• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 3rd, 2025

Disney+ sets a new benchmark for Korean original content with the release of “Lightshop Keeper,” a breathtaking series that has captured hearts worldwide

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

Lightshop Keeper, the brainchild of Moving creator Kangfull, debuted on December 4, 2024, and quickly soared to unparalleled heights. In just 12 days, the series became the biggest Korean original premiere on Disney+ globally in 2024, and the second biggest Korean original debut of all time, trailing only behind Moving.

The show’s record-breaking success showcases the global appetite for compelling Korean storytelling, further solidifying Disney+ as a hub for premium Korean content.

At its core, Lightshop Keeper follows six strangers, each wrestling with traumatic events from their past. As their daily routines unravel, an unshakable feeling of unease propels them toward a mysterious light shop hidden in a shadowy alleyway.

This enigmatic shop holds the answers to their questions, leading to a deeply emotional journey that intertwines their past, present, and future. With its gripping plot, Lightshop Keeper promises not just suspense but a poignant exploration of humanity, healing, and connection.

The series boasts a stellar cast, including: Ju Jihoon (Kingdom), Park Boyoung (Strong Woman Do Bong Soon) and Lee Jungeun, the award-winning actress from Parasite

Their captivating performances elevate the series, leaving viewers deeply invested in every twist and turn.

The triumph of Lightshop Keeper follows an electrifying announcement at the 2024 Disney APAC Content Showcase: Moving Season 2 is officially in development!

Looking ahead to 2025, Disney+ promises an exciting slate of Korean originals, including: Unmasked, featuring Kim Hyesoo, Jung Sungil, and Joo Jonghyuk, Hyper Knife, starring Park Eunbin and Sul Kyunggu, Knock-Off, with Kim Soohyun and Cho Boah and Nine Puzzles, starring Kim Dami and Son Sukku

This growing lineup reflects Disney+’s commitment to showcasing exceptional stories from South Korea’s finest talents.

Experience the mystery and emotion of Lightshop Keeper. All eight episodes are now streaming exclusively on Disney+.

(ROHN ROMULO)

Nagkaayos na kaya magkasama noong Pasko: SHARON at KC, masayang sinalubong ang pagpasok ng bagong taon

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISA kami sa natutuwa dahil magkasama nung kapaskuhan ang nagkatampuhang mag-ina na si Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Siyempre happy rin ang mga Sharonian dahil masaya ang pasok ng taong 2025 dahil  nagkaayos na ang mag-ina.
Sa post ni KC ay binanggit niya na best Christmas ever daw niya iyon.
Nag-post rin si KC ng mga nangyayari sa buhay niya nung nakalipas na 2024 at sa caption niya ay nagpasalamat pa siya dahil nagkaayos na silang mag-ina.
Makikita sa video ni Sharon habang nilalaro ang furbabies ni KC na sina Churro at Chica.
Dagdag pa ng aktres na perpect way raw iyon para sa pagbubukas ng panibagong taon.
Siyempre ganun na lang ang pasasalamat ni KC sa Itaas dahil ang ganda raw ng timing nito.
“Forever yours, my mama.” Banggit pa ni KC Concepcion.
Ni-repost naman yun ng Megastar kasabay ng greetings sa panganay na anak, “Happy New Year, my baby! I love you.”
Nag-post din si Sharon ng litrato nila ni KC na may caption na “Baby #1 of 4 and me”
Pero kaloka lang dahil may mga netizens na tila ayaw nilang maging masaya ang mag inang Sharon at KC.
Ayon sa mga ito ay bumabalik lang daw si KC sa nanay niya kapag may problema siya sa pag-ibig.
Pati ang asawa ni Mega na si Senator Kiko Pangilinan ay iniintriga din ng netizens.
Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin nagkakaayos sina KC at Sen. Kiko.
***
VERY much happy pa rin kami sa mga kaibigang newscaster na si Adrian Ayalin.
Si Adrian na ang bagong news anchor ng ‘TV Patrol Weekend’ simula sa Sabado, Enero 4, 2025.
Makakasama ni Adrian bilang kanyang co-anchor na si Zen Hernandez sa paghahatid ng mga maiinit na balita sa loob at labas ng bansa tuwing Sabado at Linggo.
Nag-umpisa si Adrian early year 2000 bilang tagahatid balita sa “Express Balita” ng channel 13. Kasama niya ang then newscaster din noon na si Precious Hipolito.
Inagaw ng pulitika si Precious pero si Adrian ay nagtuloy-tuloy at lumipat sa Kapamilya network.
Nag-message kami kay Adrian congratulating him.
“Hehe salamat Kuya Jimi. Nahiya ako haha, thank you sa mga bosses  ko sa ABS CBN”, sey pa niya.
Hasang-hasa na si Adrian bilang isang mahusay na mamahayag ng ABS-CBN News magmula 2004, kung saan siya ang nakatoka sa pagbabalita ng mga pangyayari sa mga sangay ng gobyerno, pati pagtalakay sa mga hagupit ng kalamidad, armadong hidwaan, at iba pa.
Kasabay rin ng kanyang tungkulin sa ABS-CBN News, malugod din niyang ipinamamahagi ang kanyang kaalaman sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, kung saan din siya nagtapos bilang Cum Laude ng Broadcast Communication.
Pakatutukan ang mga maiinit na balita at impormasyon kasama sina Adrian at Zen sa ‘TV Patrol Weekend’ tuwing Sabado at Linggo, 5:30 ng hapon sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV, ANC, Radyo 630/Teleradyo Serbisyo, at digital platforms ng ABS-CBN News.
(JIMI C. ESCALA)

Itinuloy ang pag-aartista dahil sa isang pelikula: ROYCE, muntik nang mag-quit at magtrabaho na lang sa ibang bansa

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MUNTIK na palang magtrabaho sa ibang bansa si Royce Cabrera kung hindi pa dumating ang isang pelikula na magpapabago ng career niya.
Ilang taon na rin daw siyang nakakontrata noon sa Star Magic ng ABS-CBN 2 pero wala raw nangyayari.
Noong naka-graduate siya sa kursong BS Construction Engineering and Management from Mapúa University, naisip na niyang magtrabaho sa Singapore kung nagtatrabaho ang mga magulang niya.
“Humingi ako ng sign. ‘Pag nakuha ako doon sa lead role sa pelikulang Fuccbois sa Cinemalaya, ituloy ko ang showbiz. Kung hindi ako nakuha, aalis na ako talaga,” sey ni Royce.
Noong mapunta kay Royce ang role at nakakuha siya ng ilang acting nominations para sa ‘Fuccbois’, lumipat siya sa Sparkle GMA Artist Center kunsaan sunud-sunod ang projects niya.
Kasalukuyang napapanood si Royce sa ‘Widows’ War’ sa GMA Prime at sa blockbuster MMFF official entry na ‘Green Bones’ ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na kung saan naghakot ito ng awards, kasama ang Best Picture.
***
NAKIISA ang mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko ng American singer, songwriter, record producer, na si Mariah Carey.
Sa “X” na dating Twitter, binati ni Mariah ng Maligayang Pasko ang kanyang “Filipino lambily.”
“Merry Christmas to my festive Filipino lambily!” saad sa caption nang irepost niya ang video ng Sony Music Philippines na nagpakita ng isang Filipino community choir na kumakanta ng kanyang sikat na awit na pamasko na “All I Want For Christmas Is You,” sa isang mall sa Pasay City.
Nitong nakaraang September, nakisali si Mariah sa mga Filipino lambs sa maagang pagdiriwang ng Pasko, at nagbahagi ng isang site na nakalaan para sa Pilipinas, na may mga link na maaaring pakinggan ng fans ang kaniyang kanta na “All I Want For Christmas Is You.”
Noong nakaraang taon, tumaas ang bilang ng streams ng awit ni Mariah sa Spotify at sinabi niya na, “I’ll allow it for my Filipino lambs.”
Tinatayang mahigit 2 billion streams na sa naturang streaming platform ang kanta niyang “All I Want For Christmas Is You.
***
KAHIT divorced na, friends pa rin ang ex-Hollywood couple na sina Jennifer Lopez and Ben Affleck.
Kailan lang ay nakita silang dalawa na nag-e-exchange gift sa Soho House in Los Angeles last December 22.
“Jennifer arrived with family members for a late lunch. Ben and Jennifer are still connected, and they do communicate when it involves their kids. They have every intention of continuing to be in each other’s lives despite not being romantically involved,” ayon sa report ng Page Six.
Sa interview ni J.Lo sa British Vogue, ini-embrace na lang daw niya ang pagiging divorced for the fourth time.
“I think the way I overcome things is not by thinking of them as happening to me but happening for me and what is the lesson that needs to be learned in the moment. There are no coincidences. This is not happening, you know, just randomly. It’s happening for a reason. What can I learn and how can I come out the other side better, stronger, more knowledgable, and kind of evolve and grow.”  (RUEL J. MENDOZA)

