• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 30th, 2022

Bibida sa newest sitcom ng TV5 na ‘Oh My Korona’: MAJA, tinawag na ‘Majestic Superstar’ kaya todo-react ang mga netizens

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong show si Maja Salvador sa TV5 at noong Miyerkoles, July 27, inilabas na nga ang trailer ng ‘Oh My Korona’ na kung saan ipinagmalaki sa IG post ng Kapatid Channel ang cast ng sitcom.

 

May caption ito ng, “TEKA LAAAANG! đŸ˜±

 

“This cast sa iisang sitcom ay W-O-W!

 

“Pooh, Kakai Bautista, Christine Samson, Jai Agpangan, Queenay Mercado, Guel Espina, Jessie Salvador, Thou Reyes, RK Bagatsing, Joey Marquez, and Majestic Superstar Maja Salvador!

 

“Riot na sa #OhMyKoronaTV5 simula ngayong August 6, 7:30 PM! AUGUSTO N’YO YOOON? 😉”

 

#WeekendTripTV5

#IBAngSayaPagSamaSama

“P.S. Watch ’til the end! 😅”

 

Ito ang papalit sa timeslot ng ‘Rolling In It PH’ ni Yassi Pressman na magtatapos ngayon gabi at bagong makakatapat ng sitcom ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ‘Jose & Maria’s Bonggang Vila’, kaya tiyak na tututukan ang bagong salpukan.

 

Matatandaan na nakatapat ng Dong at Yan ang sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach, pero hindi nga ito nagtagal sa ere dahil sa ‘Flower of Evil’ ni Papa Pi kasama si Lovi Poe, na napapanood tuwing Sabado at Linggo.
Anyway, sa isang entertainmen blog, nakita namin na ang dami pa ring haters at bashers ni Maja, na kung saan nilalait ang set ng sitcom dahil hindi raw maganda sa trailer pa lang.

 

May todo-react at hindi nila matanggap ang pagtawag kay Maja bilang ‘Majestic Superstar’ kaya comments nila:
“Majestic Superstar? May kumita na bang movie?”

 

“Wow majestic superstar talaga. Parang ham lang. Kagutom naman hehe.”

 

“Definitely not a superstar besh not even a star anymore.”

 

“Kelan pa naging superstar si Maja. Nahiya naman mga legit alist like angelica angel bea sa kanya LOL.”

 

“Still may STAR factor pa rin wag inggit.”

 

“At least, may trabaho… Yung iba nganga…”

 

“Parang tumanda si Maja.”

 

“Parang nawala ang ningning ni Maja. Sa true lang tayo.”

 

Say pa ng mga netizens tungkol sa sitcom at kung bakit sa EB lang siya lumalabas at hindi sa GMA-7 show…
“Panget ng set, fake na fake! sana ibalik na lang nila yung ‘oh my dad’ nina ian v, dimples, sue ramirez etc. mas enjoy pa yun. hihi.”

 

“Magkasama na naman si RK at Maja una sa Wildflower. Yun yung time na a-lister pa si Maja.”

 

“Di ko bet si Maja noon pero yung bangayan at aktingan nila sa Wildflower naging fan ako nila kahit di end game si Arnaldo todo todo iyak namin sa kanila noon!! Best teamup sila dun sama mo na si Tirso at Aiko. Pansin ko mga close friends niya kinuha dito mukhang nakakatawa naman kaya abangan namin to.”

 

 

“Nakakatuwang host ng EB si Maja. Nakakasabay sa iba.”

 

“Bat di sya sa 7? Wit ingay sa 5 eh. Kung di rin lang sa 2, sa 7 na lang.”

 

“Kung gusto sya ng 7 edi sana matagal na syang kinuha, eat bulaga nga lang kumuha sa kanya e flop pa.”

 

“Ang corny…parang di tatagal sa ere… di rin sustainable yun plot ng story… si Joey m and Pooh lang magaling na comedian sa kanila….”

 

“Yung kay JLC corny din naman pero malakas hatak sa tao. Ewan ko lang tong show ni Maja.

 

“Napanood mo na ba ha? Feeling alam eh teaser palang ang ipinapalabas, humanda ka baka hampasin ka ng ratings!”

