• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 8th, 2025

Ads January 8, 2025

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Galaw ng monster ship mahigpit na binabantayan at sinusundan ng PCG – NSC

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINIYAK ng National Security Council (NSC) na tatapatan ng karampatang aksyon ng Pilipinas sa oras na gumawa ng anumang provocative action ang namataang  monster ship ng China sa karagatan malapit sa Zambales.
Ayon kay NSC Assistant Girector-General Jonathan Malaya na hindi pinababayaan at patuloy na sinusundan at minamanmanan ang galaw ng ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP)  sa Chinese coast guard 5901 vessel.
Dagdag pa ni Malaya, mahigpit din mino monitor ito ng Task Force North at National Task Force for the West Philippine Sea.
Patuloy din na binibigyan ng challenge ng ating mga otoridad ang Chinese vessel at binibigyang-diin na sila nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at mali ang kanilang iginigiit na nagsasawa sila ng patrolya sa kanilang area of jurisdiction.
Naniniwala naman si Malaya na ang ginagawa ng China ay isang uri ng intimidation, coercion, deception, at agression kung saan ipinapakita nilang may ganito silang barko upang takutin ang mga mangingisda.
Dagdag pa ni Malaya na sa ngayon wala silang na monitor na nagsagawa ng pangha-harang at delikadong maneuvers ang Chinese monster ship.
Pinayuhan naman ng pamahalaan ang mangingisda sa lugar na ipagpatulong lamang ang kanilang pagpalaot at nakasuporta sa kanila ang gobyerno. (Daris Jose)

Pagtataas sa SSS contribution, makapagpapalakas sa buhay ng pondo

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Social Security System (SSS) na ang pagtataas sa kontribusyon o ang pagkasa sa 1-percent rate hike ay makatitiyak sa long-term viability ng institusyon at makatutulong na tumagal and pondo ng hanggang 2053.
Sinabi ng SSS na ang 1-percent rate hike, nakatakdang simulang ipatupad ngayong buwan ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
Ang pinakabagong pagtataas ay magdadala sa contribution rate na 15% mula sa dating 14%.
Sinabi pa ng SSS na ang pagtataas ay sinamahan ng minimum monthly salary credit (MSC) na P5,000 mula sa dating P4,000 at sa maximum MSC na P35,000 mula sa dating P30,000.
“The scheduled contribution rate and MSC increases are among the most important reforms under RA 11199 that aim to ensure the long-term viability of the SSS,” ang sinabi ni SSS President and chief executive officer Robert Joseph De Claro.
“With this last tranche of contribution rate and MSC increases, the SSS fund is projected to last until 2053 – doubling the fund life to 28 years (vs. 2032 or 14 years when an actuarial valuation study was performed in 2018). This will allow us to fulfill our social security obligations to current and future members during times of contingencies,” litanya ni De Claro.
Aniya pa, ang pagtataas sa contribution rate at MSC ay magreresulta ng karagdagang koleksyon na P51.5 billion ngayong taon.
Sa kabuuang halaga, ang P18.3 billion ay direktang mapupunta sa Mandatory Provident Fund (MPF) accounts ng SSS members.
“Such additional collection amount also enables SSS to support national government in times of difficulty, particularly as regards granting calamity loans,” ang winika ni De Claro.
Tinuran pa ng SSS, nagpalabas ito ng kabuuang P9.7 billion na calamity loans sa mas mahigit sa 500,000 calamity-stricken members noong nakaraang taon.
“Our top priority in 2025 is service excellence to SSS members. We aim to enhance our programs and systems to provide superior customer service to our members,” ayon kay De Claro.
Ipagpapatuloy din aniya ng SSS na trabahuhin ang universal inclusion sa social security sa pamamagitan ng KaSSSangga Collect nito at E-Wheels Programs saklaw naman ang self-employed workers sa buong Pilipinas.
Tinitingnan din ng SSS na paghusayin pa ang investment income performance mula sa iba’t ibang asset classes.
“The favorable outlook should enable SSS to actively participate in the capital markets and contribute to jobs generation as companies build and expand their businesses,” ang sinabi ni De Claro.
“Ultimately, our goal is to make SSS relevant in the life of every Filipino at every point in their lives by providing quality social protection and espousing the value of saving for the future,” lahad nito.  (Daris Jose)

“A Minecraft Movie,” first-ever big screen, live-action adaptation of the best-selling video game of all time

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

FROM Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures and starring Jason Momoa and Jack Black, “A Minecraft Movie,” directed by Jared Hess, is the first-ever big screen, live-action adaptation of Minecraft, the best-selling video game of all time.

The film also stars Emma Myers (“Wednesday”), Oscar nominee Danielle Brooks (“The Color Purple”), Sebastian Eugene Hansen (“Just Mercy, “Lisey’s Story”), with Jennifer Coolidge.

Welcome to the world of Minecraft, where creativity doesn’t just help you craft, it’s essential to one’s survival! Four misfits—Garrett “The Garbage Man” Garrison (Momoa), Henry (Hansen), Natalie (Myers) and Dawn (Brooks)—find themselves struggling with ordinary problems when they are suddenly pulled through a mysterious portal into the Overworld: a bizarre, cubic wonderland that thrives on imagination. To get back home, they’ll have to master this world (and protect it from evil things like Piglins and Zombies, too) while embarking on a magical quest with an unexpected, expert crafter, Steve (Black). Together, their adventure will challenge all five to be bold and to reconnect with the qualities that make each of them uniquely creative…the very skills they need to thrive back in the real world.

Oscar nominee Hess (“Ninety-Five Senses,” “Nacho Libre”) directed, with Roy Lee, Jon Berg, Mary Parent, Cale Boyter, Jason Momoa, Jill Messick, Torfi Frans Olafsson and Vu Bui producing, and Todd Hallowell, Kayleen Walters, Brian Mendoza, Jonathan Spaihts, Pete Chiappetta, Andrew Lary and Anthony Tittanegro executive producing.

The director’s creative team behind the camera includes BAFTA-nominated director of photography Enrique Chediak (“127 Hours,” “Transformers: Rise of the Beasts”), Oscar-winning production designer Grant Major (“The Lord of the Rings: The Return of the King,” “The Meg”), editor James Thomas (“Pokémon: Detective Pikachu”, the “Borat” films), Oscar-winning VFX supervisor Dan Lemmon (“The Jungle Book,” “The Batman”), and costume designer Amanda Neale (“The Meg,” “What We Do in the Shadows”). Casting is by Rachel Tenner. The music supervisors are Gabe Hilfer and Karyn Rachtman, and the music is by Mark Mothersbaugh (“Thor: Ragnarok,” the “LEGO®” movies).

Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures Present A Vertigo Entertainment/On The Roam/Mojäng Aktiebolag Production, A Jared Hess Film, “A Minecraft Movie.” The film will be distributed by Warner Bros. Pictures worldwide and by Legendary East in China, and released only in theaters and IMAX in North America on April 4, 2025, and internationally beginning 2 April 2025.

(ROHN ROMULO)

Maglalaban sila sa pagka-senador sa 2025 Elections: Sen. JINGGOY, pinayuhan si PHILLIP na magsipag sa pag-iikot sa bansa

