• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 20th, 2024

Black Cap Pictures brings “The Roundup: Punishment” and “Real Life Fiction” exclusively at SM Cinemas this August

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BLACK Cap Pictures proudly announces its lineup of August films that will open exclusively at SM Cinemas, The Round: Punishment on August 14 and Real Life Fiction on August 28.

 

 

 

South Korea’s 2nd biggest 2024 film to-date, “The Roundup: Punishment” filmed partly in the Philippines, features Korean American actor Don Lee as Ma Seok Do aka monster cop as he continues to hunt vicious groups of criminals that have taken its operations outside Korea.

 

 

 

Known for his powerful punches that earned him the nickname ‘monster cop’, Seok Do and his ragtag crew dive deep into the world of digital crimes resulting in new alliances as he learns more about the worldwide dark web.

 

 

The hugely successful Roundup franchise is now on its fourth installment with The Roundup: Punishment that packs a load of Korea’s versatile and favorite actors. Lead star Don Lee’s breakout role in the global box-office hit “Train to Busan” gained him global recognition and has since then been a staple favorite within Korean films and series with his variety of scene-stealing performances. Don Lee’s credits include roles in Marvel’s Eternals, South Korea’s The Gangster, The Cop, The Devil; Unstoppable and Badland Hunters among others. Starring alongside Lee in the film are Korea’s most notable actors Kim Mu-yeol (Sweet Home), Lee Joo Bin (Queen of Tears), Park Ji-Hwan (Gyeongsong Creature) and Lee Dong-Hwi (Reply 1988).

 

 

For the other SM exclusive release, Piolo Pascual stars in the Philippine-produced English language film “Real Life Fiction” alongside Jasmine Curtis-Smith and Epy Quizon with the special participation of Lav Diaz. Directed and written by Paul Soriano, the film is an intense psychological drama on the life of a famous actor Paco (Pascual), who must come to terms with what’s real and not after years of being one of the highly celebrated actors of his time.

 

 

Filmed at the height of the pandemic, “Real Life Fiction” further tests the cast’s depth and resilience as they navigate through real life crises all while fulfilling their roles to give the audience a glimpse of what most actors experience on and off the camera. “This film is an observation and a personal look at how my imaginations come to life through the lives of actors who completely give me their trust and support. Sometimes, real life is the fiction we create in our mind,” shares director Soriano.

 

 

Distributed by Black Cap Pictures, “The Roundup: Punishment” opens August 14 and “Real Life Fiction” opens August 28 exclusively at SM Cinemas.

 

 

Follow Black Cap Pictures on FB @BlackCapPictures, IG @blackcappictures, YT @BlackCapPictures and on TikTok @blackcappicturesinc

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Maraming mabubunyag sa ‘The Atom Araullo Specials’: ATOM, maglalakbay sa masalimuot na mundo ng POGO

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Linggo (Hulyo 21), maglalakbay si Atom Araullo sa malawak, malalim, at masalimuot na mundo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa “The Atom Araullo Specials: POGO Land” na ipalalabas sa 3 p.m. sa GMA.

 

 

 

Sa nakalipas na mga buwan, nagsagawa ang mga awtoridad ng magkakasunod na pagsalakay sa mga POGO hub sa buong bansa.

 

 

 

Ang mga ito ay dating online na casino, ngunit pagkatapos mawalan ng kanilang mga lisensya, ito ay naiulat na naging pugad ng mga scam farm kung saan nagaganap ang iba’t ibang uri ng pandaraya.

 

 

Marami sa mga scammer ay naging biktima umano ng human trafficking. Pinangakuan sila ng disenteng trabaho, ngunit nauwi sa pagiging scammer. Ang ilan ay sumailalim sa torture at parusa kung hindi nila maabot ang mga quota na itinakda ng mga scam hub.

 

 

Noong Marso ng taong ito, mahigit 800 umano’y biktima ng human trafficking ang nailigtas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police (PNP) mula sa POGO hub sa Bamban, Tarlac, na nasa likod mismo ng munisipyo. bulwagan.

 

 

Nakausap ni Atom at ng kanyang team ang isang Filipino na dating nagtrabaho sa POGO hub sa Bamban.

 

 

Ayon kay “Nestor,” siya ay naatasan na mag-operate sa romance o love scams. Papaibigin niya ang mga biktima, pagkatapos ay sa huli ay mauuwi lang sa pangloloko.

 

 

Si “Wilson” ay natagpuang nakaposas sa isang bedframe; ang kanyang katawan ay punum-puno ng mga pasa at paso ng sigarilyo. KInuryente rin siya. Malalaman din ni Atom ang iba pang krimen tulad ng kidnap-for-ransom.

 

 

Habang naglilibot si Atom sa mga inabandunang POGO hub, nabunyag ang mga bakas ng malawakang operasyon ng mga scam farm.

 

 

Natagpuan ang mga bagay na ginamit para sa pang-aabuso o pagpapahirap sa mga biktima, kasama ng mga mantsa ng dugo sa mga kama at dingding ng mga silid.

 

 

Nitong nakaraang buwan lang, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad na isa sa mga utak ng operasyon ng POGO ay nagtatago sa isang resort sa Angeles City, Pampanga. Bilang tugon, agad na nakipagpulong ang “The Atom Araullo Specials” team sa PAOCC at sa mga pulis sa target na lokasyon.

 

 

Sa kanilang imbestigasyon kasama ang mga awtoridad, ano pa ang mabubunyag ng “The Atom Araullo Specials”?

 

 

Abangan ang “The Atom Araullo Specials: POGO Land” ngayong Linggo (Hulyo 21), 3 p.m. sa GMA.

 

 

 

***

 

 

 

FIRST LADY LIZA ARANETA-MARCOS, NAMAHAGI NG MOBILE CLINICS

 

 

 

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng mga modernong Mobile Clinic para sa mga malalayong lalawigan sa Luzon, upang ipalapit sa mga mamamayan ang pagbibigay ng modernong pagpapagamot sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas”.

 

 

 

Malaking tulong ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa mga taga-lalawigan na naninirahan sa malalayong lugar, lalo’t higit ito ang pangunahing layunin ng Unang Ginang ay bigyan ng dekalidad na health care system ang bawat Pilipino.

 

 

Kargado ang bagong mobile clinic ng ilang medikal na kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spiro­meter, infrared forehead thermometer at generator.

 

 

Ang distribusyon ng mga mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng Department of Health (DOH) at sa pakikipagtuwang na rin sa Department of Local Government Unit, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Act Agri-Kaagapay Organization.

 

 

Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” or LAB program, na isang healthcare project na pinasimulan ng supportive at compassionate na maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at inilunsad kamakailan sa Maynila.

 

 

Ang naturang kontribusyon ay naka-align sa dedikasyon ng pamahalaan sa universal health coverage, na isang mahalagang aspeto sa pagkakaloob ng mga modernong medical at health care sa mga Pinoy, partikular sa mga magsasaka at yaong mga nasa malalayong lugar.

 

Binigyang-diin din ng Unang Ginang Liza ang kahalagahan ng pagkakaroon ng accessible healthcare para sa mga Pinoy.

 

 

Alinsunod sa bisyon na ito, ang mga mobile clinics ay may mahalagang papel sa pagkakaloob ng preventive health services direkta sa mga komunidad.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Matapos na mahiwalay kay Rico: IÑIGO, suportado si MARIS sa kanyang pinagdaraanan

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

2018 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal.

 

 

 

 

Matagal na ring wala silang komunikasyon after ng kanilang paghihiwalay.

 

 

 

 

Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya, na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago raw niya seryosohin na magmahal.

 

 

“Sa totoo lang, mas mahirap piliin yung sarili mo kaysa mga bagay na gusto mo.

 

 

“Minsan you get blinded by the things you want,the things, you’re comfortable with.

 

 

“Like me, going to the states, I feel like it’s a parallel situation. It’s not the ideal move for me.

 

 

“But when you learn about yourself, it’s a big step,” seryosong banggit pa ng anak ni Piolo Pascual.

 

 

Samantala, suportado naman ni Iñigo ang pinagdaraanan ngayon ni Maris.

 

 

Matandaang inamin sa publiko ni Maris last week ang tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Rico Blanco.

 

 

Hindi naman ikinakaila ni Iñigo na napanood niya ang nasabing pahayag ni Maris tungkol sa hiwalayan nila ng singer.

