• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 30th, 2022

Makakasuhan kahit magkaayos at magkabalikan… KIT, kaya pa ring patawarin ni ANA sa kabila nang matinding pananakit

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila nang matinding pasa, sakit at trauma dahil sa pambubugbog na diumano’y natamo ni Ana Jalandoni sa boyfriend na si Kit Thompson, nais pa rin daw niyang makausap ito at tahasan din sinabi na kaya pa rin niyang patawarin.

 

 

Tila nagulat nga ang ilan sa press na nasa presscon ni Ana sa naging sagot nito kung sakali at makakaharap niya si Kit, ano ang magiging mensahe niya rito.

 

 

Instead na sumbat o galit, umiiyak na may concern pa rin na sabi ni Ana na sasabihin niya raw niya na, “Kit, Fix yourself. Fix yourself.”

 

 

Dugtong pa niya, “Mahal ko nga po talaga ang tao. Pero siyempre, ‘yung galit, nando’n po ‘yun. Kaya nga po namin pinursue ang case, yung galit po, idadaan po natin sa tamang proseso.

 

 

  “Bilang tao po, maraming nagagawang hindi maganda dahil sa emotion and everything. Pero, tao rin ho ako. May consequence ho lahat ng ginagawa natin.”

 

 

Nag-sorry naman daw kasi si Kit noong una niyang maranasan na nasampal siya nito. At most likely, katulad ng ibang mga babaeng in-love, aasa talaga na magbabago at hindi na mauulit, sa kabila nang nabanggit ni Ana na may ‘anger management issue’ talaga ang boyfriend.

 

 

Sa ngayon, nag-a-undergo na raw ng counselling si Ana. Umiiyak si Ana na pinakahirap daw siya sa gabi dahil hindi siya makatulog at madalas na naiisip ang nangyaring pambubugbog sa kanya.

 

 

 “Don po ako hirap, talagang natatakot ako. Sa hospital, hindi ako natutulog. Nahihirapan po ako,” pag-amin niya.

 

 

At pinatotohanan din ito ng lawyer niya na si Attorney Faye Singson na tuwing nakakausap daw niya ito, ‘yon daw talaga ang sinasabi sa kanya, na hindi ito nakakatulog.

 

 

At kung pagkatapos nga ng lahat ng ito, matagpuan pa rin nina Ana at Kit na magka-ayos at magkabalikan, binigyang-diin na ng lawayer ni Ana na si Attorney Faye na tuloy pa rin ang kaso laban kay Kit dahil hindi na private case ang 2 counts of violence against women and children (RA 9262) na isinampa rito, instead it’s a case versus people of the Philippines na.

 

 

Bukod pa sa dalawang case na illegal detention at frustrated homicide kung maaaprubahan ng piskalya.

 

 

***

 

 

MARAMI ang naaliw at natuwa sa ginawang pa-birthday ni Jerika Ejercito sa kanyang kapatid na si Jake Ejercito.

 

 

Sabi nga nito sa pamangkin na si Jolo Estrada, “the biggest test of my looooove for @unoemilio.”

 

 

Given naman kasi na sa pamilya Estrada, bukod-tanging si Jake lang yata ang humiwalay o nanindigan sa choice niyang suportahan sa pagka-Pangulo ng bansa sa May 2022 election.

 

 

Very vocal at nag-a-attend pa ng campaign rally ni V.P. Leni Robredo si Jake sa kabila ng ibang partido ang dinadala ng kanyang angkan.

 

Pero ang cute at binigyang diin ni Jerika na sa araw lang daw ng birthday ni Jake, gagawin nilang kulay rosas, which is, parang naging Leni theme tuloy ang hinanda nilang surpresa for Jake.

 

 

May Leni cup from 7/11, pink balloons at mas aliw ‘yung pagdating ni Jake, lahat sila ay kumanta ng campaign slogan ni V.P. Leni.

 

 

At sa caption ni Jerika para kay Jake, ramdam na ramdam ang pagmamahal at respeto na meron siya para sa nakababatang kapatid.

 

 

Aniya, “Happy Birthday to my dearest baby bro @unoemilio.  I am so proud of how you continue to grow into your own person.  You have always been true to yourself no matter what and I admire you for it.

 

 

  “You will always have my utmost respect and love in everything that you do.  So for today (only) at para sayo gawin nating kulay rosas ang araw raw na toh.”

