• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 7th, 2025

Para sa napakahusay na pagganap sa ’The Substance’: DEMI MOORE, nakuha na rin ang first acting award sa Golden Globes

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKUHA na rin ng Hollywood actress na si Demi Moore, 61, ang kanyang first Golden Globe trophy last Sunday, January 5 na ginanap sa Beverly Hilton Hotel, para sa kanyang role sa “The Substance.
Gulat na gulat ang aktres sa pag-akyat niya sa stage para tanggapin ang best performance by a female actor in a motion picture, musical or comedy.
Kinabog niya ang iba pang nominees sa naturang category na sina Amy Adams for “Nightbitch,” Cynthia Erivo for “Wicked,” Karla Sofía Gascón for “Emilia Pérez,” Mikey Madison for “Anora,” at Zendaya for “Challengers.
“I’ve been doing this a long time, like over 45 years, and this is the first time I’ve ever won anything as an actor,” panimula ng speech ni Moore.
“And I am just so humbled and so grateful. 30 years ago I had a producer tell me that I was a ‘popcorn actress,’ and at that time, I made that mean that this wasn’t something I was allowed to have. That I could do movies that were successful and made a lot of money, but that I couldn’t be acknowledged, and I bought in and I believed that.”
Narito naman ang complete list of winners ng 82nd Golden Globe Awards:
Best Performance by an Actress in a Supporting Role in any Motion Picture –Zoe Saldaña, “Emilia Pérez
Best Performance by an Actress in a Television Series — Musical or Comedy –Jean Smart, “Hacks”
Best Performance by an Actor in a Supporting Role in Any Motion Picture – Kieran Culkin, “A Real Pain”
Best Performance by an Actor in a Television Series — Drama – Hiroyuki Sanada, “Shōgun”
Best Performance by an Actress in a Supporting Role in a Television Series –Jessica Gunning, “Baby Reindeer”
Best Performance by an Actor in a Supporting Role in a Television Series – Tadanobu Asano, “Shōgun”
Best Performance by an Actor in a Television Series — Musical or Comedy – Jeremy Allen White, “The Bear
Best Screenplay — Motion Picture – Peter Straughan, “Conclave”
Best Performance in Stand-Up Comedy on Television – Ali Wong, “Single Lady”
Best Motion Picture — Non-English Language – “Emilia Pérez”
Best Performance by an Actor in a Limited Series, Anthology Series or Motion Picture Made for Television – Colin Farrell, “The Penguin”
Best Performance by an Actress in a Limited Series, Anthology Series or Motion Picture Made for Television – Jodie Foster, “True Detective: Night Country
Best Performance by an Actress in a Motion Picture — Musical or Comedy – Demi Moore, “The Substance”
Best Performance by an Actor in a Motion Picture — Musical or Comedy – Sebastian Stan, “A Different Man”
Best Motion Picture — Animated –“Flow”
Best Director — Motion Picture – Brady Corbet, “The Brutalist”
Best Original Score — Motion Picture – Trent Reznor, Atticus Ross, “Challengers”
Best Original Song — Motion Picture – “El Mal,” by Clément Ducol, Camille and Jacques Audiard (from “Emilia Pérez”
Cinematic and Box Office Achievement – “Wicked”
Best Television Limited Series, Anthology Series or Motion Picture Made for Television – “Baby Reindeer”
Best Television Series — Comedy Or Musical – “Hacks”
Best Performance by an Actress in a Television Series — Drama – Anna Sawai, “Shōgun”
Best Television Series — Drama – “Shōgun”
Best Performance by an Actress in a Motion Picture — Drama – Fernanda Torres, “I’m Still Here”
Best Performance by an Actor in a Motion Picture — Drama – Adrien Brody, “The Brutalist”
Best Motion Picture — Drama – “The Brutalist”
Best Motion Picture — Musical or Comedy – “Emilia Pérez”
(ROHN ROMULO)

Big fan siya ng aktres at ng ‘Pulang Araw’: ZSA ZSA, kabilang sa nalungkot sa paghihiwalay nina BARBIE at JAK

