• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 10th, 2024

Philippine rugby team ng bansa wagi ng 2 gintong medalya

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI ng dalawang gintong medalya ang national rugby team ng bansa na Philippine Volcanoes.

 

 

Nakuha nila ang gintong medalya ng men’s and women’s events sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy na ginanap sa Nepal.

 

 

Noong Sabado ay tinalo ng men’s team ang Chinese Taipei 27-14 sa finals habang tinalo ng women’s team ang India 7-5.

 

 

Sinabi ni Ada Milby ang pangulo ng Philippine Rugby na labis silang nagagalak sa tagumpay ng rugby team ng bansa.

 

 

Nagpasalamat si Escollante sa Puerto Princesa City government sa pa­ngunguna ni Mayor Lucilo Bayron sa solidong suporta nito.

 

“I must extend my dee-pest gratitude to the City of Puerto Princesa and, in particular, Mayor Lucilo Bayron, for their unwavering support and belief in this sport and in the vision of the PCKF.

 

Mayor Bayron and his administration have been fully committed from Day One, offering 100 percent b­acking in terms of logistics, resources, and facilities,” ani Escollante.

ICF magdiriwang ng 100 anniversary sa Palawan

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IDARAOS ang Internatio­nal Canoe Federation (ICF) World Dragon Boat Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.

 

 

Kasabay nito ang centennial anniversary ng ICF kaya’t doble ang selebras­yon para rito.

 

 

“As the president of the Philippine Canoe Kayak Federation, it is both an honor and a humbling responsibility to host the ICF World Dragon Boat Championships in Puerto Princesa, especially as we celebrate the International Canoe Federation’s centennial anniversary,” ani PCKDF president Leonora Escollante.

 

Nais ni Escollante na maging matagumpay ang pagdaraos ng torneo lalo pa’t dadaluhan ito ng mga foreign paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

“This milestone not only celebrates the sport’s rich legacy but also propels us into a future where dragon boat racing continues to inspire, unite, and drive positive change,” ani Escollante.

 

Kumpirmado na ang pagdating ng halos 2,000 paddlers mula sa 20 bansa para sa torneong magsisilbing qualifying tournament para sa World Games na gaganapin naman sa Agosto 17-25 sa Chengdu, China sa 2025.

Wendell Carter Jr, pumirma ng $59M contract extension sa Orlando Magic

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA ng tatlong taong contract extension si Oralndo Magic center/forward Wendell Carter Jr. na nagkakahalaga ng $59 million.

 

 

Dahil dito, mananatili si Carter Jr. sa naturang koponan hanggang sa 2028 -2029 season.

 

 

Sa nakalipas na season, si Carter ay may average na 11pts per game gamit ang 52.5 shooting percentage. Hawak din ni Carter ang 8.5 rebounds per game sa loob ng kanyang karera sa NBA.

 

 

Ang 6’10 na si Carter Jr. ay ang No. 7 pick noong 2018 draft at pinili ng Chicago Bulls.

 

 

Noong 2021, na-trade siya sa Magic at naging malaking tulong para maabot ng koponan ang playoff sa pagtatapos ng regular season.

 

 

Sa nakalipas na offseason, naging abala ang Magic sa pagpapapirma kina Jonathan Isaac at Franz Wagner para sa kanilang extension. Kinuha rin ng koponan ang free-agent guard na si Kentavious Caldwell-Pope.

Pagtiyak ng Comelec sa patas, malinis na halalan sa Pasig sinusugan

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINUSUGAN ng pamilyang makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtiyak ng Commission on Elections para sa patas at malinis na halalan sa lungsod sa darating na midterm elections sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Curlee Discaya, asawa ng kilala sa Pasig na Ate Sarah at makakatunggali ni Sotto, na hindi sila konektado at walang kinalaman sa joint venture ng South Korean Miru System, ang nanalong supplier ng technology at paraphernalia para sa halalan 2025, taliwas sa reklamo ng alkalde base sa sulat nito kamakailan sa Comelec.

 

 

Nauna namang pinahupa ng Comelec ang alegasyon ni Sotto na ang pamilya ng kanyang inaasahang makakalaban sa halalan 2025 ay umano’y bahagi ng St. Timothy Construction na kasama sa grupong nabigyan ng award para sa supply contract ng technology at mga gamit sa midterm polls.

