• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 11th, 2023

DA, hinikayat ang mga Pinoy na iwasang magsayang ng bigas, bumili ng locally produced rice

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita.

 

 

Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng “Be RICEponsible” campaign ng DA, isinama ng ahensiya ang mga mamimili para makaiwas sa rice wastage na tinatayang  P7 milyong piso kada taon, tulungan ang mga lokal na magsasaka at bigyan ang publiko ng  healthy food choices.

 

 

“This time we are involving the consumers para po ang… dahil ang rice ay ating staple food so it’s important that it’s not just a matter of technology pushed na iyong farmers ang inaano nating mag-produce nang mag-produce ng rice,” ayon kay Barroga.

 

 

“But also, the consumers, they have a role to play by avoiding wastage sa ating food – and doing that is also very helpful for our health,” anito.

 

 

Para naman kay  Dr. Hazel Antonio,  magpapatuloy ang mensahe ng  “Be RICEponsible” campaign na  simula pa noong nakaraang taon hanggang  2028, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtangkilik sa “locally produced rice” para tulungan ang mga lokal na magsasaka.

 

 

“I think our farmers appreciate the hard work. Pero this time, we’re encouraging every consumer to buy their products kasi isa din sa mga goals ng DA, specifically ng PhilRice under the rice program, ay tulungan iyong ating mga farmers to market their products as milled rice na instead na ibenta nila as fresh palay sa farmgate,”  ayon kay Antonio.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit ang mababa ng kita ng mga magsasakang Filipino, nakakukuha lamang ng 49% ng consumer prices.

 

 

Sa P50 kilo ng bigas, nakakukuha lamang ang mga ito ng mas mababa sa  P25 minus production inputs,  ang paliwanag ni Antonio, dahilan para hikayatin nito ang mga magsasaka na magbenta ng  milled rice sa halip na sariwang palay para palakasin at lumaki ang kanilang kita.

 

 

“So, now, we’re partnering with institutional buyers to buy from them directly. Just recently nga, mayroon kaming nakuhang order from Philippine Disaster Risk Reduction Network, so they will be buying more than seven million worth of rice mula sa ating mga farmers,” ayon pa rin  kay  Antonio.

 

 

Kaugnay naman sa rice consumer wastage, sinabi ni Barroga  na dalawang kutsara  ng bigas ang nasasayang ng isang tao sa isang araw, nagkakahalaga ito ng P7 milyong piso kada taon.

 

 

“Such amount could feed 2.5 million Filipinos,” ayon kay Barroga sabay binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatupad ng hakbang para mapigilan ang rice wastage.

 

 

Ang dahilan naman ng tatlong klase ng pagsasayang bigas ayon kay Barroga  ay ang “significant volume” ng bigas na  nabubulok at napapanis sa panahon ng  fiesta celebrations dahil may mga tao ang kumukuha ng maraming kanin na hindi naman inuubos.

 

 

“Actually the campaign says, get only what you need and what we have done in the past was to encourage a half cup serving as default ‘no,” anito.

 

 

“And some of the provinces actually and cities, restaurants in the cities and provinces partnered with us to make sure that we could have a default serving of half cup of rice para hindi sayang iyong ano… maiwasan natin ang wastage,” dagdag na pahayag ni Barroga.

 

 

Samantala, ipinagdiriwang ng bansa ang National Rice Awareness Month, bawat buwan ng Nobyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524, nilagdaan noong Enero 5,  2004 naglalayong itaas ang  public awareness sa pagsisikap na makamit ang “rice self-sufficiency” at tugunan ang malnutrisyon ay kahirapan.

 

 

May temang “Be RICEponsible”, ang National Rice Awareness Month ay pinangunahan ng DA at attached agency nito na Philippine Rice Research Institute (PhilRice).  (Daris Jose)

Ads November 11, 2023

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

P16-M fund, handa para sa pagpapa-uwi ng mga Filipino mula Gaza

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga  Filipino na nais nang lisanin ang Gaza Strip na may  USD297,746 (P16 million) repatriation fund ang naka-standby para i-cover ang huling Filipino na magdedesisyon na magbalik-Pilipinas.

 

 

Sa ngayon, nakasara ang Rafah border crossing dahil sa “security reasons.”

 

 

“The embassy has a standby fund of USD297,746 for local transportation, accommodation in Cairo, flight tickets and welfare assistance — that is for 150 persons,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa isang panayam.

