• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 12th, 2024

NAVOTAS OUTSTANDING FISHERFOLK, PINARANGALAN

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng 118th Navotas Day celebration, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda.

 

 

Tinanghal na Most Outstanding Fisherfolk si Orlando Dela Cruz mula sa Barangay Tangos South. Siya at ang iba pang mga awardees ay nakatanggap ng plaque of recognition, cash prizes, at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa isa sa kanilang mga miyembro ng pamilya.

 

 

Upang maging kuwalipikado sa Top 10 Fisherfolk, dapat silang rehistradong Navoteño fisherfolk na nominado ng kani-kanilang barangay at barangay fisheries and aquatic resources management council chairpersons, mga tumatayong mamamayan ng kanilang komunidad, nang walang nakabinbin o patuloy na mga kaso o nahatulan ng anumang krimen, at dapat created milestones na karapat-dapat tularan at inspirasyon ng kapwa nila mangingisda.

 

 

Kabilang sa mga nominado si Rowena Faina mula sa Brgy. Tangos South; Hillary Encierto Jr., Brgy. Navotas West; Efren Abad, Brgy. Tangos North; Matapang na Puso, Brgy. Tanza 1; at Joseph Barlan, Brgy. Navotas Kanluran.

 

 

Ginawaran din si Teotico Taruc mula sa Brgy. Tanza 2; Angelina Abad, 20, ng Brgy. Tangos North; Patrick Apple, Brgy. Tangos South; at Analyn Letegio, Brgy. Tanza.

 

 

Samantala, ginawaran din ng Navotas ng fiberglass boats at fishing gears ang 20 rehistradong Navoteño fisherfolk sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan program.

 

 

Ang mga fiberglass boat ay nilagyan ng 16-horsepower marine engine, pati na rin ang fishing equipment na kinabibilangan ng underwater fittings. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga lambat, lubid, at boya.

 

 

Ang NavoBangkabuhayan ay isang inisyatiba na inilunsad noong 2018 upang tulungan ang mga lokal na mangingisda na magkaroon ng access sa pagpapanatili ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga bangkang pangisda.

 

 

“Fisheries is the pillar of our city. Navotas would not have reached its current success if not for its hardworking fisherfolk,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Bukod sa pagkilala sa mga natatanging mangingisda at NavoBangka turnover, ang Araw ng Mangingisda ay nagtatampok din ng mga kompetisyon sa karera ng bangka at net mending. (Richard Mesa)

Ads January 12, 2024

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Yu Yu Hakusho’s star Takumi Kitamura leads the fight as Takemichi Hanagaki in ‘Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny’

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Leading another action-packed live adaptation is Takumi Kitamura, who’s playing as the driven Takemichi Hanagaki in Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny, based on the best-selling manga series by Ken Wakui. After failing to save Hinata Tachibana from her fate, Takemichi travels back in time once more to unravel the mysteries of his violent past.

 

 

 

Fans are in for a star-studded ensemble as along with Takumi Kitamura, the cast includes Yuki Yamada (D-Boys, Godzilla Minus One) as one of Toman’s founding members, Draken. Ryo Yoshizawa (Kamen Rider Fourze) plays the Tomen gang leader with a tragic past, Mikey.

 

 

 

A former member of the Toman gang, Takemichi deduces that changing the fate of his friends from the past might just be what’s needed to save Hinata (Mio Imada) from being killed. While seemingly successful, reuniting with Hinata reveals that there’s still deadly loose ends to secure to keep the love of his life alive.

 

 

 

All roads lead to a violent event called “Bloody Halloween”, where the Toman and Valhalla gang settle scores in an all out war between the two factions. Nothing is what they seem and Takemichi is adamant that what transpired that night might be what kickstarted Toman’s reign of terror, which eventually leads to Hinata’s death.

 

 

 

Everything will fall into place as Tokyo Revengers: Bloody Halloween- Destiny opens in PH cinemas on January 17.
The end of this two-part saga, Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle, will arrive soon in PH cinemas on February 7.
(ROHN ROMULO)

May nagpapa-deliver ng food at may nagluluto: JILLIAN, umamin na dalawa sa kasama sa serye ang nagpaparamdam

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
DALAWA sa co-stars ni Jillian Ward sa Abot Kamay Na Pangarap ang nagpaparamdam sa magandang Kapuso young actress.