(ROSE GARCIA)

Provincial buses muling pinayagan sa EDSA

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING  pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga kung saan magkakaron ng dalawang linggong dry run na nagsimula noong Huwebes ng gabi.

 

 

Sa isang pahayag ng MMDA sinabi nilang ang kanilang desisyon ay ayon sa isang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan nakasaad ang uniform travel protocols sa gitna ng pandemya.

 

 

“The Department of Transportation (DOTr) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) gave the green light to allow provincial buses to ply EDSA starting 10:00 p.m. up to 5:00 a.m.,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, ang mga buses na galing sa Metro Manila at papuntang mga probinsiya ay dapat gagamit ng integrated terminal exchanges bilang hubs ng transportasyon.

 

 

Ang mga pasahero sa ngayon ay sumasakay sa mga provincial buses na humihinto sa mga designated terminals pagkatapos ay lilipat sa mga carousel buses na dumadaan sa EDSA.

 

 

Samantala, natuwa naman ang mga kaalyado ni President Duterte sa mababang kapulungan dahil sa ginawang dalawang linggong pilot resumption ng mga provincial buses na dadaan sa EDSA.

 

 

Ayon kay congressman Joey Salceda, ang pagbabalik ng mga provincial buses sa EDSA ay makakatulong upang maging madali ang economic recovery ng bansa mula sa pandemya.

 

 

“We have limited transport options in Metro Manila. Provincial buses are critical to our mobility, a human right. As BPOs and other private firms resume face-to-face work, those who went to the provinces will again require modes of transport to and from Manila. Airfare, for most people, is beyond reach,” saad ni Salceda.

 

 

Sa nakaraang traffic summit naman ay naghain ng mga mungkahi ang mga stakeholders kung saan pinagusapan ang expansion ng number coding scheme at ang reimplementation ng truck ban.

 

 

Sinabi rin ni Artes na magkakaron sila ng sunod-sunod na consultations upang mas mapaganda pa ang traffic management sa Metro Manila.

 

 

“Rest assured that we will thoroughly study the proposed solutions and we will address the concerns of the commuters and transport sector,” dagdag ni Artes.  LASACMAR

Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA ISANG  iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.

 

 

Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).

 

 

Ito ang ikaanim na sunod na arangkada ng Celtics na nakamit ang top spot sa East dahil sa pagkatalo ng Philadelphia 76ers sa NBA-leading Phoenix Suns.

 

 

May magkaparehong baraha ang Boston at M­iami, ngunit dalawang beses tinalo ng Celtics ang Heat ngayong season.

 

 

Nagposte ang Celtics ng double-digit lead sa second quarter patungo sa 72-49 pagbaon sa Timberwolves, nakahugot kay Anthony Edwards ng 24 kasunod  ang 19 markers ni Karl-Anthony Towns.

 

 

Sa Phoenix, tumipa si Devin Booker ng 35 points at  nag-ambag si Chris Paul ng 19 points at 14 assists sa 114-104 pagtusta ng Suns (61-14) sa 76ers (46-28).

 

 

Nagtapos ang three-game winning streak ng Philadelphia na nakakuha kay Joel Embiid ng 37 points at 15 rebounds.

 

 

Sa Washington, nag­lista si Corey Kispert ng career-high 25 points sa 123-115 panalo ng Wizards (32-42) sa Golden State Warriors (48-27).

 

 

Sa iba pang laro, tinalo ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Lakers, 116-108; lusot ang New York Knicks sa Detroit Pistons, 104-102; wagi ang Dallas Mavericks sa Utah Jazz, 114-100; at binigo ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 119-110.

 

DepEd, tiniyak na mas maraming pondo para sa limited in-person classes preps

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) sa mga eskuwelahan na mayroong karagdagang pondo para sa paghahanda ng progresibong pagpapalawak ng limited in-person classes.

 

 

Binatikos kasi ng Teachers Dignity Coalition (TDC), sa isang Facebook Livestream, ang gobyerno para sa di umano’y “taking advantage” o pagsasamantala sa kabutihang-loob o pagiging mapagbigay ng mga guro kasunod ng ulat na may ilang guro ang gumagamit ng kanilang resources para sa paghahanda ng limited face-to-face classes

 

 

Sinabi ni DepEd Undersecretary Analyn Sevilla na may ilang regional offices ang nagsimula nang mag-download noong Marso 4 ng karagdagang pondo para sa maintenance at iba pang operating expenses (Schools-MOOE) March 4.