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
ISA sa masasabing maimpluwensiya at pinakamayaman na pulitiko at negosyante si  former Gov. Chavit Singson.
Bukod sa naging gobernador, kunsehal, meyor at kung anu-ano pang posisyon sa probinsiya ng Ilocos.
Pero ngayon naman ay nangarap na maging senador ng Pilipinas.
Bukod sa sinasabing gusto naman niyang mapaglingkuran ang ang mga kababayan natin ano pa ang dahilan ng isang Chavit Singson sa pagtakbo niyang senador?
“Well, napatahimik ko na ang buong lalawigan namin at napayaman ko na ang probinsiya. When in fact ikalimang pinakamayaman na ang probinsiya namin sa buong Pilipinas.
“Sa totoo lang, hindi ko na maantay-antay yung economic zone na inihain ng mga anak ko, laging binabara sa senado.
“Kung maaprubahan lang sana yun, yayaman na rin ang buong bansa,” bungad pa ni Manong Chavit.
Malaki ang panghinayang ni Gov. Chavit sa kung ilang beses nabaril at hindi pumasa sa senado ang panukalang batas na gusto niyang ipatupad at siya pa raw mismo ang mamahala nito.
“Binabara sa senado, kaya ang ginawa ko nga, nagtayo ako sa Korea. Doon ako namuhunan ng bilyones. Sayang nga at dito dapat sa Pilipinas yun.
“Nagkaroon ako ng factory sa Korea para sa electric vehicles, side cars, submarine at iba pa.
“Pero ngayon itinayo ko ba rin ang economic zone sa probinsiya namin,” sey ng pulitiko.
Binanggit na rin daw ni Gov. Chavit nang makausap niya si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa proposal niyang ito.
“Sabi ko kay Presidente, sana mapagbigyan na ako sa gusto kong ito, at deretsong sinabi ko sa kanya na ako na rin ang magpapautang sa mga kababayan natin matutuloy lang at maaprubahan lang niya ito,” seryosong sabi pa niya.
“Sa lahat ng gustong umutang, willing akong magpahiram sa kanila para sa lahat ng electric vehicles at lahat nito wala silang intindihin na down payment at zero interest pa po ito.
“Saan kayo nakarinig na magpapautang na malaki-laking halaga na walang down payment at wala pang tubo, ako lang ang loko-loko na gagawin ito para s mga kababayan natin,” napangiti pero seryosong lahad pa ng soon to be senator.
***
TUNGKOL pa rin sa pulitika, dalawa pa ring may konek sa showbiz ang tatakbong senador sa May 2025 elections.
Ito ay ang magkaibigang Sen. Jinggoy Estrada at Phillip Salvador.
Kaya nang matanong ang re-electionist kung ano ang masasabi niya sa pagtakbo ng kasamahang action star na si Phillip bilang senador ay napangiti agad si Sen. Jinggoy.
Halata agad sa reaksiyon niya at very obvious sa sagot niyang hindi niya susuportahan ang kaibigan.
“Ako susuportahan ko ang aking mga kasamahan ngayon, ‘yung mga incumbent na mga kasamahan. ‘Yung pitong re-electionist, mga incumbent senators.” malaman pang kasagutan niya.
Siyempre kasi pagdating sa pulitika, ang partidong kinaaniban ang masusunod.
Magkaiba naman kasi ng partido sina Sen. Jinggoy at Philip. Ang una sa partido ni PBBM at ang huli ay nasa tiket ni dating pangulong Duterte.
Kumbaga, alam naman nilang pareho na magkakalaban ang partido nila.
But still bilang kasamahang aktor ay may advice si Sen. Jinggoy kay Phillip. Need daw ni Kuya Ipe sipagan pa talaga ang pag-iikot at pangangampanya.
Huwag magpapakampante na porke taga-showbiz.
“I think he is aligned with former president (Duterte).
“Alam mo ‘pag walang experience sa national campaign, you have to strive more. Lalo na siya baguhan, e baka mahirapan. So, konting sipag,” lahad pa ni Sen. Jinggoy.
Samantala isa sa pinakiusap at tinutulungan ngayon ni Sen. Jinggoy ang partylist nilang BFF o Balikatan of Filipino Families na kung saan ang asawa niyang si Precy Ejercito ang first nominee, at kasama ring nominee ang anak nilang si Jolo Estrada.
(JIMI C. ESCALA)

Si Cristine naman ang girl crush ni Angelica: MARIAN, parang may sariling ‘ring light’ at gustong I-kiss ni CANDY

