• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2024

Marvel’s 85 Years Promo Spot: Teases ‘Thunderbolts’, ‘Daredevil’ & Red Hulk

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

MARVEL is turning a new page with some major upcoming projects as the company celebrates its milestone 85th birthday.

 

 

 

A new promo spot Celebrating 85 Years of Marvel features a voiceover from the late Stan Lee and several MCU stars, as well as a glimpse at Thunderbolts*, Captain America: Brave New World and Daredevil: Born Again.

 

 

 

In a short clip from Thunderbolts*, which premieres May 2, 2025 in IMAX, elevator doors open to reveal the titular team of antiheroes, including Red Guardian (David Harbour), Ghost (Hannah John-Kamen), Bucky Barnes (Sebastian Stan), Yelena Belova (Florence Pugh) and U.S. Agent (Wyatt Russell).

 

 

Another brief shot shows Charlie Cox reprise his role as a glowing-eyed Matt Murdock (aka Daredevil) in Born Again, which premieres on Disney+ in March 2025. He previously played the blind attorney in Netflix‘s Daredevil (2015-’18) and The Defenders (2017), before bringing the character into the MCU with the Disney+ series She-Hulk: Attorney at Law (2022).

 

 

The spot ends with a scene from Captain America: Brave New World, showing a presidential podium in front of the White House as Harrison Ford‘s Red Hulk arises from the ground and aptly Hulks out. The movie premieres Feb. 14, 2025 in IMAX.

 

 

“It began as an experiment to create an epic narrative that would become a universe of storytelling,” reads text throughout the spot. “For 85 years, our stories have connected us. We’ve only just begun.

 

 

In a voiceover from Lee, he explains, “I’ve always tried to do stories that the characters have human qualities anybody can relate to. … And of course, I can’t leave without saying, ‘Excelsior!’”

 

 

The promo comes amid the MCU’s Phase Five, which includes the previous mentioned titles, as well as Ant-Man and the Wasp: Quantumania, Guardians of the Galaxy Vol. 3, The Marvels and Deadpool & Wolverine. The latest phase also includes the shows Secret Invasion, Season 2 of Loki, Season 2 of What If…?, Echo, Agatha All Along, Eyes of Wakanda, Your Friendly Neighborhood Spider-Man and Ironheart. (Source: deadline.com)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Pumanaw ang ina at kapatid sa iisang araw lang: MARIAH CAREY, nagluluksa at wasak na wasak ang puso

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

SINAGOT na ng SB19 member na si Stell ang never-ending na tanong tungkol sa kanyang sexuality.

 

 

 

Noon pa raw kinukuwestiyon ang singer ng maraming netizens regarding sa kanyang sekswalidad. Para kay Stell, hindi raw dapat ito pinoproblema ng kahit sino.

 

 

 

“Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yung ganung klaseng bagay?

 

 

“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nilang ganun. Kasi if ever man ganun ako, what’s the problem?”

 

 

“So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” sagot ni Stell na mapapanood bilang isa sa coaches ng The Voice Kids kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at kanilang pinuno sa SB19 na si Pablo.

 

 

***

 

 

NAGLULUKSA ngayon ang tinaguriang Queen of Christmas na si Mariah Carey dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Patricia at kapatid na si Alison sa iisang araw lang.

 

 

“My heart is broken that I’ve lost my mother this past weekend. Sadly, in a tragic turn of events, my sister lost her life on the same day.

 

 

“I feel blessed that I was able to spend the last week with my mom before she passed. I appreciate everyone’s love and support and respect for my privacy during this impossible time,” sey ng 55-year old singer.

 

 

Naging open si Mariah sa kanyang memoir na hindi naging maganda ang relasyon niya sa kanyang ina nung lumalaki siya. Pero nagawa niyang maayos ito noong 2010 at nag-duet sila sa Christmas special niya.

 

 

Nakaranas naman ng physically and emotional abuse si Mariah sa kamay ng kanyang kapatid na si Alison. Hanggang sa pagpanaw nito, hindi niya ito nakita o nakausap sa mahabang panahon.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pumirma na sa isang agency based in New York: Modeling career ni MICHELLE, pang-international na

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GOING international ang modeling career ni Michelle Marquez Dee.
Pinost via Instagram ni Miss Universe Philippines 2023 ang pagpirma niya with One Management, a modeling agency with outposts in New York, Los Angeles, Chicago, Spain, and the United Kingdom.
Ayon kay Michelle, noong 2016 pa siya in-offer-an ng isang modeling agency in New York. Pero hindi pumirma si Michelle dahil pinili niyang magkaroon ng showbiz career at sumali sa dalawang national pageants.
“There was a bigger purpose waiting for me back home. So I came back, focused on creating something meaningful, and made my country proud. Now fast forward after several shows, two crowns, three national stages, and one amazing Miss Universe journey – here I am with goals brighter than ever. Filipinas represent,” caption ni Michelle.
(RUEL J. MENDOZA) 

Nagsalita na rin ang aktres sa breakup nila ni Mavy: Message ni KOBE kay KYLINE: ‘I am so proud of who you are and who you are becoming’

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

FOR the first time, nagsalita na rin ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa breakup nila ni Mavy Legaspi.

