• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 12th, 2022

Mga nakumpiskang white onions, hindi na ibebenta ng Department of Agriculture

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nito isaalang-alang pa ang pagbebenta ng mga nakumpiskang puting sibuyas sa mga stalls ng Kadiwa dahil sa mga health and sanitary concerns.

 

 

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez tinanggal na nila ang nasabing option.

 

 

Noong unang bahagi ng linggong ito, sinabi ng opisyal ng DA na ang mga sako ng puting sibuyas na nakumpiska sa Divisoria, Maynila ay maaaring ibenta sa mga stalls ng Kadiwa sa mas murang halaga.

 

 

Ang mga sibuyas na tinatayang nagkakahalaga ng P3.9 milyon ay isinakay sa isang trak ng Philippine National Police at dinala sa isang bodega ng Bureau of Plant Industry (BPI) para sa imbentaryo.

 

 

Gayunpaman, sinabi ni Estoperez na ang isang phytosanitary test na isinagawa sa mga sibuyas ay natagpuan na ang ani ay hindi ligtas para sa pagkain ng tao.

 

 

Sinabi ng opisyal ng DA na susunugin o gutay-gutayin ang mga sibuyas para gawing compost.

 

 

Nauna nang sinabi ni Estoperez na ang kasalukuyang imbentaryo ng pulang sibuyas ay nasa humigit-kumulang 13,000 metriko tonelada, at inaasahan nilang aanihin pa ang 5,000 metriko tonelada sa unang linggo o ikalawang linggo ng Disyembre. (Daris Jose)

PBBM, biyaheng Belgium sa Dec. 12-14

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong bansang  Brussels, Belgium  mula Disyembre 12 hanggang Disyembre para dumalo sa ASEAN-EU Summit.

 

 

Ang nasabing summit ay nagsimula mismo sa Disyembre 14, 2022.

 

 

” This is very important for the Philippines and for the president because the PH is currently the country coordinator of ASEAN in its relations with the EU. For two more years we will be the country coordinator. We were instrumental in cooperation with the EU and other members of ASEAN in preparing for this summit,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang.

 

 

Tinuran nito na ang papel ng Pangulo ay mahalaga sa bahay na ito.

 

 

Inaasahan na magsasalita ang Pangulo sa ilang okasyon.

 

 

Sa  plenary ng summit proper ng commemorative summit. Isa si Pangulong Marcos sa mga opisyal, lider ng ASEAN at EU na magbibigay ng opening remarks.

 

 

Matapos ito ay magbibigay ang Pangulo ng  omnibus intervention bilang country head ng delegado ng  Republic of the Philippines at matapos ito ay sa closing ceremony.

 

 

“He is also expected to be one of the officials who will give the closing remarks. In fact right after that even at the press conference he will be one of the ASEAN-EU officials to participate in the press conference. Apat lang sila dun sa press conference but the President will be one of them,” ayon kay Espiritu.

 

 

“This trip will not only focus on ASEAN-EU relations, sa kinabihan merong Gala dinner itong ASEAN-EU summit but earlier in the day, in the first half of the day on the 14th merong meeting si presidente with the business community. there will eb oen on one meeting with big corporations who will be expanding their presence in the PH, that means more jobs and investments for us Filipinos. There will be business round table with EY and European corporations during which the President will have the opportunity to expound on our trade and investment policies to attract trade and investments from Europe. Then kasama rin din ang networking among Filipino businessmen and European businessmen,” dagdag na pahayag ni Espiritu.

 

 

“Hopefully for this networking, the filipino businessmen will be able to come up with deals with their European counterparts,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, isa sa miting ni Pangulong Marcos ay sa key  European corporations gaya ng Unilever, Ocea, Acciona, at Simaris.

 

 

Bukod dito, makikipagpulong din ang Pangulo sa  Filipino community sa Disyembre 12, 2022.

 

 

“On the 13th of December, there will be a further meeting with the business sector but this time with ASEAN and EU themselves, within the framework of ASEAN-EU dialogue partnership relations. the President on December 14 noontime will participate at the CEO Suite luncheon for the EU-Asean business summit, where he is expected to speak. He will also participate in the 10th asean-eu business summit proper itself, where again he will be expected to deliver his remarks,” aniya pa rin.

 

 

” So this will be a very busy trip for the president and we hope that this will redound to a lot of benefits for the Filipino people not only for ASEAN,” lahad nito.

 

 

Samantala, inaasahan naman na magdaraos ng 10 bilateral meetings ang Pangulo sa sidelines sa 10 bansa.

 

 

Sinabi ni Espiritu na ang mga bansang ito ay Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union. (Daris Jose)

Pinay figure skater wagi ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nagwagi ng gintong medalya ang Filipina figure skater Sofia Frank sa Asian Open Figure Skating Trophy.

 

 

Naganap ang nasabing torneo sa Indonesia kung saan mayroong kabuuang points ito na 143.97.

 

 

Nakakuha ito ng 50.19 points sa Short Program at 93.78 naman sa Free Skating.

 

 

Nasa pang-pitong puwesto naman ang pambato rin ng Pilipinas na si Charmaine Skye Chua na mayroong 81.51 points. (CARD)

Maraming natutunan sa pagtira sa Paris: HEART, walang balak mag-migrate dahil homebase pa rin ang ‘Pinas

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA pagtira ni Heart Evangelista sa Paris, marami raw siyang natutunan gawin na hindi raw niya madalas gawin sa Pilipinas.

 

 

Kabilang sa mga enjoy siyang gawin sa Paris ay ang magluto, mag-grocery shopping at ang maglaba. Pambawi raw ni Heart tuwing laundry day niya ay ang makita ang magandang view mula sa kanyang laundry area.

 

 

“Kahit nahihirapan ang maglaba, maganda naman ‘yung background, nakagagaan ng feeling,” tawa pa ni Heart.

 

 

Tinanong si Heart kung may balak na bang mag-migrate ito sa France since parati naman siyang nandoon. Bukod sa kanyang trabaho na pag-attend ng mga fashion events kunsaan lagi siyang inaabangan ng mga photographers at social media influencers, inaiisip na rin ni Heary na mag-invest ng properties doon. Nauna na nga raw ang pagbili niya ng apartment sa Paris.

 

 

“I just really like to invest on properties. I’m always there so, imbes na mag-hotel, at least meron akong sariling lugar,” sey ni Heart na umuwi ng Pilipinas kamakailan para sa ilang commitments pero babalik daw ito ng Paris dahil puno ang kanyang schedule doon na dapat niyang puntahan.

 

 

Pero homebase pa rin daw ni Heart ang Pilipinas. Parang second home daw niya ang Paris.

 

 

May rason pa rin daw si Heart na maging masaya and to celebrate ang pagdating ng bagong pag-asa sa 2023 sa kabila ng kanyang pagiging tahimik sa tunay na estado ng pagsasama nila ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

 

 

“I turned 38 this February, and then it’s gonna be my lucky number 8, and you need to really celebrate 8 and isabay mo siya sa lahat ng good happenings in life,” sey pa ni Heart.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA ang model-turned-comedian na si Wilma Doesnt sa success nang kinabibilangan niyang GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Abot Kamay Na Pangarap.’

 

 

Natuwa raw ang buong cast nang umabot na sa 1 billion views ang mga napapanood na episodes nila sa YouTube.

 

 

“Thank you, Lord dahil malaking biyaya sa amin ang show na ito. Ang gagaling kasi ng mga bida rito na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel. At siyempre, yung buong cast at crew, tulung-tulong kami para makapaghatid kami ng magagandang epsiodes mula Lunes hanggang Sabado. Abangan pa nila ang mga darating pang episodes na magpapasaya at dudurog sa inyong mga puso,” sey ni Wilma.

 

 

Kelan lang at binalikan ni Wilma ang kanyang nakaraan, kung paano siya nadiskubre bilang isang model noong late ’90s sa Cavite.

 

 

“Na-discover ako noong nagwawalis lang ako sa labas ng bahay namin ng fashion director na si Robby Carmona. Naligaw lang siya, tapos ako ‘yung napagtanungan niya dahil nga nasa labas ako ng bahay namin.

 

 

“Kasi naman itong nanay ko, echosera, ang init-init pinagagalitan ako, pinarusahan ako, ‘Magwalis ka sa labas!’ Ako naman, sumunod,” kuwento ni Wilma.

 

 

Pagkatapos niyang bigyang ng directions si Carmona sa pupuntahan nito, pagkaraan ng two hours ay bumalik daw ito at hinanap si Wilma, sabay alok kung gusto ba nitong maging isang modelo.

 

 

“After two hours bumalik siya, tapos sabi ko ‘Ay kawawa naman ‘yung mamà,’ Tinandaan niya pala kung saan niya ako nakita. Binalikan niya talaga ako.

 

 

“Noong tinanong ni Kuya Robby ang nanay ko, ‘Puwede ko po bang gawing model ang anak niyo?’ ‘Yung nanay ko ‘Oho sige ho, ngayon na ba?’

 

 

“Sabi ko ‘Puwede ba ako do’n?’ Kasi siyempre wala ka namang self-confidence. Sabi ng nanay ko ‘Puwede ka do’n. Tinatanong niya kung puwede ka, puwede ka ‘nak!'”

 

 

“Doon ko napatunayan na ‘pag para sa iyo ‘yon mangyayari ‘yon para sa iyo,” sey ni Wilma na nagretiro na sa pagiging model at ngayon ay may sariling restaurant business kasama ang husband na si Gerick Parin.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Patuloy na pinupuri sa mahusay na pag-arte: BARBIE, grateful na part ng important milestone sa GMA Primetime

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING natuwa nang si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang naging cover ng Cosmopolitan PH magazine this month. 

 

 

May caption ito na: “Independent, passionate and fearless. – Barbie Forteza is a Modern Filipina that the next generation can relate.

 

 

“Barbie earned her star the old school way for 13 years – her ability to breathe life into any character she portrays, she demonstrated her brilliance in a way similar to what her industry forbears would boast about.”

 

 

At pinatunayan ito ni Barbie nang tanggapin niya ang role ni Klay, ang new Gen Z na pumasok sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” kaya tumanggap siya ng mga recognition she truly deserves.

 

 

 “I’m truly grateful po na part ako ng important milestone sa GMA Primetime,” sabi ni Barbie.

 

 

“Salamat po sa buong creative team, na passion project nila ito na nag-research para magawa ito.  Malaki rin po ang tiwala ko sa management nang ibigay nila ang role sa akin na magagampanan ko ito kaya naman hindi ako nagpabaya.

 

 

“Dahil dito, naliwanagan ko ang story ng Noli Me Tangere na hindi ko napag-aralan sa school noon.  Yung lalim po ng acting ko, natural na lumabas sa akin, salamat na nakasama ko si Julie Anne San Jose dahil naging best of friends kami na nagtutulungan sa eksena at iyong katuparan ng dream kong makatrabaho si Dennis Trillo, na napakahusay umarte at very professional, at si David Licauco, my love interest, a friend, at third project na namin ito sa GMA.”

 

 

Congratulations sa “Maria Clara at Ibarra” na in 2 and a half months, na napapanood gabi-gabi sa GMA-7, nakakuha na ito ng 1 billion views sa TikTok.

 

 

***

 

 

MABILIS na nilinaw ni Kapuso actress Heart Evangelista, ang lumabas na balitang magma-migrate na siya sa ibang bansa.

 

 

Kaya raw bumili siya ng apartment sa Paris, since madalas pa raw siyang nasa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. Plus kumalat pa ang balitang medyo hindi na sila nagkakasundo ng husband niyang si Senator Chiz Escudero, although wala namang patunay tungkol sa isyung iyon.

 

Kaya sinamantala nang linawin kay Heart ang issue nang bumalik siya ng bansa para sa ilang commitment niya sa GMA.

 

 

Totoo ba ang balitang magma-migrate na siya sa ibang bansa?

 

 

“No, I just really like to invest on properties,” sagot ni Heart.

 

 

“I’m always there, so, kaysa mag-hotel ako, mas mabuti na iyong may sarili na akong bahay doon.  Bale second home ko lamang iyon, but Pilipinas pa rin ang home base ko.

 

 

“At since matagal-tagal na rin ako roon, marami na akong natutunan.  Natuto na akong mag-grocery, magluto, at natuto na rin akong maglaba, kahit medyo nahihirapan ako, pero ini-enjoy ko iyon.”

 

 

Sa ngayon, looking forward na si Heart sa 2023 kasi raw she will turn 38 na at lucky number daw niya ang 8, kaya need niyang i-celebrate ang kanyang 38th birthday sa February 14, 2023,

 

 

Ngayong December ay naka-schedule na muling bumalik ng Paris si Heart.

 

                                                  ***

 

 

NAGING masaya ang cast ng GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay na Pangarap,” nang magkaroon sila ng taping sa isang lugar sa Caloocan City.

 

 

Ang eksena ay nagkaroon ng medical mission ang mga doctors ng Apex Medical Center, kaya may mga kasama silang ilang members of the Armed Forces of the Philippines, na kailangan sa story, na nagbantay at tumulong din sa kanila during the taping.

 

 

Kaya nag-decide ang mga artistang kasama sa cast, headed by Jillian Ward at Andre Paras, na mag-chip in sila at bumili ng mga bagay at pagkain na ipinamigay nila sa mga elementary school children sa Caloocan City, na kasama sa eksena.  Kaya naman masayang-masaya ang lahat ng mga batang kasama, sa mga blessings na natangap nila, after ng taping.

 

 

Ang “Abot-Kamay na Pangarap” na nagtatampok din kina Carmina Villarroel, Richard Yap at Dominic Ochoa, ang top-rating serye sa hapon, ay nakakakuha ng 7 million views in less than 24 hours.

 

 

Napapanood ito Mondays to Saturdays, 2;30 PM, after “Eat Bulaga.”

(NORA V. CALDERON)

Ads December 12, 2022

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Brittney Griner nakabalik na sa US matapos mapalaya

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nakabalik na sa US si WNBA star Brittney Griner matapos na siya ay palayain dahil sa pagkakakulong sa Russia.

 

 

Dumiretso agad ito sa San Antonio,Texas para sumailalim sa ilang medical test.

 

 

Napalaya si Griner matapos ang ginanap na prisoner swap kapalit ni Russian arms dealer na si Viktor Bout.

 

 

Magugunitang inaresto si Griner habang nasa paliparan ng Russia dahil sa nakuhanan ito ng cannabis substance sa vape cartridge nito. (CARD)

Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Schedule sa Miyerkoles

(Smart Araneta Coliseum)

5:30 pm – Awarding Ceremony

6 pm – AdMU vs UP

 

 

Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball best-of-3 Finals Game 1 sa harap ng 18,211 miron Linggo ng gabi SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

 

 

Umupo ang Peyups sa trono noong Hunyo nang tapusin ang 36 na taong pagkagutom sa kampeonato sa pagtimon coach Goldwin Monteverde kontra AdMU rin.

 

 

Trumabaho sa ‘Battle of Katipunan’ si Lucero ng krusyal na 14 points, 10 rebounds, tig-2 assists at blocks, na sinegundahan ni JD Cagulangan ng 12 markers. Umiskor pa ng 11 si Harold Alarcon at si presumptive MVP Malick Diouf ng siyam.

 

 

“I think for us it’s every day coming in and listening to what our coaches said in preparing accordingly [cause] we know that there are good team over there so we have to bring our best every single time out, and for us, this one’s not already done, we got one more to win and all that UP people please come again,” bulalas ni Lucero.