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
KABILANG pala si Zsa Zsa Padilla sa nalungkot nang i-announce ni Barbie Forteza na hiwalay na sila ni Jak Roberto.
Big fan kasi ni Barbie ang Divine Diva at pinapanood pala nito ang GMA Prime wartime family drama na ‘Pulang Araw.’ Paborito niya ang character ni Barbie na si Adelina dela Cruz.
Sa katunayan nga, sa naging farewell post ni Barbie noong finale ng kanilang serye, isa si Zsa Zsa sa mga nag-iwan ng congratulatory messages sabay puri niya sa performance ng Kapuso Primetime Princess.
“Happy New Year! Thank you for Pulang Araw. I truly enjoyed watching it kahit ang daming tearful scenes. Time to smile! I’ll always be your fan! Lab lab,” comment ni Zsa Zsa.
Sa mga naka-miss sa mga huling episodes ng Pulang Araw, mapapanood ito sa Kapuso Stream at sa streaming platform na Netflix.

Tim Cone nababahala sa lagay ni Kai Sotto dahil sa kanyang injury

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
LABIS na nag-aalala si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa tinamong leg injury ng kanilang sentro na si Kai Sotto.
Nakamit ni Sotto ang nasabing injury habang naglalaro sa 2024-25 season ng Japan Basketbal League.
Makikita sa simula pa lamang ng laro ay bigla na lamang natumba si Sotto at hawak ang tuhod habang namimilipit sa sakit.
Dahil sa wala pang katiyakan kung tuluyang makakabalik sa paglalaro si Sotto ay bukas pa rin ang option nito sa ilang manlalaro.
Ilan sa mga pinagpipilian niya ay sina Japeth Aguilar at Mason Amos.
Sasabak kasi ang Gilas sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.
Ang dalawa ay kasama sa listahan ng Gilas mula ng hawakan ni Cone ang national basketball team.
Ngayong kaaga pa lamang ay naghahanda na si Cone sa maaaring mangyari kay Sotto.

PBA balik-aksyon sa big dome

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TARGET ng Gin Kings ang ikalawang sunod na ratsada para mapaganda ang kanilang 4-2 kartada  habang magpipilit makabangon ang Beermen mula sa kabiguan para maitaas ang 3-3 marka nila.
Itinagay ng Ginebra ang 95-92 come-from-behind win sa Magnolia kung saan sila bumangon mula sa isang 22-point deficit tampok ang buzzer-beating three-point shot ni MVP Scottie Thompson sa kanilang ‘Christmas Clasico’.”
“Winning like that on a day like Christmas made it extra special,” ani import Justin Brownlee. “A couple Christmases ago we got beat by 20 plus points by the same team so I’m happy for the guys and the fans.”
Nakalasap naman ang San Miguel ng 91-99 pagkatalo sa Eastern sa huli nilang laban at inaasahang magpipilit makabawi.
Makakatapat ni Brownlee si SMB reinforcement Jabari Narcis na pumalit kay Torren Jones.
“Kitang-kita naman he’s still adjusting. He doesn’t know yet the system and what kind of plays we do because we can’t teach everything in two days,” ani coach Leo Austria kay Narcis na naglista ng team-high 28 points at 10 rebounds sa kanyang PBA debut sa pagyukod ng Beermen sa Hong Kong squad.
Samantala, ang back-to-back wins ang target ng Eastern (6-2) sa pagsagupa sa Bolts (3-2) na nasa isang two-game losing skid.
Nilasing ng Hong Kong team ang Beermen, 99-91 habang nakuryente ang Bolts sa Converge Fiber­Xers, 94-110, sa kanilang mga huling asignatura.