 

Sa guesting kasi ni Jillian sa Sarap, ‘Di Ba? ay tinanong ni Carmina Villarroel siya kung totoo bang may nagpaparamdam o nagpapa-cute sa kanya sa Abot-Kamay na Pangarap?”

 

 

Dito na nabanggit ni Jillian ang napapansin niya sa dalawang male stars na ito na hindi niya pinangalanan.

 

 

Lahad ni Jillian, “Ano po kasi, ayoko pong mag-assume pero kunwari po may magme-message na ‘I miss you.’ “Tapos binibilihan po ako ng food. Pag may nababanggit po ako na any food nasa harapan ko na po after a while.

 

 

“Yung isa naman po nagluluto.”

 

 

Pagkagulat ang naging reaksyon ni Carmina sa rebelasyon ni Jillian.

 

 

“Wait, yung isa nagluluto so dalawa sila? Dalawa sa show natin,” bulalas ni Carmina na incidentally ay gumaganap na ina ni Analyn Santos (Jillian) na si Lyneth sa Abot Kamay Na Pangarap.

 

 

Depensa naman ni Jillian, baka naman raw nakikipagkaibigan lamang ang mga ito sa kanya.

 

 

“Hindi ko po alam. Baka kasi po friendly.

 

 

“Ano lang po parang sinasabi niya nag-e-enjoy siya na kasama ako, may mga ganoon po.”

 

 

***

 

 

UMAMIN ang Metro Manila Film Festival o MMFF Best Actor na si Cedrick Juan na nag-attempt siya na manligaw dati sa Kapuso actress na si Analyn Barro.

 

 

Lahad ni Cedrick, “Hindi ko po siya talaga niligawan. I think I just tried, pero hindi siya nag-work.

 

 

Naganap ang pagtatapat ng aktor sa Fast Talk With Boy Abunda.

 

 

Sa kabila ng pagkakaudlot ng panliligaw niya sa dalaga, naging magkaibigan sina Cedrick at Analyn.

 

 

“Pero super friends lang kami. Yeah, friends pa rin kami. Pero hindi talaga iyon nagkaroon ng official na exclusively dating,” pagbabahagi pa ni Cedrick.

 

 

Sa isang guesting naman ni Empoy Marquez sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng komedyante na crush niya si Analyn na nakatrabaho niya sa Bubble Gang.

 

 

So handa ba si Cedrick na harapin si Empoy?

 

 

“Grabe wala akong laban kay Empoy! Yung humor. Iba, iba si Empoy,” pahayag ni Cedrick na gumanap sa GomBurZa bilang si Padre Burgos kung saan siya nagwaging pinakamahusay na aktor.

(ROMMEL L. GONZALES)

Nag-alala na baka nasaktan sa eksena nila: MIKE, na-shock nang malamang buntis pala si JENNYLYN

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FIRST time palang makakasama ni Mike Tan si Jennylyn Mercado sa isang teleserye.

 

 

Kahit na raw matagal na silang nagkakasama sa ibang shows at nakagawa pa sila ng pelikula (‘Lovestruck’ in 2005), never pa raw silang nagsama sa teleserye.

 

 

Kaya happy ang StarStruck season 2 Ultimate Male Survivor na ka-love triangle siya nila Jennylyn at Xian Lim sa teleserye na ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Ayon kay Mike, hindi raw madali ang pagganap niya bilang kontrabida. Dagdag pa raw ang ingat dahil buntis na si Jen noong kunan ang mga eksena nila.

 

 

“Nag-aalangan talaga ko at first na hawakan si Jen nang madiin or hatakin s’ya kasi ‘yun ‘yung role ko e.

 

 

“Tapos yung scene na ginagawa namin, yun na yung ida-drag ko si Jen. Do’n ko first time na hahatakin siya tapos after that nalaman namin buntis na siya.

 

 

“So, yung shock sa akin parang ‘Wait, tama ba yung ginawa ko?’ But then again, na-realize ko habang ginagawa namin yung ‘Love. Die. Repeat.’, nakita ko kung gaano ka-generous si Jen kapag ka-eksena mo.

