• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 16th, 2024

Skilled workers, hinikayat na mag-apply para sa CSC eligibility

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga skilled workers na mag- apply para sa eligibility para maging kuwalipikado sa ilang posisyon sa gobyerno.

 

 

Sinabi ng CSC, ang mga karpintero, mga tubero at mga electrician, bukod sa iba pa ay maaaring mabigyan ng pagiging kwalipikado sa skills eligibility Category II nang hindi kumukuha ng written exam.

 

 

 

Ang CSC Memorandum Circular No. 11, s. 1996, inemiyendahan ng MC No. 10, s. 2013 nagsasaad na ang kuwalipikasyon ng mga indibiduwal ay hindi nasusukat sa written exams.

 

 

Maaari ring mag-apply para sa skills elgibility ang automotive mechanic, heavy equipment operator, laboratory technician, shrine curator at draftsman.

 

 

“Eligible individuals must have a ‘very satisfactory’ performance rating for one year under a temporary appointment,” ayon sa CSC.

 

 

“However, this eligibility is limited to specified roles and is not equivalent to Career Service Professional or Subprofessional eligibilities,” dagdag na CSC.

 

 

Kabilang sa mga application requirements ay ang “accomplished CS Form 101-G (Revised 2013); tatlong magkakaparehong identification photos (kinunan sa loob ng tatlong buwan); original at photocopy ng isang valid ID; Philippine Statistics Authority-issued birth certificate; marriage certificate (if applicable); appointment paper na nagpapakita ng “temporary” status; sertipikasyon ng “very satisfactory” rating (two periods, gamit ang CSC-Examination, Recruitment, and Placement Office [ERPO] Cat. II Form No. 1); statement ng actual duties and responsibilities (CSC-ERPO Cat. II Form No. 2); at authenticated performance rating form (kinumpirma ng Performance Evaluation Review Committee).”

 

 

Ang aplikasyon ay kailangan na naihain isang linggo bago pa matapos ang one-year temporary appointment.

 

 

Samantala, sinabi ng CSC na pinapayagan lamang ang ‘late submissions’ kung ang aplikante ay nananatili sa parehong posisyon.

Higit P.5M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Liga, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Benson”, 45, tricycle driver ng Brgy. Karuhatan.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nagpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation.

 

 

Nang matanggap ang senyas mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-9:50 ng gabi sa kahabaan ng Rubber Master Road, Brgy., Lingunan.

 

 

Ayon kay PLT Johnny Llave na nananguna sa operation, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 75grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P510,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Ani SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at pagbabantay. Aniya, ang matagumpay na operasyong ito ay isang patunay ng kanilang pangako na gawing ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng pagbuwag ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

Halos P.4M droga, nasabat ng NPD-DDEU sa buy bust sa Valenzuela, 2 tiklo

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang itinuring bilang High Value Individual (HVI) matapos madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Allan”, 32, (HVI) at alyas “Lai”, 41, kapwa ng Brgy. Malinta.

 

 

Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation kontra kay alyas Allan matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activitiesa nito.

 

 

Kaagad pinasok ng mga tauhan ni Capt. Pobadora ang isang bahay sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta saka inaresto ang mga suspek dakong alas-8:13 ng gabi matapos matanggap ang senyas mula sa isang operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska kay alyas Allan ang humigi’t kumulang 56 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P380,800.00, P1,000 buy bust money, digital weighing scale at itim na silang bag.

 

 

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

 

Pinuri ni PBGEN Anthony Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO, ang kasipagan ng NPD sa ilalim ng pamumuno ni COL Ligan sa patuloy na kampanya laban sa illegal na droga kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pakikipagtulungan sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng komunidad.

 

 

Inihayag naman ng NPD ang dedikasyon nito sa pagpapanatili ng batas at kaayusan sa pagpuksa sa mga operasyon ng ilegal na droga upang mapaunlad ang isang mas ligtas na kapaligiran para sa komunidad. (Richard Mesa)

Bukod sa kaibigan ay Vilmanian talaga siya: SHARON, humabol sa personal na pag-endorso sa ‘Uninvited’ ni VILMA

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na bukod na may “special friendship” silang dalawa ng Star for All Seasons ay super Vilmanian ang aktres.

