• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 1st, 2022

PBBM, committed na gawing maayos ang buhay ng mga pinoy- Malakanyang

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
COMMITTED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas maayos ng buhay ng mga filipino sa post-pandemic economy. 
Ang  pahayag  na ito ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary ay  matapos lumabas ang isang survey na nagpapakita na mayorya ng mga filipino ang naniniwala na patungo sa tamang direksyon ang PIlipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa 4th quarter kasi  ng 2022 Tugon ng Masa survey,  85% ang sumagot at  nagsabi ng ‘Oo’ ; 6% ang nagsabi ng hindi at 9% naman ang hindi raw alam o tumangging sumagot sa tanong na “kung nasa tamang direksyon ba ang Pilipinas base sa mga inilahad at ipinatutupad na prog
“…The President is determined and committed to making the lives of all Filipinos better, with programs providing job opportunities and ease in doing business, and ensuring food security,” ang pahayag ni Garafil sa isang kalatas.
Sinabi pa ni Garafil na pinagtibay lamang ng survey na si Pangulong Marcos at administrasyon nito ay “all the right moves”  na pangunahan ang bansa sa economic transformation  mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemiya na bitbit ng Covid 19.
“These numbers represent Filipinos who, in their own personal lives, homes and workplaces, experienced the extraordinary difficulties the past two years have brought upon us all, and very well know the challenges we, as a nation, face in rising above these difficulties,” dagdag na wika ni Garafil.
Muling inulit naman ni Garafil ang panawagan ni Pangulong Marcos na magkapit-kamay sa pagtulong sa kanya na tiyakin na mas maraming filipino ang maiaangat ang buhay mula sa kahirapan.
“The President’s call for unity and cooperation is as resounding today as his administration works to fulfill his campaign promises to every Filipino, here and abroad,”  aniya pa rin.
Samantala, sinasabing 91% ng mga filipino sa Visayas ang nagsabing maayos na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bansa habang 87% sa Balance Luzon at 84% sa Mindanao ang pareho ng paniniwala.
Nasa 70% naman ng mga Pilipino sa National Capital Region (NCR) ang naniniwalang nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.
Kung pagbabatayan ang socio-economic classes, pinakamaraming nasa Class D o lower middle class ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa.
Ginawa ang survey noong OKtubre 23 hanggang 27 sa 1,200 indibiduwal, edad 18 pataas at may margin of error ang  survey na ±3 percent.
Base pa sa Octa Research, hindi kinomisyon ang nasabing survey kundi sariling kusa nila ito.

Super Mario Bros. Movie Posters Show New Looks For Nintendo Characters

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILLUMINATION unveils more Super Mario Bros. Movie posters showing off the new looks for the beloved Nintendo characters for the animated adventure

 

Hot off the premiere of a new trailer for the animated movie, a new set of The Super Mario Bros. Movie posters have been released to showcase the colorful cast of Nintendo characters. The video game publisher has partnered with Universal Pictures and Illumination Entertainment to give their most iconic video character new life on the big screen after the critical and box office disappointment of the 1993 live-action Super Mario Bros.

 

 

The new animated take on Mario features an impressive cast including Chris Pratt, Anya Taylor-Joy, Charlie Day, Seth Rogen, Keegan-Michael Key, and Jack Black.

To coincide with the new trailer, Universal Pictures also released a series of The Super Mario Bros. Movie posters. The key arts highlight the main characters including Mario, Princess Peach, Luigi, Donkey Kong, Toad, and Bowser.
Each character is given a unique location that will be showcased in the film and highlights the level of accuracy the filmmakers took to make the characters match their video game counterparts. (Source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)

Subscribers, may parusa kapag nagbigay ng false information sa panahon ng SIM registration

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipalabas sa Disyembre 12 ang  implementing rules and regulations (IRR)  ng SIM Registration Act.

Magiging epektibo naman ang batas sa Disyembre 27.

Nag-draft na kasi ang  National Telecommunications Commissions (NTC) ng IRR at nakatakda ang public hearing nito sa Disyembre 5.

Sa ilalim ng draft IRR, “a SIM card user may register his number within six months, which may be extended for four more months. However, it will be automatically deactivated if the SIM card is not registered within the given period.”

Sinabi ng NTC na may kahaharaping  penalty o parusa para sa mga magbibigay ng false information sa panahon ng SIM  registration.