 

 

“I actually watched it. I fell for her. I know it’s a tough but I see it in a good light. The way she talks sbout it. She’s getting to know herself. Im very proud of her.

 

 

“It’s a choice for her to turn a page, turn a new chapter,” pahayag pa ni Inigo.

 

 

***

 

 

23 years nang mag-asawa sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sabi pa ni Jessa na sa tagal daw nilang nagpe-perform together ay marami na raw silang natutunan.

 

 

“Every show, pinag-iisipan niya talaga na gusto niya hindi lang 100% ‘yung ibigay niya,” sey pa ni Jessa

 

 

Kapwa hindi man aktibo sa telebisyon at pelikula ay masaya naman daw sila sa takbo ng ksnilang career.

 

“We feel so blessed that na nandito kami sa pagkakataon sa career namin na we can choose kung ano ‘yung trabaho na gusto naming tanggapin, na hindi naman lahat nakakagawa ng gano’n.

 

 

“Hindi na ito ‘yung point sa buhay namin na nakikipaghabulan kami. Kasi very grateful na din naman kami sa naiambag namin sa music industry. So ngayon ang mas nai-enjoy ko na mga projects, kung sakaling dumating, feeling ko meron akong iba pang kailangan gawin, medyo hindi ko muna tatanggapin ‘yon.

 

 

“Hintay na lang ako sa susunod. Ang priority ko talaga ngayon ‘yung family ko,” sey pa ni Jessa.

 

 

Ayon pa rin sa singer at aktres ay mayroong na siyang mga tinanggihang proyekto partikular na ang paggawa ng serye.

 

 

“Natatanggihan ko kasi honestly nahihirapan na talaga ako sa puyat. Hindi na ako bagets, hindi ko na keri! Isang reason kasi ‘yung commitment na kailangang hindi ka mag-a-absent.

 

 

“Hindi ka pwedeng umalis ng six months. Parang gusto ko pa din mas ma-enjoy ‘yung singing career ko. Parang feeling ko dapat pipili ka lang ng isa,” lahad pa rin ni Jessa.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Nilinaw na walang offer sa ibang network: JENNYLYN, happy sa pagiging Kapuso at naghihintay lang ng kontrata

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SI Jennylyn Mercado ang newest face ng Beautèderm’s Three-mendous Trio of Cristaux Serums.

 

 

Sa naganap na launch ni Jennylyn bilang bagong celebrity ambassador ng Beautederm na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan, tinuldukan na ng Kapuso actress ang haka-haka at tsismis na lilipat siya o nagtangka siyang lumipat sa ABS-CBN.

 

 

 

Aminado naman na wala siyang existing na kontrata sa ngayon bilang Kapuso, hindi raw siya aalis sa GMA hangga’t gusto siya ng Kapuso Network.

 

 

Sambit ni Jennylyn, “Palagi naman akong Kapuso!

 

 

“Ang daming nag-aantay nung sagot… ako naman, twenty years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.”

 

 

Inaayos na o under negotiation na raw ang bago niyang kontrata sa GMA.

 

 

“Meron pa ring nego-nego. Pero mabilis na lang po yan.

 

 

“We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” say pa ni Jennylyn na isa sa mga reyna ng GMA.

 

 

“Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso.

 

 

“Wala pong offer sa ibang network.”

 

 

Sa launch ay sinabi ni Ms. Rhea na mahalaga sa kanya ang magandang attitude ng isang celebrity sa mga kinukuha nilang endorsers.

 

 

“Napansin ko, ang bait ni Jen. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain.

 

 

“Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama yung mga staff.

 

 

“I did my research na napakabait niya talaga, at very good friend ko rin talaga si Tita Becky,” kuwento ni Ms. Rhea.

 

 

Inuulan ng blessing si Jennylyn dahil bukod sa bago niyang endorsement para sa Beautederm ay kasalukuyan silang nagpapatayo ng mister niyang si Dennis Trillo ng bagong bahay.

 

 

“Blessing iyan. Siyempre yung family house namin, yung tinitirhan namin ngayon ay bahay ko pa, yung wala pa akong asawa.

 

 

“Lumalaki na yung pamilya. So, kailangan na namin ng mas malaking shelter sa amin.

 

 

”May itinayo rin ang mag-asawa na bagong film outfit ang Brightburn.