 

 

“Napakahalaga ng agarang aksyon, lalo sa usaping pinansyal, pagdating sa pagpapatuloy ng edukasyon nitong nakalipas na dalawang taon. Kaya’t prayoridad din namin, at sa direksyon ni Secretary Leonor Magtolis Briones, na maging maagap sa pagpaplano at i-anticipate ang pangangailangan ng ating mga personnel, teachers, at learners,” ayon kay Sevilla.

 

 

Aniya pa, may P936 milyong piso mula sa P977 milyong Schools-MOOE na pondo ang na-download na ng DepEd regional offices.

 

 

“May natitira pang PHP41.48-million sa Central Office bilang buffer fund. Ang mga Regional Offices ay magbibigay ng pondo sa mga Division Offices base sa dami ng schools na sasali sa Progressive Expansion,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, kinikilala naman ng DepEd ang partisipasyon at inisyatiba ng mga guro at iba pang stakeholders sa komunidad.

 

 

“Kinikilala din natin sa DepEd ang kahalagahan ng partisipasyon ng ating mga guro kasama ang komunidad, LGU, at mga organisasyon tulad ng PTA sa ‘shared responsibility’ pagdating sa paghahanda ng ating mga paaralan,” ayon kay Sevilla.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng DepEd ang mga school heads ng mga identified schools na kabilang sa progressive expansion ng face-to-face classes na makipag-ugnayan sa division at regional offices para sa karagdagang pondo. (Daris Jose)

330 mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa PH -DOH

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA lamang ng 330 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas kahapon.

 

 

Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,676,991.

 

 

Sa data ng Department of Health (DoH) ang active case naman ay bumaba sa 42,835 mula sa dating 43,486 active cases.

 

 

Pumalo naman sa 3,575,141 na katao ang naka-recover na sa virus habang ang mga namatay ay 59,015.

 

 

Kabilang naman sa mga rehiyon na mayroong pinakamaraming kaso sa nakaraang dalawang linggo ang NCR na may 1,801 infections, Region 4-A 735 at Region 6 na may 587.

Jim Carrey Returns for Dr. Robotnik’s Revenge in ‘Sonic the Hedgehog 2’

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SONIC’S archenemy is back!

 

 

For Jim Carrey, the role of Dr. Robotnik in Paramount Pictures’ comedy adventure sequel Sonic the Hedgehog 2 provided the opportunity to return to his legendary film comedy roots.

 

 

He says, “Robotnik hit the absurd energy that people really love – and the vibe of films like Ace Ventura: Pet Detective, The Mask, and Dumb and Dumber. Playing Robotnik, I just let the floodgates open!”

 

 

The floodgates remain open – perhaps even wider – for Robotnik’s return in the sequel. The chrome-domed, mega-mustached madman with an I.Q. measuring over 300 is bigger, badder, and funnier, and still getting around in his patented flying ship, the Eggmobile.

 

 

And he has a score to settle with Sonic, who bested Robotnik at the end of the first film, leaving the madcap maniac stranded on a mushroom planet, light years away from Earth. In Sonic the Hedgehog 2, we see that Robotnik has spent months alone on the planet. “And if he was crazy in the first movie, he’s absolutely insane in this one, which fits Jim Carrey’s style of acting perfectly,” says producer Toby Ascher.

 

 

Carrey agrees, noting that returning to Robotnik was a chance to go even bigger with a character who, in the first film, was already an ultimate uber-villain.

 

 

“He just gets bigger and bigger, and more and more of an egomaniac,” he confirms. “He’s also become increasingly frustrated about being bested by puny minds, like Sonic’s. Now, vengeance is job one for Robotnik,” Carrey continues.

 

 

“Number two, of course, is world domination and the enslavement of humanity. With the help of the Master Emerald, Robotnik wants to transcend his totally dysfunctional, if brilliant mind, and become a demi-god.”

 

 

Robotnik’s newly enhanced mustache, which has achieved magisterial proportions, is, says Carrey, “yet another manifestation of Robotnik’s ego. You know, the bigger the ego, the bigger the chip on his shoulder, the bigger resentment of Sonic – and the bigger the mustache!  The ‘stache gives him power, like Samson’s hair. It becomes a manifestation of his megalomania.”

 

 

Director Jeff Fowler is even more impressed by what Carrey brings to the new film, marveling, “Jim loves getting lost in the character. He has doubled and tripled-down on all the things you love about Robotnik – and about Jim – including the humor, mania and intelligence.”