 

 

 

Sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi nito na marami siyang natutunan sa naging relasyon nila ni Mavy pero ngayon ay nagmo-move on na siya.

 

 

 

“Well, in every relationship naman po that I have or had whether it’s professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it, both the good and the bad experiences,” sagot ni Kyline nang tanungin siya ni Boy Abunda.

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “Right now, I think we should move on from that experience and I will treasure that moment po kasi siyempre it made me who I am today with all that happened. I feel grateful that I experienced that po.”

 

 

Matatandaan na naging maingay ang breakup nila at hindi pa rin malinaw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

 

 

Samantala, nali-link nga si Kyline sa celebrity basketball player na si Kobe Paras. At wala pa ngang pag-amin ang aktres sa real score nila ni Kobe.

 

 

Kaya diretso siyang tinanong si Kuya Boy kung sila na nga ba ni Kobe…

 

 

“Patawad po Tito Boy, pero hindi ko po kayo masasagot ngayon. But all I can say is, he makes me happy,” say ni Kyline.

 

 

“Pero Tito Boy, ito na lang… Halimbawa, boto ka ba sa kaniya?” tanong ni Kyline kay Kuya Boy.

 

 

“Botong boto. One to 10, 10,” sagot ng TV host.

 

 

“At kapag handa na kayo, halimbawa kung ano man, saan pumunta ito, promise me you’re going to come back and say yes or no. Promise?””

 

 

Promise,” sabi pa ng Sparkle actress.

 

 

Nagkuwento rin si Kyline tungkol sa viral video nila ni Kobe na nagba-bonding sa karaoke.

 

 

“Sa bahay po ng super close friend ko na naging friend na rin ni Kobe and nandiyan po ‘yung non-showbiz friends ko. At nandiyan po ang aking mga magulang,” sabi niya.

 

 

“First time kasi naming, inaasar namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support him and I guess that’s my way of supporting him,” pagpapatuloy pa ng aktres.

 

 

Ayon kay Kyline, ang kantang “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya noon ang inaawit ni Kobe.

 

 

Nakilala na rin ni Kyline ang pamilya ni Kobe, kabilang ang ama nitong si Benjie Paras.

 

 

“Meeting po sila at sinamahan ko rin po ulit si Kobe to support him. Supporter po kasi talaga ako,” sabi ni Kyline.

 

 

“Siyempre po, para mas makilala ko pa si Tito Benjie.”

 

 

Sinorpresa ni Kuya Boy si Kyline, na magdiriwang ng kaniyang birthday sa Setyembre 3, nang isang nakakikilig na video message mula kay Kobe.

 

 

“Hey Ky, I just want to wish you a very advanced happy birthday. I am so proud of who you are and who you are becoming. You make everyone you meet feel so loved and wanted and you are also an inspiration to so many people. I’ll always be here to support you and I’ll see you soon,” mensahe ni Kobe.

 

 

Nagpasasalamat naman ang young actress sa basketball player.

 

 

“Of course, thank you. ‘Yun lang po ang masasabi ko ngayon at ‘yung iba alam niya na naman po ‘yun. Because lagi po naming napag-uusapan at lagi niyang sinasabi sa akin na I am more than all the issues thrown at me and I am more than my love life.

 

 

“That’s why lagi niyang sinasabi na, ‘Dito lang ako, ikaw na muna. I will let you shine,’ because he knows po kung ano ‘yung mga napagdaanan ko and I appreciate it,’” sabi pa ni Kyline.

 

 

Mensahe naman ni Kuya Boy kay Kobe, na sana raw ay makapag-guest ito sa ‘Fast Talk’ at makapagkuwentuhan.

 

 

Kaya hirit pa ni Kyline, “Sana nga po makabalik po siya rito. At siya na po ang sasagot ng mga tanong ninyo, kasi I think that’s the proper way.”