Binusog siya ng 2024 nang magagandang ganap: JUDY ANN, unforgettable ang pagtatapos ng taon dahil sa best actress award

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGING maganda nga ang unforgettable ang pagtatapos ng 2024 sa Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos dahil sa pagwawagi niya bilang best actress sa Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival para sa napakahusay niyang pagganap sa “Espantaho” na mula sa Quantum Films.

Naging emosyonal nga si Juday nang i-announce na siya ang nanalong best actress at kinabog sina Vilma Santos at Aicelle Santos, na sinasabing matindi niyang nakalaban.

Hindi pa rin daw niya maipaliwanag ang nangyari.

Sey pa niya, “sa lahat ng awards night sa maniwala man or hindi, may parte ng puso mo na hindi ka maniniwala pero may parte ng puso mo na kumakapit na sana.

“Ang cliche sabihin na mapabilang ka sa history ng MMFF 50, ‘yun pa lang ang sarap ng pakinggan. Pero makapag-uwi ka ng award na ganito kabigat in this historic MMFF, walang kapantay, walang kapalit. It’s so good to be part of this history.”

Sa kanya namang Instagram post, ibinahagi ni Judy Ann ang ilang mga litrato nang important milestones ng kanyang buhay sa lumipas na taon.

Panimula niya sa post, “2024… grabe ka.. binusog mo ang buong taon ko ng napakaraming masasayang ganap, from JAK’s comeback.. to memorable trips.. to countless chefs nights.. to great projects.. to new clients, realizations and challenges.. napakaraming dapat at patuloy na ipagpasalamat…”
Pagpapatuloy ng premyadong aktres, “hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa pinaka malaking pasabog mo.. ang mapasama at makapag uwi ng tropeo ng mmff50 para sa “ESPANTAHO”! 
“Naluluha pa rin ako pag naiisip ko, kung gaano kakulay itong taong to.. sa bawat isang taong nakasama at nakatrabaho ko.. maraming maraming salamat.. nakaukit kayo sa puso ko.. at lahat ng ito.. hindi posible, kung hindi dahil sa pinaka magandang biyaya sa buhay ko.. ryan, yohan, lucho and luna.. kayo ang buhay ko. 
“Maraming salamat po Panginoon sa patuloy na pag gabay at pag protekta… nakahanda ako sayo 2025!”
Excited na nga si Juday ngayong 2025, at hindi raw siya magpaplano tulad ng ginawa niya sa 2024, dahil ipapaubaya na lang ito sa Diyos.
Patuloy pang mapapanood ang ‘Espantaho’ sa mga sinehan hanggang January 7.  Pagkatapos ng 50th MMFF, ang ten entries kasama ang iba pang Pinoy films ay mapapanood naman sa 2nd Manila International Film Festival mula January 30 hanggang February 2, 2025, ipalalabas ito sa TCL Chinese Theatre sa Hollywood at magkakaroon ng bongga at star-studded gala sa The Beverly Hilton, Beverly Hills.
(ROHN ROMULO)