 

Kung kaya naman hindi kataka-taka na humabol si Sharon para sa kanyang personal na pag-endorso sa pelikulang “Uninvited” na kung saan bida ang paborito niyang aktres na si Vilma Santos.

 

At ang isa pa nakatutuwa dahil invited si Shawie sa naganap na Konsyerto Sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino.

 

Kaya nagkita-kita ang lahat sa Malacañang ng may mga kasaling movie at pati na rin ang mga invited guest and performers.

 

Marami ring mga nagmahal sa pelikulang Pilipino ang nakisaya sa nasabing pa konsiyerto sa opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas.

 

Balita pa naming isa sa mga siguradong aapir ay ang beteranang aktres na si Hilda Koronel (na kasama ni Sharon sa MMFF entry niya noon na ‘Crying Ladies’).

 

Pero may sitsit na nakarating din sa amin na ilan daw sa mga bida na kasali sa festival ay hindi raw nakarating sa affair na yun ng MMFF na in attendance pa naman si PBBM at first lady Liza Araneta-Marcos.

 

Tama ba ang ating narinig na ang tatlong kumpirmadong hindi makiki-Konsiyerto sa Palasyo ay sina Judy Ann Santos (Espantaho), Nadine Lustre (Uninvited) at Bituin Escalante (Isang Himala)?
Ano kaya ang dahilan?

 

Samantala, ayon sa nakausap naming may kinalaman sa 50th MMFF ay siguradong mas pinalaki, mas pinalawak at mas pinabongga pa ang gaganaping Parada ng mga Bituin sa December 21.

 

At bukod daw sa mga mga artista na kasali sa sampung kalahok for this year’s filmfest ay may mga special participation pa ang mga bibigating showbiz personalities na sasama rin sa parada.

 

Banggit pa nga ng action superstar at Senador Bong Revilla na umaasa siya na maimbitahan at magkaroon ng float ang TV show nilang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na nasa ikatlong season na ngayon.

 

Magsisimula ang parada sa Kartilya Ng Katipunan at magtatapos sa Manila Central Post Office.

 

Dadaan ang parada sa Natividad Lopez Street – kakanan sa P. Burgos – didiretso sa Jones Bridge – Quintin Paredes – Reina Regente Street, – daraan sa Recto Avenue – Abad Santos Avenue – Tayuman Street – Lacson Avenue – España Boulevard – Nicanor Reyes St. (Morayta) – C.M. Recto Avenue – Legarda Street – P. Casal Street – Ayala Boulevard – Taft Avenue – T.M. Kalaw Street – Roxas Boulevard P. Burgos Avenue – daraan sa Jones Bridge – Magallanes Drive hanggang makarating sa Manila Central Post Office kung saan ay magkakaroon ng libreng konsyerto at pagtatanghal ang mga artista ng pelikulang official entries sa MMFF.

 

Sa totoo lang, ang lalaki ng mga pelikulang kasali ngayong taon kaya naman inaasahang aabot sa kahit dalawang bilyon ang kikitain ng 10 official entries,l.

 

Kapuri-puri ang sigasig ng mga producer at mga artistang may entry sa 50th MMFF sa pangunguna ng “Uninvited “ at ng “Topakk” ni Arjo Atayde.

 

***

 

SPEAKING of Senator Bong Revilla nagkaroon kami ng pagkakataon na pasalamatan siya sa prescon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”.

 

Salamat kay kapatid na Gorgy Rula sa pag-imbita sa amin sa naturang prescon na ginanap sa Novotel.

 

Hindi kasi namin expected na magpadala si Sen. Bong at asawang Lani Mercado ng bulaklak para sa nakaburol naming ina last Nov. 9, and with matching financial help.

 

At pinasalamatan din namin si Sen. Bong sa tulong na pinadala niya para sa “feeding program” na proyekto namin para sa mga batang medyo kulang sa timbang at malnourished.