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINANONG namin ang dalawang bida ng GL o Girls Love movie na ‘Pin/Ya’ na sina Candy Veloso at Angelica Hart, kung sino ang celebrity girl crush nila?
“Cristine Reyes, sobra po,” bulalas ni Angelica.
”Kasi may istorya yan dati, nakita ko siyang naka-sports car na red, tapos, parang bata pa ko nun, tapos nakita ko siya.
“Sabi ko siya yung gusto kong maging, hanggang sa yun na, siya na yung idol ko since then.”
Ang bongga naman ng sagot ni Candy…
“Ako naman po si Ms. Marian Rivera. Parang pag nakikita ko talaga siya parang, ‘Oo na, sige na Lord kunin mo na ko’, ganun,” at tumawa si Candy.
Nakita na Candy sa personal ang GMA Primetime Queen…
“Oo, sobrang…”
Nakausap niya si Marian?
“Hindi naman po.”
Kapag nakausap ni Candy si Marian ano’ng sasabihin niya dito?
 “Ma’am mahal na mahal kita Ma’am,” ang tumatawang reaksyon ni Candy.
“’Ma’am pa-kiss!’
“Ganun ko siya ka-crush, kasi para siyang may sariling ring light, promise, may sariling ilaw, parang buhat-buhat niya yung Meralco, ganun siya.”
Samantala, sinabi nilang hindi na sila naalangan sa mga intimate scenes nila kahit pareho silang babae.
Lahad ni Angelica, “Opo, actually hindi na nga po nila kami tinanong e, dire-diretso na kami e, opo, hanggang sa mag-cut na lang.”
Sinegundahan ito ni Candy na sinabing, “Iyon nga yung parang compared sa iba, may connection kang makikita.”
Pagpapatuloy pa ni Angelica, “Kasi before kami mag-shoot, nag-bonding kami nito e, hindi pa kami magkakilala nun, nung time na nag-ano, hindi pa kami nagkakasama, oo, tapos nag-bonding kami. After namin mag-bonding…”
“Wala na kaming pake,” ang tumatawang mabilis na singit ni Candy.
Paano silang nag-bonding?
“Secret,” at tumawa si Candy.
Malaswang bonding ba ginawa nila?
“Ay hindi,” bulalas ni Angelica.
“Kumain lang kami,” ang tumatawa pa ring pakli ni Candy na sinunda naman ni Angelica ng, “Nagkainan kami.  Ha! ha! ha! Diyan lang sa Timog.”
Dahil sa sobrang pagka-kumportable nila sa proyektong babae-sa-babae, may pagkakataon bang kinuwestiyon na nila ang gender nila?
Inamin naman ito ni Candy, “Opo, may mga times na, ‘Hala iba na ‘tong nararamdaman ko!’
“Kinikilig na ako, nagagandahan na ako.”
Pero bawi rin ni Candy, ‘Pero at the end of the day, wala, alam ko pa ding straight ako. So medyo parang sa pagdyi-GL mas nakaka-appreciate lang talaga ako ng kapwa ko babae,.
“Naa-appreciate ko yung ganda nila, yung kaseksihan nila, but not to the point na willing akong mag-commit sa same gender. Never pa.”
Tawa naman ng tawa si Angelica nang sabihing, “Naku, yari yung tanong!
“May experience pero kasi mahilig ako sa magandang babae e, pag nakakakita ako ng magandang babae naa-attract talaga ako, pero not to the point nga na makikipagrelasyon ako.
“Kasi tapos na ako siguro sa babae, kasi niloko din ako ng last ano ko e, na girl e, so feeling ko pare-pareho lang, so dun na lang ako sa mas happy yung feeling.”
Karelasyong babae ang tinutukoy niyang niloko siya.
“Yes,” bulalas ni Angelica, “yung naging karelasyon kong girl.”
So bisexual ba si Angelica?
Aniya, “Hindi…iyon yun, curious, ngayon curious ako, curious ako ngayon kung ano yung gender ko kasi na-a-attract talaga ako sa girl pero… ayun, pero mas naa-attract pa din ako sa boys.”
Sa direksyon ni Omar Deroca, nasa ‘Pin/Ya’ rin sina Julianne Richard at Gboy Pablo at available na for streaming sa VMX.
(ROMMEL L. GONZALES)

Gusto raw wasakin sina Tito, Vic at Joey: CRISTY, ‘di sumang-ayon kay Direk DARYLL sa ginagawang pelikula

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA last episode ng “Showbiz Now Na” last Sunday, January 5, kinumpirma ng veteran radio-TV host na si Cristy Fermin na kinausap at hiningan siya ni Direk Darryl Yap ng opinyon tungkol sa gagawin niyang life story ng 80s sexy star na si Pepsi Paloma.
At ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit tinanggihan umano ng Viva Films ang kanyang ginagawang movie na may title na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Si Nanay Cristy mismo ang nagkuwento ng naging pag-uusap nila ng kontrobersyal na direktor.

“Isang araw, nag-text sa akin si Darryl. Sabi niya, ‘Nanay, pwede ba kitang tawagan? Hihingi lang ako ng opinyon mo at saka advice.’ Sabi ko, oo,” kuwento ni Nanay Cristy.
“Nag-usap kami. Sabi niya, ‘Nay, bakit kaya tinanggihan ng Viva itong pelikulang plano kong gawin. ‘The Rapists of Pepsi Paloma.’

