• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 9th, 2025

Ads January 09, 2025

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments

National Futsal team handa sa ASEAN Women’s Asian Cup

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INILABAS na ng Philippine Football Federation (PFF) ang mga bagong mukha ng national futsal team.
Itinalaga rin ng PFF si Spanish coach Rafa Merino Rodriguez na siyang mamumuno sa koponan para sa AFC Women’s Asian Cup 2025 Qualifiers na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Enero 11 hanggang 19.
Isinagawa ang anunsiyo ilang araw bago ang kanilang apat na araw na training camp.
Ang 12 sa 14 na mga manlalaro ay mula sa dating lineup ng ASEAN Women’s Futsal Championship noong Nobyembre.
Ilan sa mga dito ay kinabibilangan nina sabella Bandoja, Cathrine Graversen, Alisha del Campo, Samatha Hughes, Vrendelle Nuera, Regine Rebosura, at Kayla Santiago.
Naniniwala si Rodriguez na mayroong siyang malakas na koponan at kanilang paghahandaang mabuti ang nasabing torneo.
Unang makakaharap ng Pilipinas ang Kuwait sa Group C bago ang host country ng Uzbekistan at Turkmenistan.
Inaasahan nila na magiging maganda ang laban nila sa Australia sa darating na Enero 19.

Pakikiramay buhos pa rin sa pagkasawi ni Mervin Guarte

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PATULOY ang pagbuhos ng pakikiramay at pakikidalamhati matapos ang pagkasawi ng atletang si Mervin Guarte.
Si Guarte ay pinagsasaksak habang natutulog sa bahay ng kaibigan nito sa Calapan City, Oriental Mindoro ng Martes ng madaling araw.
Nanguna ang Philippine Sports Commission na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Guartekung saan inalala nila ang kaniyang tagumpay at hinangaan ang galing sa sports.
Maging si Two-time Olympian and pole vault star EJ Obiena ay emosyonal matapos na mabalitaan ang nangyari sa itinuturing niyang kaibigan.
Ang 33-anyos na si Guarte ay nagkamit ng dalawang gintong medalya sa obstacle course racing sa Southeast Asian Games noong 2019.
Una rito ay nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Air Force kay Guarte na isang Airman First Class na sumali sa PAF sa pamamagitang direct enlistment noong 2015 at naitalaga sa Lipa, Batangas.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PAF sa Calapan City Police para sa imbestigasyon.

DA, magtatakda ng ‘maximum SRP’ system para sa bigas bago matapos ang Enero

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKATAKDANG magtakda ang Department of Agriculture (DA) ng “maximum suggested retail price (SRP) system” bago matapos ang buwan.
Layon nito na tugunan ang hindi makatwiran na retail prices ng bigas sa ilang lokal na pamilihan.
Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na wala dapat na imported rice na maipagbibili sa P60 per kg.
“We are now trying to establishano ba ang maximum suggested retail price. So, we will be coming up with a maximum suggested retail price system very soon,” ayon kay Tiu Laurel.
Gayunman, nilinaw ni Tiu Laurel na ang sistema ay hindi aakto bilang price cap sa retail rice.
“It’s not a suggestion, it’s like we’re saying na ito dapat ang maximum na presyo niyan. But it’s not a price cap,” ang sinabi pa rin ni Tiu Laurel.
“Moreover, a P60/kg.-level of retail rice may already be considered as profiteering, dagdag na pahayag nito.
At para papanagutin ang mga importers at retailers para sa posibleng profiteering, nakatakdang makipagpulong ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Department of Interior and Local Government (DILG).
“Para ma-sort namin ang aming remedies kung paano ma-address ito. Clearly, nasa Price Act ata ang profiteering angle,” ang winika ni Tiu Laurel.
Pagdating naman sa rice brands, pinanatili naman nito ang plano ng DA na alisin ang “premium” at “special” labels upang lalo pang maiwasan ang panghuhuthot.
“People are very brand conscious and I know that better than anybody in this country dahil I’m a brand owner, I used to be a brand owner myself,” ani Tiu Laurel.
“In the label pagka sinabi mong premium or special, hindi ba mas na-a-attract ka doon at willing ka na bilhin iyon nang mas mahal. Pero actually, hindi naman siya premium o special, parehas lang siya ng mga katabi niya,” aniya pa rin.
Tinukoy ang kontradiksyon sa mga antas ng presyo sa merkado gamit lamang ang “rice types, origin, at specification percentage.”
“As of Jan. 3,” ang presyo ng local at imported regular at well-milled rice sa Kalakhang Maynila ay umaabot lamang ng mula sa P38/kg. hanggang P54/kg., ayon sa DA-Bantay Presyo.
Ang premium at special-labeled rice, kapwa imported at local, ay pumapalo naman mula sa P48/kg. hanggang P64/kg. ( Daris Jose)