 

 

Ani De Vega, mayroon pang  69 Filipino ang nagdesisyon na iwanan ang nakubkob na strip at naghihintay ng signal para makalabas.

 

 

Tinatayang may kabuuang 137 Filipino sa Gaza Strip nang magsimula ang  bakbakan sa pagitan ng  Israel-Hamas  matapos ang sorpresang pag-atake sa katimugang bahagi ng Israel  noong Oktubre 7.

 

 

Sa kabilang dako, may dalawang Filipino medical workers ang tumawid sa  Rafah border noong nakaraang linggo kasunod ng  40 na iba pa.  Lahat sila ay nasa Cairo.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago na ang situwasyon sa ground ay ” remains fluid as the border opening would depend on the security of the area.”

 

 

Subalit sinabi nito na ang mga opisyal mula sa Philippine Embassy sa Cairo ay naka-standby at naka-monitor sa sitwasyon sa  Egyptian side ng  border crossing.

 

 

“My colleagues are there, they were at the border the whole time but there is no signal between us (in Cairo) and them. When they left they did report that nobody was able to cross,” dagdag na pahayag ni Tago.

 

 

“We cannot expect that something would be set in stone, that it will be regular, it’s really a very fluid situation,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Pinas, naghain ng diplomatic protest laban sa Tsina

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Tsina  matapos ang panibagong insidente ng harassment at panghaharang ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng routine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, araw ng Biyernes, Nobyembre 10.

 

 

Sa isang kalatas, iginiit ng  National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) na kailangang umalis ng bisinidad ng Ayungin Shoal ang  CCG vessel 5203 ginamitan ng water cannon ang M/L Kalataan at Unaizah Mae 1 para itaboy ang mga ito.

 

 

“The Philippine Embassy in Beijing has demarched the Chinese foreign ministry and protested these actions,” ayon sa  NTF-WPS.

 

 

“The Department of Foreign Affairs has also reached out to them and conveyed our protest directly through the Maritime Communications Mechanism,” dagdag na wika nito.

 

 

Ayon pa rin sa  NTF-WPS, bukod sa water cannon, nalagay din sa panganib ang dalawang barko dahil dinikitan sila ng mga barko ng Tsina.

 

 

“CCG vessel 5203 deployed a water cannon against Philippine supply vessel M/L Kalayaan in an illegal though unsuccessful attempt to force the latter to alter course,” ayon sa NTF-WPS.

 

 

“Supply boats Unaizah Mae 1 (UM1) and M/L Kalayaan were also subjected to extremely reckless and dangerous harassment at close proximity by CCG rigid-hulled inflatable boats (RHIB) inside Ayungin Shoal lagoon during their approach to BRP Sierra Madre,”  dagdag na pahayag ng NTF-WPS.

 

 

Sa ulat, sa kabila ng panghaharang, nagawa pa rin ng mga barko ng Pilipinas na maituloy ang resupply mission.

 

 

“The systematic and consistent manner in which the People’s Republic of China carries out these illegal and irresponsible actions puts into question and significant doubt the sincerity of its calls for peaceful dialogue,” ayon sa NTF-WPS.

 

 

“The Philippines, for its part, has acted responsibly, consistent with a rules-based international law, on the basis of UNCLOS and the 2016 Arbitral Award. Peace and stability cannot be achieved without due regard for the legitimate, well-established, and legally settled rights of others,” anito pa rin. (Daris Jose)

Para maka-move on na at ang ibang tao: CARLA, naging open na pag-usapan ang divorce nila ni TOM

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING open na si Carla Abellana na pag-usapan ang tungkol sa divorce nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.

 

 

Sey ng bida ng ‘Stolen Life’, kasalukuyang nasa korte na ang petition para sa divorce of marriage nila dito sa Pilipinas.

 

 

Dahil American citizen si Tom, divorce ang na-grant sa US.

 

 

“Well, the status is divorce because that’s what he filed for in the US. ‘Yung dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya parang petition po siya so ongoing po ‘yon.

 

 

“Kumbaga ‘yung ating local court, tatanggapin po nila yon and kailangan po nila i-recognize ‘yung decree na ‘yon, ‘yung divorce decree tapos i-update po ‘yung status namin dito.

 

 

“Matagal pa po sa Pilipinas, eh. So divorced po technically, but ‘yung sa Philippines in the process pa po ‘yung pag-recognize nila ng divorce decree.