 

Pero ang nagpaluha sa amin sa nasabing presscon ay ang napanalunan naming cash prize na sa totoo lang hindi na kami umaasa na mananalo dahil sa mga pa-raffle ay bibihirang mabunot ang name namin.

 

Thank you so much Senator Bong.

 

And this is it.. pansit si Sen. Bong Revilla ang number one sa balota namin sa May 2025 Elections.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Lebron James, pinalawig ang kaniyang excused absence

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pinalawig pa ni Lakers star Lebron James ang kanyang excused absence.

 

 

 

Pagkatapos ito ng hindi paglalaro sa unang game ng season noong nakaraang Linggo dahil sa sore foot at ngayon ay hindi rin maglalaro laban sa Memphis Grizzlies sa Crypto.com Arena, Los Angeles, California.

 

 

Nababahala ang ilang miyembro ng Lakers dahil hindi mahihirapan silang maglaro ng matagal na wala si Lebron.

 

 

Ipinaliwanag ng head coach ng Lakers na si JJ Redick na may nakapaloob na personal reasons sa excused absence ni James.

 

Si Lebron na superstar ng Lakers, ay magdiriwang ng ika-40 na kaarawan sa December 30 at naiintindihan ng koponan ang kaniyang kalagayan.

 

 

Napansin ni Redick na nakakaranas ng labis na pagod si Lebron kamakailan.

 

 

Tinanggihan ng Lakers ang mga trade rumors dahil may no-trade clause si Lebron.

 

 

Hindi siya maaaring i-trade maliban kung hilingin niya ito.

 

 

Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan babalik si Lebron sa hard court.

Disaster response ng NDRRMC, LGUs, at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, dapat na scientific, innovative -PBBM

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni President Ferdinand Marcos Jr. na dapat na ibase sa science-based innovation ang disaster response ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

“It has become imperative that our Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) system undergoes continuous improvement to address evolving circumstances. It includes our individual obligation to follow proactive, vigilant, and adaptable strategies for our own and our communities’ safety,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang 24th Gawad KALASAG National Awarding Ceremony sa Pasay City.

 

“I once again call on the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) and all other concerned agencies and the LGUs – our always our first responders – to continue working together to develop innovative solutions that are science-based, that are sustainable, and are future-ready, and establish clear guidelines for more effective disaster-response,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Gayundin, sinabi ng Pangulo na ang inisyatiba para sa disaster response ay dapat na may gabay ng “Build Back Better” strategy sa ‘recovery, rehabilitation, at reconstruction.’

 

 

Sa kabilang dako, pinangunahan naman Pangulong Marcos ang pagbibigay ng Gawad Kalasag Seal at Special Awards for Excellence sa DRRM at Humanitarian Assistance.

 

 

Kinilala ng event ang iba’t ibang stakeholders para sa pagi-implementa at pagpo-promote ng DRRM, climate change adaptation, at humanitarian assistance programs, at maging ang pagkilala sa katapangan sakripisyo at kababaihan na ipinakilala ng mga indibiduwal grupo o institution bago, habang at matapos ang emergency situations resulta ng natural o human-induced hazards.

 

“Courageous, compassionate, and determined—our selfless volunteers faced strong currents to rescue those in need; you are the innovators who pioneered new technologies for disaster preparedness, organizations that championed people participation for a more [transformative] DRRM strategies, and decision-making that is ensured that every plan is done properly and is executed efficiently,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

Kabilang naman sa mga awardees ang mga estudyante na sina John Niño Suarez at Emer Jhune Donaire, na sa kabila ng walang sapat na pagsasanay sa water rescue, nagpamalas ng katapangan sa paggamit sa nasusunod na biktima.

 

 

“Tunay na kapuri-puri ang pinakita nilang tapang at karapat-dapat na tawagin sila bilang bayani,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

 

Bukod sa mga ito, kinilala rin ng Pangulo si Rafael “Paeng” Valencia para sa kanyang naging am bag sa pamamagitan ng ‘innovative policies, technological advancements, at transformative strategies sa climate change at DRRM.

