• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 4th, 2023

Bulacan inaugurates new youth rehabilitation center

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS – To guide the children in conflict with the law (CICL) towards a better future, the Provincial Government of Bulacan headed by Governor Daniel R. Fernando together with the Provincial Social Welfare and Development Office inaugurated the new Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) located at Brgy. Bulihan in this city yesterday.

 

 

 

The new rehabilitation center consists of new and improved facilities including ten dormitories, library, clinic, prayer room, isolation room, activity area/mess hall, basketball court, comfort rooms, and laundry area which can accommodate a maximum of 200 individuals aged 15 to 18.

 

 

 

According to TPYRC Head Jay Mark P. Chico, the different programs that were being implemented within the center are geared toward the achievement of treatment goals for individual youth and the group as a whole to help them develop their socially constructive and reproductive behavior, hence, the number of current youths staying at the rehabilitation center dropped down to 55 compared to year 2018 with 150 CICL through the combined efforts of the PGB and PSWDO.

 

 

 

In his message during the program, Bulacan Governor Daniel R. Fernando said that the PGB will continue to strive in giving psychosocial and therapeutic programs to the minor-aged law offenders or the CICL for them to be a functional member of the society.

 

 

 

“Sa loob ng mga nagdaang taon, pinatunayan ng Tanglaw Pag-asa ang pagbibigay proteksyon, paggabay at pag-aaruga at ‘di matatawarang dedikasyon upang hubugin ang mga kabataang nasa pasilidad na ito na maging produktibong miyembro ng ating pamayanan at lipunan. Patuloy rin po tayong nakatutok sa pagpapatibay ng mga psychosocial at therapeutic programs maging sa paghahatid ng mga livelihood training at alternative learning system (ALS) para sa ating mga CICL”, the governor said.

 

 

 

While under the care of TPYRC, the CICL were also given access to all needed services including education; moral development; legal assistance; health services; psychological services; nutrition services; spiritual and moral services; livelihood program; home life services; and provision of clothing and personal items which will help them to adjust while they are transitioning back into their communities for reintegration.

 

 

 

The Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center is managed and funded by the PGB through the supervision of the PSWDO pursuant to Republic Act No. 9344 as amended by the Republic Act No. 10630, wherein throughout the whole region, only the Province of Bulacan has this kind of facility for the CICL. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, unang head of state na bibisita sa China sa 2023

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang unang world leader na nakatakdang bumisita sa China sa  2023.

 

 

 

Sa idinaos na Foreign Ministry press conference ng China, sinabi ni spokesperson Wang Wenbin na  “Marcos will be the first foreign head of state China will receive in the new year.”

 

 

 

“This will be President Marcos’s first visit to China after taking office and his first official visit to a non-ASEAN country. It fully demonstrates the high importance China and the Philippines attach to bilateral relations,” ayon pa rin kay Wenbin.

 

 

 

Sa magiging pagbisita ng Pangulo, magkakaroon Ito ng pag-uusap kay Chinese President Xi Jinping.

 

 

 

“Leaders of the two sides will have in-depth exchanges of views on bilateral relations and regional and international issues of mutual interest and jointly chart the course forward for our relationship,” dagdag na wika ni Wenbin.

 

 

 

Samantala, sa unang  State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang administrasyon ay  “will stand firm in our independent foreign policy, with the national interest as our primordial guide.”

 

 

 

Iginiit naman ng Pangulo na hindi niya hayaan ang China na yurakan ang  maritime rights ng Pilipinas sa karagatan, taliwas kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na atubili na batikusin ang superpower.

 

 

 

Bibyahe ang Pangulo patungong China kasama si Unang Ginang Liza Marcos, dating Pangulong  Gloria Macapagal Arroyo, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at ilang cabinet secretaries. (Daris Jose)

‘Isang ‘marangal, mabait’ na Santo Papa

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY  pugay si Pope Francis, kay Benedict XVI na sinabing isa itong “marangal” at “mabait” na dating papa.

 

 

 

Ang dating santo papa ay namatay sa edad na 95-anyos, isang dekada matapos maging unang pontiff mula noong Middle Ages na nagbitiw sa pwesto.

 

 

 

“With emotion we remember a person so noble, so kind,” mensahe ni Pope Francis sa isinagawang New Year’s Eve service sa St Peter’s Basilica.