“Ang penalty po dito ay imprisonment ranging from six months to two years or a fine of not less than P100,000,” ayon Kay NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan.

“There will also be an imprisonment of at least six years if the subscriber uses a stolen SIM or is not registered under the user’s name,” aniya pa rin.

Basel sa Section 6 ng IRR, “the registration form shall be accomplished electronically through a secure platform or website to be provided by the PTEs to their respective subscribers.”

Kailangan na ibigay ng mga Ito ang basic details kabilang na ang ” full name, date of birth, sex, present or official address, valid government-issued ID.”

“PTEs shall include the information and data of existing postpaid subscribers in the SIM register to align with the registration requirement here under. To complete registration, however, such existing postpaid subscribers shall be required to confirm their information and data included in the SIM register, through the PTE’s registration platform or website,” ayon sa IRR

Ayon sa  NTC, ang mga  users ay maaaring magrehistro  ng maraming  SIM cards “as long as they will provide the correct information and ID.”

“If the user is a foreign national, basic details must also be provided including full name, nationality, passport number, address in the Philippines, and type of document presented,” ayon sa NTC.

Maglagay naman ang  NTC at DICT ng stalls sa mga remote areas para tulungan ang mga Filipinos register.

“They can also buy SIM in stores but it will be only activated if it is registered,” ayon sa ulat.

Sinabi pa ng NTC na “the service providers will also be penalized if they compromise the personal information of the SIM users. They will be fined at least P4 million.”

“Hindi po puwedeng ilabas ng mga PTEs yung information na nandoon sa kanila, kaya yung sa mga promos hindi nila magagamit iyon. They have corresponding penalties if they will fail to report the matter,” ayon kay Salvahan. (Daris Jose)

PBBM, lalagdaan ang EO para pagaanin ang trabaho

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang isang executive order (EO)  na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho sa Pilipinas  kabilang na ang pag-proseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.” 
Sa isang pagpupulong sa  State Dining Room,  ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual  ang paglikha ng executive order ukol sa probisyon  ng guidelines na magpapabilis sa pagpo-proseso ng permit para sa  strategic investments sa bansa at ang paglikha ng  Green Lane.
Binibigyang mandato ng EO ang mga kinauukulang tanggapan na magtatag ng  Green Lane, para  “expedite and streamline the process and requirements for the issuance of permits and licenses, including resolutions of issues concerning strategic investments.”
“Malaking bagay ‘yun. That will address immediately ‘yung tinatawag na ease of doing business na laging nirereklamo sa atin,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Until we get to change the procedures… and to say that… baka ito hindi na kailangan, baka ito extraneous na ito, ito obsolete na ito, ganyan. You cut it down as much as we can,” dagdag na wika ng Pangulo.
Binibigyan din nito ng mandato ng EO ang national government agencies at local government units na  kaagad na gawin ang permit o license application na hindi lalagpas ng  three working days sa kaso ng simpleng transaksyon; seven working days naman sa kaso ng complex transactions, at 20 working days para sa  highly technical transactions mula sa “date of receipt.”
Kabilang naman sa strategic investments  na kinilala ng DTI ay ang mga proyekto ng national significance, highly desirable projects na in-endorso ng  Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at FDIs  na inendorso ng  Inter-Agency Investments Promotion Coordination Committee (IAIPCC) o priority projects o activities sa ilalim ng Strategic Investment Priority Plan (SIPP), kinukunsidera bilang mga proyekto ng national significance o highly desirable na maaaring ie-endorso ng Board of Investments (BOI) of the concerned Investment Promotion Agencies (IPAs).
Sinabi ng Malakanyang na ang technical working group na pamumunuan ng BOI ng DTI ang siyang magpapatupad ng  EO at isang BOI-Investment Assistance Service (BOI-IAS) ang magsisilbing “single point of entry ng investment na maga-avail ng Green Lane services  na inendorso bilang nationally significant o highly desirable projects.
Ang hindi  pagsunod sa probisyon ng  EO ay ground o batayan para sa administrative at disciplinary sanctions laban  sa kahit na sinumang delingkuwenteng public officer o empleyado, nakasaad sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon.

‘Bagong Friendster’, ginagamit para sa phishing- DICT

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na ang bagong  Friendster ay ginagamit para sa phishing.

Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) ng Department of Information and Communication Technology na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong  Friendster ay natuklasan na mayroong “ previous reports about phishing, brute force and DDoS attacks, hacking, and host exploitations.”

