• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 7th, 2022

Pagbabawal sa paghalik sa religious statues at pagpapako sa krus sa Holy week, inirekomenda ng DOH

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit.

 

 

Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon.

 

 

Paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang COVID-19 ay maaaring maihawa sa pamamagitan ng droplets kung kaya’t inirerekomenda aniya ng simbahan ang pagbabawal sa tradisyunal na mga aktibidad ng simbahan tuwing semana santa.

 

 

Aniya, may alternatibong pamamaraan upang maipakita ang debosyon para sa mga santo sa mga pinupuntahang mga simbahan.

 

 

Gayundin hindi inirerekomenda ng DOH ang pagpapapako sa krus dahil batid anila ang panganib nito gaya ng tetanus na maaaring makuha dito at maaari din aniyang magdulot ito ng pagkawala ng dugo. (Gene Adsuara)

Ads April 7, 2022

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Huling post nang hamunin si Sen. Bato Dela Rosa: GRETCHEN, baka may pinagdaraanan kaya nag-deactivate ng IG account

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG hindi kami nagkakamali, ang huling Instagram post ni Gretchen Barreto ay nang hamunin nito si Senator Bato dela Rosa.

 

 

Hinamon ni Gretchen si Bato na sabihin lang daw nito kung saan at kailan at dadalhin niya ang ebidensiya na ito ay totoo namang tumataya sa online o e-sabong.

 

 

‘Yun nga lang, tila pagkatapos nitong maghamon, ginawa niyang private ang Instagram account niya.  At ilang araw after that, mukhang dine-activate na niya ito.

 

 

Hindi na makita ang account ni Gretchen sa Instagram kapag sine-search ang IG handler niya. Iniisip ng ilang netizens na baka raw na hacked ang account ni La Greta.

 

 

May nag-comment naman na “baka nabato!” At may nagsabi rin na baka raw may nagpayo na mag-ingat muna sa mga binibitawang salita for her safety.

 

 

Naka-tsikahan naman namin ang isang taong malapit kay Gretchen. Hindi rin daw nito alam ang dahilan kung bakit biglang nag-deactivate.

 

 

Pero, sey niya, “baka may pinagdaraanan.”

 

 

***

 

 

NANG mabasa namin ang Instagram post ni Ogie Alcasid kunsaan, may naging revelation siya na sa mahigit tatlong dekada niyang singer/songwriter, ngayon pa lang pala siya nabigyan ng chance na mag-headline ng sarili niyang series of concert sa America.

 

 

Akalain mo ‘yon?

 

 

To think na ilang beses na nag-perform at nag-show si Ogie sa U.S. So ang successful series of shows ni Ogie na “O.A. sa Love sa U.S” ang first niya.

 

 

Sa post ni Ogie, nagpasalamat ito na after 34 years of performing, nabigyan daw siya ng chance headlining his own series of US tour.

 

 

At pati si Paulo Avelino na isa sa special guest ni Ogie, along with Janine Gutierrez, nagulat din ito na first time lang ni Ogie.

 

 

Napa-IG stories pa si Paulo tungko dito. Sey niya, “Ngayon ko lang nalaman na first time ni Kuya Ogie Alcasid na mag-headline ng concert dito sa U.S.A at hindi ko rin maintindihan kung bakit.

 

 

Sobrang sulit! Kung hindi ako kasama sa show, maski ako magbabayad para mapanood ko ‘yung concert.”

 

 

At sinundan niya ng hashtag na “late post para hindi biased.”

 

 

Sa isang banda, nakauwi na rin ng Pilipinas si Ogie. Pero sina Paulo at Janine ay nag-extend pa. Posibleng ngayon naman yung dadalaw si Paulo kasama si Janine sa anak niyang si Aki na nasa New York, kasama ang mommy nito na si LJ Reyes at kapatid na si Summer.

 

 

***

 

 

NAHALUKAY pa ng production ng kauna-unahang reali-traveltsika ng TV5, ang Lakwatsika ang ipinost na tweet ni K Brosas may 8 years ago na ang nakararaan.

 

 

Ang naging tweet ni K, “Isa sa mga pangarap ko na mapasali o mag-host ng isang nakakatawang travel show.”

 

 

Kaya na-realize ng singer/host/comedienne na pwede talagang mangarap at hindi mo pwedeng tawaran ang posibilidad kung kailan ito pwedeng matupad.