 

 

“Hindi papayagan ng Comelec na makompromiso ang integridad ng halalan,” pagtiyak ni Comelec chairman George Garcia kay Sotto, matapos niyang iparating sa alkalde na ang St. Timothy ay kumalas na sa joint venture ng Miru Systems.

 

 

Naniniwala ang grupo na tila natatakot ang alkalde sa sariling multo nang uriratin nito ang koneksyon ng St. Timothy sa Miru Systems na siyang magpapatakbo sa 2025 automated elections.

 

 

Matatandaang noong halalang 2019 kung kailan nanalo si Sotto bilang mayor ay nagkaroon ng isyu na pinaboran umano siya ng dating operator ng automated elections kaya tinalo nya ang nakaupo noon na alkaldeng si Robert ‘Bobby’ Eusebio.

 

 

“At sa halip na siraan kami nang walang basehan ay ikonsidera na lang sana ni Mayor Sotto ang aming offer na ang construction firm namin ang gagawa ng detailed engineering plan and design para sa bagong gusali ng city hall at ang nakalaang pambayad nitong P885 milyon ay donasyon na lang namin sa lungsod para sa pagpatayo ng dagdag na ospital na kumpleto ng medical equipments at mga gamot,” pag-ungkat ni Curlee sa kanyang naunang sulat sa alkalde.

 

 

Pahayag pa niya, “Hindi lang suhestiyon yung konteksto ng nauna kong sulat sa iyo, mayor, kundi offer of donation na kung pakikinggan mo sana ay matutuwa ang ating mga kababayan dahil silang lahat, mahirap man o mayaman, ang makikinabang sa pagkakaisa natin para sa kapakanan ng Pasigueños.”

Sunog, sumiklab sa Condo sa Ermita

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUMIKLAB ang sunog sa isang unit ng Solana condominium sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga .

 

Sa impormasyon ng BFP Manila, bandang 7:25 ngayong umaga nang nagsimula ang sunog sa unit na nasa ika -5 palapag ng gusali sa Natividad Lopez St tabi ng Ayala bridge.

 

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero, ang sunog ay umabot lamang ng kalahating oras.

 

Naideklarang kontrolado ang apoy bandang 7:45 ng umaga bago tuluyang naapula makalipas ang ilang minuto.

 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Manila sa sanhi at halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

 

Wala naman naitala ang Emergency Medical Service ng BFP Manila na nasaktan sa insidente. GENE ADSUARA

20 Pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAILIGTAS ng Cambodian National Police noong huling bahagi ng Setyembre ang 20 Filipina na dinala sa Cambodia para sa surrogacy scheme.

 

Ang ‘surrogacy’ ay isang sayentipikong pagpupunla ng mga cell ng dalawang magulang na hindi na kayang magkaanak sa ibang babaeng pwedeng manganak

 

Sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na naligtas ng Cambodian National Police ang mga 20 kababaihang Filipino noong Setyembre 23 sa Kandal Province sa timog-silangang bahagi ng Cambodia.

 

Sa 20 kababaihan, 13 ang nasa iba’t ibang yugto ng kanilang pagbubuntis at nakatira sa isang lokal na ospital habang ang 7 naman ay naghihintay na makabalik ng bansa.

 

Sinasabing ang pagsagip sa mga naturang Filipina na ipinadala sa Cambodia para maging ‘surrogate mothers’ ay alinsunod sa anti-human trafficking at sexual exploitation law ng bansa.

 

Sinabi pa ng Embahada na ang mga kababaihan ay binigyan ng tamang suporta at binisita ng Embassy officials para sa tulong kabilang na ang personal at pre-natal needs.

 

Sa naging panayam sa 20 kababaihan, sila ay ni-recruit sa online. Ang kanilang recruiter, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin madetermina ang pagkakakilanlan at nasyonalidad, ang nag-ayos para sa kanilang pagbiyahe sa iba’t ibang Southeast Asian country, bago pa pinadala sa Cambodia, kung saan ang ‘surrogacy’ ay ipinagbabawal.

 

Tinitingnan din ng Embahada ang pagkaka-ugnay ng ibang nasyonalidad sa krimen, may ilan kasi ang nasa pangangalaga ng local “nanny”, kasama ang apat na iba mula sa kalapit-bansa noong sila ay ligtas ng mga awtoridad.

