eastern Visayas, 16 mula sa Western Visayas, 13 mula sa Central Visayas, at tatlo naman ay mula sa Mimaropa.

 

 

Tinatayang may 85.52% o P4,151,590,324 ng P4,854,356,000 cash aid funds ang naipamahagi na sa 4,010,092 benepisaryo.

 

 

Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, “as of February 21,” ang napaulat na death toll ay 405 at 52 naman ang nawawala matapos na hambalusin ng bagyong Odette ang bansa noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

May kabuuang 10,607,625 katao o 2,991,586 pamilya ang apektado ng bagyo sa 10,264 barangay.

 

 

Mayroong 2,031,824 bahay ang nawasak; 1,585,252 partially damage at 446,572 totally damage. May kabuuang P29,338,185,355 halaga ng danyos sa imprastraktura at P17,748,148,271 sa agrikultura ang napaulat. (Daris Jose)

Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps.

 

 

Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.

 

 

Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan ng paraan na makapagbigay ng P500 kada pamilya kada buwan.

 

 

Bahala na aniya ang susunod na administrasyon na ituloy ang paghanap ng pera para maipagpatuloy ito, basta sa ngayon ay kailangang daw maibigay ang P500 ayuda.

 

 

Mahigpit lamang ang bilin ng pangulo sa mga benepisaryo na ‘wag gastusin ang pera sa e-sabong. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pinag-usapan ang pag-like at pag- comment sa IG post… DIEGO, pabirong sinabihan ni BARBIE ng ‘ako pala ang sinayang mo’

Posted on: March 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SAAN kaya nanggagaling ang grabeng hatred ng baguhan at bata pang director na si Darryl Yap? 

 

 

Na mukhang sa dami rin ng mga nababasa naming galit na sa kanya at nagsasabing dapat daw, i-cancel na ito, tila magiging malaking risk sa mga producer na kukuha sa kanya bilang director kung susuportahan ba ng karamihan ang magiging project niya.

 

 

Though, nagti-trending ang pangalan niya sa Twitter.

 

 

Kung ang maging popular ang goal ng director sa pagiging BBM supporter at isa sa mga hater ni V.P. Leni, masasabing achieved na achieved niya ito.

 

 

Nang tingnan namin ang mga comments at tweets kung bakit trending ang pangalan niya, ang dahilan dahil sa tweet niya tungkol kay Ariana Grande na, “Sobrang lungkot ko ngayon, nasa IG story kasi ni Ariana Grande yung rally sa Pasig!  Oh No!!! Iboboto na ni Ariana si Leni, HAHAHAHAHAHAHAHAHA

 

 

At saka niya pinalitan ang isang linya ng lyric sa kanya ni Ariana na Bang Bang in to the room ng pangalan ni Bong Bong.

 

 

Siguro nae-enjoy ni Daryl ang pagka-disgusto sa kanya ng karamihan kaya tuloy-tuloy lang ito.

 

 

Isa sa comment kaya siya nag-trending, “Darryl yap is always “up to date” when it comes to news or issues about Leni and Kiko.  Wala ka na bang projects sir at ang dami mong free time.”

 

 

“Darryl Yap is sick and I think he needs help!”

 

 

***

 

 

PINAG-UUSAPAN ang pagla-like at pagko-comment ni Diego Loyzaga sa Instagram post ng ex-girlfriend (kung hindi pa nagkakabalikan, huh!) na si Barbie Imperial.

 

 

From being passionately in-love, bigla na lang nag-anunsiyo na break na sila at kamakailan lang, may sighting na magkasama sa isang restaurant.

 

 

At ngayon nga, sa Instagram post ni Barbie na red hair na siya, isa si Diego sa nag-comment dito na, “Poison Ivy?”

 

 

Pero bongga ang naging reply ni Barbie sa comment na ito ni Diego na, “@diegoloyzaga ako nga pala yung sinayang mo HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”

 

 

Na sinagot ni Diego na, “r u suuuure?,” kasunod nito ang emoji na nag-iisip.

 

 

Sa reply ni Diego, pwedeng ipakahulugan ito ng dalawang bagay. Hindi nanghihinayang si Diego na break na sila or hindi sinayang dahil—sila pa rin o may balak pa itong balikan?

 

 

Nagulat naman ang ibang fans sa pagpapalitan nila ng comments dahil ibig sabihin daw, naka-follow na muli si Barbie sa actor. (ROSE GARCIA)