BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III at kanyang opisyal na pagbisita sa Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden.
“It feels good to be back home!” ang sinabi ni Unang Ginang Liza Marcos, kasama sa byahe ni Pangulong Marcos, sa kanyang instagram post, araw ng Lunes, nagpapakita ng larawan ng kanyang asawa na may nakatatak na oras na 11:05 ng gabi, ng Mayo 7, 2023.
Dumating sa bansa ang Pangulo na walang isinagawang arrival honors.
Matapos ang ilang oras na pagbabalik sa bansa, binati naman ni Pangulong Marcos si King Charles III at Queen Camilla sa kanilang koronasyon nito lamang weekend sa London.
“It was as grand and magnificent a ceremony as could have been, full of symbolism and weighted by history. It was a great honor for me to represent the Philippines on such a historic occasion,” ayon sa Pangulo sa isang kalatas.
“A day before the Coronation of King Charles III, we were able to speak with His Majesty at the reception, where we sent him the congratulations of all Filipinos. He asked after his friend, my mother, former First Lady Imelda Marcos, and recounted fond memories of the time they shared together,” dagdag na wika ng Pangulo.
“Filipinos wish His Majesty King Charles III a long and happy reign. May his Coronation signify the start of a new chapter of peace, progress, and prosperity for the United Kingdom and the Commonwealth,” aniya pa rin.
Si Pangulong Marcos ay kabilang sa 2,200 bisita na inimbitahan sa koronasyon ni King Charles.
Samantala, nakatakda namang lumipad ang Pangulo patungong Indonesia sa Mayo 9 para dumalo sa annual summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Inaasahan naman na pag-uusapan sa regional meeting ang nagpapatuloy na humanitarian crisis sa Myanmar. (Daris Jose)