• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2024

Local Governments Play a Critical Role in Achieving Cervical Cancer Elimination Goals

Posted on: November 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

oppo_0

AS THE Philippines continues to intensify its efforts to eliminate cervical cancer, local government units (LGUs) are playing an essential role in ensuring that HPV vaccination, screening, and treatment programs reach communities across the country. Cervical cancer, largely caused by the human papillomavirus (HPV), remains the second most common cancer among Filipino women, claiming the lives of 12 Filipinas daily. However, this preventable disease continues to pose a significant public health challenge.

 

 

During the Together for Health: The Progress Made and What More Needs to Be Done for Cervical Cancer Elimination forum—held in alignment with the World Health Organization’s (WHO) Cervical Cancer Elimination Day of Action—key stakeholders discussed the critical role of LGUs in realizing global cervical cancer elimination goals.

 

 

LGUs at the Forefront of Prevention

 

 

The WHO has set out a clear roadmap to eliminate cervical cancer, targeting a 90–70–90 approach by 2030:

 

 

• 90% of girls fully vaccinated against HPV by age 15.

 

 

• 70% of women undergo high-performance screening by ages 35 and 45.

 

 

• 90% of women with pre-cancer or invasive cancer receive timely and effective treatment.

 

 

Local government units are critical to achieving these targets by integrating these goals into community health programs. Local leaders have emphasized the importance of tailored strategies to reach underserved areas and improve access to services.

 

 

 

Success Stories from Local Government Leaders

Hon. Arth Jhun Marasigan, Mayor of Sto. Tomas, Batangas, shared his municipality’s focus on improving access to vaccination in rural communities. “Our strategy is to bring vaccination services closer to our constituents, working closely with barangay health workers to identify and engage eligible individuals,” said Marasigan.

 

 

 

Similarly, Hon. Gelo Devanadera, Mayor of Sampaloc, Quezon, shared the success of his municipality in achieving a 100% HPV vaccination rate despite financial constraints. “We focus on reaching every household through consistent engagement, leveraging community partnerships to maximize the available resources,” Devanadera emphasized.

 

 

 

Policies That Drive Change

LGUs are also instrumental in crafting policies to support cervical cancer prevention efforts. Hon. Alex Castro, Vice Governor of Bulacan, discussed the importance of a provincial approach to vaccination, ensuring that all municipalities within the province benefit from health initiatives.

 

 

 

Meanwhile, Hon. Charm Ferrer, Councilor of Quezon City District 1 and cervical cancer survivor, underscored the need for policies that prioritize prevention, particularly for women. She advocated for a more comprehensive and supportive approach to women’s health, stressing that the local government’s role in cervical cancer prevention is crucial.

 

 

 

Collaboration with National Agencies

The forum also highlighted the need for continued collaboration between LGUs, national agencies like the Department of Health (DOH), and the Department of Education (DepEd) to ensure the success of vaccination and screening programs. Partnerships with LGUs help increase the reach and impact of initiatives like Bakuna Eskwela, a school-based immunization program aimed at boosting HPV vaccination rates.

 

 

 

Hon. Natasha Co, Representative of the BHW Partylist, highlighted the importance of local government engagement in these programs, noting, “The role of local governments is critical to the success of national health programs. We need to strengthen collaborations to reach underserved communities and ensure women and girls are protected.”

 

 

 

Addressing Vaccine Hesitancy

One challenge in the fight against cervical cancer is overcoming vaccine hesitancy, especially in rural areas where misinformation can discourage participation. Local leaders can leverage their influence to provide accurate information and encourage families to get vaccinated.

 

 

 

Hon. Co emphasized the need for education as a tool to counter vaccine hesitancy, stating that awareness campaigns must reach beyond urban areas.

 

 

 

Looking Ahead

With the active involvement of LGUs, the Philippines is making progress toward achieving the WHO’s cervical cancer elimination targets. However, it is clear that continued collaboration, sufficient funding, and ongoing education are essential to the success of these programs. Local governments have the unique ability to engage their communities directly and create sustainable, impactful health initiatives that will protect future generations of women from cervical cancer.

 

 

 

As the country renews its commitment to eliminating cervical cancer, the role of local governments remains central to the Philippines’ efforts to protect women’s health and ensure that no community is left behind. ###

Ads November 30, 2024

Posted on: November 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ads November 29, 2024

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Residential area na dati ng nasunog, muling nilamon ng apoy

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAKARAAN na nasunog ng halos wala pang isang taon ang ilang kabahayan sa Barangay 310 sa Sta.Cruz, Maynila ngunit muli itong nilamon ng apoy Miyerkules ng gabi.

 

 

Nagsimula ang sunog alas 9:41 ng gabi at mabilis ang pag-akyat ng alarma na umabot sa 5th alarm sa loob lamang ng 30 minuto.

 

Dahil ito sa mga bahay na pawang mga gawa sa light materials at mga barong-barong.

