• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 11th, 2024

Halaga ng pinsalang iniwan ng STS Kristine sa agri sector, lumobo pa sa P6.83B

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ito ay batay sa updated report ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRMO).

 

 

Lumobo rin sa 171,080 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo mula sa 143,000, dalawang araw na ang nakakalipas.

 

 

Umabot na rin sa 317,316 metriko tonelada ang natukoy na production loss mula sa 141,971 ektarya ng mga sakahan na naapektuhan.

 

 

Nananatili pa ring pinaka-apektado ang rice industry na nagtamo na ng kabuuang P5.05 billion na pinsala habang ang nalalabi ay pinaghati-hatian na ng mga industriya ng mais, fisheries, poultry, at iba pa.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pang datos ukol sa pinsalang iniwan ng Super Typhoon Leon sa sektor ng pagsasaka.

 

 

Ayon sa DA, hindi pa rin kaaya-aya ang weather situation sa mga lugar na naapektuhan ng naturang bagyo para sa pagsasagawa ng field validation. (Daris Jose)

PBBM, ipinag-utos ang agarang pagbabawal o ban laban sa lahat ng POGO Operations sa Pinas

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINUKOY ang panganib na dala ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, pagpapatupad ng agarang pagbabawal sa offshore at internet gaming sa bansa.

 

 

Sa ipinalabas na EO 74, sinabi ni Pangulong Marcos na “the State has the paramount duty to safeguard national security, maintain public order, uphold the rule of law, protect the safety of its citizens, and ensure the integrity of the social fabric of the nation.”

 

 

“…In pursuit of such duty, an unequivocal ban of POGO/IGL operations was pronounced during the State of the Nation Address on 22 July 2024.” ang nakasaad sa kautusan.

 

Tinukoy sa EO ang pag-aaral ng Department of Finance (DOF) na nagsasabi na nalamangan na ng POGO activities ang economic at social benefits mula sa POGO industry dahil sa panganib at negatibong consequences gaya ng tumaas na crime rates, social instability, at exploitation ng vulnerable na tao na iniuugnay sa kanila.

 

Ipinahiwatig din sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) Report na ang POGOs ay natukoy bilang madaling iugnay sa money laundering, fraud, at iba pang illicit financial activities, kaya’t samakatuwid ay mayroong ‘substantial threats’ sa integridad ng national financial system.

 

 

“The high reputational risks associated with POGO/IGL operations deter foreign investment and tourism, undermining the efforts of the National Government in promoting the country as a safe and sustainable investment and tourism destination,”ang nakasaad sa EO.

 

 

Magiging saklaw naman ng kautusan ng Pangulo, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Nobyembre 5, ay ang Philippine Offshore Gaming Operators at Offshore Gaming Operations and Services.

 

 

“All POGOs/IGLs and other offshore gaming operations and other offshore gaming-related/auxiliary/ancillary services with issued licenses, permits are expected to completely cease operations, including the winding up of their affairs, on December 31, 2024 or earlier,” ayon sa ulat.

 

 

At para i- develop at ipatupad ang komprehensibong estratehiya, lilikhain ang Technical Working Groups (TWGs). Ang TWG

 

 

sa Employment Recovery and Reintegration ang tutugon sa epekto ng naunang pagbabawal sa mga apektadong sektor ng ekonomiya at tiyakin ang reintegration ng displaced Filipino workers.

 

 

May kinalaman din dito ang probisyon ng ‘assistance at safety nets’ kabilang na ang ‘upskilling at reskilling programs’ upang masiguro na ang displaced workers ay makahahanap ng bagong trabaho.

 

 

Nagpalabas din ang Pangulo ng direktiba sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa agarang POGO operations prohibition.

 

 

Nais din ng Pangulo na paigtingin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine Drug Enforcement Agency, at iba pang law enforcement agency ang kanilang pagsisikap laban sa illegal POGOs/GLs at iba pang offshore gaming operations at services.