Sagot naman niya, “Sabi ko, talagang tatanggihan ni Boss Vic Del Rosario ‘yan dahil ang kanyang pakikipagkaibigan sa Tito, Vic, and Joey ay malalim pa sa alam mo.

“Ang singing at recording career ng Tito, Vic, and Joey ay nagsimula sa Vicor (Music) kay Boss Vic.

“Hindi niya talaga papayagang siya pa ang maging dahilan para mai-produce at lumabas itong pelikulang ito.”

Dahil dito hindi na niya suportado ang bagong pelikula na ginagawa ng direktor, dahil nakakawalang respeto.

“Ako ang tingin ko kay Direk Daryll Yap ay isang witty director. Natutuwa ako sa kanyang mga atake paminsan-minsan. Pero this time, hindi mo ako kasama sa gusto mong palabasin.

“Ano ang gusto mo, Direk Darryl? Ang wasakin si Bossing Vic Sotto dahil sa tagumpay ng ‘The Kingdom’? Ang wasakin din ang nalalapit na pagkandidato ni dating Senate President Tito Sotto, kaya mo ito pinalulutang.

“Gusto ko ring wasakin ang imahe ni Joey de Leon, ano ang gusto mong palabasin dito, ” matapang na pahayag ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Ikaw pa siguro ang isa sa pinakahuli na maaaring maglatag ng kuwento ni Pepsi Paloma. Kahit pa magkababayan kayo sa Olongapo, wala kang alam. Anong sabi ko sa ‘yo? Bakit kailangan mo pa itong gawin? Ano ang iyong layunin?

“Ang sagot niya, kasi pinag-usapan, pero ang tanong, pinaniwalaan ba?”

Sabi pa ni ’Nay Cristy, “Meron tayong tinatawag na respeto sa ating kapuwa. Dapat nando’n pa rin ‘yon. Hindi nawawala.

“Matindi ito, ewan ko kung paano ito tatanggapin ni Bossing Vic, puwedeng makawasak sa kanyang pangalan kung paniniwalaan.”

Sa Facebook post naman ni Direk Darryl, inamin niya na hindi ang Viva Films ang producer ng “The Rapists of Pepsi Paloma”. Wala rin daw koneksyon ang pamilya Jalosjos at ang kalaban sa politika ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang pelikula.

Paglilinaw niya a kanyang post, “Ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA ay hindi produced ng mga Jalosjos (Kaaway ng TVJ) o ng mga Discaya (Kalaban ni Vico).

“Hindi ako padidikta sa pelikulang pangarap gawin ng bawat Batang Gapo, hindi pulitikal ang pelikulang tungkol sa kababayan ko.

“Wala akong pake sa mga drama nila.

“Pero kung pakiramdam nila eh pabor sa kanila ang paglalahad ko ng buong kwento—at gusto nila akong bigyan ng pera—SINO BA NAMAN AKO PARA TUMANGGI?!

“Hindi ako mapagmalaking tao.

“Hindi ako mapride.”

“Tag nyo nga,” pahayag pa ni Direk Darryl.”

Mahaba-haba pa ang usaping ito, na siguradong marami ang patuloy na masasangkot.

(ROHN ROMULO)

US nagkampeon sa United Cup tennis

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DINALA ni Coco Gauff ang US para sila ay makalamang sa United Cup title.
Tinalo kasi ng US tennis star si Iga Swiatek sa score na 6-4, 6-4 isang linggo bago ang pagsisimula ng Australian Open.
Ang world number 3 na si Gauff ay dalawang magkasunod na panalo laban kay Swiatek.
Ito na ang pangalawang titulo ng US sa loob ng tatlong taon na magsimula ang United Cup noong 2023.
Sa men’s finals kasi ay tinalo ni Taylor Fritz si Hubert Hurkacz ng Poland para makuha ang 2-0 na panalo.
Ang laban ni Gauff ang inabangan dahil sa hindi nabigo ang mga fans sa loob ng mahigit na dalawang oras.

