• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2024

PBBM sa tatlong Duterte na planong tumakbo sa pagka- senador sa Eleksyon 2025: It’s a free country

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

”IT’S a free country.”

 

 

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kuhanan ng reaksyon kaugnay sa plano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa nitong mga anak na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na pinapayagan ang mga ito (Duterte) na gawin ang mga nais nilang gawin.

 

 

Para sa Pangulo, maaga pa para idetermina kung sino talaga ang tatakbo sa nalalapit na midterm elections.

 

 

”The only real situation will become clear in October, sa filing,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview.

 

 

Tinukoy nito ang paghahain ng certificates of candidacy para sa mga tatakbo sa 2025 elections.

 

 

”Then we will see really kung tatakbo ba talaga, sino ba talaga tatakbo, sino, kanino sasama, which parties are involved, which parties are in alliance, doon lang natin makikita sa Oktubre. So all of these announcements, tingnan natin kung matutuloy pagdating sa Oktubre,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na tatlong mga Duterte ang tatakbo sa pagka-senador sa 2025 elections.

 

 

Sa ambush interview sa isang event sa Cagayan de Oro – sinabi ni VP Sara na tatakbo para sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang kaniyang mga kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte, at si Davao City 1st District Rep. Pulong Duterte.

 

 

Sasabak din umano sa senado si dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Maliban pa rito, pinaplano rin daw ni Mayor Baste na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028.

 

 

”The Dutertes will be the demolition team that will dismantle the vested political structures built by those who turned their backs on the people’s welfare and interest and who focused on enriching themselves in office and transgressing the constitutional rights of individuals and entities,” ayon naman kay dating spokesperson Salvador Panelo.

 

 

Ani Panelo, ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Digong ay ‘have been buoyed up and resurrected their dead hopes of having another Duterte presidency.” (Daris Jose)

Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.

 

 

Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso.

 

 

”Well maybe this is something we should show the ICC (International Criminal Court). The judiciary is working properly. Our investigative services are working properly and former Senator de Lima has been acquitted. I don’t know what further comments there could be. Dumaan siya sa paghusga, na-acquit siya,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na hindi babaguhin ng gobyerno ng Pilipinas at mananatili ang posisyon nito kontra sa imbestigasyon ngkaugnay sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.

 

 

Sinabi ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

 

 

”We still stay with our position that the ICC has no jurisdiction in the Philippines because we have a working police force, we have a working judiciary and do not require any assistance in that regard,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, binasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang ikatlo at huling drug case ng senadora.

 

 

Sa desisyon ni Muntinlupa City RTC Branch 206 Presiding Judge Gener Gito nitong Lunes, Hunyo 24, 2024, pinagbigyan ang “demurrer to evidence” ni De Lima.

 

 

Noong Marso inihain ni De Lima ang demurrer kung saan hiniling niya sa korte na ipawalang-sala siya at ideklarang “not guilty” dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang kanyang pagkakasala “beyond reasonable doubt”.

 

 

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, ang demurrer to evidence ay isang mosyon para i-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya. Kapag napagbigyan, ito ay katumbas ng pagpapawalang-sala.

 

 

Ang nasabing ­korte rin sa huling kasong ­conspiracy to commit drug trading na nag-abswelto kay De Lima ang nagpahintulot din na makapaglagak siya ng piyansa.

 

 

Nobyembre 2023 nang makalaya si De Lima matapos magpiyansa.

 

 

Sa kanyang huling kaso, ang dating mambabatas ay inakusahan ng pagiging kasabwat sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison, sa kanyang kapasidad bilang dating justice secretary na may supervisory powers sa national penitentiary.

 

 

Nasuhulan din umano siya ng P70 milyon ng Bilibid convicts, na inakusahan din niyang ginamit para tumakbo at manalo bilang senador noong 2016. (Daris Jose)

PCCI-NCR inilunsad ang 2024 Metro Manila Business Conference

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region (PCCI-NCR) ang 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na naglalayong ‘pagsamahin ang kalakalan, teknolohiya at turismo para sa sustainable transformation.’

 

 

Isinagawa ang paglulunsad sa ginanap na joint general membership meeting ng PCCI-NCR North Sector noong Miyerkules sa Casa del Polo, Barangay Polo, Valenzuela City.

 

 

Pinuri ni Valenzuela City Mayor Weslie ‘Wes’ Gatchalian at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, na siyang mga espesyal na panauhing tagapagsalita, ang kaganapan na nagsabing ito ay isang convergence ng mga makikinang na isipan at mga makabagong ideya.