 

 

Samantala, inatasan naman Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tulungan ang TWG sa Anti-Illegal Offshore Gaming Operations sa pagtiyak ng kooperasyon ng homeowners associations para masiguro ang non-proliferation ng POGO/IGL at iba pang offshore gaming operations at services sa mga subdivision, condominium at iba pang real estate developments.

 

 

Samantala, inatasan naman ang Department of Tourism na i-monitor ang tourism establishments at pasilidad para masiguro na hindi magagamit ang mga ito para sa POGO/GL at iba pang offshore gaming operations o serbisyo.
(Daris Jose)

SoKor, aprubado na ang halos P30-M na tulong sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa PH

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Aprubado na ng South Korea ang $500,000 o katumbas ng mahigit P29 million na tulong para sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa Pilipinas.

 

Ang naturang tulong ay idadaan sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP).

 

 

Ayon sa Korean Embassy, magagamit ang naturang pondo para sa recovery o tuluyang pagbangon ng mga residente sa mga lugar na labis na tinamaan ng magkakasunod na bagyo.

 

 

Pangunahin sa mga paglalaanan nito ay ang relief distribution sa mga apektadong lugar.

 

 

Maaalalang sa loob lamang ng ilang linggo ay tatlong magkakasunod na bagyo ang nanalasa sa bansa kung saan milyun-milyong residente ang naapektuhan.

‘True Network’, mas pinalawak dahil may True TV at True Digital na rin

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAS masusubaybayan na ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo ang pinakamalalaking pangalan sa Philippine radio sa pinagkakatiwalaang news, public service, at entertainment programs ng True FM sa paglulunsad ng True Network ng True TV at True Digital nito.

 

Simula ngayon, matutunghayan na ng mga listeners ang paboritong nilang mga programa tulad ng Wanted sa Radyo, Ted Failon at DJ Chacha, at Sana Lourd sa True TV sa Channel 19 ng Cignal TV. Para naman sa mga mahilig mag-stream online, merong live at on-demand content na available sa True Digital YouTube channel, @TrueNetworkPH.

 

Patuloy namang maghahatid ang True FM ng dekalidad na radio content nationwide sa 105.9 sa Metro Manila, kabilang ang regional frequencies na 106.7 sa Davao, 101.9 sa Cebu, 101.5 sa Cagayan De Oro, 99.9 sa Ormoc, at 104.7 sa Tacloban.

 

“The True brand has always been about building trust and connecting with listeners on a personal level, through truth, authenticity, and credibility,” pahayag ni Jane Jimenez-Basas, President at CEO ng Nation Broadcasting Corporation.

 

“True Network reinforces this, aligned with our vision of a unified and meaningful presence for the best personalities in Philippine media.”

 

Kasama sa pinalawak na lineup ng True Network ang Heart 2 Heart, Cristy Ferminute, Good Morning Bayan kasama si Ruth Cabal, Frontline Pilipinas, Shoutout, Match Made, Dr. Love, at Sagot Kita.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Denzel Washington on the Epic World of “Gladiator II”

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

STEP back into ancient Rome with Denzel Washington, Paul Mescal, and Pedro Pascal in Gladiator II, directed by Ridley Scott. Experience the Colosseum’s power, only in cinemas December 4.

 

Prepare to be transported back to the glory and grit of ancient Rome as “Gladiator II” storms into cinemas this December. Starring Denzel Washington, Paul Mescal, and Pedro Pascal, this much-anticipated sequel revives the powerful saga of courage, loyalty, and fate in the Colosseum’s awe-inspiring arenas. Set to release on December 4, this Paramount Pictures film, distributed through Columbia Pictures in the Philippines, is already generating a wave of excitement.

 

 

In newly released featurettes, Denzel Washington, who joins the iconic saga, shares his awe for the immersive world crafted by the filmmakers. “Everywhere you turn, you feel like you’re in that world… I love that,” Washington enthuses about stepping onto the colossal Colosseum set, built to recreate the intensity and energy of Rome’s gladiatorial battlegrounds.

