• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 4th, 2022

Hinangaan ang world-class performances kasama sina Julie Anne at Jessica: XIAN, napagkamalan na isang prinsipe sa Saudi dahil suot na attire sa concert

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG nasabik ang mga kababayan nating Pinoy na nasa Dubai, kaya naman naging matagumpay ang pagbabalik sa live concert events doon, pagkatapos ng two years na binawalan ang mga shows abroad at pahirapan sa pagbibiyahe dahil sa Covid-19 pandemic, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

 

 

Kaya matagumpay ang pagbabalik live concert na ginawa ng GMA Pinoy TV last March 30 dahil libu-libong mga Pinoy ang dumalo para mapanood ang Stronger Together: GMA Pinoy TV @ Expo 2020 Dubai, ang pinakamalaking expo sa mundo.

 

 

Pinangunahan ito nina Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose, The Clash Champion Jessica Villarubin, at new Kapuso actor Xian Lim, dahil jampacked ang Dubai Millennium Ampitheatre.

 

 

Hinangaan ng mga manonood ang world-class performances nina Julie Anne, Jessica at Xian, na kasama rin ang mga Pinoy performing groups na naka-based sa Dubai.

 

 

May iba nga raw nag-akala pang isang prinsipe sa Saudi si Xian dahil sa kanyang suot na attire sa concert.

 

 

Meanwhile, marami na rin ang naghihintay sa nalalapit na third episode ng Limitless concert ni Julie Anne, titled “Rise.”  Mapapanood na ito sa Saturday, April 9, 2022.

 

 

Kung yung naunang dalawang episode ay ipinakita ni Julie Anne ang beauty ng Mindanao at Visayas, this time ay ipi-feature naman niya ang magagandang lugar sa Luzon.

 

 

Marami nang naghihintay kung sino naman ang magiging special guest dito ni Julie, pwede raw bang ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz ang muli niyang makasama ngayon?

 

 

Ang tickets ay available at www.gmanetwork.com/synergy

(NORA V. CALDERON)   

Donaire-Inoue 2 kasado na sa June

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASADO  na ang rematch nina reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito Donaire Jr. at World Boxing Association (WBA) at International Boxing Fe­deration (IBF) bantamweight king Naoya Inoue sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.

 

 

Mismong si Inoue ang nagsiwalat ng magandang balita sa kanyang social media account kung saan masaya itong matutuloy na ang rematch nito kay Donaire tatlong taon matapos ang kanilang unang pagtatagpo.

 

 

Matatandaang unang nagharap sina Donaire at Inoue sa finals ng World Boxing Super Series (WBSS) kung saan nakuha ng Japanese ang unanimous decision win noong Nobyembre 7, 2019 sa Super Arena sa Saitama.

 

 

Parehong galing sa panalo sina Donaire at Inoue.

 

 

Unang pinataob ni Donaire si Nordine Oubaali noong Mayo 29, 2021 via fourth round knockout win para makuha ang WBC belt sa labang ginanap sa Carson, California.

 

 

Sinundan ito ni Donaire ng isa pang fourth round knockout win sa kababa-yang si Raymart Gaballo noong Disyembre 11, 2021 sa parehong venue.

 

 

Sa kabilang banda, tinalo ni Inoue si Pinoy pug Michael Dasmarinas via third round knockout win sa Las Vegas, Nevada noong Hunyo 19, 2021 kasunod ang eight-round knockout victory kay Aran Dipaen noong Disyembre 14, 2021 sa Tokyo Japan.

DepEd, kinondena ang paggamit sa kantang ‘Dakila Ka, Bayani Ka’ para sa political promotion ni Robredo

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARIING KINONDENA ng Department of Education (DepEd) ang paggamit sa kantang “Dakila Ka, Bayani Ka” sa online political promotion video.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni DepEd Undersecretary for Administration Alaine Pascua na ang nasabing kanta ay orihinal na ginawa bilang tribute sa mga front-liners laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) subalit ginamit nang walang permiso o pahintulot para sa political video na sumusuporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

 

 

“While we respect the political choice of the medical personnel featured in the video, we are appalled that the people behind the production of the said video did not even practice due diligence in securing permission first from the artists who graciously lent their time and talent for the song,” ayon kay Pascua.

 

 

Ayon sa post, ang campaign video ay pinrodus ng Robredo People’s Council Hope and Beyond Nueva Ecija, kasama ang mga miyembro ng Nueva Ecija Doctors for Leni for Free na nagpe-perform nito.

 

 

Ani Pascua, nakagagalit na ginagamit ang front-liners heroism para sa politika, iginiit nito na ang serbisyo ng mga front-liners ay para sa kapakanan ng publiko maging anuman ang political color ng bawat isa.

 

 

“The song itself emphasizes ‘Anuman ang kulay nila, anuman ang paniniwala, nagkakaisa sa pagtulong sa kaligtasan ng iba,’ to recognize the setting aside of political colors and partisanship in their service to our people. That message and recognition was sadly and unfortunately bastardized by this political rendition,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, nagbabala naman si Pascua na gagawa sila ng legal na aksyon upang isalba at ilayo ang nasabing materyales mula sa partisan initiatives.

 

 

Samantala, ang kinukuwestiyong video na pinost noong Marso 24 ay inalis na matapos na magpalabas ng kanyang pahayag si Pascua.

 

 

Ang “Dakila Ka, Bayani Ka” ay nilikha ni Arnie Mendaros at inareglo ni Albert Tamayo. (Daris Jose)

Mahigit 400-M estudyante sa 23 bansa, apektado pa rin ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya – UNICEF

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa 405 million na mga mag-aaral mula sa 23 mga bansa ang nananatiling apektado ng pagsasara ng mga paaralan nang dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), nasa 23 mga bansa pa mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang hindi pa tuluyang nakakapagbukas ng kanilang mga paaralan, habang maraming mga estudyante rin ang nanganganib din na tumigil sa kanilang mga pag-aaral nang dahil sa pandemic.

 

 

Ayon kay UNICEF Executive Director Catherine Russell, malaking kawalan sa pagkatuto ng mga bata kung hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga ito na makipag-ugnayan sa ibang tao tulad ng kanilang mga guro, at mga kaibigan.

 

 

Ito rin aniya ay maaaring magbunsod sa inequality sa pag-access sa karunungan sa pamamagitan ng edukasyon na nanganganib naman na maging isang greatest divider, sa halip na maging isang greatest equalizer.

 

 

Sa datos pa ng UNICEF, sinasabing nasa 147 million na mga kabataan ang hindi nakadalo sa mahigit kalahati ng kanilang in-person classes sa nakalipas na dalawang taon.

 

 

Bukod dito ay marami rin ang mga batang hindi na bumalik pa sa pag-aaral matapos na buksan muli ang kanilang mga paaralan dahilan para malagay ang mga ito sa mataas na panganib ng pagsasamantala at habambuhay na kahirapan.

 

 

Ngunit sa kabila nito ay inamin din ni Russell na may mga pagkakataon pa rin walang garantiya na matututo ng basic knowledge ang mga mag-aaral na pumapasok sa mga paaralan dahil sa napakabagal na kasalukuyang pace ng learning ngayon kung saan ay tinatayang aabutin pa ng pitong taon para sa karamihan ng mga mag-aaral para lamang matuto ng mga kasanayan sa pagbabasa na dapat sana ay natututunan lamang sa loob ng dalawang taon.

 

 

Dahil dito ay kinakailangan na mabigyan ng masinsinang suporta ang mga mag-aaral na kanilang kailangan upang muling makabawi sa kanilang edukasyon.

 

 

Bukod dito, dapat ding tiyakin ng mga bansa na ang mga guro ay may mga training at learning resources na kanilang kinakailangan.

Cool Smashers dumikit sa Finals

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Muling nagpasabog ng malakas na puwersa si opposite hitter Tots Carlos na bumomba ng 26 puntos mula sa 21 attacks, apat na aces at isang block para pamunuan ang Cool Smashers na makalapit sa finals berth. Maliban dito, nagtala pa si Carlos ng 12 excellent digs.

 

 

“One thing na wino-workout namin ngayon, yung end game. During third set, bumababa ang laro namin kaya ‘yun ang ginagawa namin sa training,” ani Carlos na siyang kumana ng game winning ace.

 

 

Nakakuha rin ng solidong puntos ang Cool Smashers mula sa mga beteranong players na sina team captain Alyssa Valdez, Jema Galanza, Celine Domingo at Jeanette Panaga sa larong dinaluhan ng mahigit 5,000 fans na dumagsa para manood ng live sa venue.

 

 

Dominado ng Cool Smashers ang attack line matapos magtala ng 58 kills laban sa 33 lamang ng Flying Titans.

 

 

May 10-7 edge rin ang Creamline sa blocks at 9-3 bentahe sa aces habang solido rin ang floor defense ng Cool Smashers na may 82 digs.

 

 

Sa unang laro, tuloy ang matikas na ratsada ng Cignal HD matapos patumbahin ang PetroGazz, 25-21, 25-23, 25-23 upang makalapit sa finals spot.

MAYNILA LUGMOK SA UTANG!

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.

 

 

“Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng Maynila,” sabi ni  Atty. Alex Lopez.

 

 

Lalo pang nalungkot ang negosyante at ekonomistang panganay na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez ang katotohanang naunahan na ang Maynila ng mga katabing siyudad tulad ng Quezon City, Makati at Pasig sa Metro Manila.

 

 

“Sa maraming bagay, napag-iwanan na ang Maynila,” sabi ni Atty. Lopez na pamangkin ni dating Manila 2nd District Rep. Jim Lopez.

 

 

Dagdag ni Lopez, malaking pondo ang iniwan ng kanyang ama nang iwan ang city hall, ” sa tantiya ko, aabot ng mahigit na cash na P1.2 bilyon noong 1992.”

 

 

Kung sa palitang dolyar sa piso ngayon,  katumbas ng P20-bilyon ang P1.2–bilyon ang iniwang pondo ni Mayor Lopez sa Maynila.

 

 

Kung siya ang pagtitiwalaang maging alkalde, sinabi ni Atty. Lopez sisikapin niyang maibalik ang tawag sa Maynila na ” Pearl of the Orient.”

 

 

Ikatlo na lamang ang Maynila sa may malaking income sa mga siyudad sa Metro Manila.

 

 

Kung hindi mababago ang liderato sa city hall, nangangamba si Atty. Lopez na iiwanan na ito ng Quezon City, Makati, Pasig at iba pang siyudad sa bansa.

 

 

“Ikinatatakot ko, magiging kulelat pa tayo kung hindi maaagapan,” pangamba ni Lopez.

 

 

Tiwala ng mga negosyante ang kailangang maibalik sa Maynila at mapataas ang koleksiyon ng buwis at iba pang bayarin.

 

 

“Ibabalik natin ang tiwala ng mga negosyante sa City of Manila. ‘Yong tax at permits, ibaba na ‘yan. Padaliin na ‘yong city permits para hindi na pinahihirapan nila ang mga negosyante,” ani Lopez.

 

 

Kukuha siya ng magaling na taong hahawak sa salapi ng lungsod.

 

 

Gagawin niya sa tulong ng City Council na maibababa  ang tax at city permits para mapabilis ang proseso nito at mahikayat ang mga negosyanteng mamuhunan sa Maynila.

 

 

“Pati ang big foreign investors ay hihikayatin natin na mag-invest at bibigyan natin sila ng kaluwagan at mabilis na business permits,  walang red tape nang sumigla ang economy, makalikha ng maraming industry,  establishments, trabaho at mapagkakakitaan,” sabi ng kandidatong mayor ng PFP.

 

 

Tungkol sa mahigit na P15-bilyong inutang ng kasalukuyang administrasyon, sinabi ni Lopez na sana ay naiukol sa mga tamang proyekto ang salapi.

 

 

“Sa hindi tamang priority ginastos ang mga inutang,  sayang ang laki ng pera (ng Maynila), kung saan-saan lang napunta at kailangan na maipaliwanag nila ito sa taumbayan,” sabi ni Atty. Lopez. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

VCM at election materials, sinimulan nang ipadala sa mga lalawigan – Comelec

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN  nang ipadala noong Sabado ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machine (VCM) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inumpisahan na ring ilagay sa mga truck ang mga VCM at ballot boxes.

 

 

Uunahing hatiran ng mga gamit ang nasa malalayong lugar, island municipalities at mga nasa bulubunduking lugar.

 

 

Habang huli namang ide-deploy ang para sa Metro Manila.

 

 

Inimbitahan naman ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang mga kinatawan ng political parties, stakeholders at media para mapasaksihan ang nabanggit na aktibidad.

 

 

Samantala, magpapatuloy hanggang sa unang dalawang linggo ng Abril ang paghahatid ng naturang mga kagamitan sa mga warehouse sa buong kapuluan.

 

 

Ang paghahatid sa mga bodega ng transportasyon ay magpapatuloy sa unang dalawang linggo ng Abril.

 

 

Inimbitahan din ni Comelec Chairperson Saidamen Pangarungan ang mga political parties, stakeholders, at media na saksihan ang sealing ng mga trak na maghahatid ng automated election system (AES) supplies.

 

 

Mula sa mga bodega ng transportasyon, ang mga supply ng automated election system ay ihahatid sa huling milya o sa mga presinto ng pagboto “sa tamang oras”. (Daris Jose)

Bagong number coding scheme, maaaring ipatupad matapos ang eleksyon

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaring ipatupad ang bagong number coding schemes matapos ang May 9 elections.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA general manager Frisco San Juan nagpapatuloy na sa ngayon ang konsultasyon sa ibang ahensiya ng pamahalaan ukol sa panukalang number coding schemes.

 

 

“Nakikipag-usap pa rin po tayo sa other government agencies upang maibigay din nila ang kanilang mga suhestyon kung ano sa dalawa ang ating ipapatupad at maari po siguro after elections na po natin ito ipaiiral,” ayon kay San Juan.