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

PBBM, tinintahan ang Loss and Damage Fund Board Act

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12019, mas kilala bilang Loss and Damage Fund Board Act.

 

 

Ang bagong batas , nilagdaan ng Pangulo, araw ng Miyerkules, nagkakaloob ng ‘juridical personality at legal capacity’ sa Loss and Damage Fund Board, isang global finance mechanism para tulungan ang vulnerable states na dumaranas ng epekto ng climate change.

 

 

Isang kopya ng bagong batas ang isinapubliko ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Huwebes.

 

 

Sa pagkakapasa ng RA 12019, ang Board, bilang governing body ng Fund, ay dapat na mayroong ‘juridical personality na may full legal capacity” para ‘to contract, acquire and dispose immovable and movable property, as well as institute legal proceedings.’

 

 

Mayroon din itong legal na kakayahan na “negotiate, conclude, and enter into a hosting arrangement” sa World Bank bilang interim trustee at host ng Fund’s secretariat, at gumawa ng aktibidad kung kinakailangan para sa i- discharge ang papel at mga ginagawa nito.

 

 

Kamakailan, napili ang Pilipinas na mag-host ng Board ng Loss and Damage Fund.

 

 

Itinatag sa pamamagitan ng desisyon ng Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change at ng Paris Agreement, layon ng Loss and Damage Fund na tulungan ang ‘developing countries’ sa pagtugon sa ‘economic at non-economic loss and damage’ na may kinalaman sa climate change, kabilang na ang ‘extreme weather at slow-onset events.’

 

 

Ang Board, bilang isang decision-making body, ay responsable para sa pagtatakda ng ‘strategic direction, operations, at work program’ ng pondo.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagho-host ng susunod na board meeting ay makapagbibigay sa Pilipinas ng “strong voice to access the needed financial assistance for climate-related initiatives and impacts.” (Daris Jose)

Takas na wanted na Japanese National, ipapa-deport dahil sa fraud at money laundering

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

NAKATAKDANG ipa-deport ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa fraud at money laundering.

 

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Hiroyuki Kawasaki, 37, ay inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang ito ay papasakay sa Philippine Airlines patungong Singapore.

 

 

Dagdag pa ni Tanssingco na nag-positibo siya sa BI Interpol derogatory heck system habang pinoproseso ng immigration officer kaya ini–refer ito for further inspection.

 

 

Nang i-verify ang identity ng pasahero sa interpol unit kung saan nakumpirma na naka-red notice it.

 

 

Ayon kay Tansingco, si Kawasaki ay inilagay sa BI watchlist at sinampahan ng deportation case dahil sa pagiging undesirable aliens nito.

 

 

Hiniling din ng Japanese government ang kanyang pag-aresto at deportayon dahil sa kasong falsification of official documents and financial fraud.

 

 

Base sa impormasyon na nakuha mula sa Interpol-Manila, sinabi ni Tansingco na si Kawasaki ay inakusahan ng pamemeke ng electronic record ng notarized deeds kung saaan niya ginamit sa panloloko sa ilang Japanese companies sa kanilang mga bank deposits.

 

 

“Japanese authorities also alleged that Kawasaki was responsible creating several shell companies which he used to siphon the funds of legitimate corporations who engaged his services as their investment manager,” ayon sa BIChief.

 

 

Ang mga shell companies na ito ay ginamit upang ikubli ang mga pondo kung saan in-withdraw ito ni Kawasaki at mga kasama nito mula sa bank accounts ng mga biktima.

 

 

Sinabi ni Tansingco na ipapa-deport si Kawasaki pabalik sa Tokyo pag nakapag-isyu na ng summary deportation ang BI Board of Commissioners. GENE ADSUARA

Mga pulis, natuklasan ang ‘kumplikadong mga daanan’, mga armas sa loob ng KOJC estate

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

NATUKLASAN ng kapulisan ang mga masalimuot na daanan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

Ipinresenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga videos na kuha sa mga unang araw ng paghahanap kay Quiboloy, makikita ang pasikot-sikot na structural designs ng gusali sa loob ng 30-hectare estate.

 

Natuklasan din aniya ng mga pulis ang ‘secret passageway” patungo sa isang kuwarto at 42 gusali sa loob ng compound.

 

“This is now the secret door at dito ka ngayon papasok sa kuwartong ito . Nandiyan ang kuwarto ni Pastor Quiboloy. Liliwanagin ko lang, iilan lang yan. Hindi lahat puwede namin ipakita, iilan lang yang mga secret passage at yung mga nakikita namin,” dagdag na wika ng Kalihim.