 

 

Academy Award nominee Paul Mescal and fan favorite Pedro Pascal join Washington in celebrating the rich storytelling and complex character arcs that will grip audiences anew. Each brings a fresh, dynamic portrayal to their roles, navigating the harsh realities and brutal politics of ancient Rome.

 

 

Director Ridley Scott returns to the helm, promising fans an intense visual spectacle filled with massive set pieces and emotional performances. Known for his keen attention to detail, Scott has reconstructed ancient Rome with painstaking precision. From the grandeur of the Colosseum to the atmospheric streets of Rome, the set design alone promises a cinematic journey into a world as haunting as it is beautiful.

 

 

Audiences in the Philippines will experience Gladiator II on the big screen starting December 4. Whether you’re a long-time fan or new to the saga, this film promises an unforgettable experience, brimming with power, pride, and pulse-pounding action. (ROHN ROMULO)

Ginang, 1 pa kalaboso sa halos P.3M droga sa Valenzuela

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects, kabilang ang 53-anyos na ginang matapos makuhanan ng halos P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drugs Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina “Espi”, 53, at alyas “Perli”, 52, kapwa residente ng lungsod.

 

Ayon kay Major Rivera, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Perli kaya ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan na isailalim ito sa validation.

 

Nang positibo na kumpirmado ang report, bumuo ng team si Major Rivera sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa ang buy bust operation, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station (SS7) na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa kahabaan ng Galas St., Brgy. Bignay dakong alas-2:04 ng madaling araw.

 

Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 41.92 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P285,056.00 at buy bust money na isang P1,000 bill at limang pirasong P1,000 boodle money.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang source ni alyas Perli ng droga. (Richard Mesa)

26 learning days, nasayang dahil sa mga magkakasunod na class suspension dahil sa mga kalamidad

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 26 learning days ang nasayang sa 2024-2025 school calendar dahil sa mga class suspension dulot ng magkakasunod na kalamidad na naranasan ng bansa.

 

 

Ayon sa Department of Education, halos lahat ng rehiyon sa buong bansa ay nakapagtala ng class suspension mula Agosto hanggang buwan ng Oktubre.

 

 

Kabilang sa mga kalamidad na nagdulot ng mahaba-haba at malawakang class suspension ay ang pagkalat ng mabigat na smog mula Taal Volcano, enhanced southwest monsoon, bagyong Ferdie at Gener, bagyong Enteng, at Tropical Storm Helen.

 

 

Naka-apekto rin ang ikinasang transport strike noong Setyembre; bagyong Julian, Severe Tropical Storm Kristine at Supertyphoon Leon.

 

 

Pinaka-apektado rito ang Calabarzon na may naitalang 26 school days na nawala. Sinundan ng Cagayan Valley at Central Luzon na kapwa may 24 days, at Cordillera Administrative Region na may kabuuang 23.

 

 

Una nang sinabi ng DepEd na sa pananalasa ng magkasunod na bagyong Kristine at Leon ay nasira ang kabuuang 2,445 classrooms kung saan 492 dito ay pawang mga totally damage.

 

47 indibidwal, idineklara ng Comelec na nuisance candidate para sa 2025 midterm elections

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 47 indibidwal ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance candidate para sa midterm elections sa 2025.

 

Noong nakaraang buwan, nakatanggap ang poll body ng 183 na certificates of candidacy (COCs).

 

Naglabas din ito ng paunang listahan ng 66 na indibidwal na ang mga pangalan ay maaaring isama sa opisyal na balota.

 

Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na plano nilang resolbahin ang lahat ng nuisance candidate na petisyon sa katapusan ng Nobyembre. ( Daris Jose)

7 timbog sa sugal at droga sa Valenzuela

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PITONG katao, kabilang ang 47-anyos na ginang ang arestado ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation kung saan apat sa kanila ang nakuhanan ng shabu sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni PSSg Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station (SS7) sina alyas “Ricardo”, 53, alyas “Nestor”, 23 at alyas “Imeld”, 47, matapos matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na “Tong-its” sa Blk 27 Lot 49, Northville 2, Harv, Brgy., Bignay.