 

Infairness kay Maja, ang taas ng ratings ng ‘Nina, Nino’ na ilang beses na-extend, and hopefully, mapag-rate din niya ang sitcom na ‘Oh My Korona’.

 

Napapanood pa rin si sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa sa co-hosts, na nagsi-celebrate today ng kanilang 43rd anniversary, kaya may mga pasabog na aabangan sa kanilang ‘Dabarkads, I Love You Day’, tulad ng paggi-guest ng isang OG host ng longest-running noontime variety show ng bansa.

 

Kaya tiyak na aabangan kung sino itong Dabarkads na bubulaga ngayong araw.

 

(ROHN ROMULO)

Obiena No. 3 na sa world ranking

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING umangat si Tok­yo Olympics veteran EJ Obiena sa world ranking na inilabas ng International Athletics Association Fe­deration (IAAF) sa men’s pole vault event.

 

 

Sumulong sa No. 3 spot si Obiena na resulta ng kanyang bronze medal fi­nish sa prestihiyosong World Athletics Championships na ginanap sa Eugene, Oregon sa Amerika.

 

 

Nakalikom si Obiena ng kabuuang 1,408 puntos para okupahan ang ikatlong puwesto–malayo sa kanyang dating ranking na No. 6.

 

 

“It’s official. As of July 26, 2022, Philippines is the best in Asia and the 3rd best in the world for pole vault,” ayon sa post ni O­biena sa kanyang Facebook page.

 

 

Sariwa pa si Obiena sa pagsikwat ng tanso sa world championships kung saan naitala nito ang bagong Asian record na 5.94 metro.

 

 

Nangunguna sa lista­han si world record holder Armand Duplantis ng Sweden na may 1,612 puntos.

Distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng lindol, pinangunahan ni PBBM

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng  relief goods sa mga biktima ng  magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules.

 

 

Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Abra, namahagi si Pangulong  Marcos ng  relief packs  matapos ang  pakikipagpulong  nito sa mga lokal na opisyal  na  nagpaabot sa kanya ng kalagayan at sitwasyon at lawak ng napinsala nang malakas na paglindol.

 

 

Ipinagbigay alam din sa Pangulo ang agarang pangangailangan ng mga biktima sa Abra at mga kalapit -lugar.

 

 

“’Yung mga nasa evacuation center, tiniyak natin, tinitiyak natin ni Secretary [Erwin] Tulfo na lahat ng pangangailangan ninyo habang kayo ay nandito pa sa evacuation center ay meron kayong maibigay –– mga pagkain, mga kung ano man ang mga kailangan pa ninyo,” ang bahagi ng naging pahayag ng Pangulo sa Bangued Plaza sa Abra,  kung saan  itinayo ang modular tents  para sa mga biktima.

 

 

“’Yun ang aming tinitiyak, ‘yun ang aming pinagkakaabalahan na makasiguro tayo na
 Eh natamaan na nga kayo ng lindol, hindi na kayo dagdagan pa ang inyong kahirapan ,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos mamahagi ng relief goods, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga supporters sa lalawigan.

 

 

“Maraming salamat sa tulong ninyo. Maraming salamat sa suporta ninyo. Ngayon ako naman ang tutulong sa inyo at magsusuporta sa inyo ,” aniya pa rin.

 

 

Kaugnay nito, binisita rin ni Pangulong Marcos ang Abra Provincial Hospital  para personal na tingnan at alamin  ang kundisyon  ng mga nasaktang pasyente dahil sa malakas na paglindol.

 

 

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo ang briefing sa epekto ng lindol sa Camp Juan Villamor, Police Provincial Office.

 

 

“Nagpa-report kami sa mga iba’t ibang departamento, para makita, para mabuksan ang ating mga kalsada, mabalik na ang kuryente,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nagsagawa rin si Pangulong Marcos ng aerial inspection  sa mga napinsalang lugar sa naturang lalawigan.

 

 

Ipinagbigay alam din sa Pangulo ang agarang pangangailangan ng mga biktima sa Abra at mga kalapit -lugar.

