• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 27th, 2024

Be part of the magic as the “Wicked” sing-along experience is out in theaters on Jan 8

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

It’s finally here! “Wicked” invites fans and movie-goers to be part of the magic, as special sing-along screenings arrive in the Philippines starting January 8. Sing to the greatest hits of the film such as “Popular,” and “Defying Gravity.”

 

 

Watch the sing-along trailer: https://tinyurl.com/2s3ksp9a

 

 

Check out the ticketing sites of your local cinemas to reserve seats for “Wicked.”

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on “Wicked.”

 

 

About Wicked movie

 

 

After two decades as one of the most beloved and enduring musicals on the stage, Wicked makes its long-awaited journey to the big screen as a spectacular, generation-defining cinematic event.

 

 

 

Directed by acclaimed filmmaker Jon M. Chu (Crazy Rich Asians, In the Heights), Wicked is the first chapter of a two-part immersive, cultural celebration.

 

 

 

Wicked, the untold story of the witches of Oz, stars Emmy, Grammy and Tony winning powerhouse Cynthia Erivo (Harriet, Broadway’s The Color Purple) as Elphaba, a young woman, misunderstood because of her unusual green skin, who has yet to discover her true power, and Grammy-winning, multi-platinum recording artist and global superstar Ariana Grande as Glinda, a popular young woman, gilded by privilege and ambition, who has yet to discover her true heart.

 

 

 

The film also stars Oscar® winner Michelle Yeoh as Shiz University’s regal headmistress Madame Morrible; Jonathan Bailey (Bridgerton, Fellow Travelers) as Fiyero, a roguish and carefree prince; Tony nominee Ethan Slater (Broadway’s Spongebob Squarepants, Fosse/Verdon) as Boq, an altruistic Munchkin student; Marissa Bode in her feature-film debut as Nessarose, Elphaba’s favored sister; and pop culture icon Jeff Goldblum as the legendary Wizard of Oz.

 

 

 

The cast of characters includes Pfannee and ShenShen, two conniving compatriots of Glinda played by Emmy nominee Bowen Yang (Saturday Night Live) and Bronwyn James (Harlots); a new character created for the film, Miss Coddle, played by Tony nominee Keala Settle (The Greatest Showman) and four-time Emmy winner Peter Dinklage (Game of Thrones) as the voice of Dr. Dillamond.

 

 

 

Wicked is produced by Marc Platt (La La Land, The Little Mermaid), whose films, television shows and stage productions have earned a combined 46 Oscar® nominations, 58 Emmy nominations and 36 Tony nominations, and by multiple Tony winner David Stone (Kimberly Akimbo, Next to Normal), with whom Platt produced the blockbuster Wicked stage musical. The executive producers are David Nicksay, Stephen Schwartz and Jared LeBoff.

 

 

 

Based on the bestselling novel by Gregory Maguire, Wicked is adapted for the screen by the stage production’s book writer Winnie Holzman and by legendary Grammy and Oscar® winning composer and lyricist Stephen Schwartz. The Broadway stage musical is produced by Universal Stage Productions, Marc Platt, the Araca Group, Jon B. Platt and David Stone.

(ROHN ROMULO)

4 biktima ng “palit-ulo scam” sa Valenzuela, tumanggap ng tig P1-milyon

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na matapos ang pitong buwan mula noong unang nasiwalat ang “Palit-Ulo Scam”, nagkaroon na ng dayalogo at maayos na resolusyon sa pagitan ng Ace Medical Center at apat na biktima.

 

 

 

Bukod dito, nagpaabot din ang Ace Medical Center ng tulong pinansyal na tig P1 miylong sa mga biktima para mabigyan ng “closure” ang tinatawag na “palit-ulo scam.”

 

 

“I very much welcome the assistance na ibinigay ng ACE Medical Hospital sa ating mga biktima. Ang financial assistance na ibinigay nila last Friday para magkaroon na rin po ng closure ang ating imbestigasyon paukol sa scam,” ayon kay Mayor WES.

 

 

Noong Abril, sinabi ng lokal na pamahalaan na ang mga kasong illegal detention ay isinampa laban sa naturang hospital.

 

 

Sinabi ng isang complainant na si Lovery Magtangob, na dinala sa ospital ang kanyang hipag nang makaranas siya ng pagsusuka at hirap sa paghinga noong Pebrero 22. Namatay umano ang pasyente dahil sa thyroid storm at ilang komplikasyon matapos ma-admit sa ospital at intensive care unit (ICU) sa loob ng apat na araw.

 

 

Dahil sa hindi pa settled bill ang kanilang bill noon na nagkakahalaga ng P777,378, sinabi ni Magtangob na pinigilan siya ng isang security guard na lumabas ng ospital.

 

 

Ang isa pang nagrereklamo na si Richel Mae Pepito Alvaro, ay nagsabing pinigilan din siyang lumabas ng ospital, kahit para bumili ng pagkain, matapos mabigong bayaran ang mga bayarin sa medikal ng kanyang namatay na asawa na nagkakahalaga ng P518,519.

 

 

“It’s been seven months na ang ating mga biktima ay nagdadaan ng psychological, emotional anguish, and anxiety po at hindi naging madali itong seven months para sa ating mga biktima at sa ating mga kababayan. Marami po silang pinagdaanan,” ayon pa kay Gatchalian.

 

 

Sa pagbanggit sa ordinansa ng lungsod sa anti-hospital detention ordinance, pinaalalahanan din niya ang mga pribadong ospital sa Valenzuela City na igalang ang karapatang pantao ng mga pasyente, lalo na ang mga mahihirap, na umaabot sa kanila para sa medikal na atensyon.

 

 

Sa tulong pinansyal na ibinigay, sinabi ni Valenzuela City councilor Atty. Bimbo Dela Cruz na “malayang” nagpasya ang apat na biktima na bawiin ang kanilang mga reklamo laban sa pribadong ospital.

 

 

“Naayos na ho ang relasyon ng ACE Medical Hospital sa city hall. Naayos na rin ho ang relasyon nila sa apat na biktima natin. Kaya ho ‘yung apat natin na biktima, malaya at kusang loob silang umatras sa mga kaso na finile namin sa PhilHealth, DOH, Commission on Human Rights, sa piskalya,” ayon kay Dela Cruz.

 

 

Nang tanungin kung ang tulong pinansyal ay maituturing na “amicable settlement” sa pagitan ng dalawang partido, sinabi ni Dela Cruz na higit pa itong “regalo” sa mga biktima ngayong holiday season. (Richard Mesa)

PBBM at mga gabinete patuloy ang masusing pag rebyu sa 2025 nat’l budget

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPATULOY ang masusing pagre- review ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga economic managers at mga gabinete sa 2025 proposed national budget.

 

 

 

Ito ang sinabi ni Executive secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pagtiyak na naaayon sa itinatakda ng Konstitusyon ang aaprubahang budget ng Pangulo sa susunod na taon.

 

 

Ayon kay Bersamin, napakaingat ng Pangulo Hindi lamang sa pagpa- plano ng budget kundi kung paano din ito gugugulin lalo’t limitado ang fiscal sources.

 

 

Sinabi Bersamin na kanilang sisiguraduhin na una o prayoridad sa budget ang mga pangunahing legacy thrust ng administrasyon.

 

 

Una dito ay nagbigay na ng petsa ang Palasyo na target na gagawing paglagda sa GAA at ito ay sa darating na Lunes, Disyembre a trenta.

 

 

Una ng inihayag ng Pangulong Marcos na malaki ang naging pagbabago lalo sa mga budget request ng ilang mga government agencies.

 

 

Nais din ng Presidente na maibalik ang tinapyas na pondo ng Department of Education, subalit suportado nito ang zero budget para sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

 

 

No comment din ang Palasyo sa naging pahayag ni Senator Imee Marcos na sinabing “like a thief in the night” ang desisyon ng kaniyang kapatid na si Pangulong Marcos na aprubahan ang 2025 national budget.

 

 

Binalaan ng senadora ang kaniyang kapatid hinggil sa mga iligal na provisions sa P6.352 trillion national budget gaya ng pondo ng DPWH na lumubo sa P1.113 trillion na lumagpas sa P925 billion sa total budget para sa edukasyon.

 

 

Nais ni Sen. Imee na ibalik ng Pangulo ang GAB sa Congress bicameral conference commitee para ayusin ang mga problematic provisions.