 

 

Kapwa sinabi nina Gatchalian at Sandoval na ang sektor ng negosyo partikular ang PCCI ay palaging katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng bansa at pangunahin sa pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya at pagbibigay ng trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

Ipinagmamalaki nila ang pagpapatupad ng iba’t ibang business-friendly programs lalo na sa ‘ease of doing business’ schemes sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan sa kanilang hangaring makaakit ng mas maraming lokal at maging dayuhang mamumuhunan na magtayo ng kanilang mga negosyo at magbigay ng trabaho sa kanilang mga nasasakupan sa parehong oras.

 

 

Sinabi ni Dr. Hernando Delizo, PCCI-NCR Area Vice President at 2024 MMBC chairman, sa mga miyembro ng Camanava Press Corps sa isang press briefing bago isagawa ang opisyal na paglulunsad na mahigit 100 miyembro mula sa timog, hilaga at sentral na sektor ng PCCI-NCR ang naroroon sa kaganapan.

 

 

“The launch event showcased the theme of the 2024 MMBC: ‘Integrating Trade, Technology & Tourism for Sustainable Economic Transformation (3Ts for SET)’ with ‘Local integration, Global Outlook as sub-theme,” ani Delizo.

 

 

Ang highlight ng event ay ang pagsasama-sama ng mahigit 1,500 enterprise members sa August 21-22, 2024 sa Manila Hotel “for a conference to share information, trends, learning and relatable interventions to sustain growth and bring about business breakthroughs amidst continuing global disruptions,” sabi ni Delizo.

 

 

Sinabi pa ng opisyal na ang 2024 MBBC, PCCI-NCR, ay inaasahang tutugon sa mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa pang-ekonomiyang tanawin ng rehiyon at magbibigay ng plataporma para sa networking at pakikipagtulungan sa mga lider ng negosyo.

 

 

Ang MMBC ay taunang event ng PCCI-NCR, isang non-stock at non-profit na organisasyon sa ilalim ng payong ng PCCI.

 

 

Nagsisilbi bilang panrehiyong organisasyon ng PCCI para sa pribadong komunidad ng negosyo sa Metro Manila, ang PNNC-NCR na gumaganap din bilang coordinative at administrative body para sa 16 chambers of commerce at industriya sa metropolis, sabi ni Delizo.

 

 

Ang iba pang opisyal ng PCCI na dumalo sae lauching ay sina Raymund Jude Aguilar, PCCI vice president for international affairs; Emelita Alvarez, regional governor for south sector; Yolanda dela Cruz, regional governor for north sector; Jose Francisco, regional governor for central sector; at Joel Ryan Tugade, PCC’s Sustainable Development Goals committee head. (Richard Mesa)

Korean Trader, inaresto sa NAIA

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang  negosyanteng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa economic crimes.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco si Ahn Youngyong, 54 ay nasabat sa NAIA terminal 1 habang ito ay papasakay sa  Philippine Airlines  biyaheng Shanghai, China.
“He was not allowed to leave and was instead arrested after his name prompted a hit in our derogatory check system indicating that he is a wanted fugitive in his country,” ayon kay  Tansingco.
Batay sa datos, inilagay si Ahn sa BI watchlist dahil sa pagiging undesirable aliens nito dahil sa kasong kriminal na isinampa sa kanya sa Korea.
Ang Korean embassy sa Manila ay inimpormahan ang BI hinggil sa warrant of arrest na inisyu ng Seoul eastern district court laban kay Ahn dahil sa paglabag sa prohibition on marketing disturbances.
“Market disturbance or disruption refers to any significant change or disturbance in an industry or market.  As a result, markets cease to function in a regular manner, typically characterized by rapid and large market declines’ paliwanag ng BI.
Ayon sa awtoridad ng Korean, sa pagitan ng February at September 2018, nagpakalat si Ahn ng maling impormasyon sa capital investment, joint development at sales of immune-anti cancer drugs, completion of technology transfer, sa isang US bio-company.
Ang kanyang ginawa ay nagpapataas sa  presyo ng mga gamot  sa Korean stock market at nagdulot ng di patas na tubo sa mga manufacturer ng mahigit 63.1 billion won, o halos US$44 million. GENE ADSUARA

PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.

 

 

Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang 10-year roadmap na magsisilbi bilang national guide tungo sa ‘greater employment generation and recovery.’