 

 

“Hindi po annulment… and there’s no need for annulment since sa Philippine law, hindi naman po sa parang obliged sila but they have to recognize that foreign decree, ‘yun po ‘yung magiging status.”

 

 

Nagagawa nang mapag-usapan ni Carla ang tungkol dito para maka-move on na siya at ang ibang tao.

 

 

“Ayoko naman din pong balik-balikan. Ayoko po siyang pag-usapan palagi. I’m in that position na po na at least, kumbaga, kung tatanungin po ako, masasagot ko naman po nang maayos. It just shows na parang ‘you’re over it’… parang ganon, nakapag-move on ka na po. Hindi naman sa komportable na pong pag-usapan pero at least kaya na pong pag-usapan.”

 

 

Kinasal sina Carla at Tom noong October 2021, pagdating na Janunary 2022 ay kumalat na ang balitang hiwalay na sila.

 

 

***

 

 

SA kanyang Instagram, nag-open up si Jon Lucas na dumating sa buhay niya ang pagkawala ng tiwala sa talento niya bilang aktor.

 

 

Dumating daw ang proyekyo na ‘Black Rider’ sa panahon na kinukuwestiyon niya ang kakayanan niya bilang aktor. Inamin din niya na muntik na niyang talikuran ang pag-arte dahil nawala yung tiwala niya sa kanyang sarili.

 

 

Heto ang pinost ni Jon:

 

 

“Medyo pressured, medyo kinakabahan, minsan nagtatanong ako sa mga nakakasama.

 

 

“Alam nyo po, kahit kailan hindi nawala yung tiwala ko sa magagawa ng Diyos sa buhay ko. Ang nawala po talaga noon sa akin ay yung tiwala sa magagawa ko.

 

 

“Hanggang ngayon naman, minsan napapaisip pa rin, pero buong puso kong sinasampalatayanan na biyaya ito sa akin, sa amin.

 

 

“Sinalba ng proyektong ito yung nawawala kong pag-asa na may magagawa pa ako sa industriya. Opo, hindi ko binanggit sa panalangin ko sa araw-araw yung Black Rider kasi mula Enero hindi ko alam ang kung ano ang susunod para sa akin.

 

 

“Ang lagi ko po na banggit sa Ama ay tulungan Niya akong manghawak pa, at maniwala na para dito pa ako sa industriyang pinaglagyan Niya sa akin.

 

 

“Pasuko na po, magpapaalam na muna sana na magpahinga. Hanggang sa nag-message sa akin handler ko na may taping ako ng Tadhana kaya sabi ko ‘Sige po go ako.’ Balak ko after no’n okay na muna ako.  Isipin ko munang mabuti kung ano yung mga dapat kong i-improve. Isipin ko muna kung okay pa ba ako dito?

 

 

“Hanggang sa taping mismo ng Tadhana, doon ko nalaman na kasama ako sa Black Rider. Buti pala nag-go ako! Buti pala kahit wala akong tiwala sa sarili ko, nagtiwala pa rin ako sa Diyos. Nagpatotoo Siya sa atin ulit.

 

 

“Basta mula noon hanggang ngayon, alam kong hindi dahil sa ako’y magaling, kundi sa Diyos lahat nanggagaling.

 

 

“Kaya alam ko na lahat ng ginawa at ibinigay namin ay sinasamahan Niya kami. Anuman ang maging resulta nito, ngayon palang sa Panginoong Diyos and lahat ng kapurihan!”

 

 

Noong pilot episode ng Black Rider, isa sa nag-trending ang #JonLucas dahil sa husay nang pagganap niyq bilang ang kontrabida ni Ruru na Calvin Magallanes.

 

 

***

 

 

ANG ‘80s heartthrob na si Patrick Dempsey ang hinirang na Sexiest Man Alive 2023 ng People magazine.

 

 

Ikinagulat ito ni Dempsey na three decades na bilang aktor sa Hollywood. Nabigyan siya ng big break noong 1987 sa pelikulang ‘Can’t Buy Me Love.’

 

 

Noong 2005, muling nabigyan ng bagong sigla ang career niya noong mapasama siya sa cast ng Grey’s Anatomy as Dr. Derek Shepherd a.k.a. McDreamy for 11 seasons.