 

 

Batay kasi sa 1987 Constitution ang Education ang makakatanggap ng pinakam mataas na budget sa General Appropriations Act. (Daris Jose)

LRT-2, pinaikli ang byahe ngayong Bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nagpatupad ng mas pinaikling byahe ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority ngayong Bisperas ng Pasko at maging sa Bagong Taon.

 

 

 

Ang naturang shortened operations ay para sa linya ng Light Rail Transit line 2 na nagsimula ngayong araw at muling ipapatupad sa December 31.

 

 

Layon ng hakbang na ito na mabigyan ang mga frontliners ng pagkakataon na mas maagang makasama ang kanilang pamilya para makapagdiwang ng Noche Buena at Media Noche sa mga nabanggit na araw.

 

 

Ang unang tren ay umalis kaninang alas alas-5 ng umaga ngayong araw at aalis parehong oras sa December 31.

 

 

Samantala ang huling byahe para sa mga tren na magmumula sa Antipolo Station ay hanggang alas 8 lamang ng gabi habang ang tren na mula sa Recto Station ay huling aalis pagsapit ng 8:30 PM para ngayong araw.

 

 

Para naman sa December 31 , ang huling tren ay aalis sa Antipolo Station pagsapit ng alas 7 ng gabi at 7:30 PM naman para sa tren na mula sa Recto Station. (Gene Adsuara)

PBBM, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang MMFF 2024

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sambayanang Filipino na tangkilikin ang mga ‘kwentong Pinoy’ bilang pagsuporta sa Metro Manila Film Festival 2024.

 

 

 

“Isama ang buong pamilya, buong barkada, at panoorin ang sampung pelikula na handog ng MMFF,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang panahon aniya ng Kapaskuhan ay panahon upang lalong magsama-sama at magmahalan ang bawat pamilya at ang bawat isa.

 

 

Ngayong Kapaskuhan aniya pa rin ay bibidang muli ang mga kwento ng lahing Filipino dahil ito aniya ay espesyal na selebrasyon ng ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival na bahagi na buhay at kultura bilang Filipino.

 

 

“Ang mga magagandang pelikulang kalahok ngayon ng Golden Year ng MMFF ay siguradong magbibigay ng gintong saya at mag-iiwan ng mga ginintuang aral,” ang winika ng Pangulo.

 

 

“Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Happy 50 years, MMFF! At muli, Maligayang Pasko po sa inyong lahat!,” ang pagbati ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

PBBM sa mamamayan ngayong Pasko: ‘Mamuhay ng may saysay at kabuluhan’

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa publiko na mamuhay ng may kabuluhan at may saysay.

 

 

 

Ito ang naging sentro ng kaniyang mensahe sa araw ng Pasko ngayong taon.

 

 

 

Ito ang panahon aniya ng pagbibigay ng pasasalamat sa sinuman o anumang relihiyon na kinakaharap.

 

 

 

Dagdag pa nito na bilang Pilipino ay mahalaga ang makauwi at muling makasama ang mga minamahal sa buhay at sariwaan ang mga biyaya ng nagdaang taon.

 

 

 

Hiling din nito na dapat ay patatagin ang pananampalataya at magkaroon ng mas malalim na relasyon kay Hesus Kristo.

Pasko ng pagkakaisa: Tagumpay sa gitna ng mga pagsubok – Speaker Romualdez

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ngayong Kapaskuhan, ipinaabot ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang taos-pusong pagbati nito ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo.

 

 

 

Ayon sa lider ng Kamara, ang panahong ito ay simbolo ng saya, pasasalamat, at pagmumuni-muni, at isang pagkakataon na maipagdiwang ang pagmamahal at pagkakaisa na nagbibigkis sa bawat isa bilang isang bansa.

 

 

Binalikan din ni Speaker Romualdez ang mga hamong pinagdaanan ng bansa, mula sa mapaminsalang bagyo at iba pang kalamidad na sumubok sa katatagan ng mamamayan, hanggang sa mga ingay at hidwaang pulitikal na nagtangkang magdulot ng pagkakawatak-watak, pero nanatiling matatag ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya ng bawat Pilipino.