 

Ipinakita rin nito ang video clips ng isa pang gusali na sumasailalim ngayon sa konstruskyon.

 

Aniya pa, nakikipag-ugnayan na sila sa Davao City Engineer’s Office para madetermina ang lahat ng uri ng kuwarto at daanan sa loob ng compound na nakadeklara sa construction plan na isinumite ng grupo.

 

“Bakit may mga ganitong construction? We are checking whether they declared or not declared at kung sakali man para alam namin kung saan kami lulusot dito. Nakakalito talaga. It’s a violation kapag hindi nakadeklara lahat ng intricate things na ginawa at binuo na puwedeng pagtaguan,” aniya pa rin.

 

Ipinakita rin ni Abalos ang mga larawan ng Molotov bombs at bolos na natuklasan ng kapulisan sa roof deck ng gusali.

 

Sinabi pa ni Abalos na naglagay ang mga taga-suporta ni Quiboloy ng barbed wires at live electrical wires sa loob ng compound.

 

Gayunman, tumanggi naman si Abalos na ipakita lahat ng mga video upang hindi aniya ‘ma-jeopardize’ ang nagpapatuloy na operasyon para matunton si Quiboloy.

 

“Mahirap ito. Nakita niyo ‘yung mga challenges na pinagdadaanan ng ating kapulisyahan as of now,” aniya pa rin.

 

Samantala, sinabi naman ni Police Regional Office (PRO) 11 (Davao) spokesperson Maj. Catherine Dela Rey na naniniwala sila na nasa compound pa rin si Quiboloy.

 

“We will never bomb or destroy your structure because we are not after the structure, we are not after the church, and we are not after the members. Implementing the warrant of arrest is our job, and we are ordered by the court to do so,” ang sinabi nito.

 

Nauna rito, pinasinungalingan naman ng PRO-11 ang lumabas na social media posts na bobombahin nito ang cathedral sa loob ng KOJC compound. (Daris Jose)

14th case ng mpox sa PH, na-detect sa Balayan, Batangas

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng lokal na pamahalaan ng Balayan, Batangas na hindi sila magpapatupad ng lockdown.

 

 

Sa kabila ito ng na-detect na kaso ng mpox sa kanilang bayan, matapos ang ilang pagsusuri.

 

 

Ayon kay Balayan Mayor Emmanuel Fronda II, hindi dapat maapektuhan ang buong operasyon ng kanilang lugar.

 

 

Ang mahalaga aniya ay natukoy agad ang pasyenteng may mpox at ang mga taong nagkaroon ng closed contact dito.

 

 

Nabatid na ang kaso ng naturang virus sa Balayan ay pang-14 na recorded case sa bansa at isa umanong 12-anyos na batang lalaki.

 

 

Hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima upang hindi maging biktima ng bullying o harassment ang bata at ang kanilang pamilya.

 

 

Tiwala naman si Mayor Fronda na ginagawa ng local health officials ang kanilang tungkulin para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang mga residente. (Daris Jose)

Freeze order sa bank accounts at property ni Pastor Quiboloy, pinalawig pa ng CA – KOJC legal counsel

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

PINALAWIG pa umano ng Court of Appeals ang inisyung freeze order sa bank accounts, ari-arian at iba pang assets ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

 

Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng KOJC na si Atty. Dinah Tolentino-Fuentes sa isang press conference sa Davao city ngayong araw ng Huwebes, Agosto 29.

 

 

Aniya, pinalawig pa ang freeze order hanggang Pebrero 3 ng susunod na taon. Sa ngayon aniya hindi pa natatanggap ng kanilang kampo ang kopiya ng extended freeze order.

 

 

Matatandaan na noong Agosto 5 nang unang inisyuhan ng CA ng 20 araw na freeze order ang mga ari-arian ni Quiboloy kabilang na ang KOJC at Swara Sug Media Corp., na siyang nago-operate sa Sonshine Media Network Internationalm (SMNI), ang media arm ng KOJC.

 

 

Sakop ng freeze order ang 10 bank accounts, pitong real properties, limang motor vehicles at isang aircraft na pagma-may-ari ng KOJC, gayundin ang 47 iba pang bank accounts, 16 real properties at 16 motor vehicles ng KOJC

 

 

Ang naturang freeze order ay hiniling ng AMLC na inaprubahan naman ng CA matapos na makakita ng resonableng basehan upang paniwalaang my kaugnayan ang mga bank account ni Quiboloy sa mga ilegal na aktibidad at krimen gaya ng human trafficking , sexual at child abuse, at iba pa.

Ads August 31, 2024

Posted on: August 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments