DALAWANG bilang na kasong murder ang isinampa ng pulisya sa pangunahing suspek na pumaslang sa 6-taong batang lalaking may kapansanan at kanyang 43-anyos na ina kamakailan sa Valenzuela City.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
DALAWANG bilang na kasong murder ang isinampa ng pulisya sa pangunahing suspek na pumaslang sa 6-taong batang lalaking may kapansanan at kanyang 43-anyos na ina kamakailan sa Valenzuela City.
Nakatakdang magsagawa ng isang nationwide voter education roadshow ang Commission on Elections (Comelec) sa Lunes, December 2, 2024.
Ito ay bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.
Kasama sa roadshow ang mga live demonstration ng automated counting machine (ACM), upang maging pamilyar ang mga botante sa bagong teknolohiya.
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga bagong rehistrado at dati ng botante na maranasan kung paano gamitin ang ACM.
Tatakbo ang naturang roadshow hanggang January 30, 2025. ( Daris Jose)
Kung sakali man na may isinampang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay nasa bawat isang mambabatas na ang desisyon kung sususportahan ito.
“Lahat naman ng tao may karapatan na mag-file ng impeachment. Nasa kanya-kanyang konsensiya na ’yan ng bawat miyembro ng Kamara kung susuporta sila sa impeachment na may magpa-file,” ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun.
Nakaharap sa iba’t ibang alegasyon ang bise presidente kabilang na ang misuse ng confidential funds Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), at maging ang death threats laban sa Pangulong Bongbong Marcos.
Dahil dito ay nagsimulang imbestigahan ng Department of Justice, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.
Sinabi pa ni Khonghun na hindi pa pormal na pinag-uusapan ng liderato ng kamara ang usapin ng impeachment dahil sa abala sila sa mga gawain sa kongreso.
“Talagang gusto natin malaman kung ano ang katotohanan, gusto natin malaman yung mga nangyari patungkol siyempre sa confidential funds ng Office of the Vice President at saka sa confidential fund ng Department of Education,” dagdag nito.
Iginiit nito ang importansiya na mailabas ang katotohanan sa likod ng alegasyon ng maling paggamit sa P612.5 milyong confidential funds.
Nilinaw naman nni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon Committee, na hindi sila nakatanggap ng anumang komunikasyon mula sa liderato ng kamara ukol sa impeachment. (Vina de Guzman)
PINILIT talaga naming makarating sa first-ever major concert ni Juan Karlos na kilala rin bilang JK Labajo na ginanap sa SM MOA Arena, mereseng maraming kasabay na showbiz events, bukod pa sa sobrang trapik dahil ramdam na ang Christmas rush.
Ang ‘juankarlosLIVE!’ na prinodyus ng Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia Sanchez, na inabot nang halos tatlong oras ay punum-puno ng original songs na kinompos ni JK.
Pagpasok namin sa venue, naramdaman namin ang kakaibang concert vibes, na karamihan sa mga nanoood ay mga kabataan na mahihilig sa kakaibang musikang hatid ni JK.
Wala ngang kakaibang gimik o magarbong production numbers at stage design. Pero very GenZ ang bonggang pailaw at malaking LED screen. Kasama pa ang kuha ng drone na umiikot sa venue.
Napaka-simple ni JK na nakasuot lang ng t-shirt at jeans, at hindi na nakuhang mag-costume change dahil dire-diretso ang kanyang pagkanta.
Kakaiba para sa amin ang naturang concert sa mga napanood namin na OPM singers, malamang ganun din ang naramdaman ng marami. Atleast may kakaiba at hindi predictable ang mga mangyayari.
Ito talaga yun concert na parang nakikipag-jamming lang si JK sa kapwa musicians at litaw na litaw ang galing niya bilang rockstar, na bentang-benta naman sa kanyang fans, lalo na ‘pag nagti-tease na siya sa kanyang simpleng paggiling-giling.
May duet siya sa mga guest na sina Zild Benitez (sa kantang ‘Gabi’), Janine Berdin, na nag-opening act din, Kyle Echarri (virtual sa kantang ‘Kasing-kasing’), Paolo Benjamin of Ben&Ben para sa collab nila na ’Tapusin Na Natin ’To’, Moira sa awiting ‘Medyo Ako’ at Gloc-9 na first time nilang inawit ng live ang ‘Sampaguita’. Sa totoo lang napakalakas ng sigawan ng mga fans.
Of course, hindi rin kinalimutan ni JK ang cover song niya ng ‘Through The Years’ na naging theme song ng Netflix movie nila na ‘Lolo and the Kid’; at tulad ng pa-teaser niya before the concert, pinadama rin niya ang nakaka-inlove na version niya ng ‘Grow Old With You’.
Nagustuhan din namin ang bagong rendition niya ng ‘Buwan’ na kahit na ulit-ulitin niyang kantahin, sasabayan at sasabayan pa rin.
Pero meron siyang ginawang kakaiba na ikina-shock ng mananood, dahil pumunta si JK sa backstage na patuloy nakatutok ang camera, na akala namin ay magpapalit ng damit pero nagpunas lang ng pawis.
Kasunod nito ang paglabas niya ng MOA Arena para kantahin ang ‘Manhid’, nagsigawan talaga sa loob ng venue, na aliw na aliw sa nababaliw na pakulo ni JK.
Sa short video ni Bryan Dy ng Mentorque Production, may caption ito,
“Hahahaha kayo lang makakagawa nito! Hahaha iba amats niyo ikaw lang talaga ang producer Jojo Campo Atayde na sasakay sa trip ni juan karlos! Congrats aliw!
Sagot naman ni Sylvia, “Pareho lang kaming may TOPAK Hahaha kaya magkasundo. Thank u sa suporta Bryan Dy.”
Expected naman na ang magiging finale song niya, ang big hit na ‘Ere’, na talagang naman iniwan na niya ang audience after ng most-applauded song, na parang bitin sila sa halos tatlong oras na concert, dahil wala ng encore songs at biglang bumukas ang mga ilaw at signal na tapos na nga ang concert. At para sa amin, napatunayan talaga ni JK na kayang-kaya niyang magdala ng big concert, na balita namin ay inaayos ang concert series sa Australia, Canada at America, sa magaganap sa May to June 2025.
Sobrang happy siyempre ni Sylvia dahil hindi siya nagkamali na making producer ng first-major concert ni JK, na tatlong taong niyang niligawan at hinintay. At tama rin ang naging desisyon ni Juan Karlos na finally ay um-oo, dahil alam niya kaya na niya at nakapahanda na at lumakas na ang loob.
Sey pa ni Sylvia, kung magiging maayos ang lahat ay baka makaroon din ng repeat ang successful ‘juankarlosLIVE’ concert next year, na pupuwede itaon din ng November.
Congrats JK and Sylvia!
At dahil tapos na ang concert ang promo naman ng ‘Topakk’ ang pagkakaabalahan ni Ibyang, ang entry ng Nathan Studios sa 50th MMFF.
This week na ang presscon ng movie nina Arjo Atayde, Julia Montes at Sid Lucero, na may hinanda raw na bonggang pasabog.
(ROHN ROMULO)
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay parangal sa mga sundalo mula sa Southern Luzon Command (SOLCOM) para sa kanilang mga accomplishments o mga nagawa sa anti-insurgency campaign at disaster response.
“First of all, I would like to congratulate the awardees. We have just given the gold crosses, silver crosses, and the bronze cross for their good work,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa conferment rites sa Camp Gen. Guillermo Nakar sa Lucena City.
“I’m glad that we are performing. That recognition is because of your good work that you have done. So, congratulations for that,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.
Nabanggit din ng Pangulo na nagkaroon siya ng briefing mula sa SOLCOM Commander kaugnay sa pangkalahatang situwasyon sa ‘area of operation’ na iniatas.
Sinabi pa rin ng Pangulo sa SOLCOM troops na inaatasan ito na hawakan ang territorial defense sa gitna ng nagbabagong geopolitical situation.
“SOLCOM however has to reduce the insurgency threat to the barest minimum for the command to fully focus on territorial defense,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Kabilang naman sa mga recipient ng Golden Cross Medal ay sina 1Lt. Billy Canacan at 2nd Lt. Green Marc Augusto ng Philippine Army.
Para naman sa Silver Cross Medal, ang mga awardee ay sina Maj. Bryann Oria at 1Lt. Merjorie Ballesteros, mula pa rin sa Philippine Army.
At si TSgt. Noli Lomeda ng Philippine Air Force ay isa namang Bronze Cross Medal awardee. (Daris Jose)
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga food packs, tulong pinansiyal at medical services sa kaniyang personal na pagbisita sa 2,100 pamilyang na-displace dahil sa sumiklab na sunog sa residential area sa Purok Uno, Islang Puting Bato sa Tondo, Manila noong nakaraang linggo, Nobyembre 24.
Sa mensahe ng Pangulo sa idinaos na ceremonial event sa Rosauro Almario Elementary School, binigyang diin niya ang pangangailangan para iprayoridad ang kalusugan ng mga biktima ng sunog na inilikas at kasalukuyang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center kung saan personal ding kinamusta ng Pangulo ang kanilang kondisyon.
Nangako din ang Pangulo sa patuloy na paghahatid ng food packs at iba pang tulong hanggang sa muling maitayo ang kanilang mga bahay.
Tiniyak naman ni PBBM sa mga apektadong residente ang pangako ng national at local governments na mabigyan sila ng bagong mga bahay bago ang Pasko.
PREPARE to see The Philippines “that might have been” with The Kingdom, one of the most-awaited Metro Manila Film Festival (MMFF) entries this year.
This bold new film reimagines the nation as a land untouched by colonization, where a powerful monarchy still rules. Directed by Mike Tuviera, DGPI and produced by MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, and APT Entertainment Inc, the film tells an intense family drama set against the backdrop of the Kingdom of Kalayaan—a realm filled with tradition, secrets, and a fierce struggle for the throne.
At the heart of the story is Lakan Makisig, portrayed by Vic Sotto, a ruler wrestling with his own legacy while his kingdom faces upheaval. As tensions rise within the royal family, Sotto’s portrayal of the aging monarch reveals a man caught between tradition and the hope for a better future. Joining him is Piolo Pascual as Sulo, an outcast farmer who is shunned by society but becomes an unlikely hero in the kingdom’s quest for change.
The film’s powerful cast ensemble includes Cristine Reyes and Sue Ramirez as the strong-willed princesses Dayang Matimyas and Dayang Lualhati, respectively, alongside Sid Lucero as their brother Magat Bagwis, whose struggle with expectations ignites tensions within the family. Ruby Ruiz takes on the role of the Babaylan, the kingdom’s spiritual priestess, while Cedrick Juan plays a young Lakan in flashbacks that unveil the history of the royal family. Zion Cruz stars as Lakan Makisig’s grandson, bringing another layer of complexity to the family saga.
Other notable cast members include Iza Calzado, Art Acuña, Giovanni Baldisseri, and Nico Antonio, each delivering compelling performances that bring depth and authenticity to this reimagined world.
With stunning visuals that bring to life an alternate history of the Philippines, The Kingdom is poised to be one of the most talked-about films at the 50th Metro Manila Film Festival. This is a story of family ties, betrayal, and the struggle for power—one that will captivate audiences and leave them questioning what might have been.
Catch The Kingdom as it premieres this December25 at the MMFF 2024. Don’t miss this unique blend of family drama and a reimagined Philippines brought to life on the big screen.
(ROHN ROMULO)
SUPER happy ang aktor na si Baron Güneşler sa pagkapanalo niya bilang pinakamahusay na aktör sa katatapos na 39th Star Awards for Movies.
Ito ay dahil sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang “Doll House”.
Dahil dito ay lalong ganado raw ang aktor sa mga ginagawa niyang sunod- sunod na proyekto.
“İsa na namang inspirasyon ito sa akın. Kumbaga, lalo kung pagbubutihan at dapat lang na pagbuhusan at paghuhusayan ko pa ang pagganap sa mga ginagawa kong projects,” şey pa ni Baron.
Kasalukuyang ginagawa ng mahusay na aktör ang pelikulang “Danggo” at may dalawa pa siyang project na halos sanat sabay na ginagawa ni Baron.
Pero ayon pa rin kay Baron kahit super busy raw siya sa trabaho niya bilang aktor ay hindi raw naman niya nakakalimutan ang pamilya niya.
Aminado si Baron na mahalaga pa rin ang pagiging ama at aşama niya.
Gusto niyang tiyaking maayos ang lahat para mas madalas niyang makita si Sofia, pati na rin ang anak niya kay Jamie.
Ang maging responsableng ama habang nagpapakita ng galing sa larangan ng pelikula ay ang focus ni Baron.
Walang duda na maganda ang 2024 para kay Baron, at mukhang mas marami pa siyang pasabog na hatid sa mga susunod na taon.
Nakatakdang bumili raw si Baron Giesler ng bahay sa Maynila para mas mapalapit daw siya sa kanyang anak na si Sofia sa aktres na si Nadia Montenegro.
Gusto niyang mas makasama ito habang patuloy ang paggawa ng mga projects at kasabay na rin ang hindi maging pabaya sa personal na buhay.
“Ang hirap kasi talaga, mapalayo ako sa anak ko. Kaya naman talagang goal ko na magka-bahay sa Manila para mas madalas ko siyang makasama,” banggit pa ng mahusay na aktör.
Kasalukuhang sa Cebu naninirahan si Baron kasama ang kanyang asawang si Jamie at ang kanilang anak na ayon sa kanya ay kamukha raw ni Sofia.
Samantala, bukod pa rin sa mga gagawing major film projects ay may gagawin din daw teleserye si Baron under ABS-CBN.
May nakatakdang gagawin pa rin si Baron under Netflix, na nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikulang “Doll House” kung saan siya nagwagi bilang best actor.