 

 

Nasamsam sa kanila ang isang deck ng playing cards at P300 bet money habang ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Ricardo.

 

 

Dakong alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS5 sina alyas “Rodito”, 33, at alyas “Jepoy”, 33, na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa San Diego St., Brgy. Arkong Bato. Nakuha sa kanila ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P250 bet money habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsam kay ‘Rodito’.

 

 

Sa Brgy. Malanday, nadakip naman ng mga tauhan ng SS6 si alyas “Jer” habang nakatakas ang kalaro nito sa sugala na ‘cara y cruz’ sa D. Santiago Street, dakong alas-3:00 ng hapon. Nakumpiska sa kanya ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara P300 bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nauna rito, ala-1:30 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng SS9 si alyas “Berto” habang nakatakas ang kanyang kalaro sa sugal na ‘cara y cruz’ sa loob ng Karuhatan Public Cemetery sa Padrigal St., Brgy. Karuhatan. Nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng umano’t shabu, tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P300 bet money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng apat sa kanila. (Richard Mesa)

MAX, kinumpirmang legally separated na sila ni PANCHO

Posted on: November 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“WE’RE legally separated na. Yes, it’s official na. Yes, we are already,” pagkumpirma ni Kapuso actress Max Collins sa status nila ng ex-husband nq si Pancho Magno.

 

Ayon kay Max, naaprubahan sa Amerika ang diborsyo nila ni Pancho noong isang buwan.

 

Isang American citizen si Max kaya maaari siyang magsampa ng divorce.

 

Nauna nang nabalita noong April na napag-usapan nina Max at Pancho ang paghahain ng divorce.

 

Bukod sa pagiging nanay, isang certified “mompreneur” din si Max na kasosyo si Michelle Dee sa isang health and wellness company at magbubukas din siya ng Airbnb sa isla ng Boracay.

 

Ini-launch din siya kamakailan kasama si Ruru Madrid bilang brand ambassador ng global watch brand Titan.

 

“It’s so nice to juggle all of these different hats. I’m growing more as a woman through these different challenges that I have been facing,” sey pa ni Max.

 

***

 

NAG-CELEBRATE ng kanilang 9th anniversary sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

 

Sa Instagram post ni Kean, pinost niya photo nila ni Chynna na kuha ng daughter nilang si Stellar noong magbakasyon sila sa Vatican City.

 

“I’m so blessed to have found my soulmate. Thank you for nine beautiful years, @chynsortaleza. Happy anniversary! I love you,” caption ng singer-actor.

 

Sa isang separate post, pinost ni Chynna ang love and gratitude para sa mister.

 

“9 Years. That went by really fast.. I pray for a lot more years together. Mahal kita! @kean Salamat sa lubos na pagmamahal at pagpapatawa. Walang ibang nakakagawa niyan. Wala kang katulad!” caption ni Chynna.

 

2015 nang ikasal sa isang civil ceremony sina Kean at Chynna. Ang kanilang church wedding ay naganap noong 2017.

 

They are blessed with two children, Stellar and Salem.

 

***

 

KABILANG sa uupong judge sa 73rd Miss Universe pageant sa Mexico City ay ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco.

 

Nakilala si Cinco sa pagdamit niya sa mga international music artists na sina Beyonce at Jennifer Lopez. Nadamitan niya ang ilang Miss Universe winners tulad nila Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere of France, Demi-Leigh Tebow of South Africa and Andrea Meza of Mexico.

 

“Thank you, Miss Universe. Thank you, Lord. My Miss Universe journey began by dressing the extraordinary women who wore the crown — each one embodying beauty, strength, and purpose.

 

 

Today, I’m honored to take on a new role in this journey, helping to select the next inspiring queen.”

 

Makakasama ni Cinco bilang judges ay sina Lele Pons, Farina, Jessica Carrillo, Emilio Estefan, Romero Britto, Eva Cavalli, Gianluca Vacchi, Camila Guiribitey, Nora Stevens, Gary Nader and Miss Universe 1978 Margaret Gardiner.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)