 

Ang nasunog na residential area ay bakod lamang ang pagitan nito sa Manila City Jail.

 

Unang naitala ang sunog sa apat na palapag na bahay na pagmamay-ari ni Gerardo Bantay.

 

Ala-1:49 ng madaling araw ng ideklarang fire under control ang insidente at nasa halos 250 na bahay ang nadamay.

 

Dalawang sibilyan ang naitalang sugatan na isang senior citizen na nakaramas ng paso sa katawam at isang 25-anyos na nahirapan sa paghina na kapwa naman nasa maayos na kalagayan.

 

Tinatayang aabot sa P3,750,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog at nasa 500 pamilya o 1,500 na indibidwal ang apektado. GENE ADSUARA

“There is no patching things up”

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vice President Sara Duterte na walang pag-aayos na magaganap sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at umabot na sila sa “point of no return.”

 

 

“I believe we reached the point of no return and it is clear na [that] they are really going after me,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press briefing.

 

“Gusto nila akong tanggalin sa position,” pagtiyak nito.

 

Sinabi pa niya na target ni House Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos ang pagkapangulo.

 

Samantala, matatandaang sinabi ni VP Sara na kumausap na siya ng assassin para itumba ang First Couple na sina Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza Marcos at Cong. Romualdez sakali’t may mangyaring masama sa kanya.

 

Subalit, nilinaw ni VP Sara na hindi pagbabanta ang binitawan niyang pahayag laban sa First Couple.

 

Sinabi nya na ang mga binitiwan niyang pahayag ay bunga ng kanyang pangamba sa kanyang buhay.

 

Ani Duterte, may mga naririnig siyang banta sa kanyang buhay kung saan siya ay pinag-iingat.

 

At wala aniya siyang dahilan para patayin ang mag-asawang Marcos dahil wala naman syang magiging benepisyo rito.

 

“They can always try na mag-impeachment…They can always gumastos at magwaldas ng pera ng gobyerno para i-impeach ang vice president…Let’s see. If I get impeached, that is my end.

 

Tapos,” dagdag na wika ni VP Sara. (Daris Jose)

Pamahalaang Lungsod ng Malabon bilang Best Local Government Unit Implementing the Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon bilang Best Local Government Unit Implementing the Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program sa ginanap na 2024 Regional Kabuhayan Awards sa Orchid Garden Suites, Malate, Manila kahapon.

 

 

Ito ay inorganisa ng DOLE-NCR, sa pangunguna ni Regional Director Atty. Sarah Buena Mirasol.

 

 

Nagpasalamat naman sa DOLE-NCR si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa natanggap na parangal na ito.

 

“Ito ay patunay na ating isinasagawa ang mga programa para sa kabuhayan ng bawat Malabueño na bahagi ng ating layuning maitaas ang antas at kalidad ng pamumuhay sa lungsod” aniya. (Richard Mesa)

Pilipinas wala pang talo sa Billie Jean Cup

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING wala pa ring talo ang Pilipinas sa Pool B ng Billie Jean King Cup Group III na ginaganap sa Bahrain.

 

 

Ito ay matapos na talunin nila ang Qatar sa score na 6-0, 6-0.

 

 

Nanguna sa panalo ng Pilipinas si Filipina tennis star Alex Eala ng pataubin si Mubaraka Al-Naili.

 

 

Pinatabo din ni Shaira Hope Rivera si Hind Al-Mudakha sa sa score na 6-2, 6-2.

 

 

Nagwagi rin sa Pilipinas ang doubles sa pagitan nina Marian Jade Capadocia at Khim Iglupa sa score na 6-3, 6-0.

 

 

Mayroon ng anim na panalo at wala pang talo ang Pilipinas matpaos ang ma-sweep ang Qatar.

Ramdam na ang Pasko sa Navotas

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PASKO NA SA NAVOTAS: Ramdam na ang himig ng kapaskuhan sa Lungsod ng Navotas, kasunod ng isinagawang pagpapa-ilaw sa kanilang higanteng Christmas tree at fireworks display sa Navotas Citywalk at Amphitheatre na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak at iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

Weightlifters na mga tinuruan ni Hidilyn Diaz namamayagpag sa Batang Pinoy

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pamamayagpag ng mga weightlifters na sinasanay ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa Batang Pinoy sa Puerto Princesa, Palawan.

 

 

Nanguna dito sa Adonis Ramos sa boys 16-17 55kgs. category kung saan nakamit nito ang kabuuang 185 kgs. lift .

 

 

Ilan sa mga kasama nito ay sina Maybell Riones sa girls 12-13 , 35 kg. class; Reyandine Marie Jimenez sa girls 12-13 , 40 kgs. class at Matthew Diaz sa boys 12-13 -43 kgs.

 

 

Ang mga ito ay nakahakot na ng apat na gold, anim na silvers at isang bronze.