 

 

Kabilang na rito ang paglikha sa 911 On Call Incorporated; ang Pailaw at Pabahay Program para makatulong sa reconstruction o muling pagtatayo ng mga bahay sa ‘remote at poor areas.’

 

Pinangunahan din ni Valencia ang inisyatiba hinggil sa mobile vaccination sa mga far-flung barangays.

 

Nauna rito tiniyak naman ng Pangulo na ang gobyerno ay ” on top of the situation” sa gitna ng kamakailan lamang na pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

 

 

Dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon, kagyat na inilakas ng gobyerno ang 45,000 residente palayo mula sa six-kilometer radius danger zone.

 

Target naman ng pamahalaan na ilikas ang 84,000 indibidwal, 11 araw bago ang Pasko. (Daris Jose)

5 todas sa sunog sa Navotas

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LIMA katao, kabilang ang mag-ina at tatlong estudyanteng babae na mga menor-de-edad ang nasawi sa naganap na halos isang na sunog na tumupok sa isang bahay sa Navotas City, Sabado ng umaga.

 

 

 

Kinilala ang mga biktima na sina Sarah Constantino, 41, kanyang anak na si Xylem Lorraine Constantino, 17, senior high, pinsan na si Ruthie Tongco, 11, grade 6, at magkapatid na sina Daniella, 13, grade 8, at Kayla Jocson, 12, grade 6.

 

 

Nagpaabot naman ng kanilang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa mga naulila si Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco.

 

 

Sa tinanggap na ulat ng Navotas City Public Information Office mula sa Navotas Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:02 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa hindi pa batid na dahilan sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy.San Roque.

 

 

Kaagad itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog kung saan idineklara itong under control alas-7:42 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-7:53 ng umaga.

 

 

Nang pasukin ng mga bumbero ang bahay, tumambad sa kanila ang walang malay na katawan ng mga biktima kaya kaagad silang isinugod sa Navotas City Hospital subalit, hindi na umabot ng buhay ang mga ito dahil sa pagkakalanghap ng usok.

 

 

Ayon sa Navotas BFP, walang tinamong sunog sa mga katawan ang mga biktima at wala ring palatandaan na naging biktima sila ng anumang uri ng karahasan.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy kung magkano ang halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog habang inalaam pa ang kung anu ang pinagmulan ng nasabing insidente.

 

Tiniyak naman ni Mayor Tiangco na magpapadala ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawi ang lokal na pamahalaan at sasagutin na rin nila ang libing o cremation ng mga biktima.

 

Nanawagan din ang alkalde sa mamamayan na maging maingat at mapagbantay ngayon panahon ng Kapaskuhan lalu na’t kabi-kabila ang mga sub-standard na ibinebentang Christmas lights. (Richard Mesa)

DepEd, tinapyasan ng P12 bilyong pondo ng Kongreso

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IKINALUNGKOT ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang desisyon ng Kongreso na tapyasan ng P12 bilyon ang pondo ng kanilang departamento, sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB).

 

 

 

Ang kanyang kalungkutan ay isinapubliko ni Angara sa isang paskil sa kanyang X official account.

 

 

“Sad to learn that both Houses of Congress have decided to decrease by P12 billion the budget the President proposed for DepEd for 2025,” tweet ni Angara. “This reverses a trend in recent years where Congress adds even more to the education budget (save for one year during pandemic).”

 

 

Ang naturang pondo ay magagamit sana aniya ng DepEd para sa libu-libong computers/gad­gets ng mga mag-aaral sa public schools.

 

Dismayado rin ang kalihim dahil tila mas pinahalagahan ng mga mambabatas ang mga imprastraktura kumpara sa edukasyon ng mga kabataan, matapos na dagdagan ng mga ito ng P289 bilyong pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

“Infrastructure is important but so is investing in our people and human capital. The digital divide will widen,” aniya pa. (Daris Jose)

Filipinas bumaba ang FIFA ranking

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Bumaba ang rankings ng Philippine women’s national football team.