“Having said that, there is a possibility that the said website is being used for phishing,” ayon sa  DICT-NCERT.

Stunner, isang Facebook page, ay nag-post  na ang  Friendster ay nagbalik at libong katao ang lumagda  para sa binuhay na  social network.

Nag-update naman  ng post kasama na ang babala mula sa DICT-NCERT kaugnay sa “bagong” Friendster site.

Sinabi ng DICT-NCERT na ang “the website uses WordPress for its main service, which is not used for social networking platforms since it is a content management system.”

Idagdag pa, sinabi ng ahensiya na ang  link ay nagbibigay sa post ng paggamit ng “non-popular top-level domain (.click).”

Hindi kasama sa  sinasabing bagong  Friendster website ang  “About Us” page, na ayon sa DICT-NCERT ay maaaring makapagbigay ng impormasyon sa kung sino ang nag-developed ng website.

Kaya nga pinayuhan ng departmento ang publiko na gawin ang mga sumusunod na hakbang sa oras na makita ang  post gaya ng

“Do not click suspicious links to avoid future potential threats at Do not register on this website because your data may be compromised.”

Idagdag pa rito, “providing and capacitating employees with cybersecurity knowledge and information to minimize threats.”

Samantala, ang Phishing ay isang uri ng cyber attack na ginagamit para nakawin ang data ng isang users gaya ng passwords, at bank, o credit card information sa pamamagitan ng pangloloko o  lokohin ang mga users na buksan ang  link para sa isang  page na nagpapanggap bilang lehitimong  website.

(Daris Jose)

Perfect timing ang MMFF movie at wish na mag-win: JAKE, ayaw nang mag-elaborate sa mabigat na pinagdaanang pandemya

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
AYAW nang mag-elaborate pa ni Jake Cuenca kung bakit parang naging mabigat sa kanya ang pinagdaanang pandemya.
Napansin kasi namin kay Jake na oo nga’t halos lahat naman ay naaapektuhan ng pandemya, pero parang nagkaroon talaga ng matinding impact ito sa kanya.
Sabi ni Jake, “so many losses. Ang dami… family members, friends, even network as you see. Pero yun nga, parang ayoko na mag-elaborate pa.
“Ang daming nawala, ang daming loss. Family members who passed away. Hindi kasi ako mahilig mag-share, wala na rin naman magagawa ‘yon.
“Saka ako nga ang kontrabida, wala na rin, ayoko na rin naman ‘yung masyadong humingi ng maraming simpatiya, ‘di ba? Basta, maraming nangyari at ayoko ng isa-isahin. I just try to move on from all of them, from all the loss.”
Ang maganda lang kay Jake, hindi naman daw siya umabot sa depression. In fact, kaya raw gusto niyang gumawa ng mga challenging roles dahil dito niya gustong ibuhos ‘yung lahat ng pinagdaanan niya.
Kaya niya sinasabing perfect timing ang pagdating ng 2022 MMFF entry na “My Father, Myself”.
“Ang ganda ng timing, the perfect project that I am looking for. And sa totoo lang, when I did this project, hindi ko naman inakala na makakapasok pala siya sa MMFF.”
Malakas ang laban ni Jake for Best Actor at malapit na rin ang kanyang ika-35th birthday. And yes, ang birthday wish niya ay sana nga, he will bring the MMFF Best Actor for this year.
***
NAPATUNAYAN na naman na kapag ang isang babae ay heartbroken at nagsisimulang mag-heal at mag-move-on, nagkakaroon ng ibang freshness at glow.
At hindi ito itinanggi ng singer na si Moira dela Torre sa naging interview sa kanya ni MJ Felipe. Inamin ni Moira na before raw talaga, hindi siya confident sa looks niya.
“I think I just healed. There was a long time when I wasn’t confident in how I look and how I felt.
“Ngayon ko lang siguro naramdaman na I don’t look so bad after all.”
Sabi pa niya, “Now, I’m very careful with the people that I allow into my life, the projects that I allowed in my life.”
Obvious nga na mas iba ang outlook ni Moira ngayon na nagra-radiate hanggang sa physical appearance niya.
Inamin din niya na early this year pa lang, nakakakutob na raw siya na there’s something wrong sa marriage nila. Kaya parang in a way, na-ready rin daw siya sa nangyari.
Nang tanungin ito kung handa na siyanhg ma-in-love muli. Natawa si Moira at sinabing “I’m open.”
Hindi raw siya naghahanap, pero alam daw niyang darating ito if it’s for her.
META:  Nag-open-up na si Moira sa naging hiwalayan nila ng asawa. Aminadong dati, hindi confident sa looks niya, pero ngayon na healed na siya, mas nakita raw niya na hindi naman daw pala gano’n ka-bad ang looks niya. At open na rin daw siya for a relationship.