 

 

Sa part ni K, natupad ang pangarap niya after 8 years nang i-tap siya at ang kaibigan niyang si Ethel Booba na maging host ng bagong Lakwatsika show ng TV5 simula sa April 18 mula Lunes hanggang Biyernes ng 11:00 A.M. ng umaga.

 

 

Ayon kay K, matagal na raw niyang kaibigan si Ethel, hindi pa ito artista kaya kumportable sila sa isa’t-isa. Pero ang siste, si K, very vocal sa kung sinong Presidentiable ang sinusuportahan niya sa kanyang social media. Pero si Ethel, mukhang magkasalungat sila.

 

 

‘Yun pala, wala raw idea si K kung sino talaga ang choice ni Ethel. At hindi rin daw nila pinag-uusapan ang pulitika dahil baka mauwi lang daw sila sa pagtatalo.

 

 

“Ako, I’m very vocal about it, kung sino ang sinusuportahan ko. Pero si Ethel, hindi namin pinag-uusapan. Kasi ako, naniniwala ako na the more na pag-usapan namin ‘yan, hindi naman pwedeng hindi kami magtalo, ‘di ba?

 

 

      “Ang pangit naman no’n. So mas mabuti nang hindi magtanong. Kasi ako, alam niya. Pero actually, hindi ko alam ang kay Ethel.”

 

 

At saka ito humirit na, “Alam ko before! Ha ha ha!”

(ROSE GARCIA)

NORA, pasok sa list ng ‘Most Awarded Musicians of All Time’ na kung saan Number 1 si MICHAEL JACKSON

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA namang malaman na ang aming idol na si Ms. Nora Aunor ay pasok sa listahan ng Most Awarded Musicians of All Time.

 

 

Nasa number 26 sa listahan ang nag-iisang Superstar.  Ang iba pang singer na may dugong Pinoy na pasok sa listahan ay sina Bruno Mars who ranked 35th at si Enrique Iglesias na nasa number 50.

 

 

Number 1 sa listahan yumaong king of pop na si Michael Jackson.

 

 

Ate Guy is definitely in good company.

 

 

Ang listahan ay makikita sa The Artist Museum at Michael Jackson Twitter Account.

 

 

Congrats Ate Guy!

 

 

      ***

 

 

EXCITED si Jamie Rivera sa pagbabalik niya sa live concert performance via Live and Light na gagawin sa Newport Performance Theater on April 30.

 

 

It’s been two years since huli siyang nag-perform before a live na, incidentally, Love and Light din ang title. Pero it was a Valentine show.

 

 

What excites her more sa upcoming show ay makakasama ang opm legend at hitmaker na si Basil Valdez.

 

 

Kuwento ni Jamie sa presscon ng Love and Light na ginawa sa Resorts World Manila, bata pa siya ay idol na niya si Basil.

 

 

Ang dream nga when she was starting her career ay maging female Basil Valdez.

 

 

For Jamie, doing this concert is a celebration.   “We should be thankful we all survived the pandemic and we are still alive,” wika pa singer na tinawag na Inspirational Diva.

 

 

Mostly inspirational songs daw ang repertoire niya sa concert.  Ito raw ang kailangan natin sa panahong ito, sabi pa no Jamie.

(RICKY CALDERON)

Kamara naghahanda na sa canvassing of votes

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng presidente at bise presidente sa bansa.

 

 

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.

 

 

Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga mambabatas sa Kamara ng executive session para sa briefing ng Comelec sa National Board of Canvassers-Congress para sa paggamit ng CCS sa halalan.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa publiko partikular na sa mga botante na bawat boto ay mabibilang ng tumpak.

 

 

Ang deployment ng CCS equipment ay inaasahan sa huling linggo ng Abril. (Daris Jose)

Mahigit 3.7M ang nasayang na vaccine doses ang naiulat- Malakanyang

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY KABUUANG 3,760,983 doses ang naitalang Covid-19 vaccine wastage o nasayang na bakuna sa bansa.

 

 

Ipinresenta ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ang data na nagmula sa Department of Health sa isinagawa nitong public briefing, araw ng Miyerkules.

 

 

 

Sinasabing 1.54% lamang ito sa kabuuang COVID-19 vaccine doses sa bansa.

 

 

“Nasa 1.54% ng COVID-19 vaccines na binili ng national government ang masasabing wastage. Malayo ito sa 10% wastage rate ng World Health Organization,” ayon kay Andanar.