Boston, ipinatikim sa Toronto ang 54-point loss ngayong Bagong Taon

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

DUMANAS ng 54-point na pagkatalo ang Toronto Raptors sa New Year match nito sa Boston Celtics, 125 – 71.
Walang-awang tinambakan ng Boston ang Raptors mula pa sa unang quarter habang nililimitahan din nito ang kalaban sa 31.4% shooting gamit ang mahigpit na depensa.
Sa kabuuan ng laban ay kumamada kasi ang Boston ng 14 steals at pinilit nito ang mga player ng Toronto na gumawa ng 21 turnover.
Dinomina ng Boston ang 3-point line at paint area, habang mahigpit nitong binantayan ang opensa ng kalaban: 22 3-pointers ang naipasok ng defending champion habang sampu lamang ang kasagutan ng kalaban; 44 points ang naipasok nito sa paint habang 26 lamang ang nagawa ng Raptors.
Bagama’t 29 mins. lamang na naglaro sa hardcourt, nagawa ni Jayson Tatum na pangunahan ang kaniyang koponan sa pamamagitan ng 23 points at walong rebound.
Sa 13 players ng Boston na naglaro laban sa Raptors, 12 sa kanila ang nagawang magpasok ng puntos. Tanging ang batikang sentro na si Al Horford ang hindi nakagawa ng puntos, at tanging anim na rebound at apat na assists ang kaniyang kontribusyon.
Naging malamiya ang opensa ng Raptors sa kabuuan ng laro kung saan sa ikalawang quarter lamang nakagawa ang koponan ng 20-point performance. Pawang below 20 points na ang naipasok ng mga players sa tatlong quarter.
Tanging si Scottie Barns ang gumawa ng double-digit score, kasama ang 13 rebounds. Pawang single digit na ang kontribusyon ng iba pang players. Ito na ang ika-26 na pagkatalo ng Raptors ngayong taon habang napako na sa pito ang panalo nito.
Hawak naman ng Boston ang 24 – 9 na kartada.

Philippine men’s national football team humingi ng pagdarasal sa laban nila sa Thailand

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

HUMIHINGI ng pagdarasal ang Philippine men’s national football team dahil sa hindi pa tapos ang kanilang trabaho matapos na maitala ang makasaysayang panalo kontra sa Thailand para sa firstl leg ng ASEAN Championship.
Ayon kay Philippines coach Albert Capellas, na isang laro lamang ito at mahalaga na maulit ang panalo sa home court ng Thailand na gaganapin naman mamayang gabi.
Pagtitiyak niya na gagawin nila ang lahat ng makakaya para manalo.
Hindi naman nila ikinakaila na underdog sila dahil sa homecourt ng Thailand War Elephants ang kanilang susunod na laban.
Magugunitang nitong Biyernes ng maitala ng Men’s football team ang makasaysayang panalo 2-1 sa Thailand na ito ang unang pagkakataon na tinalo nila ang koponan sa loob ng 52 taon.

Ecozone, tinitingnan bilang naval base site sa Mindanao

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

KUMPIYANSA ang namamahala ng state-owned Phividec Industrial Authority (PIA) na magagawa nitong i- accommodate ang plano ng national government na magtatag ng naval base sa loob ng 3,000-hectare industrial estate sa Misamis Oriental province.
Sinabi ni PIA administrator Donato Bernedo na may pag-uusap na sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at Philippine Navy kaugnay sa pagtukoy ng angkop na alokasyon para sa pasilidad, kung saan magkakaroon ng ‘mixed military at civil defense uses.’
Ang Phividec estate, sumasaklaw sa kabuuan ng mga bayan ng Tagoloan at Villanueva ay isang economic zone na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority.
Inilatag naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa publiko ang plano ng gobyerno noong nakaraang Nobyembre, sabay sabing ang base, kapag naitatag, ay magiging pinakamalaking naval facility sa Mindanao na magsisilbi bilang operational nerve center ng Philippine Navy sa rehiyon.
Magkakaroon ito ng dockyard para sa ship maintenance upang matiyak ang ‘fleet readiness’ at magsisilbing host ng disaster response hub.
Winika ni Teodoro na target nilang tapusin ang pasilidad sa 2026 lalo pa’t ang pondo sa pamamagitan ng Office of the President (OP) ay nakahanda na.
Ang Phividec industrial estate ay nakahimlay sa 30 kilometro mula sa Lumbia air base sa Cagayan de Oro City, isa sa mga instalasyon na sakop ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng bansa at Estados Unidos.
Pinahihintulutan nito ang paparating na naval facility para mag-complement sa Lumbia airbase’s logistics function, kapuwa para sa military at civil defense purposes.
Maliban sa pagho-host ng Philippine Air Force wing, ang Lumbia facility ay nakatakdang mag-host sa operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sinabi ni Bernedo, kabilang sa mga lugar na tinukoy para sa naval base ay ang 300-ha property na may 800 metro ng sea frontage na dati ng ginagamit bilang reserved para sa isang integrated steel milling venture na hindi naman natuloy.
Ang lugar ay mayroong deep-sea capability, ayon kay Bernedo, na naging kaakit-akit para sa naval base planners.
Subalit, nilinaw nito na habang sila ay masigasig na makatulong na tukuran ang defense capability ng bansa, hangad din nila na itugma ang pasilidad sa demand ng 200 existing business locators sa industrial estate.
Kamakailan lamang, nilagdaan ng PIA ang isang kasunduan para sa 25-year extension ng operasyon ng Mindanao International Container Terminal Services Inc. (MICTSI) ng Mindanao Container Terminal, main international trading platform ng rehiyon.
Kasama ang kontrata, ang MICTSI ay nakatakdang mag- invest ng $100 million para palawakin ang berthing capacity ng daungan para ma- accommodate ang mas malalaking mga vessel at maging ang itaas ang kapasidad ng terminal para pangasiwaan ang mas maraming cargo. (Daris Jose)