 

 

“’Yung mga nasa evacuation center, tinitiyak natin ni Secretary [Erwin] Tulfo na lahat ng pangangailangan ninyo habang kayo ay nandito pa sa evacuation center ay meron kayong maibigay –– mga pagkain, mga kung ano man ang mga kailangan pa ninyo,” ang bahagi ng naging pahayag ng Pangulo sa Bangued Plaza sa Abra,  kung saan  itinayo ang modular tents  para sa mga biktima.

 

 

“’Yun ang aming tinitiyak, ‘yun ang aming pinagkakabalahan na makasiguro tayo na
 Eh natamaan na nga kayo ng lindol, hindi na kayo dagdagan pa ang inyong kahirapan ,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos mamahagi ng relief goods, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga supporters sa lalawigan.

 

 

“Maraming salamat sa tulong ninyo. Maraming salamat sa suporta ninyo. Ngayon ako naman ang tutulong sa inyo at magsusuporta sa inyo ,” aniya pa rin.

 

 

Kaugnay nito, binisita rin ni Pangulong Marcos ang Abra Provincial Hospital  para personal na tingnan at alamin  ang kondisyon  ng mga nasaktang pasyente dahil sa malakas na paglindol.

 

 

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo ang briefing sa epekto ng lindol sa Camp Juan Villamor, Police Provincial Office.

 

 

“Nagpa-report kami sa mga iba’t ibang departamento, para makita, para mabuksan ang ating mga kalsada, mabalik na ang kuryente,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nagsagawa rin si Pangulong Marcos ng aerial inspection  sa mga napinsalang lugar sa naturang lalawigan.

₱33M halaga ng imprastraktura at 868 kabahayan napinsala ng lindol sa Abra

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umabot na sa  868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.

 

 

Bukod dito, may  ₱33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol.

 

 

“There is no estimate yet on the damage to historical sites in Ilocos Region from Wednesday’s destructive earthquake, which left at least four people dead and dozens of others injured,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

“We have an initial estimate of damage to infrastructure amounting to ₱33,800,000,” ang sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbalsa isang panayam.

 

 

Sinabi naman ng Department of Education (DepEd) na maaari pang tumaas ang nasabing halaga ng pinsala dahil may  35 eskuwelahan ang napinsala sa naturang malakas na paglindol na mayroong  “reconstruction and rehabilitation cost” na ₱228.5 milyong piso. Ang bilang ani Timbal ng napinsalang eskuwelahan ay pumalo na aniya sa  61.

 

 

Aniya pa, ang rehiyon na labis na naapektuhan ng malakas na paglindol ay ang  CAR at Ilocos, subalit ang ₱33.8 milyong piso ay pagtataya na ang sakop lamang ay ang Ilocos Region, Central Luzon, at Kalakhang Maynila.

 

 

“We have received reports that historic or heritage structures also suffered damages from the earthquake. We haven’t proceeded with the valuation of this infrastructure given that there is a different procedure for historic sites,” ang paliwanag ni  Timbal sabay sabing  “The damage computation does not yet include the historic structures as of this time.”

 

 

Ang mga historical sites gaya ng  Bantay Bell Tower, Vigan Cathedral, ilang heritage houses sa Ilocos Sur, at ilang simbahan sa Abra and Ilocos Norte  ay “either partially damaged or have partially collapsed” kasunod ng malakas na paglindol.

 

 

Samantala, nawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Northern Luzon matapos ang lindol sa Abra.

 

 

Dahil dito, nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga motorista na mag -ingat sa biyahe dahil sa mga naitalang nasirang kalsada bunsod ng mga nangyaring pagguho ng lupa kasunod ng magnitude 7.0 ang lindol sa Tayum, Abra.

 

 

Ayon sa LTFRB, mas makabubuting ipagpaliban muna ang mga biyahe kung di-lubhang kinakailangan dahil sa posibleng maranasang aftershocks.