 

 

Watch the final trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=xtrmgQTpYyw&t=128s

 

 

In cinemas across the Philippines March 30, Sonic the Hedgehog 2 is distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

 

 

Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/ and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #SonicMovie2 

 

 

(ROHN ROMULO)

19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico.

 

 

Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap.

 

 

Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay.

 

 

Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa isang salo-salo sa bayan ng Las Tinajas, Michoacan state.

 

 

Maraming mga katao rin ang nasugatan na agad namang itinakbo sa pagamutan.

 

 

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril maging ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

3 pang phreatomagmatic bursts naitala sa Taal – PHIVOLCS

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLO pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano kahapon, ayon sa PHIVOLCS.

 

 

Base sa kanilang report na inilabas ngayong umaga, sinabi ng PHIVOLCS na base sa kanilang pagbabantay mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng umaga, nakapagtala ng phreatomagmatic burst bandang alas-9:30 ng umaga, alas-9:33 ng umaga at alas-9:46 ng umaga kahapon.

 

 

Walo namang volcanic earthquakes, kabilang na ang isang volcanic tremor, ang namataan sa paligid ng Taal na tumagal ng hanggang limang minuto.

 

 

Aabot namansa 4,273 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan nito.

 

 

Nagbabala ang ahensya sa mga possible hazards ngayong nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3 sa Taal, tulad na lamang ng posibleng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at accumation ng lethal volcanic gas.

 

 

Kabuuang 1,632 pamilya o 5,878 katao ang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa pagalboroto ng Taal, ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ukrainian peace negotiators at Russian billionaire nakaranas ng mga sintomas ng pagkalason

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHIHINALAANG dumanas ng mga sintomas ng pagkalason ang Ukrainian peace negotiators at bilyonaryong si Roman Abramovich pagkatapos ng isang pulong sa Kyiv.

 

 

Si Abramovich, na tumanggap ng kahilingan ng Ukrainian na tumulong sa pakikipag-ayos sa pagwawakas sa pananalakay ng Russia sa Ukraine, at ang dalawang senior na miyembro ng koponan ng Ukrainian ay nakaranas ng mga sintomas ng pagkalason.

 

 

Kasama sa kanilang mga sintomas ang pamumula ng mata, patuloy at masakit na pagpunit o tearing, at pagbabalat ng balat sa kanilang mga mukha at kamay.

 

 

Sa kasalukuyan, bumuti na ang sitwasiyon ni Abramovich at ang mga negosyador ng Ukrainian, kabilang ang mambabatas ng Crimean Tatar na si Rustem Umerov.

 

 

Nauna ng sinabi ng Kremlin na si Abramovich ay gumanap ng maagang papel sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ngunit ang proseso ay nasa kamay na ng mga koponan sa pakikipagnegosasyon ng dalawang panig.

87 paaralan sa Camanava, balik face-to-face classes

Posted on: March 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALUMPU’T-PITO sa 224 na pampublikong paaralan sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City) ang nakatakdang magsagawa ng limitadong face-to-face (F2F) classes dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

 

 

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, pinamahalaan ng kanyang lungsod ang progresibong pagpapalawak ng mga live classes sa mga pampublikong elementarya at high schools.

 

 

Pinuri ni Mayor Tiangco at ng kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco ang mga local school officials para sa organisadong pilot na pagpapatupad ng mga live na klase sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

 

 

“Of course, the city government has been working hand-in-hand with the Schools Division to ensure the successful implementation of the face-to-face classes although the number of students allowed inside the schools is still limited,” ani Tiangco brothers.

 

 

“Now that the situation has started to normalize as indicated by the almost zero daily Covid-19 cases in the city, we can hope that more students will soon be allowed to attend face-to-face classes, dagdag nila.

 

 

Sa Valenzuela, sinabi ni Mayor Rex Gatchalian na 24 sa 66 pampublikong elementarya at high schools ang balik in-person learning, kabilang ang Karuhatan Elementary School, Maysan Elementary School, Gen. T. De Leon Elementary School at Coloong Elementary School.

 

 

Sinabi naman ni Schools Division-Malabon official Dr. Josefina Pablo na 25 sa 44 public schools sa lungsod ang pinayagan ng magsagawa ng F2F classes.

 

 

Sa Caloocan, sinabi naman ni City Schools Division official Melissa Saludes na tatlo lamang sa 89 na pampublikong elementarya at high schools sa kanyang lugar ang nagpatuloy ng mga live na klase. (Richard Mesa)