 

 

Ilan sa mga memorable films ni Dempsey ay Outbreak, Sweet Home Alabama, Made of Honor, Valentine’s Day, Freedom Writers, Scream 3, Transformers: Dark of the Moon and Enchanted

 

 

Cancer advocate din ang aktor at tinayo niya ang The Dempsey Center noong 2008 in honor of his late mother na pumanaw because of the Big C.

 

 

Sey ng 57-year old actor.: “The Dempsey Center provides care and support to hundreds of individuals and their families. We wanted to make a space where those impacted by cancer could find relief, comfort, and resources. That human interaction, that human touch is really important to the healing process.“

 

 

Sa December ay mapapanood si Dempsey sa pelikulang Ferrari na tungkol sa buhay ng Italian race car driver na si Piero Taruffi.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Kaso laban sa SBSI officials, ilipat sa Metro Manila mula Surigao del Norte

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINILING  ng isang mambabatas sa Department of Justice na ikunsidera ang pagsasagawa ng pagdinig ng kaso laban sa mga opisyal ng SBSI officials sa Metro Manila sa halip na sa Surigao del Norte.

 

 

“I doubt very much the courts in Surigao del Norte will be able to try the cases against SBSI because of fear SBSI has sowed in that province,” pahayag pa ni House deputy minority leader Rep. Bernadette Herrera.

 

 

Pinasalamatan naman ng mambabatas ang Department of Justice at National Bureau of Investigation sa pagapatupad nito ng Child Marriage Ban Law (RA 11596) laban sa SBSI.

 

 

Hiniling din nito sa dalawang ahensiya na ikunsidera ang pagsasampa ng kasong malversation of public funds, violations of firearms laws, serious illegal detention, at terrorism kung kinakailangan.

 

 

“This alleged cult called SBSI has all the characteristics of a terrorist group,” dagdag pa ng mambabatas.

 

 

Maging aniya ang Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources ay dapat ding gamitin ang kanilang administrative powers laban sa SBSI.

 

 

“DILG should keep close watch over the municipalities and barangays where the SBSI wields influence,” pagtatapos ni Herrera. (Ara Romero)

Patuloy ang pagtulong at walang balak magbalik-showbiz: PRINCESS, itinatag ang foundation bilang parangal sa nasimulan ng mga magulang

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWANG malaman na abalang-abala pala ngayon ang dating aktres na si Princess Revilla sa kanyang foundation.

 

 

Ang latest charity event niya ay ginanap kamakailan sa Brgy. Habay II, Bacoor City na kung saan 400 bata na sinamahan ng kanilang mga magulang na edad mula 3 taong gulang hanggang 12 taong gulang, ang tumanggap ng gift giving and mass feeding ng foundation.
Pinangunahan ng kapatid ni Sen. Bong Revilla ang pamamahagi ng mga laruan sa pamamagitan ng kasiyahan at mga laro.
May meryenda at foodpacks din ang ipinamahagi sa 400 bata. Iginawad din ang mga premyo para sa pinakamahusay at creative na mga haloween costumes.
Ang kaganapang ito ay isa ring kick-off na aktibidad para sa mga charity event na sponsored and initiated by the Princess Revilla Foundation, Inc. (PRFI).
Ang PRFI ay itinatag ni Princess noong 2021 para ipagpatuloy ang charity work at civic service ng kanyang mga magulang – ang yumaong Senador Ramon Revilla Sr at Azucena Mortel- Bautista.
Bago itatag ng PRFI noong 2021, upang parangalan ang kanyang mga magulang na legacy ng charity at philanthropic endeavors, noong 1999, itinatag ni Princess Revilla ang AZUCENA MORTEL BAUTISTA MEMORIAL FOUNDATION.
Ang naturang foundation ay nagsagawa ng mga relief operations sa mga lugar ng sakuna, nag-sponsor ng mga medikal at dental na misyon, at tulong sa edukasyon.
Nagbibigay ng scholarship sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral, mass feeding sa mga lugar na nalulumbay, mga programa sa kapakanan ng kababaihan at bata, kapakanan ng mga hayop at marami pang mga proyektong pangkawanggawa.
Ang misyon ng foundation ay upang magbigay ng mahahalagang mapagkukunan, edukasyon at suporta sa mga komunidad na kulang sa serbisyo, pagyamanin ang kanilang paglalakbay tungo sa pagsasarili at isang mas maliwanag na hinaharap.
Samantala, binabago ang buhay at komunidad ng mga tao para sa mas mahusay, at malaking kontribusyon sa pagbuo ng bansa.
Ang commitment ni Princess na businesswoman din at walang balak na magbalik-showbiz, ay pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at marginalized na sektor hanggang sa makatayo sila sa sarili nilang mga paa at tumulong sa kapwa.
Ang vision ng kanyang foundation, ay makabuo ng mga dinamikong komunidad sa pamamagitan ng charity, civic volunteerism at pagtutulungan upang makamit ang sustainability at mag-contribute sa nation-building.
(ROHN ROMULO)

MOVIE ADAPTATION OF POPULAR TV ACTION-THRILLER “TOKYO MER” OPENS EXCLUSIVELY IN AYALA MALLS CINEMAS

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MOVED by the sight of medical practitioners and other essential workers risking their lives to save people at the height of the COVID-19 pandemic, TV producer Masanao Takahashi created Tokyo MER (stands for Mobile Emergency Room), a tribute to the heroes of the pandemic. 

 

 

What started as a humble show of gratitude would go on to become a hit TV series in 2021 – with a movie adaptation that is currently one of the highest-grossing films in Japan this year.

 

 

This month, Filipino audiences can watch Tokyo MER on the big screen when it opens exclusively in Ayala Malls Cinemas on November 22. Reprising his TV role as Tokyo MER’s lead doctor, Ryohei Suzuki leads the cast of the film and is joined by notable newcomers, including Japanese idol boy band SixTONES’ Jesse as Tomohiro Shiomi, a trainee doctor assigned to Tokyo MER, and Anne Watanabe as Tomo Kamoi, the chief doctor of the MER team in the neighboring city of Yokohama.

 

 

The movie, directed by Aya Matsuki, takes place two years after the TV series, and the setting is the nearby city of Yokohama. The filmmakers wanted the big-screen adaptation to have a more realistic feel, so the main setting of the emergency is the Yokohama Landmark Tower, one of the tallest buildings in Japan. “In terms of the story, it matches the setting of spreading MER across the country [creating more MERs], and the Tokyo MER team is also close enough to rush to rescue,” said screenwriter Tsutomu Kuroiwa. As the emergency in the film is a big fire breaking out at the Tower, the filmmakers consulted with the city’s fire department to lend more authenticity to the film. They also consulted with medical supervisors about designing the newly established Yokohama MER’s ER car; the ER car, an emergency vehicle with the technology and equipment to perform emergency surgery on the scene before transporting seriously injured patients to the hospital, is a signature element of the show. Get ready to see an ER car that’s even more advanced than the one on the TV series. “I think it truly became a ‘dream vehicle,’” said director Aya Matsuki of the new ER car in the film.

 

 

Of the new additions to the cast, producer Ami Yagi said, “[The character of Yokohama MER Chief] Kamoi is a cool woman, in contrast to Kitami [Tokyo MER chief played by Suzuki both on TV and in the movie]. However, she is not just cold, but also has a side that shows her loveliness as a human being. I cast Anne Watanabe because I thought she would be able to embody this character.”

 

 

And of SixTONES idol Jesse, Yagi said, “I thought Jesse would show a new side through the role of Shiomi, which is a little different from the bright characters he shows on variety shows. Shiomi is a character who grows out of his shell, so I was hoping that it would be similar to how Jesse himself tackles roles that he has never played before.”

 

 

From Encore Films and distributed by Warner Bros., don’t miss the movie adaptation of Tokyo MER, exclusively in Ayala Malls Cinemas starting November 22.

 

 

Get your tickets at www.sureseats.com. Follow @ayalamallscinemas IG and FB.

 

(ROHN ROMULO)

Magpiprisinta na makatrabaho ang aktor: BEAUTY, kayang kabugin ang mga mapangahas na eksena nina ALDEN at JULIA