 

 

 

Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon.

 

 

Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS.

 

 

Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay ang magkahalong resulta ng FIFA window noong nakaraang Oktubre.

 

Tinalo nila ang Jordan 3-0 subalit nabigo sila sa mas mababang ranking sa kanila na Kenya sa score na 4-1.

 

 

Ang pagkatalo sa Kenya ay isang malaking kagulatan kung saan pang-39 noon ang ranking ng FILIPINAS habang ang Kenya ay nasa pang-151.

 

 

Dahil din dito ay umangat rin ang ranking ng Kenya na nasa pang-149 na ngayon.

 

 

Ang Filipinas din ay siyang pang-pitong ranked team sa Asya kung saan ang pang walo ang Japan, Pang-siyam ang Korea-DPR, Australia pang-15, pang-17 ang China, pang-20 ang South Kora at pang-37 ang Vietnam.

 

 

Nananatiling nasa unang puwesto ang Olympic champion na USA na sinundan ng Spain habang ang Germany ay nasa pangatlong puwesto.

PBBM, ipinag-utos ang mas pinaigting na aksyon laban sa SMUGGLING ng AGRI PRODUCTS

Posted on: December 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at ang Department of Agriculture (DA) para paigtingin ang implementasyon ng Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.

 

 

Ipinalabas ng Pangulo ang kautusan kasunod ng pag-inspeksyon sa P178.5 milyong halaga ng smuggled mackerel sa Maynila, araw ng Sabado.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng pinaigting na aksyon laban sa smugglers na nakasisira sa

 

 

supply chain, labis na nakaaapekto sa presyo ng agricultural products sa lokal na pamilihan.

 

 

Binigyang diin ng Chief Executive ang pagkakasamsam sa smuggled mackerel tanda ng unang kaso na isinampa sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.

 

 

“Kaya’t ito ‘yung buong tinatawag na chain na kailangan nating buwagin,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“At ito’y, as I said, is the first case under the new law of the Anti-Agricultural Sabotage Act. So, I’ve spoken to our Bureau of Customs, and I’ve spoken to the Department of Agriculture and we have to keep going. Kailangang patibayin pa natin ito,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pag-inspeksyon sa 21 container vans ng frozen mackerel sa Port Area sa Maynila. Ang shipment ay naharang ng Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BOC sa Manila International Container Port (MICP).

 

 

Ang frozen goods, nagkakahalaga ng P178.5 milyon, nasamsam ng BOC sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng DA.

 

 

“Ang naging susi rito ay ang coordination between the different agencies. ‘Yun lagi ang pinakamahalaga because the different agencies were all working together, all the way up to the end. Because ang end-consumer nito, DSWD,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang mga nasamsam na mackerel ay ipamamahagi sa mga pamilya sa mga evacuation centers na apektado ng kamakailan lamang na sakuna.

 

 

Isasagawa ito sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang grupo gaya ng Bureau of Corrections (BuCor).

 

 

idineklara naman ng BFAR na ang mackerel ay angkop para sa human consumption.

 

 

Iniulat naman ng mga awtoridad na noong Sept. 28 at 29, may kabuuang 58,800 karton sa 21 containers ng frozen mackerel shipments mula Tsina ang dumating sa MICP.

 

 

Sinabi naman ng mga opisyal, na ang shipment, consigned sa Pacific Sealand Foods Corp., ay lumabag sa DA Memorandum Order No. 14, s. 2024, sinuspinde ang pagpapalabas ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa importasyon ng ‘scads, mackerel, at bonito.’

 

 

Nasamsam din ng BOC ang P5.87 bilyong halaga ng smuggled agricultural products mula July 2022 hanggang November 2024 bilang bahagi ng government efforts para tugunan ang agricultural sabotage.

 

 

Naghain naman ang ahensiya ng 250 kaso na may kinalaman sa agricultural products na nagkakahalaga ng P8.59 billion mula 2018 hanggang 2024.

 

 

Iniulat ng BOC ang apat na convictions na may kinalaman sa illicit importation ng agricultural products. (Daris Jose)