PSC, target makapagpatayo ng mas maraming sports facilities sa mga susunod pang taon

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TARGET ng Philippine Sports Commission (PSC) na makapagtayo ng mas marami pang sports facilities sa Pilipinas sa mga susunod pang taon.
Kabilang din dito ang pag-aayos at renovation sa ilang mga kasalukuyang pasilidad, dormitoryo para sa mga atleta, at iba pang magagamit ng mga ito sa kanilang pagsasanay.
Ayon kay PSC chair Richard Bachmann, nakapaloob sa kanilang binuong comprehensive infrastructure program ang pagtatag at pagsasa-ayos sa ilang mga pasilidad para sa ilang mga pangunahing sports sa Pilipinas tulad ng boxing at iba pang contact sports.
Inihalimbawa ni Bachmann ang pagbabago sa lumang boxing at pencak silat facilities ng PSC na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex at ginawa ito bilang isang 7-storey building.
Maliban sa naturang pasilidad aniya, nakahanay ang iba pang mga proyekto ngayong taon hanggang sa mga susunod na taon, salig na rin sa pondong inilaan ng pamahalaan.
Ayon kay Bachmann, kasabay ng pagtutok sa kalusugan at kapakanan ng mga magagaling na atleta ng bansa ay ang pangangailangang maibigay din sa kanila ang maayos at akmang pasilidad na magagamit nila sa ilang serye ng kanilang pagsasanay.

Start Strong: Make Your Health a Priority This Year

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
EVERY  new year, we hear it time and again: This year will be different.

 

It’s a chance to quit those bad habits, tackle long-standing goals, and build a healthier future. With each January, we’re inspired by the promise of a fresh start—an ideal time to stop smoking, adopt cleaner habits, and finally prioritize well-being.

 

Yet, more often than not, these resolutions fizzle out. Plans that feel achievable in the moment tend to fade, proving unsustainable or simply out of reach. The truth is, waiting for the perfect time often leads to wasted opportunities.

 

That’s why investing in your health now is the best course of action. Seize this moment to make lasting changes, because the future you’re working toward deserves more than a fleeting resolution. It’s about building the foundation for a healthier, stronger life—not just for this year, but for all the years to come.

 

Here’s how you can do it:

·        Get screened for preventable diseases like the human papillomavirus (HPV) that causes cervical cancer and other HPV-related diseases

·        Drink more water daily

·        Incorporate short walks into your routine

·        Get quality sleep

·        Be mindful of what you eat

·        Consult your doctor about vaccination

 

Drink more water daily

Water is essential for nearly every bodily function, from digestion to joint health. Try carrying a reusable water bottle with you, and aim for small sips throughout the day. Gradually work up to drinking about four to six cups daily, adjusting based on your body’s needs and activity level.

 

Incorporate short walks into your routine

Walking is one of the simplest forms of exercise. Try a two-minute walk after meals; it aids digestion, lowers blood pressure, and even helps regulate your blood sugar. Over time, you might find yourself gradually increasing your walking time as it becomes a natural part of your routine.

 

Get quality sleep

If you feel irritated or can’t think properly, there’s a chance that you may not be getting a restful sleep. Try setting a consistent bedtime and winding down with a relaxing routine. Limiting screen time and caffeine before bed can also help you fall asleep more easily.

 

Be mindful of what you eat

A balanced diet rich in essential vitamins like vitamin C, D, B6, B12, Omega-3, calcium, and iron supports everything from immunity to hormones. Start by adding more whole foods, such as fruits, vegetables, nuts, and whole grains, into your meals. These nutrient-dense foods help fuel your body with what it needs for optimal function.

 

Additionally, be conscious of your sugar intake; you can gradually cut down by swapping one sugary drink or snack each day with a healthier option, like herbal tea or a piece of fruit.

 

Get screened for preventable diseases

Regular screenings, like those for HPV, diabetes, or cholesterol levels, are essential. Catching potential issues early means they can often be managed or treated effectively before they become serious. Make it a priority to schedule these screenings annually or as recommended by your doctor.

 

Consult your doctor about vaccination

Vaccines prevent serious health issues, especially for HPV, a virus that can lead to cervical cancer and other HPV-related diseases such as anal cancer, oropharyngeal cancer, penile cancer, vaginal cancer, vulvar cancer and genital warts.

 

Vaccination can significantly reduce your risk of developing HPV-related diseases. This simple step can help remove HPV from your list of potential health concerns, empowering you to focus on other aspects of wellness. Consult your healthcare provider about the HPV vaccine.