PBBM, umaasa na makikita na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan.

Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung ano ang Christmas gift nito sa lahat ng mga  Filipino kung hindi ang bigas sa halagang P20 kada kilo.

“The P20 was really the goal, the dream… We are continuing with the transfer payments that we have began with,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We are going to widen the scope of the Kadiwa so it is now… the Kadiwa was always conducted at an LGU level, individually. (Now, it is a) national program,” wika pa ng Pangulo.

“I’m hoping that we can… it looks like baka naman swertehin ,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Samantala, binisita naman ni Pangulong Marcos ang International Rice Research Institute (IRRI) headquarters sa Los Baños, Laguna kung saan binanggit nito na i- adopt ang supportive policies para i- modernize ang rice sector bilang bahagi ng “vibrant agri-food i ndustry” sa bansa.

“There are new technologies that address the problems that we are facing, and those technologies are beginning to be disseminated down to the local farmers,” ayon kay Pangulong Marcos sa hiwalay na mensahe.

“The pandemic and the situation in Ukraine have been a glaring reminder of how fundamental the agricultural sector is and food supply not only in the Philippines but to the entire world,” dagdag na pahayag nito..

Tinuran pa ng Pangulo na ang  agricultural technologies ay isinulong kahit pa maharap sa panganib ang  rice crops mula sa “higher fertilizer prices and challenges in water management.”

“And as I’ve said, it gives me hope to see the research that we were doing is headed exactly in those directions that we feel are going to be necessary — that we have to develop further,” ayon sa Pangulo.

Ang IRRI ay isang  independent, nonprofit, research at educational institute, itinatag noong  1960 ng  Ford and Rockefeller foundations na may suporta ng Philippine government.

Mayroon itong tanggapan sa 17 rice-growing countries sa Asya at Africa at mayroong mahigit na   1,000 staff.

“The IRRI is the world’s premier research organization dedicated to reducing poverty and hunger through rice science; improving the health and welfare of rice farmers and consumers and protecting the rice-growing environment for future generations,” ayon sa ulat.

Kahit sinasabing mahusay na dramatic actress: WINWYN, mas gustong malinya sa action genre kahit delikado

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA kuwento sa amin ni Ms. Mel Tiangco, may mga pagkakataon na naaapektuhan siya sa kanyang mga subjects na tampok ang kuwento sa ‘Magpakailanman’.

 

“Tinamaan ako dun sa isang lalaking pag-upong pag-upo ko, sabi ni direk, ‘Ah Tita Mel may pakiusap sa inyo yung subject.’ ‘Ah okay sure, what is that?’

 

“Sabi niya, ‘E meron po akong konting diperensiya sa tenga’, sabi niya. ‘Ah okay.’

 

“Ako naman wala lang, ‘no. ‘Ah sure, sure, sure.’

 

“Sabi ko. ‘Lalakasan ko boses ko, okay? Is that what you want’, sabi ko sa kanya. ‘Opo.’

 

“Alam niyo bang umiyak yung… he is a thirty-year old guy, good-looking at maganda itsura niya at mabait, very decent… umiyak!

 

“Sabi ko, ‘Ay bakit ako nagpaiyak?’

 

“I couldn’t help it, I went to him and I sort of, you know, comforted him, not knowing why he was crying! Sabi ko, ‘Bakit iho? Nasaktan ba kita?Meron ba akong nasabing mali?’

 

“Alam mo ang sagot niya? ‘Kasi po kasiraan ko po yun, e.’

 

“Sabi ko, ‘Hindi! Hindi kasiraan yung magkaroon ka ng problema sa pandinig, hindi kasiraan’, sabi ko. ‘Ang kasiraan yung masamang tao ka. Yung ikaw ay nang-aapi ng kapwa mo, iyon ang masamang tao! Hindi yung ganyan.’

 

“And so right away, I asked my office, the foundation to give me my referral letter, I gave him a referral letter to the, basta marami na kaming pinag-usapan, marami na kaming… may mga ganung bagay na iyon ang nagbibigay din sa akin ng fulfillment.