Pag-unlad ng sektor ng agrikultura, pinuri ni Tiangco

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINURI ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa ilalim ng pinaigting na pagsisikap ng administrasyong Marcos sa pagpapaunlad at reporma sa agrikultura.
Binigyang-diin ni Tiangco ang tagumpay ng National Food Authority (NFA) sa pagkamit ng 95% sa imbentaryo ngayong taon, na nakaipon ng mahigit 5 milyong 50-kilogram bags na bigas na eksklusibong galing sa mga lokal na magsasaka.
“Patuloy po nating nararamdaman ang bunga ng mga programang pang-agrikultura ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa tulong ng mga batas at repormang isinulong ng Pangulo, masisiguro natin na maganda ang takbo ng sektor ng agrikultura at higit sa lahat, ang pag-unlad ng buhay ng ating mga magsasaka,” pahayag niya.
“NFA’s ample buffer stocks also means the agency is ready to release supplies to help in relief efforts during emergencies and calamities. Napapanahon po ito dahil patuloy din ang paghahanda ng pamahalaan sa nagbabadyang pagputok ng Mt. Kanlaon,” dagdag niya.
Binanggit ni Tiangco na batay sa inamyendahang Rice Tariffication Law, ang NFA ay inaatasan na magpanatili ng 15-araw na buffer stock upang mapanatili ang mga disaster relief programs at matugunan ang mga hamon sa food security.
Ang stock na ito ay katumbas ng 300,000 metric tons ng milled rice, ang target na imbentaryo ng ahensya para sa 2024 at 2025.
Dagdag pa rito, nagpahayag ng kumpiyansa si Tiangco na susundin ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang direktiba ni Pangulong Marcos para sa mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No. 12022, na kilala rin bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
“The president’s marching orders are clear—strengthen action against smugglers who disrupt the supply chain and cause spikes in the prices of agricultural products in the local market,” ani mambabatas.
“We prioritized passing this law to make sure that concerned agencies will be empowered to safeguard the livelihood of Filipino farmers and fisherfolk while ensuring affordable food for every Filipino,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Pinas, nagsara ang 2024 na may malakas na paglago ng pagmamanupaktura