 

 

Kabilang sa mga dahilan para sa wastage o naaksayang doses ng bakuna ay “under-dosed vials, exceeded shelf life, presence of particles, destruction by disasters like fire and typhoons.”

 

 

Sa ulat, aabot sa 27 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nakatakdang mag-expire ang bisa pagsapit ng buwan ng Hulyo ngayong taon, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

 

 

Nanghihinayang si Concepcion na hindi magamit ang mga naturang bakuna kung kaya’t hinimok nito ang mga wala pang booster shot na magpaturok na.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Andanar ang publiko na magpabakuna na at sundin ang health protocols sa gitna ng banta ng bagong coronavirus variant Omicron XE.

 

 

“Patuloy ang ginagawang pag-aaral sa XE bilang isang variant. Ang mahalaga ay sumunod sa minimum health standards, mag-mask, hugas, iwas, at magpabakuna,” ayon kay Andanar. (Daris Jose)

Masyado kasing affected sa salitang ‘magnanakaw’: ANGELICA, sinabihan ang basher na sana maaral ang pagiging mabuting tao

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINATULAN ni Angelica Panganiban sa isang basher na nag-comment sa kanyang tweet na tungkol sa pagpapahinga muna sa showbiz dahil buntis sa first baby nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

 

 

Iniisip daw niya na mag-start ng vlog at say pa niya, “kung sakali, ano ang mga tanong/gusto niyo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon?

 

 

“Hangga’t kaya sagutin, subukan namin sagutin yarn, game?”

 

 

Iba’t-iba nga ang naging reaksyon ng netizens tulad na love story nila ni Gregg na dapat daw niyang I-reveal sa vlog.

 

 

‘Di raw niya type mag-prank call dahil baka ma-karma siya, pero pwede ang ninang and ninong reveal.

 

 

Sasagutin din ni Angelica ang tanong na, kailan mo na-realize na it’s all worth it?

 

 

Say naman ng isang netizen na nalungkot dahil titigil na muna siya sa paggawa ng mga teleserye at pelikula.

 

 

Sagot naman ng aktres, “Hahahaha. Okay lang yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects. Marami kayong pwede balik balikan.

 

 

“Balato n’yo na sakin ang buhay ko ngayon. 30 years naman na ko sa inyo!”

 

 

Pero may matapang na basher na nag-comment ng, “Tama yan magpahinga ka na lang at magalaga ng magiging anak nyo… para malaman mo kung paano maging mabuting tao.   “Hindi yung puro ka ‘magnanakaw’ ang sinasabi ng bibig mo.

 

 

Tila nag-init ang ulo ni Angge, kaya pinatulan ang basher.

 

 

“Sana ikaw din maaral mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung affected ka sa salitang magnanakaw.

 

 

Reaction naman ng netizens tungkol dito:

 

“BBM ako pero I respect Angelica’s opinion. Bato bato sa langit, ang tamaan wag magalit.”

 

 

“For once, may BBM akong in-admire — at ikaw yon! :)”

 

 

“Kasama sa script ng troll yan hehe. Basta may “respect”na keyword, un na yon.”

 

 

“Her account, her rules.”

 

 

“Ewan ko nga bakit affected sila sa salitang magnanakaw ahahaha sige angkinin nyo lang.”

 

 

“Lol trolls affected sa word na “magnanakaw” Truth hurts ba?”

 

 

“Pag may comment na magnanakaw ung supporters ng isang kandidato lang ung apektado. Bakit kaya?”

 

 

“Kakabit na talaga yung salitang magnanakaw dun sa isang kandidato noh? Ang funny lang kasi laging triggered yung supporters nung isa lols!”

 

 

“These celebrity airheads are ggss, they really think people are so curious about their journey in life. Id like to think viewers are interested in their crafts. More valauable contents are already there esp those legit channels who can give believable advice instead of supporting these celebrities turned vloggers.”

 

 

“I think she would welcome your opinion lalo na if magkakaroon ng sense ang vlog nya, mas informative mas maganda.”

 

 

“To each their own to put food on the table, as long as it doesn’t step on anyone’s toes or earned at the expense of others. anyone forcing you to watch them? you must have “watched” enough to make such a comment.”

 

 

“Preggy pa man din si Ange. Social media detox muna!”

