• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 14th, 2025

Top NBA team, tinambakan ng Pacers

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA UNANG pagkakataon ay tinambakan ng isang team ang top team sa NBA na Cleveland Cavaliers matapos itong patumbahin ng Indiana Pacers, 108 – 93.
Ito ang unang pagkakataon na dumanas ng 15 points na pagkatalo ang Cavs ngayong season habang ito pa lamang ang ikalimang pagkatalong nalalasap nito sa loob ng 38 games.
Sa naging bakbakan ng Pacers at Cavs, nagawa ng Indiana na kontrolin ang Cavs sa 2nd half at limitahan ito sa 18 points sa 3rd quarter at 22 points sa 4th quarter.
Sa pagtatapos kasi ng 1st half ay hawak ng Cavs ang 13-point lead.
Gayunpaman, binura ito ng Pacers sa 3rd quarter at ibinulsa pa ang 4-pt. lead.
Pinilit ng Cavs na bumangon sa 4th quarter ngunit lalo lamang lumaki ang lead ng Pacers kung saan 4 mins. at 30 secs. bago matapos ang huling quarter ay hawak na nito ang 18-pt. lead, 98 – 80, sa tulong ng sunud-sunod na shots ni Pascal Siakam.
Hindi na nakabawi pa ang Cavs at tuluyang natapos ang laban, 108 – 93 pabor sa Pacers.
Bagamat walang player ng Pacers ang nagbulsa ng 20 points o higit pa, nagawa ng anim na player nito na magpasok ng tig-double-digit score sa pangunguna ni Pascal Siakam na nagpasok ng 18 points at siyam na rebounds habang 15 points at sampung rebound naman ang ambag ng bigman na si Myles Turner.
Hindi rin naging balakid sa Pacers ang dalawang puntos, isang rebound, at limang assists na nairehistro ng star player nitong si Tyrese Haliburton.
Sa pagkatalo ng Cavs, mistulang minalas ang dalawa nitong starting guard na sina Donovan Mitchell at Darius Garland.
Tanging pito lamang mula sa 17 shots kasi ni Mitchell ang pumasok, habang 7 shots lamang ang naipasok ni Garland mula sa 16 na pinakawalan.
Pawang negative ang nairehistro ng first-5 ng Cavs, hindi tulad sa mga nakalipas na laro ng mga ito.
Maaalalang sa apat na naunang pagkatalo ng Cavs ay hindi nalalayo ang score nito sa mga winning team: kinabibilangan ito ng Boston Celtics, 122 – 108 ; Miami Heat, 122 – 113, at ang back-to-back loss sa Atlanta hawks, 135 – 124 at 117 – 101.

Marcial balik-ensayo sa gitna ng kontrobersiya

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
BALIK-ENSAYO na agad si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial matapos pumutok ang kontrobersiya sa asawa nitong si Princess.
Isinantabi muna ni Marcial ang mga personal na usapin para pagtuunan ang kanyang training at masigurong nasa perpektong kundisyon ito sa kabila ng mga isyu.
Nais ni Marcial na pag-usapan na lamang ito sa tamang lugar lalo pa’t may kani-kanya nang abogado ang magkabilang panig para maresoba ito.
“Tuluy-tuloy pa rin ang ensayo,” ani Marcial.
Nagpost si Marcial ng video sa social media kung saan sumalang ito sa sparring session.
Pumutok ang isyu ma­tapos isiwalat ni Princess sa social media ang umano’y pambababae, pananakit at pagbabanta ni Marcial sa kanya.
Pinabulaanan naman ni Marcial ang lahat ng paratang ng kanyang asawa.
Pinayuhan na si Marcial ng kanyang legal counsel na si Atty. Marlon Morada upang manahimik na muna.
Sasagutin ng kampo ni Marcial ang lahat ng akusasyon sa oras na matanggap na nito ang pormal na reklamo.

Sapat na suplay ng tulong para sa displaced residents sa Bicol dahil sa shear line, tiniyak ng OCD

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ng Office of Civil Defense (OCD) na may sapat na pagkain, tubig at iba pang relief items para sa libo-libong katao na napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Bicol Region dahil sa matindi at malakas na ulan dahil sa shear line.
Sinabi ni Gremil Naz, tagapagsalita ng OCD regional office sa Bicol (OCD-5), na may 5,013 indibiduwal o 1,440 pamilya ang nanunuluyan sa evacuation centers simula pa ng araw ng Linggo, Enero 12.
“So far, there are no concerns on relief goods and other needs of the evacuees because the DSWD [Department of Social Welfare and Development] is quick to replenish our resources. Other agencies such as the DOH [Department of Health] is very responsive too,” ang sinabi ni Naz sa isang panayam.
Sa ulat, ang mahina hanggang malakas na ulan na dala ng shear line ang nakaapekto sa Bicol Region simula Enero 7, nagresulta ito ng pagbaha sa maraming lugar sa Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte, at Albay.
Mahigit sa P2 milyong halaga ng relief assistance ang naipagkaloob sa mga pamilya na apektado ng pagbaha, landslides at iba pang epekto ng shear line sa Bicol.
“Right now, we are still experiencing intermittent rains especially in the eastern side of Bicol,” ayon kay Naz.
“We have also monitored rain-induced landslides but the affected areas were quickly cleared by the local government units and DPWH [Department of Public Works and Highways],” dagdag na wika nito.
Isang lahar advisory naman ang ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng lahar flow mula Mayon Volcano sa Albay.
“The Phivolcs issued a lahar advisory in Albay but so far, there’s no monitored lahar flow there,” ang sinabi pa rin ni Naz.
Pinayuhan naman ni Naz ang publiko na maging bigilante at i- monitor ang updates mula sa mga lokal na awtoridad.
“It’s possible that the rains will persist in the next few days in Bicol Region so let’s all just standby for advice from local authorities, specifically from the local DRRM [disaster risk reduction and management] offices on what to do to ensure everybody is safe,” ang tinuran ni Naz. (Daris Jose)

DOF, bukas upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa LGUs ukol sa Mandanas ruling, fiscal capacities

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BUKAS ang Department of Finance (DoF) na ipagpatuloy ang pakikipag-usap LGUs kaugnay sa National Tax Allotment.
Sa katunayan, muling pinagtibay ni Finance Secretary Ralph Recto ang commitment ng departamento na ‘transparency’ at mahigpit na pagsunod sa Mandanas ruling.
“We assure our LGUs that we are strictly adhering to transparency and accountability, especially with the principles set by the Supreme Court, in implementing the Mandanas-Garcia ruling. Nothing is shortchanged,” ang sinabi ni Recto.
”We are very much welcome and open to having continued dialogues with our LGUs to help them strengthen their fiscal capacities and optimize resource utilization to deliver more and better services to Filipinos,” dagdag na wika ng Kalihim.
Ngayong linggo ay nakatakdang makipagpulong si Recto sa League of Cities and Municipalities para talakayin ang computation ng NTA.
Sa ulat, pinalawak ng July 2018 Supreme Court ruling ang base ng share ng LGUs sa taxes o mga buwis o sa tinatawag na “Mandanas Ruling.”
Layon ng nasabing adjustment ang ayusin ang fiscal autonomy ng LGUs sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga ito ng “more substantial share of the national tax base.” ayon sa DOF.
Sa ulat, inatasan ng High Tribunal ang hepe ng DoF, Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Commissioners ng BIR at Bureau of Customs (BOC), at National Treasury, na isama ang lahat ng national tax collections sa computation ng NTA base, “except those accruing to special purpose funds and special allotments for the utilization and development of the national wealth.” (Daris Jose)

Simultaneous cleanup sa Navotas

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang sabayang paglilinis sa mga barangay sa Lungsod ng Navotas kung saan umabot sa 2,800 sako ng basura ang nakolekta bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119th  anibersaryo ng Navotas. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Tiangco ang halaga ng malinis na karagatan at kapaligiran sa pangunahing kabuhayan sa lungsod, ang pangingisda. (Richard Mesa)

Remulla sa mga LGUs, paigtingin ang inspeksyon para tuluyang malipol ang POGOs

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HINIKAYAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang pag-iinspeksyon upang matiyak na tuluyang mapupuksa ang natitirang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
“Mensahe ito sa lahat ng LCE [local chief executives], husayan n’yo trabaho, siguraduhin n’yong inspeksyunin n’yo lahat ng mga building. Kayo rin ang mananagot kung mahuli namin na pinasok n’yo mga building at hindi kayo nag-report sa amin,” ang sinabi ni Remulla.
Ipinalabas ni Remulla ang babala matapos na salakayin ng mga awtoridad ang isang pasilidad sa Barangay Tambo, Parañaque City, araw ng Miyerkules, Enero 8 kung saan sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) ay ginamit sa ‘love at investment scams.’
Mahigit 400 na indibiduwal na nagtatrabaho sa hub ang nasakote at kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI. Karamihan sa mga ito ay Chinese, Vietnamese, Indonesian, at Myanmar nationals.
“Full operation eh, 400 plus, so susulat kami sa LGU, hihingi kami ng paliwanag kung ano talaga ang nangyari,”ang sinabi ni Remulla.
Matatandaang, nagpalabas si Remulla ng isang memo noong Enero 2, inaatasan ang LGUs na regular na inspeksyunin ang mga business establishments upang matiyak na hindi na mago-operate ang POGOs sa kanilang ‘areas of authority.
Ipinag-utos din nya sa LGUs na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga ‘hidden POGO operations.’
Inatasan din ang LGUs na magsumite ng “no POGO” certificate sa pagtatapos ng Enero 2025. (Daris Jose)

Naniniwala ang Malakanyang: National Rally of Peace ng INC, mapayapa, matiwasay at makabuluhan- Bersamin

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
WALANG duda at naniniwala ang gobyerno na naging mapayapa, matiwasay at makabuluhan ang mga pagtitipon  kahapon, Lunes, Enero 13 nang idaos ang National Rally of Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC).
“Higit sa lahat, umaasa kami na ang mga ipapahayag na mga opinyon ay makakatulong sa paglilinaw sa mga usaping kinakaharap ng ating bansa at maghahatid sa atin sa tunay na pagkakaisa na ating inaasam,” ayon kay Executive Secretary Lucas P. Bersamin.
“Sa pagkilatis at pakikinig lamang sa lahat ng panig sa isang usapin ang siyang magdudulot ng kalinawan na ating hinahanap,” aniya pa rin.
Sinabi pa rin ni Bersamin na ang mapayapang pagtitipon ay maituturing na ‘bedrock right’ na ginagarantiya ng Saligang Batas, itinatangi ng mga tao at patuloy na itinataguyod ng administrasyong Marcos.
Kaya nga ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay inaatasan na huwag hadlangan ang karapatan na Iglesia ni Cristo na ipahayag ang kanilang saloobin.
“In this light, agencies concerned with the maintenance of peace and order, as well as with traffic and transportation management, including emergency health services, should be ready to provide assistance whenever such is needed by their fellow citizens,” ang sinabi pa rin ni Bersamin.
Para sa Malakanyang, ang pagtitipon ngayong araw ay bahagi ng ‘national conversation’ na dapat ay mayroon ang lahat bilang tao upang magbigay ng kalinawan at consensus sa mga usapin na kinahaharap ng lahat at nakaaapekto sa hinaharap.
Magugunitang kinansela ng Malakanyang ang pasok sa paaralan at opisina sa lungsod ng Maynila at Pasay dahil sa gaganaping kilos protesta. (Daris Jose)

Partikular na sa larangan ng ‘economic, maritime at technology cooperation’… Pinas, Estados Unidos, Japan nangakong palalakasin ang ‘trilateral agreement’

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NANGAKO ang Pilipinas, Estados Unidos, at Japan na patuloy na magtutulungan para palakasin at palalimin ang trilateral ties, partikular na sa larangan ng ‘economic, maritime, at technology cooperation.’
“I am confident that our three countries will continue to work together closely to sustain the gains that we have made in enhancing and deepening our ties,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang trilateral meeting kasama sina US President Joe Biden Jr. at Japan’s Prime Minister Ishiba Shigeru.
Matatandaang, noong April 11,2024 ay nagpartisipa sina Pangulong Marcos, President Biden, at dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa isang trilateral summit sa Washington, DC. Muling pinagtibay ng mga ito ang kanilang commitment para sa mapayapa, ligtas at maunlad na Indo-Pacific, ginagabayan ng “values of democracy, rule of law, at human rights.’
Sinabi pa ng Pangulo na simula ng adopsyon ng Trilateral Joint Vision Statement noong Abril, naisagawa ang makabuluhang progreso sa pagpapatupad ng bilateral at trilateral cooperation sa larangan ng mutual interest sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan.
“These interests include inclusive economic growth and resilience, crucial and emerging technologies, climate cooperation and clean energy, and promoting peace and security among the three nations,” ayon sa Malakanyang.
Inulit naman ni President Biden ang sentimyento ni Pangulong Marcos, sinabi nito na ang Pilipinas, Estados Unidos at Japan “have made historic progress” mula noong Trilateral Summit noong nakaraang Abril, “especially in maritime security, economic security, and technology cooperation.”
“Since then, we’ve made historic progress in our trilateral partnership, especially in areas of maritime security, economic security, technology cooperation, and high-quality infrastructure investments … We should continue to deepen our cooperation in these areas, I believe,” ang sinabi naman ni President Biden.
Pinuri naman ni President Biden si Pangulong Marcos para sa kanyang diplomatikong tugon “to China’s aggressive and coercive activities in the South China Sea.”
“Simply put, our countries have an interest in continuing this partnership and institutionalizing our cooperation across our governments so that it is built to last. I’m optimistic that my successor will also see the value of continuing this partnership, and that it is framed the right way,” ang winika pa rin ni President Biden.
Binigyang halaga naman ni Prime Minister Ishiba ang palalimin pa ang trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan, sinabi nito na ang mga nagawang progreso ay nagsimula sa trilateral summit noong Abril.
“Going forward, it is important to deepen trilateral cooperation in a variety of fields,” ang sinabi ni Prime Minister Ishiba.
Samantala, sa trilateral phone call, araw ng Lunes, nangako sina Pangulong Marcos, President Biden at Prime Minister Ishiba na pagtitibayin ang trilateral relations sa pagitan ng tatlong bansa. (Daris Jose)

PBBM, nanawagan para sa int’l support para sa UN Security Council bid ng Pinas

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta para sa Pilipinas na makasama sa United Nations Security Council (UNSC).
Ginamit ng Pangulo na oportunidad ang unang Vin d’Honneur ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang para ipanawagan na makasama ang Pilipinas sa (UNSC).
Kasali kasi ang Pilipinas sa naglalaban-laban para masungkit ang non-permanent seat sa UNSC para sa terminong 2027-2028. Ang Security Council ay ang pangunahing responsable para sa pagpapanatli ng ‘international peace at security.’
“I take this opportunity anew to convey to your respective governments our earnest request for your support to our UNSC bid, and we hope for your support when the time comes when we are indeed sitting as a member of the Security Council,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.
Ang UNSC ay mayroong 15 miyembro kung saan ang bawat isa ay mayroong isang boto at sa ilalim ng UN Charter, ang lahat ng member states ay obligadong sumunod sa desisyon ng Council.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mayroong “rich experience in building peace, forging consensus, and finding new paths for cooperation.”
“Nowhere is this best highlighted than in our unfaltering contribution to UN Peacekeeping Operations over the past sixty years, deploying over 14,000 troops in 21 UN peacekeeping operations and special political missions,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa rin niya na ang layunin ng bansa ay nakaayon sa pananaw na ang multilateralism ay dapat na palakasin o pagtibayin sa pamamagitan ng pagreporma sa Security Council at pagpapasigla sa General Assembly.
Samantala, matatandaang nasungkit ng Pilipinas ang isang seat sa Security Council para sa terminong 2004-2005.  (Daris Jose)

Pangalan ni Chavit, di aalisin sa balota matapos umatras sa pagka-Senador sa darating na eleksyon

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAISASAMA  pa rin sa balota ang pangalan ni dating Ilocos Governor Chavit Singson .
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) hindi na maiaalis o matatanggal si Singson sa balota dahil nagsimula na ang pag-iimprenta.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia , ito ay kung itutuloy ni Singson ang kanyang naging anunsyo na pag-atras sa Eleksyon 2025.
Paliwanag naman ni Garcia na sakaling may makuha pa rin na boto si Singson ay idedeklara ito bilang stray vote at hindi bibilangin.
Ang pormal na paghahain ng withdrawal ni Singson ay hihintayin ng Comelec ngayong umaga.
Sinasabing usaping pangkalusugan ang dahilan ng pag-atras ni Singson sa senatorial race.
Ayon kay Garcia, dapat personal ang paghahain ng aspirante ng kanyang withdrawal at hindi puwedeng kinatawan lamang.(Gene Adsuara)