 

Starting with these small, sustainable changes can lead to significant improvements in your health over time. By investing in your well-being today, you’re laying the foundation for a healthier, stronger future. Learn more on how to invest in your health at https://guardagainsthpv.ph/.

 

This is an educational message provided by MSD Philippines. ###

Gobyerno, binawasan ang pagtaas ng monthly rent para sa residential units

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGTAKDA ang National Human Settlements Board (NHSB) ng maximum na 2.3% increase sa renta para sa residential units na may monthly rate na P10,000 o mas mababa pa, mula sa 4% cap noong nakaraang taon.
Ang maximum increase sa monthly rentals para sa residential units ay epektibo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, base sa NHSB Resolution No. 2024-001.
Ang NHSB, ang nag-iisang policy-making body na responsable sa pagbibigay ng overall policy directions at program development sa iba’t ibang pangunahing shelter agencies, kumikilos ayon sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA), nagpasa ng bagong resolusyon noong December 2024.
Tinintahan ni Undersecretary Henry Yap ang resolusyon para sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), kumakatawan sa Kalihim at NHSB Chair Jose Rizalino Acuzar.
Ang rental cap ay ipinatupad para pangalagaan ang housing tenants sa lower-income brackets at iba pang benepisaryo mula sa labis o sobra-sobrang pagtaas ng renta.
Ang hakbang ay pinagtibay alinsunod Republic Act 9653, o Rent Control Act of 2009.
“The rental cap applies to residential units currently occupied by the same tenants as of 2024, who pay P10,000 or less per month, and who will continue to occupy or renew their lease in 2025. Units with rents exceeding P10,000 per month are exempted from this restriction,” ayon sa news release.
Ang residential unit ay tumutukoy sa “an apartment, house and/or land on which another’s dwelling is located and used for residential purposes and shall include not only buildings, part or units thereof used solely as dwelling places, boarding houses, dormitories, rooms and bed spaces offered for rent by their owners, except motels, motel rooms, hotels, hotel rooms, but also those users for home industries, retail stores or other business purposes if the owner thereof and his or her family actually live therein and use it principally for dwelling purposes.”
Kung ang unit ay naging bakante ngayong 2025, maaaring magtaas ang lessor ng renta sa bagong tenant lampas sa itinakdang limitasyon. Ang dagdag sa renta ay pinahihintulutan dahil ang bagong tenant ay hindi saklaw ng nasabing resolusyon.
“However, in the case of boarding houses, dormitories, rooms and bed spaces, only one rent adjustment is allowed within 2025, even if the increase limit has not been reached,”ayon pa rin sa press release.
Ang bagong residential units na itinayo at/o pauupahan o pinauupahan na ngayong 2025, sa kabilang dako ay maaaring magtakda ng sarili nilang renta.
“A new limit of 1 percent shall apply to units occupied by the same tenants as of 2025, paying P10,000 or less per month, and who will continue to occupy/renew their lease in 2026,” ayon sa press release.
Ang residential units na may renta ng mas mataas sa P10,000 kada buwan ngayong 2025 ay “excluded” o hindi kasama sa 2026 rental cap.
Hinihikayat naman ang tenant na maghanap ng ‘alteration dispute resolution’ kasama ang kanyang landlord o lessor sa pamamagitan ng ‘mediation/amicable settlement process ng Barangay Justice System.
“Only if the same cannot be settled will it be adjudicated before the court,” ang nakasaad sa news release.
“Eventually, if the lessor is found guilty, he could face a fine of not less than P25,000 nor more than P50,000 or imprisonment of not less than one month and one day to not more than six months or both, depending on the court’s decision,” ang sinasabi pa rin sa news release. (Daris Jose)

Publiko, hinikayat na sumunod sa shear line, ITCZ warnings sa gitna ng patuloy na pag-ulan