 

 

Kabilang sa may mga isinarang kalsada ay nasa Baguio City:

  • Kennon road closed to all motorists
  • Marcos Highway one lane passable
  • Benguet-Vizcaya Road closed to traffic
  • Baguio-Bua-Itogon Road closed to traffic

Cool Smashers umentra sa semis

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang nagmartsa sa semis ang Open Conference champion Creamline matapos patalsikin ang Chery Tiggo sa pamamagitan ng pukpukang 25-14, 25-20, 21-25, 28-26 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Sumulong ang Cool Smashers sa ikaapat na panalo para saluhan ang Cignal HD sa unahan ng standings tangan ang parehong 4-1 marka.

 

 

Muling nagtulung-tulong sina wing spikers Jema Galanza, Tots Carlos at Alyssa Valdez sa opensa para pamunuan ang ratsada ng Cool Smashers.

 

 

Hataw ng todo si Galanza na nagpakawala ng 23 puntos mula sa 21 attacks at dalawang aces habang nagdagdag ang Open Conference MVP na si Carlos ng 20 puntos.

 

 

Hindi rin matatawaran ang husay ni Valdez na nakakuha ng 16 hits kabilang ang mga krusyal na puntos sa fourth set.

 

 

Tinapos ng Crossovers ang kampanya nito bitbit ang masaklap na 1-5 marka.

 

 

Tanging si opposite hitter Mylene Paat lamang ang nakagawa ng double digits nang magtala ito ng 15 puntos habang nagdag­dag ng siyam si May Luna at pito galing kay Elaine Kasilag.

 

 

Sa unang laro, naka­balik sa porma ang Choco Mucho matapos itarak ang 25-21, 25-17, 22-25, 10-25, 16-14 desisyon laban sa PLDT Home Fibr upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa semis.

 

 

Maningning ang pagbabalik ni Kat Tolentino na hindi nasilayan sa huling dalawang laro ng Flying Titans nang magpako ito ng 27 puntos at 22 digs para buhatin ang kanilang tropa sa ikalawang panalo sa limang asignatura.

 

 

Nakakuha ito ng suporta mula kay Isa Molde na nagtala ng 11 puntos gayundin kina Cherry Nunag at Bea De Leon na may tig-10 hits.

 

 

Bumagsak ang High Speed Hitters sa 3-2 baraha.

 

 

Nanguna para sa PLDT sina Chin Chin Basas at Jules Samonte na may tig-17 markers habang nagdagdag si Dell Palomata ng 16 puntos at 13 mula kay Mika Reyes.

Japan, nag-alok na ng tulong sa Pilipinas

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALOK na ng tulong ang Japan sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makita at mailigtas na ang mga posibleng naiipit na biktima ng 7.0 magnitude earthquake kamakalawa.

 

 

Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense Assistant Secretary Rafaelito Alejandro sa naging pag-uulat nito sa  ginawang situation briefing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ani  Alejandro, ipinadaan ang alok na tulong sa Philippine International Humanitarian Assistance Cluster sa pangunguna ng Foreign Affairs Department (DFA).

 

 

Maliban sa naging  alok na tumulong sa search, rescue and retrieval operation, nag-alok din ang Japan ng  emergency supply.

 

 

Samantala, ang Philippine International Humanitarian Assistance Cluster ang siyang nagmomonitor sa mga offer of assistance mula sa ibang mga bansa. (Daris Jose)

THE BEST IN THE REGION

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE BEST IN THE REGION.

 

Hawak ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang Plake ng Pagkilala ng Lalawigan ng Bulacan sa pagiging “Top 1 among all provinces in Central Luzon for obtaining the Highest Nominal Locally Sourced Revenue of 3,237,800,946.86” at “Top 3 for obtaining a 12% Year on Year Growth in Locally Sourced Revenues” sa parehong taong 2021 na ibinigay ng Department of Finance-Bureau of Local Government Finance Region 3 sa Subic Grand Harbour Hotel, Subic, Zambales noong Hunyo 22, 2022.

 

(BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Sobrang daring ang mga eksena sa ‘Scorpio Nights 3’: CHRISTINE at GOLD, hubad kung hubad at marami pang panggulat

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG daring ang mga eksena nina Christine Bermas at Gold Aceron sa ‘Scorpio Nights 3’.

 

 

Hubad kung hubad at may frontal nudity pa. Umaatikabo rin ang mga love scenes.

