• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 14th, 2024

Barrios guest of honor sa PBAPC Awards Night

Posted on: September 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SI DATING PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios ang magiging guest of honor at keynote speaker sa 30th PBA Press Corps Annual Awards Night sa Setyembre 24 sa Novotel Manila.

 

 

Muling makakasama ni Barrios ang kanyang PBA family sa nasabing two-hour, formal gathering kung saan pararangalan ang mga top achievers ng Season 48.

 

 

Si Barrios, nagsilbing deputy commissioner sa namayapang si PBA Commissioner Emilio ‘Jun’ Bernardino bago pamunuan ang liga noong 2008.

 

Matapos iwanan ang PBA noong 2010 ay naging Exe­cutive Director si Barrios ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) hanggang sa kanyang pagreretiro ngayong taon.

 

 

Pararangalan ni Barrios kasama ang Press Corps na pinamumunuan ni pangulong Vladi Eduarte ng Abante Group of Publishing ang mga top performers ng nakaraang season.

 

 

Nasa itaas ng honor roll ang tatanggap sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award kasama ang Danny Floro Executive of the Year award.

 

Sa ikalawang pagkakataon sa 30-year history ng Awards Night ay ibibigay ang isang Lifetime Achievement Award ng mga nagkokober ng PBA beat.

 

 

Ang iba pang awards na ipapamahagi ay ang President’s Award, Defensive Player of the Year, Bogs Adornado Comeback Player of the Year, Scoring Champion, Mr Quality Minutes, All-Rookie Team, Game of the Season at Order of Merit.

POC pinaghahandaan na ang SEA Games sa Thailand

Posted on: September 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANDAAN na ng Philippines Olympic Committee (POC) ang ilang mga international sporting events na lalahukan ng mga atleta ng bansa.

 

Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan nila ang gaganaping Southeast Asian Games na gaganpin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

 

Aapela sila sa organizers ng SEA Games dahil sa tinanggal nila ang apat na sports sa nasabing torneo.

 

Kapag natanggal ang nasabing mga sports ay maaaring mabawasan ng walong gintong medalya ang bansa.

 

Tinanggal kasi ng organizer ng SEA Games sa Thailand ang mga sports na weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate.

 

Umaasa si Tolentino na papaburan sila ng SEAG Federation sa ginawa nilang pag-apela.

Grand slam sa Cool Smashers

Posted on: September 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HUMATAW si American import Erica Staunton ng 29 points mula sa 26 attacks, dalawang aces at isang block, habang may 27 markers si Bernadeth Pons.

 

Nauna nang nagreyna ang Creamline sa nakaraang 2024 All-Filipino Conference kontra sa Choco Mucho at Reinforced Conference laban sa Akari para sa kanilang ‘three-peat’.

 

 

Ang championship point ng Cool Smashers ay nagmula kay Alas Pilipinas member Jema Galanza.

 

Kinuha ng HD Spikers ang 2-1 bentahe sa likod ni Venezuelan import MJ Perez bago nakatabla sa 2-2 ang 10-time PVL champions sa fourth set.

 

 

Sa fifth set ay inilista ng Creamline ang 14-11 abante bago idinikit ni Pe­rez ang Cignal sa 13-14.

 

 

Sa inisyal na laro, sa ikalawang pagkakataon ay muling tinalo ng dating reynang Kurashiki ang EST Cola para angkinin ang bronze medal.

 

 

Pumalo si Low Mei Cing ng 14 points mula sa walong attacks at anim na blocks para pamunuan ang Ablaze sa 25-22, 26-24, 25-20 paggupo sa EST Cola.

 

Nag-ambag si Tanabe Saki, miyembro ng 2023 PVL champion team, ng 13 points at naglista si setter Kyoka Oshima ng 19 excellent sets.

 

 

Nauna nang nabigo ang Kurashiki sa Cignal sa agawan sa finals ticket noong Miyerkules.

 

 

“Our goal was to win the gold, but after the loss to Cignal, we reset our mindset and focused on finishing strong against EST Cola,” ani Tanabe. “We’re happy to have won the bronze.”

Ads September 14, 2024

Posted on: September 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments