Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Pagpasok niya sa bahay ay una silang nagbatiang mag-ama.
“Total silence. Yumakap na lang ako sa Tita Eileen ko.
“Nag-sorry ako… sa kapatid ko, kapatid ko si Jocas, umiiyak…
“Sabi ko, ‘Ba’t ka umiiyak?’ Sabi niya, ‘Tagal mo nawala, e.’
“So, na-feel ko ulit na at home ako… na yung welcome ulit ako.
“So, yung forgiveness ng family, nandun pa rin. So okay, lahat. Brothers ko, lahat…”
Niyaya raw ni Joey si Keempee na tingnan ang isang kuwarto sa bahay.
Pagpasok sa kuwarto, kuwento ni Keempee, “Tapos inakbayan niya akong ganyan. Umiyak na ako.
“Doon na ako umiyak na talagang, parang bata, hagulgol ako, hagulgol. ‘Sorry po.’
“Napa-upo nga ako, e. ‘Sorry po.’
“Sabi ko, ‘Dy, sorry sa lahat, patawarin mo ako.’
“Pati siya umiyak na rin, naghahagulgulan na kami…
“Doon ko naramdaman, sabi ko, ‘Eto kami nung tatay ko. Ito yung relasyon namin talaga, yung close kami.’
“Naramdaman ko ulit yung father-and-son relationship.
“Sa akin, yung iyak ko is more of joy. And yung peace na nagkapatawaran kami.
“Naiyak ako lalo nung sabi niya, ‘Hindi ko nga alam nasan ka? Kamusta ka? Kung ano bang kinakain mo? Ano nangyari? O anong pakiramdam mo?’”
Habang nagkukuwento si Keempee ay naging emosyunal na rin siya.
Naisip daw ni Keempee na maiksi ang buhay at may edad na rin ang ama.
“Masaya lang ako. Naiiyak ako kasi masaya. Naging okay kami, lahat,” sambit niya.
Mapapanood si Keempee sa upcoming GMA-7 afternoon series na Prinsesa ng City Jail. Pinagbibidahan ito nina Sofia Pablo at Allen Ansay at magsisimulang umere sa January 13.
(ROMMEL L. GONZALES)
AYON sa naging ulat ng TV5, maghahain daw ng reklamo ang TV host-actor-producer na si Vic Sotto laban kay Darryl Yap matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa teaser ng biopic ng yumaong aktres na si Pepsi Paloma.
Sa first teaser ng “The Rapists of Pepsi Paloma” na pinagbibidahan ng teen actress na si Rhed Bustamante, ka-eksena niya dito si Gina Alajar na gumaganapa naman bilang Charito Solis, ay dito nga nabanggit ang pangalan ni Bossing Vic.
Maghahain daw ang reklamo ngayong araw, January 9 sa Muntinlupa City Regional ayon sa legal counsel ni Vic.
Samantala, nauna nang nilinaw ni Direk Darryl ang mga kontrobersyang naglalabasan sa ginagawang pelikula. At kabilang na raw dito ang mga nagsasabing isa lamang daw itong “diversion” para mailihis ang mga tunay na isyu sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Nabanggit din niya sa naturant post ang pangalan ni Bossing Vic.
“Pepsi and I—we are Olongapeños. But more than that, this story has haunted the public consciousness for decades,” painful niya.
“As a filmmaker who started out in social media, I don’t choose these stories; they choose me.
“Social media keeps resurrecting it, raw and unresolved, like an open wound. And when something keeps coming back like that, you realize—it’s not just a story, it’s a reckoning.
“I felt a responsibility to confront it, to dig into the truth, no matter how uncomfortable, and present it in a way that demands to be seen and felt.”
Dagdag pa niya, “About Sir Vic Sotto, I’m not sure whether to offer an apology for his name being mentioned in the film.
“The truth, after all, is unapologetic. As a public figure tied to a public story, I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface.
“My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts.
“I trust that those who will watch the film will see it for what it is: an attempt to shed light on a controversy that refuses to be forgotten.
“I respect my fellow artists, I respect the pillars of the industry, but what I respect most is the Truth in my heART.”
Tiyak na aabangan ng media ang paghahanin ng reklamo ng kampo ni Vic Sotto, at kung ano ang magiging hakbang tungkol dito ni Direk Daryll.
(ROHN ROMULO)
“No doubt ikaw ang pinakamagaling na actor sa Pilipinas mapaTV man or movies. Blessed both sa career at family life.”
“Salamat at binigyan ng magagandang role at project si Dennis. Lumabas talaga yung versatility at talent niya. Congrats, Dennis!”
(ROHN ROMULO)