 

 

“Kasi everytime na may ginawa kami tinatanong ko siya, ‘Okey ka lang ba? Nasaktan ba kita?’ Sabi niya, hindi.

 

 

“So do’n pa lang, napapalagay na yung loob ko na mas maging free pagdating sa pag-arte lalo na bilang kontrabida.”

 

 

***

 

 

MASAYA si Kim de Leon sa tinatamong success ni Allen Ansay.

 

 

Si Allen kasi ang First Prince or runner-up noong manalo si Kim bilang Ultimate Male Survivor sa StarStruck Season 7.

 

 

Sey pa ni Kim na naging close friends sila ni Allen noong nasa StarStruck pa sila. Kaya happy siya sa tagumpay ng loveteam ni Allen with Sofia Pablo.

 

 

Sunud-sunod kasi ang projects at endorsements ni Allen at hinihintay naman ni Kim ang magiging big break niya.

 

 

Ngayon ay kasama si Kim sa primetime teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ at ang kanilang director ay si Laurice Guillen na unang nakasama ni Kim sa teleserye na ‘Unbreak My Heart’.

 

 

***

 

 

ISANG mother na ang nagbida sa live action film ng Disney’s ‘Little Mermaid’ na si Halle Bailey.

 

 

Pinakilala niya sa social media ang kanyang baby boy named Halo na sinilang niya bago sumapit ang bagong taon.

 

 

“Even though we’re a few days into the new year, the greatest thing that 2023 could have done for me, was bring me my son. Welcome to the world my Halo. World is desperate to know you,” caption ng 23-year old singer-actress.

 

 

Halo is Halle’s child with boyfriend, 25-year old rapper DDG. Una silang nag-date noong 2022.

 

 

Halle, who was part of the cast of the teen comedy series, ‘Grownish’, also appeared in the musical film, ‘The Color Purple.’

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pambansang Ginoo lumabas ang pagiging pilyo: DAVID, nag-trending na naman dahil sa sagot na Ozawa sa ‘Family Feud’

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD na nag-trending ang hashtag na Maria Ozawa sa X (dating Twitter) dahil sa mga nakakalokang komento ng netizens.

 

Ito kasi ang naging sagot ni David Licauco na tanong ni Dingdong Dantes sa GMA-7 game show na Family Feud noong Lunes, January 8, 2024, na dugtungan ang pangalang ‘Maria’.

 

Ang tinaguriang Pambansang Ginoo ang leader sa “Team David” kasama ang mga kaibigan niya at classmate. Kabilang dito ang best friend niyang Kapuso actor ding si Dustin Yu.

 

Kalaban nila ang “Team Barbie,” na pinangunahan naman ni Barbie Forteza. Kasama ng Kapuso actress ang daddy niyang si Tony at ang kanyang make-up artist at stylist.

 

Unang nasagot ang top answer na Maria Clara.

 

Kaya “Ozawa!” ang nakangiting sagot ni David, na ang tinutukoy ay ang Japanese actress at dating porn star.

 

Kinantiyawan nga si David ng mga kasamahan niya. Kaya parang hiyang-hiya ang Kapuso actor sa sagot niya, at pumunta sa kaibigan na si Kurt.

 

Nag-react din si Barbie at nagtataka sa sagot ng ka-loveteam, habang tawang-tawa naman si Daddy Tony at inulit pa na Maria Osawa!

 

Tanong tuloy ng netizens bakit hindi raw niya naisip ang Maria Makiling, Maria Magdalena, Maria Sinukuan, Maria Mercedes, o Maria Leonora Teresa.

 

Punung-puno ng malisya ang naging komento ng netizens sa sinagot ni David, kaya agad itong nag-trending hindi lang sa X, pati sa TikTok, na may million views na ang account ng Family Feud.

 

Nakalagay sa caption na… ‘Di ka nag-iisa, @davidlicauco, Naisip rin namin ‘yan!

 

Kitang-kita raw na tunay na lalaki si David kaya ang unang naisip niya ay ang alindog ni Maria Ozawa. May nag-iisip din kung paano raw pinagpapantasyahan ng tsinitong aktor ang Japanese actress.