 

“Hindi lang sa televiewers kundi maging iyon mismong subject.

 

“Parang napi-feel ko na if I do this I will change this boy’s life for the better. Hindi niya ako makakalimutan, hindi niya makakalimutan ang Magpakailanman.

 

“So marami akong experiences in the program na nananatili sa kaisipan ko at nananatili sa puso ko, at isa iyon. Ganun yung mga pangyayari that gives me the fulfillment of doing Magpakailanman.”

 

Referral letter para sa isang ospital ang ipinagkaloob sa naturang lalaki upang matingnan ito ng doktor.

 

“Then we will find out kung ano ang kailangan niya.”

 

“I want to know how to improve his life and how to take, tanggalin ko yung pait na yun sa buhay niya na sasabihin niyang kasiraan niya yun.

 

“Gusto ko mangyari yun, whatever it is, whatever it will take.”

 

***

 

NAIS ni Winwyn Marquez na malinya sa action genre.

 

Na kahit siya raw mismo ang gumawa ng mga stunts kahit delikado ay papayag siya.

 

“Iyon yung gusto ko talagang gawin, action.”

 

May mga nagsasabi naman na mas magiging mahusay na dramatic actress si Winwyn ngayon dahil isa na siya ng ina, na kumbaga ay iba na ang pinagdaanan niya kumpara noong wala pa siyang anak, na mas may “hugot” na si Winwyn ngayon kapag sasalang sa mga drama scenes.

 

“Totoo talaga yun kasi yung pain, kasi normal delivery ako, di ba yung mga pinagdaanan, yung labor, so feeling ko iyon yung mga paghuhugutan ko na dapat galingan ko, yung mga roles,” at tumawa si Winwyn, “so sana mabigyan pa ng mga opportunities na magagandang films.”

 

Bukod pa rito ay may Best Actress award na siya kailan lamang sa 12th International Film Festival Manhattan para sa pelikula niyang ‘Nelia’.

 

Pinakaunang acting award ito ni Winwyn sa labingdalawang taon niya sa showbiz.
(ROMMEL L. GONZALES)

Ilang mga sektor ng lipunan, inihanay ni PBBM sa mga tinaguriang makabagong bayani

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
ISINAMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Ilang sektor ng lipunan sa hanay ng mga  makabagong bayani.
Sa nging mensahe ng Pangulo sa ika-159 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinabi nitong kayang gawin ng bawat isa na maging pinakamahusay na uri ng kanyang sarili.
Winika ng Pangulo na magagawa aniya ito katuwang ang mga makabagong bayani gaya ng mga duktor, mga nurse, mga sundalo, mga pulis at mga OFW.
Naipapakita aniya ng mga makabagong bayani na ang bawat isa ay may angking kakayahan na makagawa ng kabutihan sa lipunan at pamayanan.
Sa pamamagitan aniya nito ay maaaring maging Bayani ang bawat isa batay sa kani- kanilang pamamaraan at kontribusyon sa lipunan. (Daris Jose)

Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens

Posted on: December 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments
SA 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye. 
Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte sa TV.

Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen.

Sey naman ni Jen na babalikan niya ang nabitin na teleserye nila ni Xian kaya nagbabalik-alindog ito ngayon sa pamamagitan ng Pilates. Gusto ng misis ni Dennis Trillo na maging physically fit ito bago mulin sumabak sa taping.

Hindi naman nabakante si Xian dahil kasalukuyang nagte-taping siya ng second teleserye niya sa GMA na Hearts On Ice with Ashley Ortega. Una siyang napanood sa primetime teleserye ng GMA na False Positive with Glazia de Castro.

Kelan lang ay nag-post si Jen ng photo nila ni Baby Dylan habang nasa may swimming pool sila. Simula noong una nilang nilabas ang photo ng kanilang baby girl noong nakaraang Halloween, maraming netizen ang nag-aabang na sa mga ilalabas pang photos ni Baby Dylan.

Pinusuan ng maraming netizens ang cute na swimsuit ni Dylan with matching orange hat at sunglasses. Nilagyan ito ng caption ni Jen ng: “Happy 7 months strong, my little mermaid! #dylanjaydeho”

Ang bilis naman ng panahon dahil pitong buwan na si Baby Dylan at limang buwan na lang at mag-celebrate na ito ng first birthday sa April 2023.

(RUEL J. MENDOZA)