 

 

“Yung production naman, iyon yung bago naming production, ang Brightburn Productions po. Magpo-produce na rin kami ng pelikula, series, ganyan.”

 

 

Partner nila dito ang management team ni Becky Aguila, ang Aguila Entertainment.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

DFA, nag-abiso ng pagkaantala sa pagpapalabas ng passport

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ABISO ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na maaantala ang pagpapalabas ng passports.

 

 

“This is due to the maintenance work that is being conducted by its service provider, APO Production Unit, Inc. (APO),” ayon sa DFA.

 

 

“The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that recent passport applications made last week have been affected by a system downtime,” sinabi pa ng departamento.

 

 

​”As a result, a few days of delay in the delivery and release of passports is expected​,” anito pa rin.

 

 

Pinayuhan naman ng DFA ang mga aplikante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang consular office o foreign service post para sa karagdagang impormasyon.

 

 

Para sa iba pang katarungan at agarang bagay, maaaring kontakin ng mga ito ang ​DFA sa pamamagitan ng telephone number +632 8234 3488 o e​-mail sa pamamagitan ng:

 

DFA​ Aseana: passportconcerns@dfa.gov.phoca.concerns@dfa.gov.ph

 

Consular Offices (CO): https://dfa-oca.ph/transparency-seal/directory-of-consular-offices-co/

 

Foreign Service Post (FSP): https://dfa.gov.ph/about/dfa-directory/our-foreign-service-posts-dfa

 

Samantala, tiniyak naman ng ​DFA sa publiko na mahigpit na nakikipag-ugnayan ito sa APO upang masiguro na magpapatuloy ang normal services sa lalong madaling panahon.

 

​”We apologize for any inconvenience this may cause and appreciate your cooperation and understanding​,” ayon sa DFA. (Daris Jose)

Approval, trust ratings ni Pangulong Marcos bumaba; Sara tumaas

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMAUSDOS pababa ng 2 puntos ang nationwide approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba ng 5 puntos ang kanyang trust ratings, batay sa latest Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia.

 

 

 

Mas mababa ito sa approval rating ni Marcos na 55 percent noong Marso na ngayon ay nasa 53 percent nito sa nagdaang buwan ng Hunyo.

 

 

Samantala noong Marso ang trust rating ng ­Pangulong Marcos ay nasa 57 percent pero ito ay nasa 52 percent na lamang nitong Hunyo.

 

 

Tumaas naman sa 2 puntos ang approval rating ni Vice President Sara Duterte mula sa 67 percent noong Marso ay naging 69 percent nitong Hunyo. Wala namang nagbago sa trust rating ni VP Sara dahil parehong nasa 71 percent noong Marso at Hunyo ngayong taon.

 

 

Mula sa Luzon nagmula ang pinakamataas na pagbaba ng approval rating ni Pangulong Marcos na 9 percent o mula 66 ay naging 57.

 

 

Ang dalawang puntos na pagbaba naman sa approval rating ni Pangulong Marcos ay nagmula sa Mindanao na pumalo sa 38 mula sa dating 40.

 

 

 

Nakopo naman ni Pangulong Marcos ang 14-point increase sa National Capital Region na mula 47 ay naging 61 at ang 2-point increase ay galing sa Visayas mula 54 ay naging 56.

 

 

 

Bumagsak naman ang approval rating ni Pangulong Marcos ng may 13 percent mula sa Class ABC habang 3 percent na pagbaba sa Class D samantalang sa Class E income bracket, si Pangulong Marcos ay nakakuha ng 4 percent.

 

 

 

Kay VP Sara, ang kanyang approval rating ay tumaas ng 12% sa NCR, 16% sa Visayas at 3% sa Mindanao habang 7% naman ang ibinaba nito sa Luzon.

Higit P100K droga nasamsam sa 4 drug suspects sa Malabon at Navotas

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jhaz, 40, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak nito ng droga.