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

PATULOY na lumawak ang manufacturing sector ng Pilipinas nito lamang Disyembre sa pagtatapos ng taon na may rate na huling nakita noong April 2022 sa likod ng mas mataas na ‘output’ at bagong kautusan, resulta ng pinakabagong survey na ginawa ng S&P Global, ipinalabas araw ng Huwebes.
Ang headline S&P Global Philippines Manufacturing PMI ay nakakuha ng 54.3 noong Disyembre, mas mataas kaysa sa 53.8 noong Nobyembre.
Tumutugma ito sa kaparehong pag-aaral na naitala noong April 2022, at joint-strongest simula noong November 2017.
“A reading above the 50.0 threshold indicates an expansion, while levels below indicate a contraction,” ayon sa ulat.
“The Filipino manufacturing sector ended 2024 on a positive note, with further improvements in demand resulting in sharp and significant increases in new orders and output,” ang winika naman ni S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch.
Ang Output at bagong order growth ang pinakalamakas sa 32 buwan, suportado ng tinatawag na “anecdotal evidence of robust” na mahalaga sa ‘demand trends, product diversification, at bagong client acquisitions.’
Mayroon ding ‘renewed increase’ sa demand mula sa international markets habang ang bagong export orders ay tumaas sa unang pagkakataon sa loob ng limang buwan.
“Firms also expanded their purchasing activity to meet production requirements. December highlighted a moderation in inflationary pressures, marking a shift from the spike observed in November. In fact, cost burdens and output charges rose at historically muted rates,” ang sinabi pa rin ni Baluch sabay sabing “while higher costs for materials and suppliers were mostly passed onto clients, the survey results showed that there was a renewed moderation in inflationary pressures after the peaks seen in November as cost burdens rose at a rate below historical average.”
“While production efficiency allowed manufacturers to stay on top of tasks at hand, it also led to a slight drop in employment, thereby ending a three-month streak of job creation. However, this could be a temporary blip, especially if demand remains resilient as anticipated throughout 2025,”ang pahayag ni Baluch.
Iniulat naman ng mga respondent ang isang minor decrease sa kanilang hiring, habang pinanatili ng mga kompanya ang mga nagawang manatiling nangunguna sa kanilang workloads kahit pa mas marami ang bagong kautusan sa panahon ng backlog depletion rate na itinuturing na ‘most pronounced’ sa loob ng 13 buwan.
Ang opisyal na government data sa manufacturing sa ilalim ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ay nakatakdang ipalalabas sa Pebrero 7, 2025. (Daris Jose)

Makakatanggap na ngayong 2025… DBM, aprubado ang P7-K medical allowance para sa mga gov’t worker

Posted on: January 3rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAKATATANGGAP na ngayon ang mga empleyado ng gobyerno ng medical allowance matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang guidelines o mga alituntunin sa pagkakaloob ng P7,000 medical allowance para sa 2025.
Ayon sa DBM, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang Budget Circular 2024-6, ang magpapalabas ng guidelines, rules and regulations hinggil sa pagkakaloob ng medical allowance.
Ang pagkakaloob ng medical allowance ay nakahanay sa Executive Order (EO) 64 s. 2024, kung saan nakasaad din ang umento sa sahod ng mga government personnel, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Agosto 2, 2024.
“This is a promise fulfilled,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Ang annual medical allowance ay ipagkakaloob sa mga kuwalipikadong civilian government personnel bilang subsidya na makakuha ng health maintenance organization (HMO)-type benefits.
“Matagal ko na pong pangarap ito para sa ating mga kababayan. Pagpasok po ng 2025, maaari na po silang makatanggap ng medical allowance para makatulong sa pagkuha nila ng HMO para sa kanilang health-related expenses o gastusin,” ang sinabi ni Pangandaman.
Saklaw ng DBM circular ang lahat ng civilian government personnel sa national government agencies, kabilang na ang state universities and colleges at government-owned and controlled corporations na hindi sakop ng Republic Act 10149 at EO 150, s. 2021.
Ang lahat ng government workers, anuman ang appointment status, maging ito man ay regular, casual, or contractual; appointive o elective; at nasa full-time o part-time basis, ay ‘eligible’ para sa medical grant.
Ang mga empleyado ng local government units at local water districts ay sakop din.
Ang allowance ay ipagkakaloob sa anyo ng HMO-type product coverage, na maaaring I-avail ‘by either government agencies concerned or their respective employees’ organizations/groups.’
Puwede rin aniya itong cash para pag-avail ng sarili o magbabayad/ renew ng kanilang umiiral na HMO-type benefit.
Samantala, pinasalamatan naman ng Kalihim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para lagyan ng ‘premium’ ang kalagayan ng mga manggagawa ng gobyerno.
“This medical allowance is not just a benefit, it’s a vital investment in safeguarding a healthy workforce and ensuring that they perform at their best,” ang sinabi ni Pangandaman. (Daris Jose)