• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 24th, 2022

NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
Tinukoy ang accomplishment report ng  Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang  working visit sa  Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon  sa ASEAN Summit sa Cambodia at  APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively attracting more foreign businesses to come to the Philippines.”
Sa sidelines ng mga nasabing  foreign trips, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga business communities ng nabanggit na bansa para hikayatin ang mga  foreign investors.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na may ilang  letters of intent at memorandums of understanding ang nilagdaan ng Pilipinas kasama ang  Indonesian at Singaporean investors para sa P804.78 bilyong halaga ng investments.
Winika pa ng Malakanyang na ang “working visit” ng Pangulo sa New York  noong  Setyembre ay nakapag-generate ng   $4 bilyong halaga ng  linvestments.
Inimbitahan din ng Pangulo ang  Cambodian business leaders, na nasa sektor ng  pagkain at agrikultura, mamuhunan sa Pilipinas.
Ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong   Marcos at  business leaders ay nangyari sa   sidelines ng ASEAN Summit.
Samantala, nagpahayag naman ang Thai companiesir ing interest na palawigin ang kanilang presensiya sa Pilipinas ayon kay  Trade Secretary Alfredo Pascual sa sidelines ng APEC Summit.

PBBM, kinilala ang naging ambag ng DSWD sa ginagawang pagtulong nito sa mga tao

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
KINILALA ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa  pagtulong nito sa mga mamamayan na nangangailangan. 
Sa isinagawang Pangkabuhayan at Pamaskong Handog Ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayang Pilipino na ginawa sa Rizal Park,  tinuran ni Pangulong Marcos na isa ang DSWD sa mga ahensiya ng gobyerno na maituturing na 24/ 7 sa pagta- trabaho.
Makikita aniya ang presensiya ng DSWD  sa panahon ng mga kalamidad gaya ng bagyo, lindol at Iba pa.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na walang kinikilalang holiday ang bagyo, lindol at baha kaya’t  sinasabayan naman aniya ito ng mga taga -DSWD sa pamamagitan ng pagtulong aa mga nasalanta.
Dahil dito, Nagpasalamat ang Pangulo para sa mga taga – DSWD sa nakalipas na anim na buwan dahil sa patuloy na pagtulong ng mga ito sa mga mamamayang Filipino.

Criminal group member, timbog sa baril at granada sa Malabon

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang miyembro ng criminal group na sangkot umano sa serye ng robbery holdup sa northern part ng Metro Manila matapos madamba ng pulisya sa loob ng isang palengke sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro, naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel at Police Sub-Station-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Carlos Cosme, Jr. si Alfredo Almario, Jr. 50, listed bilang miyembro ng notoryus “Salibio Criminal Group” sa loob ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St. Barangay Tañong dakong alas-11:45 ng gabi.

 

 

Sinabi ni Col. Daro na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SIS mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa resensya ng isa sa mga niyembro ng Salibio Criminal Group habang gumagala sa loob ng naturang palengke na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

 

 

Kaagad nakipag-ugnayan si Lt. Sinel kay PLt Benedicto Zafra, Deputy Commander ng SS6 saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sad ala niyang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na kargado ng limang bala at isang MK2 hand grenade na nakuha sa loob ng dala niyang itim na belt bag.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa matagumpay na pagkakaaresto sa umano’y notosyur na miyembro ng criminal group.

 

 

Ani Col. Daro, kakahasuhan nila ang suspek ng paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516  o ang Unlawful Possession of Explosives sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Abangan ang Christmas Special ng ‘TikTalks’: Usapang totoo kasama sina KORINA, KAKAI, G3, PATP, at ALEX

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
ITO na ang talk show na naiiba yata sa lahat – truly different from the rest. 
“Well, we designed it that way – that it be different. Real talk. Real people representing different tribes. No holds barred. Kaya edit nalang kami nang edit, hahaha,” sabi ng mga co-producers na sina Korina Sanchez Roxas at Jojie Dingcong ng Media Kweens, Inc., na creators ng bagong TV5 at OneCIGNALPH talk show na TikTalks.
“Korina is a multi-awarded, veteran broadcast journalist – a true newswoman. G3 San Diego is a proud member of the LGBTQIA+ community and speaks boldly about being a transwoman.
“PatP Daza is a single mom, working to raise her kids as a radio commentator and TV host. Kakai Bautista is an opinionated singer-actress-comedienne who will suddenly burst into song.
“And Alex Calleja is a comedic genius. He is a writer, director, and successful stand-up comedian, the only male in the group,” ayon kay Dingcong.
The show talks about anything and everything in your head you might want to talk about: Talaga bang ang lalaki mas accepted mangaliwa kaysa babae?
Why do Pinoys like fair skin at nagpapatangos ng ilong ang marami? Why do we still slaughter and eat dogs in this country?
Ilan lamang ito sa mga paksang hindi napag-uusapan ngayon sa mainstream media.
At abangan din ang Christmas special ng TikTalks!
Usapang totoo kasama sina Korina, Kakai, G3, PatP, at Alex – and barkadang TikTalks!
Bakit nga ba tuwing Pasko puro gastos? Materyal na ba talaga ang meaning ng Pasko?
Obligasyon ba talagang magbigay ng regalo sa mga inaanak, taon-taon? Talagah?
Malamig ba ang Pasko mo dahil wala kang jowa? What to do?
Iniisip niyo palang, amin nang pinag uusapan!
Abangan ang usapan, halakhakan, at debatehan sa Christmas Special ng TikTalks ngayong Sabado, December 24 (7:30 pm) sa TV5; at 8:00 PM sa OnePH; at mapapakinggan sa Radyo 5 92.3 news FM.
Iba ang Pasko sa TikTalks, pramis!
Meantime, if you haven’t caught the first three episodes ng latest, newest talk show ng bayan na pinag uusapan ng lahat, manood na sa Rated Korina Plus official YouTube Channel ni Korina!
TikTalks Ep 1 https://youtu.be/olq1hJJJvwo
TikTalks Ep 2 https://youtu.be/lN7T4-MUzGA
TikTalks Ep 3 https://youtu.be/Ygg_iGPmrTM
Watch ka na – now na! Maaaaliw ka!
(ROHN ROMULO)

Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na ang akusado ay naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa Disiplina Village, Barangay Viente Reales dakong alas-3:10 ng hapon.

 

 

Ani Col. Destura, unang nakatanggap ng impormasyon ang WSS na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing lugar na naging dahilan upang agad magsagawa ng mahunt operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Floren.

 

 

Si Floren ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 10, Angeles City, Pampanga, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Richard Mesa)

2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina Joven Palileo, 40 ng Brgy. Marulas at Rose Villena alyas “Monay”, 21, ng Brgy. Bignay, kapwa ng lungsod.

 

 

Sa report ni Castillo kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU-NPD ng buy bust operation sa Galas St., Barangay Bignay kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P2,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P139,400.00; buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat pirasong P500 boodle money at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng lungsod.

 

 

Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-8:40 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Serapio St., Brgy. Gen T. De Leon matapos ang natanggap na impormasyopn hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga.

 

 

Sa tulong ng isang Regular Confidential Informant (RCI), nagawang makipagtransaksyon ng isang operatiba na nagsilbi bilang poseur buyer sa suspek ng P8,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka sinunggaban ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 35 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P238,000.00; buy bust money na isang tunay na P500, kasama ang 7 pirasong P1,000 at isang P500 boodle money, coin purse at P200 recovered money.

 

 

Pinuri naman National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Valenzuela City Police sa mahusay nilang trabaho na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y notoryus drug pusher.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Kaya nagpapaganda ng katawan: KRISTOFFER, naghahanda sa pagsali sa triathlon at sa mega serye

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
MAY dahilan kung bakit nagpapakondisyon at nagpapaganda ng katawan niya ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin. 
Naghahanda siya para sa kanyang pagsali sa triathlon.

Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng isang video kung saan makikita ang bortang katawan niya na subsob sa workout at training.

Nilagyan pa niya ng caption na: “And so it begins. # Triathlon #Training”

Ang triathlon ay “athletic contest consisting of three different events, typically swimming, cycling, and long-distance running.”

Swimmer si Kristoffer noong high school pa lang ito kaya ang pinagbuhusan niya ng panahon ay ang pagtakbo at ang cycling na kelan lang ay napabalunan niya ng medalya.

Nakilahok si Kristoffer sa Taktak Cycling Challenge na ginanap noong nakaraang Sabado, December 17 sa Daang Bakal Road, Taktak, Antipolo City.

Post niya sa IG: “FIRST OF MANY. Ang sarap pala magka-medal. Hahaha. Really enjoyed the TakTak100 (kahit 50km lang talaga sinalihan ko). Well organized event. Congraaats team Taktak!”