 

 

“Praying for a safe pregnancy.”

(ROHN ROMULO)

La Salle ibinunton ang galit sa UST

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

 

 

Nasandalan ng Green Ar­chers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat na pa­nalo at mapatatag ang kapit sa No. 2 spot tangan ang 4-1 baraha.

 

 

Magandag resbak ito para sa La Salle matapos yumuko sa nagdedepensang Ateneo noong Sa­bado.

 

 

Nakakuha ng solidong suporta si Baltazar mula kay Kurt Lojera na nagsu­mite ng 15 markers.

 

 

“I think it’s very important for us, this win. It’s be­cause after coming up with a loss against Ateneo, the thing that I told the boys  the important thing is how we bounce back,” ani La Salle coach Derrick Pumaren.

 

 

Nakuha ng Green Archers ang 19 puntos na ka­lamangan sa huling 1:42 sa third quarter.

 

 

Sinubukan ng Growling Tigers na makahirit matapos maibaba sa siyam na puntos ang bentahe ng Green Archers, 58-67, sa fourth quarter subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Espana-based squad.

 

 

Bumida para sa UST sina Nic Cabanero at Joshua Fontanilla na may ptig-20 points.

 

 

Nahulog ang UST sa 2-3 baraha.

 

 

Sa ikalawang laro, ti­na­kasan ng UP Fighting Ma­roons ang Adamson Fal­cons, 73-71, para sa ka­nilang 4-1 kartada.

 

 

Nagtala si Zavier Lucero ng 20 points.

Dagdag-sahod na hiling ng TUCP hindi pinagbigyan ng DOLE-RTWPB

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hiling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

 

 

Paliwanag ng sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NCR, hindi saklaw ng hurisdiksyon nito ang naturang petisyon ng TUCP.

 

 

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si TUCP spokesperson Alan Tanjusay ukol dito at iginiit na mas pinaboran ng RTWPB ang business sector sa halip na mga manggagawa.

 

 

Magugunita na noong Marso 14 ay naghain ng petisyon ang naturang grupo na itaas sa P1,007 ang kasalukuyang P537 na minimum wage sa NCR sa kadahilanang hindi ito sapat.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Tanjusay na plano nilang maghain muli ng panibagong petisyon ukol dito.

MILYON NA PASAHERO, NAKASAKAY NA NG MRT 3

Posted on: April 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGSAKAY na ng 1,934,424 milyong pasahero ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)  sa unang linggo ng isang buwang libreng sakay na nagsimula noong Marso 28,2022, ayon sa pamunuan ng tren.

 

 

Sinabi ni Michael Capati, officer-in-charge ng  MRT-3 at director for operations, na ang pinakamataas na ridership ay naitala noong Abril 1 kung saan may kabuuang 309,225 na pasahero ang naihatid.

 

 

“Naging proactive po tayo sa pagte-test ng ating mga tren sa four-car configuration, ganun din sa ating Dalian trains, in anticipation of the return to normal scenario,” ani Capati.

 

 

Dagdag pa ni Capati, naging posible ang sabay-sabay at kayang magpatakbo ng hanggang 22 trains sets sa panahon ng  peak hours kasama na ang dalawang four-car CKD  train sets at isang Dalian train set dahil sa tagumpay na rehabilitasyon ng MRT-3, at ng patuloy na maayos na pagmimintina ng  upgraded subsystems, kasama ang tracks, signaling, power, rolling stock, at mga pasilidad .

 

 

Nag-deploy din ito ng set ng tren ng Dalian, na tumulong sa pagpapalaki ng kapasidad ng linya ng riles, na nagpapahintulot dito na makapagsilbi ng mas maraming pasahero.

 

 

Bawat train car ay parehong  CKD at Dalian trains na kayang magsakay ng 394 pasahero ayon sa pamunuan ng MRT-3 .

 

 

Ang isang CKD o Dalian na train set sa  three-car  configuration ay maaaring magkarga ng hanggang 1,182 na pasahero, habang ang isang CKD at Dalian na tren na nakatakda sa four-car configuration  ay maaaring magdala ng hanggang 1,576 na pasahero.

 

 

Maaaring mapakinabangan ng mga pasahero ang libreng sakay hanggang Abril 30, 2022, anumang oras sa pagitan ng mga oras ng operasyon ng MRT-3 mula 4:40 ng umaga  hanggang 10:10 ng gabi . (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)