 

 

Kasama ni Hidilyn ang asawa nitong si Julius na nagsasanay sa mga bata sa ipinatayo nilang gym sa Jala-Jala, Rizal.

 

 

Sinabi ni Naranjo, na siyang nag-training kay Hidilyn na nagkakaroon na interest ang mga kabataan na sumabak sa weightlifting mula ng magwagi ng gintong medalya si Hidilyn sa Olympics.

 

 

Ikinakatuwa rin nito ang pagdami ng mga kabataan ang sumasali sa weightlifting sa Batang Pinoy kumpara noong panahon niya na tanging siya lamang ang lumalahok kaya ito nakakakuha ng gintong medalya.

LTO at NLRC, nagkaisa para pabilisin ang mga labor-related cases kaugnay sa mga sasakyang panlupa

Posted on: November 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ng Land Transportation Office (LTO) at National Labor Relations Commission (NLRC) ang isang kasunduan na nagtataguyod ng mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya patungkol sa mga kasong legal at desisyon na may kaugnayan sa mga sasakyang panlupa.

 

 

 

Pinangunahan nina LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II at NLRC Chairperson Grace E. Maniquiz-Tan ang paglagda sa kasunduan sa isang seremonya nitong Martes, Nobyembre 26 sa tanggapan ng NLRC sa Ben-Lor Building, Quezon City.

 

 

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Assec Mendoza ang kahalagahan ng kasunduang ito dahil ipinaliwanag niya na may terms of reference ito na nagpapadali sa mga paraan upang matupad ang mandato ng dalawang ahensya.

 

 

“Ang kasunduang ito ay nagbibigay ng mga kinakailangang gabay at wastong koordinasyon upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga pinal na kautusan, resolusyon, desisyon at iba pang proseso na inilalabas ng NLRC kaugnay sa mga alituntunin at regulasyon sa transportasyong panlupa,” ani Assec Mendoza.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si NLRC Chairperson Tan sa pamunuan ng LTO dahil sa pagpapadali ng kanilang mga gawain lalo na sa aspeto ng beripikasyon, pinal na kautusan, desisyon, resolusyon at iba pang prosesong legal na nais ipatupad ng kanilang ahensya.

 

 

Sa ilalim ng kasunduan, obligadong magbigay ang NLRC ng kopya ng kanilang mga legal na dokumento sa LTO at makipag-ugnayan para sa beripikasyon kung may nakarehistrong sasakyang panlupa sa pangalan ng mga judgment debtor.

 

 

Ang NLRC rin ay inatasang magbigay ng mga kaukulang impormasyon sa mga tauhan ng LTO upang maresolba ang mga isyung panghurisdiksyon kaugnay ng rehistro ng mga sasakyan, upang ang tamang logistical na tulong ay maaaring mapalawak at magsagawa ng iba pang kaugnay na tungkulin upang matupad ang layunin ng Memorandum of Agreement (MOA).

 

 

Sa kabilang banda, inatasan ang LTO na agad na aksyunan ang mga kahilingan ng beripikasyon mula sa anumang Sheriff o itinalagang tauhan ng NLRC hinggil sa anumang nakarehistrong sasakyang panlupa sa pangalan ng judgment debtor alinsunod sa writ of execution na inilabas ng anumang Komisyoner o Labor Arbiter ng NLRC.

 

 

Sakop ng beripikasyon ng LTO ang sumusunod:

 

a. Notice of Decision/Resolution;

b. Certificate of Finality/ Entry of Judgment, kung naaangkop;

c. Writ of Execution na nakapangalan sa Sheriff o itinalagang tauhan ng NLRC; at

d. Opisyal na dokumento mula sa NLRC na nagpapatunay na ang humihiling ay awtorisado.

 

 

Inatasan din ang LTO na magbigay ng sertipikasyon hinggil sa pag-iral ng nakarehistrong sasakyang panlupa sa pangalan ng judgment debtor, pati na rin ang mga datos ng rehistro ng mga sasakyan alinsunod sa naunang tala.

 

 

Bukod dito, inaasahan din ang LTO na magtakda ng kaukulang alarm sa sasakyan alinsunod sa LTO Memorandum Circular No. ACL-2009-1155 upang maiwasan ang paglipat ng pagmamay-ari habang hindi pa naaayos ang Notice of Levy. Gayunpaman, hindi nito maaapektuhan ang pag-renew ng rehistro ng sasakyan habang nasa ilalim ng alarma.

 

 

Inaatasan din ang LTO na bumuo ng mga mekanismo upang maisama at mapadali ang NLRC execution processes sa kanilang regular na tungkulin bilang tagapagpatupad ng mga batas sa transportasyon.

 

 

Binigyang-diin ni Assec Mendoza na kasama rin sa MOA ang regular na quarterly oversight meetings sa pagitan ng LTO Chief at NLRC Chairperson, kasama ang kanilang mga kinatawan, upang matukoy ang progreso ng implementasyon nito. (PAUL JOHN REYES)