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SI Alden Richards pala ang gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa next project niya sa GMA.
Sa mediacon ng ‘Stolen Life’ ng GMA ay natanong si Beauty kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na artista.
“Madami, madami talaga,” pakli ni Beauty.
“Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, e. Marami.
“Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him.
“Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” sabay tili ni Beauty.
Nang tanungin kung “aanuhin” niya si Alden ay patuloy na tumili habang tumatawa si Beauty sabay-tayo na tila tatakas na.
Pero muli itong naupo at sinagot ang tanong kung ano ang meron kay Alden at gusto niya itong “anuhin”.
“Because I wanna get the beast out of him,” at muling tumili at humalakhak si Beauty.
Sa palagay niya ay kaya niyang gawin iyon?
“Kaya ko! Kaya ko.”
Ano naman ang role na nakikita niya para kay Alden?
“I want him to be bad boy. Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know.”
Natanong si Beauty kung napanood niya ang pelikula nina Alden at Julia Montes, ang ‘Five Breakups and a Romance’ kung saan naiibang Alden ang mapapanood.
“No I haven’t watched it, I was in Bacolod doing a film, e. And I was on the outskirts of Bacolod not really in Bacolod City so I haven’t really had the chance to watch it but congratulations, I heard it was an awesome film.”
Malamang ay kayang kabugin ni Beauty ang mga mapangahas na eksena na ginawa nina Alden at Julia sa pelikula.
“Oh yeah, kaya ko yan, yes, yes,” ang mabilis na sagot ni Beauty.
Wala pa bang plano na pagsamahin sila ni Alden sa isang pelikula o teleserye?
“I’m presenting myself,” sabay-taas ng kamay ng aktres.
May mapangahas na pelikula sina Beauty at Sid Lucero, ang ‘The Outside’, kaya may nagbanggit na gusto ba ni Beauty na “i-Sid Lucero” si Alden?
“Yeah, hindi lang Sid… isisisid ko siya,” ang muling tumitili at humalakhak na sagot ni Beauty.
Bakit si Alden ang specifically nabanggit ni Beauty amongst the male stars ng GMA?
“Well because he is hottest guy right now and you wanna hit with the hottest one, right,” at muling tumawa si Beauty.
“But you know kidding aside I really wanna work with everybody else, the new Sparkle artists, from Star Magic, everybody.
And it’s always nice to see new talents also and discover new ones.”
Gaganap si Beauty bilang si Farrah, si Carla Abellana bilang si Lucy at si Gabby Concepcion bilang si Darius sa naturang serye.
Sa direksyon ni Jerry Sineneng, nasa cast rin ng ‘Stolen Life’ sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.
Mapapanood na ito sa simula sa Nobyembre 13, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)

Ekonomiya lumago ng 5.9%

Posted on: November 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2023.

 

 

Nasa 5.9 percent ang economy growth, mas mataas kumpara sa 4.3 percent noong ikalawang quarter.

 

 

Kaya naman tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy itong magsisikap para maabot ang mga target ng pagbabago sa ekonomiya at panlipunan ng bansa.

 

 

“We remain committed to fully implementing the strategies and the transformation agenda outlined in the Philippine Development Plan 2023-2028. The government is currently assessing our progress concerning the target outcomes and the strategies identified in the PDP. This Philippine Development Report will provide the necessary guidance on

 

 

Ayon kay Balisacan, ang ekonomiya ng Pilipinas ay patuloy na lumalago sa kabila ng ilang malalaking headwind na naranasan at patuloy na nararanasan ng bansa.

 

 

Ang 5.9 percent GDP growth sa ikatlong quarter ng 2023 ay isang markadong pagpapabuti mula sa 4.3 percent growth sa second quarter.

 

 

Dahil sa performance na ito, ang ekonomiya ng Pilipinas ang pinakamabilis sa mga pangunahing umuusbong na ekonomiya sa Asia na naglabas ng kanilang ikatlong quarter ng 2023 GDP growth: Vietnam sa 5.3%, Indonesia at China sa 4.9%, at Malaysia sa 3.3%.

 

 

Ayon kay Balisacan, maituturing na “improvement” ang paglago ng ekonomiya ngayon kumpara noong nakaraang quarter.

 

 

Sinabi nito na kailangang lumago ang ekonomiya ng  bansa ng 7.2% sa huling quarter para maabot ang 6-7% na GDP target para sa 2023.

 

 

Tiniyak pa ng kalihim na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagpapaigting ng mga hakbang para matugunan ang posibleng epekto ng El Niño lalo na sa mga susunod na buwan.

 

 

Patuloy din aniyang tututukan ang suporta sa agriculture sector at pagbalanse sa inflation.

 

 

Bukod pa rito, magbibigay ang gobyerno ng mga emergency na oportunidad sa trabaho para sa mga magsasaka sa mga probinsya na hindi makapagpapanatili ng produksyon sa naturang panahon.