 

 

Nauna rito, ipinanukala ng MMDA ang dalawang bagong number coding schemes na magbabawal sa mga sasakyan sa pampublikong daanan sa kalagitnaan ng rush hours upang mabawasan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

 

 

Prinisenta ni MMDA Chair Romando Artes ang panukala na layong makabawas ng bigat ng trapiko ng hanggang 5%.

 

 

Una, pagbabawalan ang mga sasakyan na may registration plates na may odd last numbers na 1,3,5,6 at 9 sa mga pampublikong daanan sa Lunes at Huwebes mula alas syete hanggang alas diyes ng umaga  at mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi.

 

 

Pangalawa, ang mga sasakyan na may registration plates na even numbers na 2,4,6,8, at 0 ay pagbabawalan mula sa mga pampublikong daanan kada Martes at Biyernes sa kalagitnaan ng kaparehong oras.

 

 

Ibig sabihin, ang lahat ng sasakyan ay maaari lamang gumamit ng pampublikong daanan kada Miyerkules.

 

 

“Ang una pong isasagawa kung maramdaman natin ang pagdagsa ng marami pang pribadong sasakyan ay ang pagbabago nga ng ating vehicle reduction program sa halip na ‘yung sa kasalukuyan ay 20% lang ang ating naibabawas kada araw ay maaring 40% sa isang panukala or sa pangalawang option ay 50% reduction,” ayon kay San Juan.

 

 

“’Yan po ang mga pinag-aaralan ngayon at ‘yan po ay idadaan sa masusing pag-aaral para sa mas detalyado pa pong mga gagawing protocols,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinag-aaralan naman ng MMDA ayon kay San Juan ang posibilidad na palawakin ang afternoon number coding scheme, na nakatakda mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

 

 

Tiniyak naman ni San Juan sa publiko na handa ang MMDA sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Semana Santa.

 

 

“Meron na pong mga paghahanda tayo at ‘yan naman po ay mula’t mula pa noong nakaraang taon pare-pareho ang ginagawa ng ating ahensya kaya kung may pagbabago ay madali naman po kaming mag-adjust para mabigyan ng solusyon,” anito.

 

 

“Nakahanda po ang ating mga additional traffic enforcers, mga mobile units, at mga motorcycle units para po mabilis ang pagresponde sa mga sitwasyon ng trapiko,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring natatanggap na kahit na anumang reklamo ang MMDA hinggil sa two-week dry run para sa pagbabalik ng provincial buses sa EDSA, nananatili aniyang may konsultasyon sa mga bus operators.

 

 

“Sa Lunes po ay muli tayong makikipag-usap sa provincial bus operators para malaman natin kung ano ang kanilang assessment at kung meron silang hihilingin para i-adjust po ang kasakuluyang programa,” ayon kay San Juan. (Daris Jose)

Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.

 

 

“When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for them for this to have happened. But you know, whether you helped me during the elections or contributed something good, I am very thankful,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

“Pero alam mo maski kaibigan tayo, I have fired—hindi lang ninyo alam, hindi kasi ako mahilig ng … I’m not fond of announcing to the media pero about—in the process, I’ve fired five or six Cabinet members because of corruption,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Aniya, matagal na niyang sinibak sa puwesto ang mga nasabing cabinet officials na hindi naman nito pinangalanan.

 

 

“I’m not campaigning, I’m just talking about what ails the system. I’m not even naming names, but to those who are listening now, did you know about this? But if you ask me, I’ll say who are the Cabinet members that I fired. I fired them a long time ago. I’ve probably fired around six of them—an unholy hour, I really—nagbuhos din ako ng sama ng loob,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“You know, kaibigan tayo, I invited you in hoping that you could help me. O if you helped me, then it’s coupled with corruption, talagang sabi ko you know you have to go. It pains me deeply too but I never realized that you are capable of doing it because I thought all the while na pag-usapan natin dito, ‘yung tama lang,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Philippine beach volley teams handa na sa Vietnam SEAG

Posted on: April 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAYROON  nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold me­dal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.

 

 

Nagmula sa training camp sa Australia ang dalawang koponan kung saan humataw ang national men’s team ng gold habang isang gold at isang silver ang nakamit ng wo-men’s squad.

 

 

“After the Australian camp, we decided to join the competition in Brisbane. Talagang lutang na lutang iyong kahandaan ng mga players,” ani national coach Jan Doloiras sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes via Zoom.

 

 

Humataw ng gintong medalya sina Ranran Abdilla at Jaron Requinton sa Men’s Challenger Division I at tinumbasan ito nina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez sa women’s class ng Australian Beach Volleyball Championship.

 

 

Nag-ambag sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng tansong medalya.

 

 

Noong 2019 Manila SEA Games ay kumubra ang men’s at women’s beach volleyball pairs ng tig-isang bronze medal.

 

 

Ang Thailand at Indonesia ang mananatiling mahigpit na karibal ng Pilipinas para sa agawan sa gold medal sa Vietnam SEA Games.