 

“The Embassy continues to closely coordinate with the Cambodian authorities for the speedy resolution of this case, with a view to protecting the rights and welfare of the Filipino women,”ang sinabi ng Embahada. (Daris Jose)

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia.

 

Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia.

 

Tiniyak naman nito sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik sa bansa ang labi ng kanilang mahal sa buhay.

 

“That’s a terrible tragedy. Little we had left to do. We had very few options left. We tried everything and for many, many years. Our thoughts and prayers are with them. And we will… There is nothing that one can do to make it whole, but we will do our best,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“We’ll see what they need. But for someone who dies abroad, an OFW, there are many — we have many procedures for that to bring them back home. So, I don’t think that will be a problem,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ng Pangulo na halos lima hanggang anim na taon nilang inilaban ang kaso ng pinoy.

 

Nalaman lang niya ito ng manungkulan sa pwesto at sinabi sa kanya na matagal na ang naturang kaso.

 

May maliit na lamang aniya silang magagawa at wala na silang pagpipilian gawin bagamat umapela rin sila sa mga kaibigan nila sa Saudi na mayroong mabu­buting puso para muling suriin ang kaso para masiguro na tama ang hatol.

 

Samantala, sinabi naman ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nirerespeto ng Philippine Embassy sa Riyadh ang hiling na ‘privacy’ ng pamilya ng Pinoy. (Daris Jose)

Tulak na lolo kalaboso sa P204K shabu sa Valenzuela

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang 64-anyos na lolo na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng hapon.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Hapon, 64, residente ng Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng iligal na droga ng suspek.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, agad bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation kung saan pumayag umano ang suspek na sa Brgy. Gen T De Leon gaganapin ang kanilang transaksyon.

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-5:30 ng hapon sa Gen. T. De Leon Rd. Beside Liembest Lechon Manok.

 

 

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 recovered money at cellphone.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at kanyang mga tauhan sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

2 kelot arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Navotas

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang dalawang kelot matapos arestuhin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone sa Navotas City.

 

 

Kasong paglabag sa Art 308 of RPC (Theft) ang isinampa ng pulisya laban sa mga naarestong suspek na sina alyas Ronel, 18, at alyas Emir, 20 kapwa resident ng lungsod.

 

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Christian Geremie Tangan at PCpl Dylan Renon, habang nagpapatrolya sa Brgy. Bagumbayan South ang mga tauhan ng DMFD-NPD, Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Team 12 sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan, kasama sina PSSg Carlo Angelo Delivio, PSSg Michael Estacion, PSSg Jayson Delos Reyes, Pat Mildred Gonzales, Pat Razel Buhante at Pat Jomaroy Pahati.

 

 

Dito, lumapit at humingi ng tulong sa grupo ni PCMS Santillan ang biktimang si alyas Rodolfo, 55, biyudo para iulat sa kanila ang ginawa umanong pagnanakaw ng mga suspek sa kanyang cellphone.

 

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow -up operation sina PCMS Santillan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong 11:20 ng umaga sa Taganahan St., Brgy. Bagumbayan South at narekober sa kanila ang cellphone na biktima na nagkakahalaga ng P,7000.

 

 

Binigyan naman ng commendation ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang RPSB Team 12 para sa kanilang huwarang pagganap sa tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Wanted na rapist, nadakma sa Caloocan

Posted on: October 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae matapos madaki sa ginawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Tinugis ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 13 ng Caloocan Police, Warrant and Subpoena Section (WSS), at Batasan Sub-Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) ang 36-anyos na kelot na inakusahan ng panggagahasa sa menor-de edad na dalagita.

 

 

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng QCPD sa pinagtataguang lugar ng akusado sa Phase 7B, Package 1, Block 57, Lot Excess, Brgy. 176 Bagong Silang na kanilang ipinabatid sa mga tauhan ng Caloocan police WSS.

 

 

Dahil sakop ng SS13 ang naturang lugar, pinangunahan nila pagdakip sa akusado na nahaharap sa kasong Statutory Rape, batay sa inilabas na warrant of arrest ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Glenda Cabello Marin ng Branch 124, Family Court noong Oktubre 4, 2024.

 

 

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng SS13 ang akusado habang hinihintay pa ang paglalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (Richard Mesa)