Bukod sa kanyang sports, pinaghahandaan na rin ng aktor ang mga magiging action scenes niya sa 2023 mega serye na Urduja’s Jewels kunsaan bida sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Kasama rin sa cast sina Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan, at Arra San Agustin.
(RUEL J. MENDOZA)

“SPIDER-MAN: ACROSS THE SPIDER-VERSE” DROPS NEW POSTER

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

COLUMBIA Pictures has unveiled the official poster for Spider-Man: Across the Spider-Verse which shows an upside down Miles Morales flanked by a multitude of Spider-People.

 

 

Check out the poster below and watch Spider-Man: Across the Spider-Verse in Philippine cinemas June 2023.  

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/m-aC_4-kAmY]

 

 

About Spider-Man: Across the Spider-Verse

 

 

Miles Morales returns for the next chapter of the Oscar®-winning Spider-Verse saga, Spider-Man: Across the Spider-Verse. After reuniting with Gwen Stacy, Brooklyn’s full-time, friendly neighborhood Spider-Man is catapulted across the Multiverse, where he encounters a team of Spider-People charged with protecting its very existence.

 

 

But when the heroes clash on how to handle a new threat, Miles finds himself pitted against the other Spiders and must redefine what it means to be a hero so he can save the people he loves most.

 

 

Directed by Joaquim Dos Santos, Kemp Powers, Justin K. Thompson, the screenplay is by Phil Lord & Christopher Miller and David Callaham, based on the MARVEL Comic Books.

 

 

Produced by Avi Arad, Amy Pascal, Phil Lord, Christopher Miller, Christina Steinberg.

 

 

The film’s cast is led by Shameik Moore and Hailee Steinfeld, Jake Johnson, Issa Rae, Daniel Kaluuya, Jason Schwartzman, Brian Tyree Henry, Luna Lauren Velez, Greta Lee, Rachel Dratch, Jorma Taccone, Shea Whigham and Oscar Isaac

 

 

Spider-Man: Across the Spider-Verse is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #SpiderVerse

 (ROHN ROMULO)

Kasama ang buong pamilya ni Cong. Jay: AIKO, sa Japan magpa-Pasko at may nag-iisip kung doon sila ikakasal

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
DAHIL sa Japan sila magse-celebrate ng Pasko, may katanungan sa isip ng mga netizens; doon na rin kaya magaganap ang kasalang Aiko Melendez at Jay Khonghun?
Taun-taon mula noong nagkaroon sila ng relasyon ay sa ibang bansa idinaraos nina Aiko at Jay ang Pasko, at ngayon nga ay sa Japan ang kanilang destinasyon.
Buong pamilya ni Congressman Jay ay kasama sa biyahe kaya may mga hindi maiwasang mag-isip kung magaganap na ba ang pinakahihintay na pag-iisang dibdib ng konsehala ng 5th District ng Quezon City at ng Kongresista ng 1st District ng Zambales.
Well, Pasko na bukas kaya malalaman rin natin. patuloy na napapanood si Aiko sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ ng GMA.
***
THE long wait will soon be over!
Inakala ng lahat na nitong 2021 ipapalabas ang ‘Voltes V Legacy’ sa GMA kaya maraming fans ang nabigo dahil hindi iyon natuloy.
Pero magbubunyi ang lahat lalo na ang nakasubaybay sa Voltes V na unang napanood noong 1977 dahil tiyak na ang pag-ere nito na ngayon nga ay live adaptation ng GMA ng sikat na Japanese anime sa ikalawang quarter ng 2023!
“Voltes V: Legacy will definitely air second quarter of 2023,” pagkukumpirma ng  direktor na si Mark Reyes.
Isa pang kumpirmasyon nito ay ang trailer preview ng ‘Voltes V Legacy’ na dinaluhan ng buong cast ang buong cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho.
Dinaluhan din ang preview nina SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, First Vice President and Head of Post Production Department Paul Hendrick Ticzon, GMA Entertainment Group VP for Drama Cheryl Ching-Sy at AVP for Drama Helen Rose Sese.
Very happy and proud ang cast sa itinuturing na isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Network.
“Sa lahat ng cast na napanood namin, bawat labas nila, shini-share namin sila kasi ang tagal naming hindi, kung ano ang hitsura noong mga sarili namin sa screen, anong hitsura ng characters namin sa Voltes V. So noong nakita namin lahat kami tuwang-tuwa,” sabi ng leader na si Miguel.
(ROMMEL L. GONZALES)