 

Siyempre marami na ang nagtataka at nagtatanong kung sino si Maria Ozawa, na karamihan sa sumagot ay kilala at inspirasyon daw ito ng mga kalalakihan.

 

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa X at Tiktok.

 

 

“Nakakaloka! Naging Parte siguro ni David si Maria. Ahahaha.. ok Lang Yan, normal Lang Yan sa kalalakihan.”

 

 

“Nood pa more Maria Ozawa.”

 

 

“Paano di kakabahan? Si Maria Ozawa ay ang No.1 porn star turned actress sa Japan. Haha. palagay ko sa pag re research nya para Pulang Araw nadaanan nya yun pero di ba 1940s ang PA? Si Maria Ozawa ay sumikat ng year 2000s. Huli ka tlaga David!”

 

 

“Maria Ozawa boldstar sa Japan, pero natawa ako Maria Aunor hahaha iniisip nya siguro Maria Leonora Theresa.”

 

 

“Di naman halatang mahilig sa porn si David.”

 

 

“Andami daming maria, may maria makiling, maria corazon, maria elena. ozawa talaga una pumasok sa isip, yare!”

 

 

“Tinanong ko asawa ko ganyan din sagot.”

 

 

“Yan ang nagpatangkad sa Pambansang Ginoo.”

 

 

“Un reaction ni Barbie di kilala si Maria Osawa.”

 

 

“Na-curious 2loy ako sa itsura ni Maria Ozawa.”

 

 

“Ynug nawala pagka-Ginoong Fidel mo, Fidel na pilyo pasoook!”

 

 

“Congrats! Isa kang tunay na hokage.”

 

 

Sa totoo lang, ang daming napasaya ni David sa sinagot niya at nagmarka na ito sa episode ng ‘Family Feud’.

 

 

Anyway, after four rounds, wagi ang ‘Team David’. Unang sumabak si Biggie ang sa jackpot round at nakakuha ito ng 103 points. Kaya 97 points na lang ang kailangan ni David. Nakakuha siya ng isang top answer na worth 47 points, umabot 218 points ang combined total, kaya nasungkit nila ang P200,000.

 

 

Sa GMA Kapuso Foundation nila napiling ibigay ang P20,000.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

TARGET ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang pagrerebisa sa K to 12 curriculum sa Mayo ngayong taon.

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
”Ang target date po natin para matapos ‘yan is May 2024. After the review, bibigay sa atin, ipepresenta sa atin kung ano ‘yung mga napansin nila and then we will start with the revision process,” ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace briefing.
Enero ng nakaraang taon, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nakatakdang rebisahin o baguhin ng departamento ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming “job-ready at responsible graduates.”
Sa katunayan, isang task force ang nilikha para rito.
Kasama sa task force ang Secretariat na makapagbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng SHS (Senior High School) Program Standards at Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”
Kabilang sa responsibilidad ng task force ay rebisahin ang umiiral na polisiya ng programa “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders; at palakasin ang ugnayan sa pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa national at regional levels para ” to improve SHS employability.”
Inaasahan din na ide-develop ang mga polisiya at plano base sa program implementation review results at sa inaasahang pangangailangan sa hinaharap.
Idagdag pa rito ang makipagtulungan sa mga makabuluhang tanggapan gaya ng state universities and colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database na kinabibilangan ng “policies, program offerings, at private school data.” (Daris Jose)

Minimum na pasahe sa modern jeep, posibleng pumalo sa 30-40 pesos

Posted on: January 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Posibleng pumalo sa 30 hanggang 40 pesos ang minimum na pasahe sa mga modern jeep para mabawi ang ipinambayad sa bagong unit.
Sa pagdinig ng House Commitee on Transportation, sinabi ni 1 Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita kahit pa bigyan ng gobyerno ng subsidiya o subsidy equity ang mga bibili ng modern jeep kakailanganin pa rin nila ng 40 pesos na kita kada buwan para mabawi ang 2.8 milyong piso na ipinambili ng unit.
Labas pa umano rito ang iba pang gastos gaya krudo at pampasahod sa mga tsuper.
Sa kabuuan dapat umanong kumita ang isang modern jeep ng 7,000 pesos kada araw na posibleng maging dahilan ng pagsipa ng pamasahe.