 

 

Matapos tanggapin umano ni ‘Jhaz’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer ng droga kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-3:15 ng madaling araw sa Kagitingan St., Brgy. Muzon, kasama sila alyas Pilay, 38, na bumili rin umano sa suspek ng shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, natiklo naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa Lourdes Compund, Brgy. Daanghari bandang alas-12:19 ng hating gabi ang dalawang listed drug pusher na sina alyas Bagul, 34, at alyas Richard, 36, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Sa ulat ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 5.29 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P35,972.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads July 20, 2024

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Lider ng ‘organ for sale’, hindi head nurse ng NKTI

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng pamunuan ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na hindi nila head nurse ang sinasabing lider ng “organ for sale” syndicate na tinutugis ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang isinagawang raid sa San Jose del Monte City, Bulacan.

 

 

 

Ayon kay Dr Rose Marie Rosete- Liquete, executive director ng NKTI na may iniimbestigahan silang nurse sa kanilang ospital pero itinatanggi nito na  may kinalaman siya sa modus ng nasabing sindikato.

 

 

“Sa amin sa NKTI, itong empleyado namin ay hindi naman siya head nurse. Nurse nga siya rito sa NKTI pero inimbestigahan na namin siya siyempre, nagde-deny siya,” sabi ni Liquete.

 

 

 

Sinabi ni Liquete na ang nasabing nurse ay hindi nakatalaga sa unit na may direct access sa mga pasyente. Wala rin aniyang mga tauhan ng NBI ang nagtutungo sa kanila para imbestigahan ang nurse at iba nilang medical staff.

 

 

 

Binigyang diin pa ni Liquete na wala ring nagaganap na kidney transplant sa NKTI na hindi dumaraan sa tamang proseso. Ang pagdo-donate aniya ng kidney ay hindi madali ang proseso at ang pagtatakda ng transplant ay hindi biglaan dahil daraan pa sa work-up ang donor at pasyente.

 

 

Una nang nahuli ng NBI ang tatlong sangkot sa organ for sale sa Bulacan at 9 katao naman na-rescue sa pagsalakay habang sinabing tinutugis pa nila ang isang head nurse ng isang ospital na nagsisilbing lider ng live trafficking. (Daris Jose)

PH, US defense chiefs tinalakay ang pagprotekta sa karapatan para “fly, sail, and operate safely and responsibly”sa ilalim ng int’l law

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINALAKAY ng defense heads ng Pilipinas at Estados Unidos ang protektahan ang karapatan ng lahat ng bansa para “fly, sail, and operate safely and responsibly” sa ilalim ng international law.

 

 

Sa isang readout na ipinalabas araw ng Huwebes (Manila time), sinabi ni Pentagon Press Secretary Major General Pat Ryder na nagkaroon ng ‘phone call’ sina US Defense Secretary Defense Lloyd J. Austin III at Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

 

 

“Both officials discussed the importance of preserving the rights of all nations to fly, sail, and operate — safely and responsibly — wherever international law allows. Secretary Austin expressed ironclad U.S. support for the Philippines,” ang nakasaad sa readout.

 

 

“Both officials also welcomed opportunities for frequent communication as a core part of their commitment to strengthening the U.S.-Philippines alliance in support of a free and open Indo-Pacific region,” dagdag nito.

 

 

Kamakailan, dumating sa Pilipinas si United States Joint Chiefs of Staff chairman Air Force General Charles Q. Brown Jr. para makapulong sina Teodoro, National Security Advisor Eduardo Año, at ang kanyang counterpart na si Armed Forces Chief General Romeo Brawner Jr.

 

 

Pinag-usapan ng mga ito ang “bilateral security assistance, utilization of Enhanced Defense Cooperation Agreement agreed locations and the importance of maritime domain awareness to counter illegal, coercive, aggressive and deceptive activities.”

 

 

Nagpalitan din ang mga ito ng kani- kanilang ebalwasyon o pagsusuri hinggil sa security situation sa rehiyon kabilang na ang marahas na insidente sa Ayungin o Second Thomas Shoal.

 

 

Nilibot din ni Brown ang “US rotational access site designated as part of the EDCA.”

 

 

Tinintahan noong 2014, pinagkalooban ng EDCA ang US troops ng access na magtalaga sa Philippine military facilities, pinapayagan ang mga ito na magtayo ng mga pasilidad at ipuwesto ang mga kagamitan, aircraft, at vessels.

 

 

Samantala, nakatakda namang makapulong ni Brown ang mga pangunahing opisyal sa Indo-Pacific ngayong linggo upang itaguyod ang US investments sa pakikipagtuwang sa buong rehiyon. (Daris Jose)