 

 

Dagdag pa ni Speaker Romualdez, hindi naging madali ang taong ito, lalo na para sa mga nawalan at naharap sa matitinding pagsubok dulot ng magkakasunod na kalamidad.

 

 

Gayunpaman, ani Speaker Romualdez sa gitna ng kahirapan, nasaksihan din ng mga Pilipino ang mga kabutihan at bayanihan na nagbigay ng inspirasyon at nagpatibay sa buong komunidad.

 

 

Sa biyaya ng Diyos at sa hindi matitinag na katatagan ng sambayanang Pilipino, sinabi ni Speaker Romualdez na sama-samang nalampasan ang mga hamon at pagsubok na dumating.

 

 

Hinimok ni Speaker Romualdez ang bawat mamamayang Pilipino, na sa pagharap sa Bagong Taon ay bitbitin natin ang pangako ng mas maliwanag na bukas.

 

 

Umaasa rin si Speaker Romualdez na maghahatid ang liwanag ng Pasko ng kapayapaan, pagmamahal, at saya sa bawat tahanan at puso. (Daris Jose)

 

 

Christmas message ni VP Sara Duterte, sumentro sa pagpapatawad, pag-unawa, respeto at pagmamahal

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUMENTRO sa pag-unawa, respeto, at pagmamahal ang naging Christmas message ni Vice President Sara Z. Duterte.

 

 

 

Sa inilabas na video ng Office of the Vice President (OVP na tumagal ng halos dalawang minuto, sinabi niya na ang ang kapanganakan ni Hesus ay isang mensahe ng kapatawaran na sumasailalim sa walang kapantay na pag-ibig ng Diyos sa lahat.
Narito ang kaniyang buong mensahe:
“Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan!
Magandang araw sa inyong lahat.
Aking ipinapaabot ang aking taos-pusong pagbati sa bawat Pilipino ngayong Pasko.
Sa ating pagsariwa sa diwa ng Pasko, tayong lahat ay tinatawag upang maging mapagpatawad, bukas-palad, at mapagmahal sa ating kapwa.
Ang kapanganakan ni Hesus ay isang mensahe ng kapatawaran na sumasailalim sa walang kapantay na pag-ibig ng Diyos sa lahat. Gamitin natin ang kaniyang halimbawa bilang inspirasyon sa ating pakikipag-kapwa, lalo’t higit sa ating pamilya at mga minamahal sa buhay.
Higit sa mga materyal na bagay na ating matatanggap ngayong Pasko, tayo ay inaanyayahang magbigay ng pag-unawa, respeto, at pagmamahal sa bawat isa, lalo na sa mga mahihirap at may karamdaman.
Ito ang tunay na diwa ng panahong ito, at ito ay isang paalaala sa ating lahat, hindi lamang ngayong buwan ng Disyembre, kundi sa lahat ng araw.
Muli, ipinapaabot ko ang aking mainit na pagbati sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.
Malipayong Pasko ug Mabungahong Bag-ong Tuig kaninyong tanan!”
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
(Daris Jose)