Ipalalabas na rin ang pelikulang The Delivery Rider”
“Ang character ko dito, may high-functioning autism,” lahad pa ni Baron.
Pero may payo naman sa kanta ang director niya na magpahinga muna sa mga sobrang mabibigat na roles.
“‘Your psyche might be affected, your mental health,’ sabi niya sa akin, kaya I chose this role na mas grounded.” şey pa ni Baron.
Pero isa raw sa masasabing ambisyon mı Baron ay ang makasama muli sa isang project ang Star for All Seasons Vilma Santos.
Nakasama na ni Baron si Ate Vi sa pelikulang “Anak” kung şaan batang-bata pa si Baron noon.
Mabait na anak ni Ate Vi ang papel ni Baron sa award winning movie na yin kung saan kasama nila si Claudine Barretto.
Pero sa susunod na project daw sana niya with Ate Vi ay hindi lang daw super kontrabida ang gusto niya kundi siya raw ang magpapahirap nang husto sa aktres sa umpisa at ending ng pelikula.
***
SPEAKING of Ate Vi , ngayon pa lang ay excited na ang mga fans niya para sa “Uninvited” na kasama sa Metro Manila Film Festival this December.
Super bongga ang promotion and publicity ng nasabing movie. Halos lahat ng major national roads ay may malaking billboards ang movie.
Thanks sa producer na si Sir Bryan Dy na gagawin ang lahat para sa pinagkakautangan niya na pamilya Recto.
What this we heard, na may nakaplano na gagawing project na agad under Mentorque pa rin ang premyadong aktres.
Well… that’s Ate Vi!
(JIMI C. ESCALA)
Tinanggap ng Senado ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na maglaan ng P3.058 bilyon para sa 82 State Universities and Colleges (SUCs) sa susunod na taon.
Ito’y upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng pagpapatupad ng free higher education.
Tinanggap ang naturang panukala ni Gatchalian sa inaprubahang bersyon ng General Appropriations Act (House Bill No. 10800) para sa taong 2025 sa Senado.
Binigyang diin ni Gatchalian na makatutulong ang karagdagang pondo upang palawakin ang kakayahan ng mga SUCs na tumanggap ng mas maraming mga estudyante. Sa ganitong paraan, mas maraming mga kabataan ang makikinabang sa libreng kolehiyo.
Dahil sa dagdag na P3.058 bilyon, tumaas ng 13% ang kabuuang pondo ng free higher education para sa taong 2025 kung ihahambing sa inilaan ng National Education Expenditure o NEP.
Nagbabala din ang senador na kung kukulangin ang pondo ng free higher education, maaapektuhan at bababa ang kalidad ng edukasyon.
Mapipilitan kasi ang mga SUCs na pagkasyahin ang mga limitadong resources sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral, bagay na maaaring magdulot ng mga nagsisiksikang classrooms, dagdag na trabaho sa mga guro, at overuse ng mga pasilidad kagaya ng mga laboratoryo at aklatan.
Umaasa rin si Gatchalian ng iba pang output mula sa isang technical working group na magreresolba sa mga isyung may kinalaman sa kakulangan ng pondo ng free higher education. ( Daris Jose)
NANAWAGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sambayanang Filipino na kumuha ng lakas mula sa katapangan ni Gat Andres Bonifacio habang ang bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang mga hamon sa seguridad.
“His story of rising from humble beginnings to leading the fight against a formidable adversary resonates with the personnel of the DND, who are entrusted with the mandate to safeguard the sovereignty and territorial integrity of the Republic of the Philippines,” ang sinabi ni Teodoro sa isang kalatas.
Nakatakda namang ipagdiwang at gunitain ang ika–161 kaarawan ni Bonifacio, kilala rin bilang Great Plebeian, araw ng Sabado, Nobyembre 30, na may temang “Filipino Unity: Foundation for a Free and Prosperous People”.
“In the face of existing and emerging challenges to our national security, including external attempts to erode our independence from within, may we all continue to draw strength from Bonifacio’s courage, resilience, and love of country,” ayon sa Kalihim.
Hinikayat din nito ang lahat ng mga filipino na dakilain ang legado o ang pamana ni Bonifacio sa pamamagitan ng protektahan ang kaligtasan, kapakanan at kalayaan ng mga mamamayang filipino kung saan si Bonifacio at ang henerasyon ng mga bayani ay isinakripisyo ang kanilang buhay para sa bayan at sa mga mamamayan.
“As the founder of the Katipunan, Bonifacio championed the cause of freedom from oppression, the pursuit of equality, and the restoration of dignity for those who endured centuries of colonial rule,” ang sinabi ni Teodoro. (Daris Jose)