 

 

Pinasalamatan ni Pope Francis ang conservative German theologian na si Joseph Ratzinger na nakilala bilang Pope Benedect XVI para sa lahat ng kabutihang nagawa nito at binigyang-diin na ang kanyang mga sakripisyong inialay ay para sa ikabubuti ng simbahan.

 

 

 

Si Benedict ay pumanaw noong 9:34am (0834 GMT) sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican, kung saan siya nanirahan mula nang magbitiw ito sa pwesto.

 

 

 

Nagulat ang mundo noong 2013 nang siya ang naging unang papa sa halos anim na raang taon na bumaba sa puwesto kung saan binanggit nito ang kanyang humihinang mental at pisikal na kalusugan.

 

 

 

Ang pagpanaw ng dating papa ay nagtatapos sa isang “unprecedented situation” kung saan dalawang “lalaking nakaputi” sina Benedict at Francis ay magkasamang umiral sa loob ng mga pader ng maliit na estado ng lungsod.

 

 

 

Ayon sa Vatican ang bangkay ni Benedict ay ipapakita mula Lunes ng umaga sa St Peter’s Basilica upang payagan ang mga mananampalataya na magbigay ng kanilang paggalang, bago ang isang “solemne at simpleng” libing.

 

 

 

Siya ay ililibing sa mga libingan ng papa sa St. Peters Basilica. (Daris Jose)

Ads January 4, 2023

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Bago sumabak sa pagluluto ng handa sa Bagong Taon: JUDY ANN, pinalakpakan sa paandar na target shooting

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TULAD ng nakaugalian na ng kanilang pamilya ay sa bahay-bakasyunan nila sa Batangas sinalubong nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, with kids Yohan, Lucho and Luna, ang Bagong Taon.

 

 

Kasama ang halos buong pamilya nila on both sides, tulad ni Mommy Carol Santos ni Judy Ann at ilang piling kaibigan, ilang araw namalagi sa Batangas ang grupo.

 

 

At tulad rin na ng nakasanayan niya, si Judy Ann mismo ang nagluto at naghanda ng mga putaheng kanilang pinagsaluhan sa media noche at mismong New Year’s Day.

 

 

Pero bago siya sumabak sa pagluluto, may paandar si Juday; nag-target practice muna siya sa malawak nilang beachfront na bahay at dahil sanay naman si Juday sa mga action scenes sa mga projects na nagawa na niya in the past (tulad ng ‘Basta’t Kasama Kita’ at sa guesting niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’), isang kalabit lang ni Juday sa baril ay tinamaan niya agad ang bull’s eye!

 

 

Kaya naman bonggang hiyawan at malakas na palakpakan ang naging reaksyon ng mga kasama ni Juday dahil sa husay niyang bumaril.

 

 

Nasa Instagram account niya ang video n may caption na, “Wait lang bub… tirahin ko lang to sandali bago ko magluto.”

 

 

“Bub” ang term of endearment nina Juday at Ryan sa isa’t-isa.

 

 

***

 

 

NAGING bahagi ng buhay ni Mark Bautista sa nakaraan ang pamosong kuwento na lumuwas siya ng Maynila mula Cagayan de Oro para mag-audition sa ‘Star For A Night’ sakay ang isang cargo vessel dahil wala silang pera ng kapatid niya para bumili ng tiket sa eroplano.

 

 

At tulad ng alam nating lahat, nagtagumpay si Mark at isa na sa maituturing na pinakasikat at pinakamahusay na male balladeer sa Pilipinas.

 

 

At nitong Bagong Taon, sa Siargao nagbakasyon si Mark at sa kanyang pamamasyal sakay ang isang barko ay may nadaanan siyang cargo ship na kapareho ng sinakyan nila noong hindi pa siya sikat.

 

 

Kaya naman nagbalik-tanaw si Mark kanyang pinagdaanan sa kanyang Facebook page kalakip ang larawan ng cargo ship at caption na…

 

 

“Nagflash back sakin upon seeing this cargo ship (2nd slide) ganito sinakyan namin ng brother ko noon for 2 and half days going to Manila (dahil mahal ang plane ticket )just to audition for the singing contest (Star For A Night) and now it’s more than 20 years and it made me question-what if i didn’t take that chance? what if i didn’t risk chasing my dream? It would’ve been a different story by now but thinking about it now, masasabi ko lang it was the best decision i made & i couldn’t be anymore grateful. God really works in so many ways that’s fit and good for you. ”

 

 

***

 

 

BONGGA ang mga Hari ng Kapuso at Kapamilya Network dahil pareho silang sinalubong ng isang acting award ngayong Bagong Taon.

 

 

Parehong nagwaging Best Actor sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa katatapos lamang na 2022 TAG Awards Chicago.

 

 

Wagi si Dingdong bilang Best Actor para sa GMA mini-series na ‘I Can See You: AlterNate’ at win naman si Piolo para sa ‘Flower of Evil’ ng ABS-CBN sa awards night na ginanap nito lamang December 31.

 

 

Mula sa TAG MEDIA, ang nabanggit na award giving body ay kumikilala at nagpapahalaga sa mga achievement ng mga celebrity at influencer sa larangan ng entertainment, entrepreneurship at social media.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Marcos nanawagan ng ‘unity’ sa 2023

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipino na magkaisa at maging solido bilang isang bansa sa pagharap sa mga darating na pagsubok ngayong taon.
Sa mensahe ni Marcos sa pagsalubong sa Bagong Taon, hangad niya na magpatuloy ang pagtutulungan para makamit ang pangarap na magandang kinabukasan para sa lahat.
Sinabi pa ng Pangulo na buhay ang Bayanihan sa mga Pilipino kaya tuloy ang pagsulong sa kabila ng mga balakid at pagsubok na siyang nagpapatatag at nagpapalakas sa lahat bilang isang bansa.
“I join the entire Filipino nation with hope and optimism in welcoming the New Year. I hope that we will draw strength and inspiration from what truly binds us together — our genuine love for our fellow Filipinos and our country. This is the essence of our call for unity and the impetus for our continued invitation to work together for the realization of our shared inspirations as a people,” pahayag ng Punong ehekutibo.
Sa kabila nito naniniwala naman si Marcos na sa sandaling magkaisa ang lahat ay malalagpasan natin ang lahat ng mga pagsubok at maiaangat ang bansa patungo sa kaunlaran at kaayusan.
Bukod pa rito, hinikayat din ng pangulo ang sambayan na manatiling matatag at patuloy na magkaisa sa tulong at gabay ng Diyos tungo sa mas maayos at masaganang kinabukasan.
“As we look forward to a fruitful and hopeful New Year, let us remain steadfast and united as ever as we ask the Almighty’s continued guidance in our journey toward a better, brighter and more prosperous future for our nation,” giit pa ni Marcos. (Daris Jose)

Parang kailan lang nang makilalang si Trudis Liit: JILLIAN, pinaghahandaan na ang bonggang debut next month

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARANG kailan lang, ang 6-year old na nakilalang si Trudis Liit, si Kapuso young actress Jillian Ward, ay magiging isang beautiful debutante na on February 23, 2023.  

 

 

Sa ngayon ay plantsado na pala ang mga paghahanda, pero ayaw pang i-divulge ng bida ng GMA inspirational-medical drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” na si Dra. Analyn Santos, kung ano ang theme at ang magiging kaganapan sa kanyang coming debut.

 

 

Sino kaya ang magiging special escort niya?

 

 

“Basta ang gusto ko po lamang is to have fun at ma-invite ko lahat ng mga mahal ko sa buhay at mga kasamahan ko sa industriya,” wika ni Jillian sa isang interview sa kanya sa “24 Oras.”

 

 

“Nagpapasalamat din po ako sa mga sumusubaybay sa akin sa aming GMA Afternoon prime series. And I’m happy working with veteran actors na kasama ko, like Sir Richard Yap, Sir Dominic Ochoa and Tita Carmina Villarroel, who’s my nanay Lyneth sa serye.

 

 

“Sila po ang natatanungan ko kung tama ang ginagawa ko sa eksena.  I’m nervous but super grateful po ako sa kanila, mahirap po kasing mag-memorize ng medical terms.”

 

 

Ang tinutukoy ni Jillian ay ang challenging role niya bilang isang young genius doctor na nakaramdam din ng panghahamak dahil may ayaw maniwalang isa na siyang doctor.