VILMA, may kakaiba na namang pinakita sa ‘Uninvited’ pati na sina AGA at NADINE

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SHOCKING and daring ang isa sa nangungunang MMFF entry na “Uninvited l. “ 
Sa 55th bday party ng mayaman at naimpluwensiyang si  Guilly Vega portrayed by Aga Muhlach ay naganap ang lahat.
Pagpasok pa lang ay napakahigpit ng security at napaligiran pa ito nang mga mamamatay tao niyang mga takot sa kanya.
Kasama siyempre ni Guilly ang kanyang asawang nagtitiis dahil sa pera na si Mylene Dizon at ang anak na si Nadine Lustre na tanggap ang mga kalokohan ng ama.
Maiksi pero markado ang mga papel ng mga nagsiganap na mga  alipores na sina RK Bagatsing, Cholo Barretto, at Gio Alvarez.
Pero ang ‘Uninvited’ na si Eva Candelaria na ginampanan ni Vilma Santos ay nakapasok sa party na walang dalang anumang sandata para sa gagawin niyang paghihiganti kay Guilly na gumahasa at pinapatay nito ang anak niyang si Lily na ginagampanan ni Gabby Padilla.
Habang nagkakasayahan ang lahat naisagawa ni Ate Vi ang kanyang misyon na paslangin lahat at walang ititira sa naging dahilan sa pagkamatay ng anak.
Start pa lang ng pelikula at hanggang sa matapos ay sobrang nakaka-tense  ang mga eksena.
Kaya kung maysakit ka sa puso better still uminom muna ng maintenance nyo bago pumasok sa sine.
Given na pagdating sa aktingan isang Vilma Santos ang iniidolo ng kapwa niya artista pero dito sa “Uninvited “ ay super duper napakagaling ng aktres.
Worthy for another grandslam award.
Very surprising ang akting ni Aga Muhlach sa pelikulang ito, ang galing galing niya pati rin si Nadine Lustre another potential best supporting actress.
Mapapamura ka sa ipinakitang galing sa pag-arte ng tatlong bida
Hindi mo akalaing magagawa ‘yun ni Ate Vi, Aga at Nadine.
Ibang atake at sa ngalan ng paghihiganti, ibang Ate Vi ang mapapanood sa “Uninvited.“
Hindi rin naman papahuli at talaga namang ang galing rin ng mga suporta sa pelikula tulad nina Tirso Cruz III, Mylene, Cholo, RK, Cholo, at Ron Angeles.
***
SPEAKING of Metro Manila Film Festival ganun na lang ang panghihikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamumuno ni Chairperson at CEO Ms. Lala Sotto- Antonio.
Pinakiusapan niya ang lahat ng pamilyang Pilipino na suportahan at tangkilikin ang 10 pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) .
Ayon pa sa MTRCB chair na may malaking ambag ng mga lokal na pelikula pagda­ting sa pagpapakita ng kultura at pagiging malikhain ng mga Pilipino
Ayon pa rin sa kanya ay malaki ang partisipasyon ng MMFF bilang plataporma para sa mga direktor, producer, aktor at iba pang kasali sa industriya ng pelikula.
“Hindi lang isang taunang pista ng pelikulang Pilipino ang MMFF kundi isa rin itong selebrasyon ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang isang lipi,” sabi Chair Lala.
“Ang pagsuporta natin sa mga lokal na pelikula ay malaking tulong upang mas lumago pa ang industriya ng pelikula sa bansa,” dagdag pa niya.
Paalala pa rin ni Chair Lala ang mahalagang papel na gagampanan ng mga magulang at guardians para sa res­ponsableng panonood ng mga bata.
“Ating tiniyak na ang 10 pelikula na kasali sa MMFF ay nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Pero ang res­ponsibilidad para tama ang panonoorin ng mga bata ay nakasalalay sa gabay ng mga magulang at nakakatanda,” banggit pa ni Madam Lala Sotto.
(JIMI C. ESCALA) 

Sixers, pinayuko ang defending champion Boston Celtics sa Christmas Day games

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pinayuko ng Philadelphia 76ers ang defending champion na Boston Celtics sa Christmas Day games ng NBA, 118 – 114.

 

 

 

Hindi na nakapalag ang Boston sa 4th quarter offense ng Sixers sa kabila pa ng impresibong performance nina Jayson Tatum at Jaylen Brown.

 

 

 

Pinangunahan ng bagitong guard na si Tyrese Maxey ang Sixers at nagbuhos ng 33 points sa loob ng 41 mins na kaniyang paglalaro. Naging maganda rin ang kabuuang play ni Maxey at kumamada ng 12 assists, kasama ang 4 rebounds.

 

 

 

Sa muling pagkababad kay Embiid sa hardcourt, gumawa siya ng 27 points at siyam na rebounds, habang 23 points din ang kontribusyon ng forward na si Caleb Martin.

 

 

 

Sa kabila ng impresibong performance ng dalawang star ng Boston, nagawa ng Sixers na pataubin ito kahit na walong player lamang ang naglaro sa court.

 

 

 

Samantala, tulad ng inaasahan ay muling nagpakitang-gilas si Celtics forward Jayson Tatum at gumawa ng 32 points at 15 rebounds. Solidong 23 points at pitong rebound naman ang ambag ng kaniyang partner na si Brown.

 

 

 

Ang dalawang star player ay kapwa ibinabad ng mahigit 42 mins sa court at tanging sila lamang ang pinaglaro ng mahigit 40 mins.