Mga national boxers ng bansa sinimulan na ang training sa lungsod ng Baguio

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SINIMULAN na ng ilang mga national boxers ng bansa ang kanilang ensayo para sa iba’t ibang torneo ngayong taon.
Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines secretary-general Marcus Manalo, nanguna sa nasabing training camp nila sa Baguio City ang 32-anyos na si Nesthy Petecio.
Susunod naman sa ilang araw sina Carlo Paalam na mayroong tinatapos na personal na lakad habang si Aira Villegas ay nasa military duties pa.
Hinihintay pa nila ang desisyon nila Hergie Bacyadan at Eumir Marcial kung sasama sila sa training camp.
Mga national boxers ng bansa sinimulan na ang training sa lungsod ng Baguio
Sinimulan na ng ilang mga national boxers ng bansa ang kanilang ensayo para sa iba’t-ibang torneo ngayong taon.
Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines secretary-general Marcus Manalo, nanguna sa nasabing training camp nila sa Baguio City ang 32-anyos na si Nesthy Petecio.
Susunod naman sa ilang araw sina Carlo Paalam na mayroong tinatapos na personal na lakad habang si Aira Villegas ay nasa military duties pa.
Hinihintay pa nila ang desisyon nila Hergie Bacyadan at Eumir Marcial kung sasama sila sa training camp.

LTFRB pinagpapaliwanag ang Angkas dahil sa alegasyon ng paglabag sa rider cap

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INUTOS ng LTFRB na magbigay ng paliwanag ang Angkas dahil sa alegasyon na lumabag sila sa government-mandated rider cap para sa mga motorcycle taxis. Ang Angkas ay nasa ilalim ng DBDOYC Inc.
Isang order ang nilabas ng LTFRB na may lagda ni LTFRB chairman at group head ng MC Taxi TWG Teofilo Guadiz III na inutusan ang Angkas na sumagot sa loob ng limang araw at ipaliwanang kung bakit hindi dapat suspendihin o di kaya ay alisin sa pilot study ng motorcycle taxi ang Angkas dahil sa nasabing alegasyon.
Sa mga nakaraang public statements ng Angkas, sinabi ng LTFRB na nakita na lumabag sila sa rider cap.
Noong nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Angkas sa Social Security System (SSS) para sa social protection ng 50,000 partner bikers ay nilabag nila ang rider cap dahil ang pinapayagan na motorcycles sa Metro Manila ay 45,000 lamang.
“In public announcements, Angkas stated it has 30,000 partner bikers. However, in August, the company announced signing a MOA with SSS to cover approximately 50,000 Angkas partner bikers,” saad ni Guadiz.
Natangap naman ni Angkas executive officer George Royeca ang nasabing order.
“This may have stemmed from the recent Senate hearing, during which it was alleged that Move It admitted to exceeding the caps. Nonetheless, we acknowledge receipt of the show cause notice and are seeking clarification on the basis for its issuance and will address this matter in the appropriate forum,” wika ni Royeca.
Nagbigay naman ang Angkas ng assurance na kanilang binibigyan ng tamang training ang mga drivers upang magakron ng mataas na standards ang kanilang operasyon pagdating sa kaligtasan ng mga pasahero.
Nagbigay naman ang SSS ng klaripikasyon noong nakaraang August na ang kasunduan ay para lamang sa may 30,000 na bikers ng Angkas sa Metro Manila, Metro Cebu, at Cagayan de Oro.
Ang motorcycle taxi pilot study ay sinimulan noong 2019 kung saan may 3 kumpanya ang kasali tulad ng Angkas, Move It, at JoyRide. Nagkaron ng expansion kung saan pinayagan ang karagdagang 2,000 motorcycle taxis sa Rehiyon 3 at 4 kasama na ang mga bagong operators tulad ng Para Xpress, Maxim, Dingdong, at GrabBike.
Sa kabilang dako naman, isang alegasyon ang nilabas ng Manibela kung saan nila sinabi na may 8,000 drivers at operators ang kumalas sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.
Kabilang dito ang may 6,000 miyembro ng Manibela habang ang natitirang 2,000 naman ay mula sa hanay ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston).
“Before, they operated at least five to six times a week. Now, they can only operate twice as the cooperatives prefer modern PUV,” wika ni Manibela chairman Mar Valbuena.
Kinontra naman ni Piston president Mody Floranda ang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 83 porsiento ng mga PUJs ang lumahok sa PUVMP.
Ayon sa datus ng LTFRB, sinabi ni Floranda na may 244 na ruta sa Metro Manila at 2,600 na ruta sa buong bansa ang hindi pa tumutupad sa PUVMP. May hanggang 10,770 lamang na modern minibuses ang may operasyon sa buong bansa kumpara sa 150,000 na traditional jeepneys. LASACMAR