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INIKAYAT ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na huwag maliitin ang banta ng shear line at intertropical convergence zone (ITCZ), kung saan patuloy na nagdadala ng ulan at masamang panahon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang shear line, isang boundary kung saan ang ‘warm at cold air masses’ ay nagtatagpo, lumilikha ng mga ulap ng ulan.
Ang ITCZ, sa kabilang banda ay kung saan ang tinatawag na ‘trade winds’ mula sa kapuwa hemispheres converge, ang dahilan kung bakit tumataas ang hangin at nagreresulta ng malakas na pag-ulan.
Ang dalawang nasabing sistema ay nagdulot nang pinsala sa Mimaropa, Eastern Visayas at Davao region, naging dahilan ng pagkasawi ng limang katao at pagkawala ng dalawang iba pa sa pagitan ng Disyembre 26, 2024, at Enero 2, 2025.
Sa kabilang dako, sa isang panayam, binigyang diin ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng pagsunod sa babala mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and Geosciences Bureau, at iba pang kaugnay na awtoridad.
“The public must not take these weather systems lightly, as they can be as destructive as typhoons,” ang sinabi ni Nepomuceno.
Tinukoy nito ang kalunos-lunos na pagbaha dahilan para bawian ng buhay ang 43 katao sa Visayas at Mindanao noong Enero 2023, sanhi ng pag-ulan mula sa shear line.
Binigyang diin ni Nepomuceno ang pangangailangan na paigtingin ang ‘preparedness efforts.’
“Pagdating dito sa shear line, kailangan pa nating paangatin ang level ng paghahanda dahil parang nagkakagulatan po sa mga komunidad,” aniya pa rin.
Samantala, binigyang diin naman ni Nepomuceno ang plano na gawing mahusay ang pakikipag-ugnayan sa PAGASA upang matiyak na ang mga komunidad ay may sapat na panahon para makapaghanda para sa masamang panahon.
Sa kabila ng pagkilala sa naging improvement sa ‘response efforts’, binigyang diin ni Nepomuceno ang pangangailangan para makiisa at makisali ang local government unit (LGUs).
“Mitigation strategies, such as forced evacuations in high-risk areas, will be prioritized in 2025,” ayon kay Nepomuceno.
“Naka-focus ho kasi tayo sa response, pero sa taong ito, mas bigyan natin ng konkretong solusyon ‘yung preparation part,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Humigit -kumulang P250,000 halaga ang naging abo matapos ang sunog sa Tondo

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINATAYANG  aabot sa humigit -kumulang P250,000 halaga ang naging abo matapos masunog ang mga ari-arian sa isang residential area sa Tondo,Manila ngayong Lunes ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula sa 4 storey residential ,light materials  ang sunog  sa 1320 C- 19 , C.P  Garcia St., Road 10 ,Brgy.123, Moriones,Tondo at pag-aari ni Aida Daaco.
Ala 2:07 ng hapon ng sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma .
Ayon sa BFP, 15 ang matinding natupok  habang mahigit-kumulang 45 pamilya ang apektado.
Sa imbestigasyon, nakitaan ng usok sa ikatlong palapag ng 4 storey residential house ngunit hindi pa batid kung ano ang naging sanhi ng sunog.
Idineklarang fire out pasado alas 4 na ng hapon.(Gene Adsuara)

Hiling ng Makabayan bloc sa complainants ng impeachment laban kay VP Sara na magsagawa ng pagpupulong sa Kamara

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINILING ng Makabayan bloc sa mga endorsers at complainants ng tatlong kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na magsagawa ng pagpupulong o konsultasyon sa Miyerkules (Enero 8) sa Kamara.
Sa ipinadalang liham, umaasa ang mga mambabatas na matalakay sa gagawing pagpupulong ang impeachment at magkasundo na maisulong sa administrasyon at liderato ng Kamara na mapasimulan na ang proseso.
Nakatakdang gawin ang meeting ng alas-10 ng umaga sa Miyerkules. Kabilang sa mga lumagda sa sulat ay sina Reps. France Catro (act Teachers Party List), Arlene Broasas (Gabriela Womens Party) at Raoul Manuel (Kabataan Party List). (Vina de Guzman)