Hindi naman kasi saklaw ng election ban: mga proyekto at aktibidad ng DOTr, tuloy-tuloy na gagawin

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TULOY-TULOY ang trabaho ng Department of Transportation (DOTr) lalo na sa mga proyektong matagal nang nais na ipatupad ng departamento.
Sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista na hindi saklaw ng election ban ang tapusin ang lahat ng mga nagsimulang proyekto at aktibidad ng DOTr.
“”Iyong election ban natin is in a few days ‘no. You know, most of the projects of the Department of Transportation are to be implemented long-term ‘no. So, we will continue to implement the program ‘no. Siguro hindi naman kami maku-cover election ban because we have started all activities/projects already ‘no so we don’t think the election ban will affect the implementation of any of our projects in DOTr,” ang sinabi ni Bautista.
Sa ulat, magpapatupad ng nationwide gun ban ang Philippine National Police (PNP) simula January 12, kasabay ng pagsisimula ng election period para sa 2025 midterm elections sa May.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, magsasagawa ang mga pulis ng checkpoint operations sa mga estratehikong lugar upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng gun ban.
Base sa resolusyon ng Commission on Elections (Comelec), tanging mga lehitimong miyembro ng pulisya, militar, at iba pang law enforcement agencies at nasa official duty lamang ang papayagang magdala ng baril sa panahon ng election period.
Ang mga hindi sakop ng exemptions ay kailangang kumuha ng Certificate of Authority mula sa Comelec Committee on Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) upang mabigyan ng permiso. ( Daris Jose)

Ayon Kay Executive Secretary Lucas Bersamin…

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments
‘MARTIAL LAW, TERM Extension wala sa isip ni PBBM
PINANINDIGAN ng Malakanyang na wala ni isa man sa Batas Militar at term extension ang bahagi ng agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.’ kasunod ng reorganisasyon ng National Security Council (NSC).
Nauna rito, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order 81 na muling nag-organisa sa NSC.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakatuon ang administrasyong Marcos sa pagsusulong ng ‘economic prosperity ng bansa, gawing maayos ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayang filipino at kompletuhin ang kanyang ‘legacy projects.’
“What he has in mind is the economic prosperity of the country, the health and welfare of the people, especially those who are in the lower classes, and the prioritization of his legacy projects,” ang sinabi ni Bersamin.
“It’s not about martial law. It’s not about extending himself in power. No, he has no thinking about that. He does not even think in those terms,” dagdag na winika nito.
Ang pahayag na ito ni Bersamin ay tugon sa mga kritiko na kinukuwestiyon ang Executive Order 81 na nag-organisa sa NSC.
Tinuran pa ni na “power falls within the President’s responsibility to ensure that whoever advises him is within his fullest trust and confidence.”  ( Daris Jose)

Unang DepEd Execom ngayong 2025, pinangunahan ni Sec. Angara PINANGUNAHAN ni Sonny Angara ang unang EXECOM meeting ng 2025.

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Tinalakay nila ang mga proyektong naaayon sa agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, kabilang ang:
-Mga proyekto para mapabuti ang kalidad ng edukasyon
-Pagtatayo ng mas maraming silid-aralan at pagpapabuti ng kondisyon ng mga guro
-Pagpapahusay ng programa sa computerization para sa mga pampublikong paaralan
-Paghahanda para sa mga pandaigdigang pagsusuri tulad ng PISA
-Pakikipagtulungan sa DOST para palakasin ang edukasyong pang-agham
Layunin ng mga proyektong ito na mapabuti ang edukasyon sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Angara.