 

 

Since extended pa ang “Abot-Kamay na Pangarap,” na napapanood Mondays to Saturdays sa GMA-7, after ng “Eat bulaga,” may sorpresa kaya kay Jillian ang top-rating afternoon show sa debut niya?

 

                            ***

 

 

CONGRATULATIONS sa “Voltes V: Legacy”  team ni Director Mark Reyes, dahil umani sila ng million viewers nang ipalabas nila ang Ultraelectromagnetic Megatrailer nang ipalabas ito sa “Kapuso Countdown to 2023” last December 31 sa GMA Network.

 

 

Na-excite din ang viewers nang makita sa trailer si Kapuso Drama actor Dennis Trillo, na siya palang gumaganap sa role ni Ned Armstrong, at anak niya ang Armstrong brothers na ginagampanan nina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Radson Flores at Raphael Landicho.

 

 

Napanood din sa trailer ang iba pang cast na sina Carla Abellana, Ysabel Ortega, Martin del Rosario, Epy Quizon at Albert Martinez.

 

 

Nothing to worry ang mga fans ni Dennis, dahil hindi ito mag-overlap sa top-rating historical fantasy portal series nilang “Maria Clara at Ibarra,” dahil sa kanilang timeslot papalit ang “Voltes V Legacy,” sa first quarter of 2023.

 

                                             ***

 

 

LIVE ang New Year presentation ng “Eat Bulaga” last January 2, na dinaluhan nina Tito Sen, Vic Sotto, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Vallesteros, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza.

 

 

Wala si Joey de Leon dahil on vacation siya with his family abroad.  Happy ang mga viewers ng EB, dahil matagal na pala nilang request kung pwedeng ibalik ang mga dating segments ng longest-running afternoon show.

 

 

Kaya ngayon ay muling napapanood ang segment nilang “Pinoy Henyo,” ang “Bulagaan” segment ni Miss Dizon (Ryzza Mae Dizon) at ibabalik din nila ang “Juan for All All for Juan” segment sa barangay.

(NORA V. CALDERON)

Sa ibinahaging mga larawan ni Vice Gov. Mark: KRIS, unti-unti nang bumubuti ang kalusugan at patuloy na pinagdarasal

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang natuwa na makita ang bagong larawan ni Kris Aquino, na unti-unti na ngang bumubuti ang kalagayan habang patuloy na nagpapagamot sa Amerika.

 

 

Kahapon, January 3, ay pinost ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kanyang Instagram account ang mga photos nila ni Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

 

 

Dahil nasa Amerika ang pamilya ni VG Mark, kaya dinalaw na rin niya ang kaibigang TV host at makikita nga ang improvement sa kalusugan nito.

 

 

May caption ng post ng, “Spending the first day of the year with the Queen [yellow heart, sparkle emojis]”

 

 

Patuloy namang ipinagdarasal ng mga netizens ang tuluyan ng paggaling ni Kris at pinasalamatan din nila si Mark sa pagbisita at pagbabahagi ng mga bagong larawan ng TV host.

 

 

Sa tulong ng Diyos at kung ipagkakaloob ay tuluyang makaka-recover at gagaling si Kris, manalig lang tayong lahat.

 

 

***

 

 

NANAWAGAN siya at narinig naman.

 

 

“Gusto kitang maging kumare, bilang ninang ng ipapanganak pa lang na anak ko,” panawagan ni Whamos, katuwang ni Anjanette sa kanilang joint social media vlog na Whamonette.

 

 

Matagal na palang sinusundan ng mag-asawa ang mga posts ni Bataan District 1 Representative Geraldine Roman.

 

 

“Gustung-gusto ko ang mga sinasabi niya, pati na ang mga payong ibinibigay niya,” natutuwang inilahad ni Whamos sa kanilang malaganap na vlog.

 

 

Ipinakiusap pa niya sa kanyang followers na i-tag si Cong Geraldine upang makarating dito ang kanyang panawagan.

 

 

Nakarating nga at dininig naman ni Cong Geraldine ang hiling ng mag asawa. Naganap ang kanilang masayang pagtatagpo at ito naman ang kwentong hatid sa atin ni Rep. Roman sa kanyang You Tube vlog, Geraldine Romantik. Mapapanood ito ngayong ika-pito ng gabi (Enero 4).

 

 

Abangan kung paano sila naging mag-kumare at kumpare sa isang masaganang bagong taon.

 

 

(ROHN ROMULO)

30M Pinoys, makikinabang mula sa 6-year housing program

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 30 milyong Filipinos ang inaasahang makikinabang sa 6-year housing program ng administrasyong Marcos sa 2028.

 

 

 

Tinukoy ang  year-end report ng administrasyon, sinabi ng  Office of the Press Secretary (OPS) na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng  Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) ay nakikitang mapakikinabangan ng   30 milyong Filipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng   6.15 million housing units sa loob ng anim na taon.

 

 

 

Layon kasi ng programa na tugunan ang  housing backlog ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng  “decent and sustainable” na pabahay.

 

 

 

“Between the program’s launch in September until Dec. 22, the DHSUD has signed memorandums of understanding with some 47 local government units to help work on the housing initiative,” ayon sa OPS.

 

 

 

Inaasahan din ayon sa  OPS na magpapalabas si Pangulong Marcos ng isang executive order hinggil sa implementasyon ng batas na magbibigay mandato sa mga ahensiya ng gobyerno na  “jointly identify idle state lands suitable for housing and rural development.”

 

 

 

“Beyond the provision of shelter, especially to the underprivileged and calamity-affected families, the government is working towards building inclusive and sustainable settlements and well-planned communities,” ayon sa OPS, base na rin sa year-end report ng administrasyong Marcos.

 

 

 

Nauna rito, inamin ni Pangulong Marcos na ang pagtatayo ng isang milyong low-cost housing units kada taon hanggang sa matapos ang kanyang termino ay isang “ambitious target.”

 

 

 

Gayunman, nangako ang Pangulo na ang kanyang  administrasyon ay “try very, very hard.” (Daris Jose)

Avatar 2 Box Office Just Knocked Harry Potter Off All-Time Top 15 List

Posted on: January 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Avatar: The Way Of Water’s continued box office success has pushed it into the top 15 grossing films of all-time worldwide list, bouncing Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2 from the exclusive club.

 

James Cameron’s long-awaited sequel to the highest-grossing movie of all-time finally dropped on December 16th after a 13-year wait. While Avatar: The Way Of Water continues to pass financial milestones, it has also been praised not only for the groundbreaking use of motion capture technology to bring Pandora to life both above and below the surf, but also for its strong messages of family unity and environmental responsibility.

 

Variety has reported that with its $86.3 million haul over the four-day New Year’s weekend, Avatar: The Way Of Water has brought its worldwide total to a tidy sum just under $1.4 billion. That means that it has now passed iconic blockbusters such as Black Panther ($1.382 billion) and Star Wars Episode VIII: The Last Jedi ($1.332 billion) while also pushing Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2 ($1.342 billion) out of the vaunted top 15 all-time worldwide list.

 

Like most major tent poles, the lion’s share of Avatar: The Way Of Water’s revenue has come from international markets, where the movie has grossed just shy of $957 million, while domestic markets have contributed just over $440 million to the movie’s worldwide box office.

 

Cameron himself has estimated that with its $350 million budget plus the $100 million spent on marketing, Way Of Water needs to gross over $2 billion to be deemed a success. Avatar: The Way Of Water held extremely well in its third weekend of release, as the $66.8 million three-day haul actually represented a four percent increase over its previous weekend. It was the fourth-highest third weekend gross in history, and considering that the movies in third (Black Panther) and fifth place (Avengers: Endgame) both topped $700 million domestically, Avatar: The Way Of Water can expect to put up similar numbers. With a dearth of competition hitting the big screens over the next month, and the big business it’s certain to continue doing overseas, Avatar: The Way Of Water may be poised to surpass Cameron’s aggressive goal.

 

The third of Cameron’s five planned Avatar films was shot back to back with Avatar: The Way Of Water, in part to avoid what is now known as the Stranger Things problem. Unlike the previous hiatus, Avatar 3 will come only two years after Way Of Water.

 

Cameron has revealed that the next installment will take the story to an all-new setting on Pandora where Jake Sully, Neytiri, and their brood will come into contact with the Fire Na’Vi, or the “ash people.”
Most of the cast of Avatar: The Way Of Water will be returning for Avatar 3, with Oona Chaplin and David Thewlis joining the cast as new Na’Vi characters and Michelle Yeoh coming on board in a live-action role. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)