 

 

Walang saysay ang 16 pts.ni Rence Padrigao at 15 ni Ange Kouame para sa Eagles. (CARD)

Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon.

 

 

Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na magpatupad muna ng moratorium sa pagkum­piska ng driver’s license sa NCR.

 

 

Ang moratorium ay magiging epektibo hangga’t binubuo pa ng 17 local government units (LGUs) sa NCR, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) ang mga guidelines para sa interconnectivity program na gagamitin sa single ticketing system.

 

 

“Humingi ako ng tulong sa mga kasama sa MMDA at sa mga ma­yors, baka naman habang pinag-uusapan, na mag-moratorium, walang kumpiskahan ng lisensya habang binubuo ang interconnectivity program, at ako pinayagan nila,” ayon kay Abalos, sa press briefing na ginanap sa bagong headquarters ng MMDA sa Pasig City kahapon.

 

 

Ani Abalos, na nagsilbi rin bilang chairman ng MMDA noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga city at municipal councils sa Metro Manila ay magpapasa ng mga ordinansa na nagmamandato sa suspensiyon sa pagkumpiska ng driver’s license sa mga susunod na araw.

Isiniwalat din ang mga pinagdaanan sa buhay: KARLA, inamin kay KORINA na masaya sa partner na gustong makasama sa pagtanda

Posted on: December 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA latest episode ng ‘Korina Interviews’ ng NET25 na napanood kahapon (Dec. 11), may inamin si Karla Estrada kay Korina Sanchez-Roxas.

 

“Masayang-masaya ang puso ko, ang tagal mo namang magtanong, ” natatawang tugon ni Queen Mother kay Ate Koring dahil in love na in love siya sa kanyang partner.

 

“Oo, hindi ako napapagod sa kakaibig,” sagot uli ni Karla sa tanong ni Korina.

 

“Hangga’t tumitibok ang puso mo, eh talagang… gustung-gusto ko kasi ang feeling na in love. May minamahal, may pakilig-kilig at inspirasyon.

 

Dagdag pa niya, “lalo na Ate, mae-experience mo yan ‘pag nagsilakihan na ang mga kids mo, si Pepe at si Pilar. At hindi na tumatabi sa kuwarto mo, ay naku, magdadrama ka na mag-isa ka na lang sa buhay.

 

“Kaya para sa akin, importante talaga na meron kang kasamang tumanda.

 

Lahat ng babae nangangarap magsuot ng ‘traje de boda’ kaya pwedeng-pwede pang humabol ang actress-turned politician.

 

Bukod dito, natunghayan din ang kuwento ng pag-angat ni Karla mula sa kahirapan sa Tacloban after niyang mag-stow away sa barko pa-Maynila upang tuparin ang kanyang pangarap.

 

Wala mang suwerte sa pag-ibig, biniyayaaan naman siya bilang isang single parent ng mga mabubuti at matatagumpay na mga anak, at isa na sa mga ito ay ang superstar actor/singer na si Daniel Padilla na bali-balita ring malapit nang pakasalan si Kathryn Bernardo.

 

Inamin ni Karla na naging madali naman ang pagpasok niya sa showbiz, dahil marunong siyang kumanta at nakaka-arte din. Kaya nang nag-audition siya kay German Moreno ay agad siyang natanggap sa ‘That’s Entertainment’.
Pero sa kalagitnaan ng buhay niya sa industriya ay dumating ang mga pagsubok. Nahirapan daw siyang bumangon after niyang manganak kay Daniel at nasundan pa ni Carlito.

 

Pero ang maganda ay hindi siya sumuko dahil naka-focus sa kanyang mga pangarap.

 

Inamin din niyang gustong makabalik sa pagho-host ng isang show. Pero this time mas relax, pero mas maraming matutulungan.

 

Usapang magkaibigan sa umaatikabong chikahan ang naganap sa pagitan nina Karla at Korina sa ‘Korina Interviews’, na puwedeng panoorin ang kabuuan sa YouTube channel ng Net25 at Rated Korina.

 

(ROHN ROMULO)