 

 

Halos ipinakita na nina Christine at Gold ang kanilang mga ‘di dapat ipinakita. So ano pa ang ipakikita nila sa susunod nilang movie?

 

 

Sabi ni Gold, pwede pa rin naman daw siya magpakita nang husay niya sa acting sa mga susunod niyang movies.

 

 

Kailangan lang naman dawn a mamili siya ng magandang role kung saan matsa-challenge ang acting ability niya.

 

 

Dito sa ‘Scorpio Nights 3 ay mahusay na nagampanan ni Gold ang role bilang horny na estudyante na sinisilipan ang mag-asawang ginagampanan nina Mark Anthony Fernandez at Christine.

 

 

Marami siyang eksenang panggulat sa movie at sa ending ng pelikula ay tumakbo siyang walang saplot sa kalye.

 

 

Si Christine naman ay wala rin kiyeme sa hubaran at sa paggawa ng mga love scenes with Gold at Mark.

 

 

Sabi ni Christine, gusto naman daw niya gumawa ng drama or action movie, hindi lang puro sexy.

 

 

***

 

 

NALUNGKOT ang indie actor na si Rex Lantano dahil may nag-report ng kanyang You Tube channel kaya biglang hindi na niya ito ma-access.

 

 

Doon pa naman ipinalabas ang last BL na ginawa titled ‘Papa What Is Love’ kung saan kasama niya ang award-winning actor na si Arnold Reyes. To be fair, wala naman malaswang eksena sa BL series to merit suspension of Rex’s You Tube channel.

 

 

Kaya Rex is in the process of creating a new You Tube Channel.

 

 

Tinanong namin kung totoo ang narinig namin chika na gagawin nilang isang full-length film ang ‘Papa What Is Love’ at balak daw nilang isali ito sa Metro Manila Film Festival.

 

 

Hindi raw alam ni Rex kung bakit may ganitong chika pero sinabi ng indie actor na wala siyang ganitong plano as of the moment.

 

 

Pero ang pinag-iisipan daw niya ay mag-produce ng second season ng ‘Papa What Is Love’.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

COVID active cases sa PH nasa pinakamataas na umaabot sa 27,754

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 27, 754.

 

 

 

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong nadagdag na mga tinamaan ng virus na nasa 2,727.

 

 

 

Sa naturang bilang, ang mga bagong nahawa na 986 ay nagmula sa Metro Manila.

 

 

 

Ang nabanggit na bilang ng mga aktibong kaso o mga pasyente ang siyang pinakamataas mula noong April 10.

 

 

 

Lumalabas ngayon na ang tinatawag na positivity rate sa pagitan ng July 24 hanggang july 26 ay nasa 14.8 percent. Ito rin ang ikalawang sunod na linggo na ang dailay average ng mga kaso sa bansa ay nananatili sa mahigit na 2,000.

 

 

 

Batay pa sa datos noong nakaraang linggo nasa mahigit 19,000 ang bagong COVID cases sa bansa.

 

 

Lumalabas na tumaas ito ng 33 percent kumpara sa naunang mga linggo.

PBBM, hinikayat na ipawalang-bisa ang free tuition law, palawigin ang voucher program

Posted on: July 30th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng advocacy group na  Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges.

 

 

Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr., Ipinanukala ni FEF president Calixto Chikiamco sa administrasyong Marcos ang ilang structural reforms kung saan maaaring malagay ang bansa sa  “sustainable growth track.”

 

 

Isa na rito ang rebokasyon o pagbawi sa  Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas noong Agosto  2017 at naging epektibo noong academic year na 2018-2019.

 

 

Naniniwala si Chikiamco na mas makabubuting magbigay ng  scholarships sa mga ‘underprivileged students’ dahil na rin sa ang mga nage-enroll sa state institutions ay mula naman sa  middle at upper-middle classes.

 

 

“I think we need to repeal the Free Tertiary Education Act or the Free College Tuition Law. Studies have shown that it has not been inclusive, that actually, those enrolling in state institutions are from middle class and upper-middle class,” ayon kay Chikiamco.

 

 

“I think a better system would be to give scholarships to the poor,” dagdag na pahayag nito. (Ara Romero)