 

 

“In line with our priorities, and the outcomes that we desire, and strategies stated in the Philippine Development Plan, the Philippine Labor and Employment Plan, the Strategic Investment Priority Plan, and the Workforce Development Plan, the TPB Plan will be one of the driving forces to help create at least three million new jobs by the year 2028,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na maliban sa makalilikha ng trabaho, target din ng pamahalaan na makalikha ng “quality jobs, with special emphasis on ensuring workers’ welfare, empowerment, competitiveness, and security in all sectors of our labor sector.”

 

 

Iyon aniya ang dahilan kung bakit ayon sa Pangulo ay ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang ‘job-skills mismatch, underemployment, at unemployment’ sa pamamagitan ng reporma sa basic education curriculum, pagtatakda ng TVET o Technical and Vocational Education and Training sa Senior High School curriculum, at implementasyon ng ’employment facilitation initiatives.’

 

 

“Most of the labor statistics improved from April 2023 to 2024”, ayon sa Labor Force Survey ‘as of June 6′ ngayong taon, kung saan bahagyang tumaas ang employment rate mula 95.50% ay naging 96% at tumaas din ang ’employed individuals’ mula 48.06 milyon ay naging 48.46 milyon.

 

 

Bumaba naman ang unemployment rate ng bansa mula 4.5% ay naging 4%.

 

 

Gayunman, makikita sa Labor Force Survey na tumaas ang underemployed individuals mula 12.90% ay naging 14.60% habang ang labor force participation rate ay tumaas mula 64.10% at naging 65.10%.

 

 

Samantala, base naman sa Philippine Labor Market, ang service sector ay nakakuha ng 61.40% ng labor industry, sinundan ng agricultural sector na 20.30% habang ang natitirang 18.30% ay napunta sa industry sector. (Daris Jose)

6th Navoteño film festival at 5th Navoteño photo competition

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA si Mayor John Rey Tiangco, masayang nagpakuha ng larawan ang mga Navoteñong nagwagi ng award matapos ang kanilang ipinakitang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa ginanap na 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

P150K shabu nasamsam sa Malabon drug bust, 4 timbog

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.
Ayon kay Malabon chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa C-4 Road, Brgy. Tañong, sina alyas Cristy, 47, at alyas Tony, 56.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12.5 grams ng hinihinalang shabu standard drug price value na P85,000.00 at buy bust money.
Bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa kanto ng Gen Luna at Celia 1 Street, Brgy. Bayan Bayanan, sina alyas Anjho at alyas Ross.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 10.0 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P68,000.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Leptospirosis cases sa ‘Pinas nasa 878 na; 84 nasawi – DOH

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod na rin ng mga nakalipas na mga pag-ulan at pagbaha.
Ayon sa DOH, batay sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring, naobserbahan nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang kabuuang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ay nasa 878 na.
Paliwanag ng DOH, bagama’t ito ay kalahati lamang ng bilang ng 1,769 leptospirosis cases­ na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, naobserbahan naman umano nila ang pagsisimula ng pagtaas ng weekly case count ng sakit dahil sa mga pag-ulan.
Sinabi ng DOH na mula sa anim lamang na naitala noong Mayo 5-18, umabot na sa 60 ang kasong naitala noong Mayo 19 hanggang Hunyo 1. Sinundan ito ng 83 kaso na naobserbahan naman mula Hunyo 2 hanggang 15.
Nabatid na maliban sa Zambonga Peninsula at Northern Mindanao regions, lahat ng rehiyon ay nakapagtala ng pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na buwan.
Umaabot na rin ­umano­ sa 84 na kaso ng pagkamatay dahil sa leptospirosis ang naitala ng DOH hanggang noong Hunyo 15 lamang.
Ayon sa DOH, ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nai­lilipat sa tao ng iba’t ibang hayop, gaya ng daga, sa tao, sa pamamagitan ng kanilang waste products, gaya ng ihi at dumi na nahahalo sa lupa, tubig at vegetation.

Mga Navotena nagpakita ng talento sa Film Fest at photo competition

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MULING nagpakita ang mga Navoteño ng kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition.
Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at Ekonomiya.”
Labinsiyam na maikling pelikula, walo mula sa paaralan at 11 mula sa mga bukas na kategorya, ay ipinalabas nang libre noong Hunyo 22, 2024.
“We hope that through your films, we will be able to correct misconceptions about Navotas and its people, particularly those who belong to other gender identities,” ani Mayor John Rey Tiangco.
“Our goal is to produce quality short films and photographs that will put Navotas at the forefront of the booming creative industry in our country, show what our city can offer to potential visitors, and inspire our fellow Navoteños to promote a genderless society where everyone is treated and loved equally,” dagdag niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng festival ang mga maikling pelikula sa open at school categories para bigyan ng pagkakataon at hikayatin ang partisipasyon ng mga Navoteño filmmakers sa lahat ng edad.
Bago ang film fest, ang mga kalahok sa kategorya ng paaralan ay dumalo sa isang dalawang araw na workshop sa paggawa ng pelikula sa pangunguna ng advocacy filmmaker at professor na si Sheryl Rose Andes.
Samantala, ipinakita ng 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang Top 10 entries sa parehong school at open categories na akma sa tema ngayong taon, “Sulong Navoteña, sa Pag-unlad Ikaw ang Manguna!”
Isinagawa ang 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition alinsunod sa pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return.

 

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay maaaring boluntaryong mag-enroll sa MySSS Pension Booster program sa halagang P500 lamang.

 

 

 

“And they can contribute any amount anytime because there is no limit on the amount they can invest,” ayon kay Macasaet.

 

 

 

Para sa mandatory scheme, tinuran ni Macasaet na ang mga miyembro na nagko-contribute ng mas higit sa ceiling na P20,000 sa Regular SSS savings ay awtomatikong naka-enroll na sa booster savings plan.

 

 

“If you want to build your retirement fund while you are young, invest in the MySSS Pension Booster. Do you have a medium-term financial goal? Why not start saving your money in the MySSS Pension Booster to reach that goal? Our savings program offers so much flexibility than most savings programs,” ani Macasaet.

 

 

Ang MySSS Pension Booster plan aniya ay maaaring magbigay sa mga miyembro ng tinatayang annual return rate na 7.2%.

 

 

Ang mga nag-apply para sa pagpapalabas ng Social Security (SS) number ay hinihikayat din na mag-enroll sa pension booster program.

 

 

Ani Macasaet, pinapayagan ng SSS ang partial o full withdrawal ng kanilang savings sa pension booster program kung saan makukuha ng mga ito ang kanilang kabuuang kontribusyon kasama ang investment earnings.

 

 

Idinagdag pa ni Macasaet na hinihikayat ang mga miyembro na panatilihin ang kanilang pera sa programa hanggang sa sila’y magretiro.

 

 

“When they get their retirement, total disability or death benefits from the Regular SSS Program, they will also receive their total contributions plus investment earnings from the MySSS Pension Booster tax-free,” ang pahayag ni Macasaet.

 

 

Sa kabilang dako, tinawagan naman ni Macasaet ang mga maritime professionals, Overseas Filipino Workers (OFWs), self-employed professionals, at corporate executives, na simula nang patatagin ang kanilang retirement funds “as early as today.”

 

 

 

“Planning and saving for retirement should begin from the first day they start earning money. When people are in their 20s, they have their whole life ahead of them. Saving for their retirement becomes their least priority,” ayon kay Macasaet.

 

 

 

“However, the best time for them to start saving for retirement is today while they are young. When they retire, they will realize the immense value of building a retirement fund early in their lives,” aniya pa rin.

 

 

 

“The younger they start contributing to the MySSS Pension Booster, the longer they have time to grow their retirement savings. If they start contributing now while they are in their 20s, they will have ample time to build the retirement fund they want rather than start saving when they are already in their 40s,” dagdag na pahayag ni Macasaet.

 

 

 

Winika pa ni Macasaet na maaaring gamitin ng mga miyembro ang kanilang kinikita mula sa MySSS Pension Booster kung sila’y mananatili sa programa ng limang taon o higit pa dahil sa tagal na ipanatili ng mga ito ang kanilang pera sa SSS, mas malaki ang makukuha nilang kita mula rito.

 

 

 

Ang MySSS Pension Program ay “the pension fund’s rebranded Worker’s Investment and Savings Program (WISP) and WISP Plus as SSS repositioned its savings program to cater to corporate managers and executives, doctors, lawyers, OFWs, Filipino expats, seafarers, and young professionals who want to boost their savings or retirement funds.”

 

 

 

The MySSS Pension Booster ay kabilang sa mga reporma na ipinakilala ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018, si Finance Secretary Ralph Recto ang nag-sponsor nito noong siya ay isang senador pa lamang, nagsilbing Chairperson ng Social Security Commission, itinuturing na pinamataas na governing body ng SSS.