Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SI Bossing Vic Sotto ang newest brand ambassador para Santé Barley, ang nangungunang global provider ng organic health at wellness products.
Permanenteng fixture si Vic sa Philippine showbiz mula nuong 1970s. Kilala si Bossing sa kanyang commitment sa malusog na pamumuhay, sa kanyang kuneksyon sa kanyang mga fans, at siyempre anag kanyang dynamic onscreen presence, kaya naman siya ang perfect na kumatawan sa brand na nagpo-promote ng magandang kalidad ng pamumuhay.
Bilang orihinal na host ng long-running noontime show na ‘Eat Bulaga!’ kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, ilang dekada nang household name si Vic.
Kilala rin siya sa kanyang blockbuster na comedy-fantasy films tulad ng ‘Si Agimat at si Enteng Kabisote’ (2010), ‘Enteng ng Ina Mo’ (2011), at ‘Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako’ (2012).
Last year, ginawa ni Bossing Vic ang kanyang first dramatic role sa blockbuster MMFF 2024 entry na ‘The Kingdom’, na isang proyekto na tumitingin kung ano ang magiging kasaysayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng ibang bansa, at minarkahan nito ang unang pagkakataon na hindi siya nag-comedy.
Hindi pa rin siya makapaniwala na sinuportahan ng moviegoers ang ‘The Kingdom’ at nakatanggap ng magagandang reviews kaya, “ninanamnam pa ‘yung pagtanggap sa akin ng mga manonood.
“Noong una, parang kabado ako, tatanggapin ba ako in a serious role from start to finish. Tatanggapin ba niya na ako’y mate-tegi at para sa hindi pa nakakapanood, sorry, spoiler alert.
Kuwento pa ni Bossing Vic, “ang tagal ko kasing nagpahinga sa paggawa ng pelikula, kasi nga hindi naman ako bumabata na. I know how tedious at talaga nakaka-drain ng energy, emotionally and physically.
“Hindi naman ako gumagawa ng basta basta lang, na puwede na ‘yan. Lalo na ngayon, iba na ang style ng paggawa ng pelikula, kung gusto nating itaas ang kalidad ng Pelikulang Pilipino, we have to be really professional about it.
“Like itong ’The Kingdom’, naranasan ko ang malaking pagkakaiba. And after watching the finish product, I would say that I’m very proud of it. I’m very happy na ako’y naging parte ng pelikula.”
Dagdag pa niya, “sulit talaga ang lahat ng pagod namin, dahil mahirap at sobrang pagod ang paggawa namin ng pelikula.
“Sineryoso ko talaga ang role, kung paano ko magagawa ng tama with the help of my best director, Michael Tuviera. At sa tulong din ng mga kasama ko sa pelikula, kasi they served as an inspiration for me.
“Nakita kung gaano kaseryoso sina Piolo Pascual at Sid Lucero, pati ‘yun mga anak ko na sina Cristine Reyes at Sue Ramirez. They giving it all, 100%, kaya sabi ko, dapat ganun din ako.
“Kaya nga napanood ko ang movie, I felt that I was an amateur compared to this actors and actresses.”
Binuo naman ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand. Sa misyon nito na tulungan ang mga tao sa buong mundo na mamuhay ng mas matiwasay at mas malusog, nagbibigay ang Santé ng natural health solutions na pinagsasama ang science at nature.
Ang flagship product nito na Santé Barleyay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto. Ang iba pang brand offerings ay ang Santé Pure Barley Powder, Santé Barley Pure Capsules, Santé Fusion Coffee, at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t-ibang mga lifestyle.
Kinakatawan ni Vic ang qualities na mahalaga sa Santé Barley: authenticity, vitality, at proactive approach to health. Excited si Bossing sa partnership: “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mumuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”
Kialala ang Santé Barley is renowned sa mayaman nitong nutrient profile, na puno ng essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants. Ang Regular na consumption ng barley grass ay napatunayang importante sa pag-improve ng digestion, pag-enhance ng immunity, at sa pag-boost ng overall vitality.
Sa pakikipag-partner nito kay Vic, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga Pinoy na unahin ang kanilang well-being at i-explore ang mga benipisyo sa pag-incorporate ng barley grass sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Matutungyahan sa partnership na ito si Vic sa series of campaigns, kasama ang digital commercials and content, at live events para maturuan ang mga Pilipino tungkol sa kahalagahan ng organic health products.
“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for Santé,” pahayag ni Santé’s CEO Joey Marcel.
“Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”
At sa hinaharap na isyu ngayon ni Vic, matapos na mag-file siya ng kaso sa direktor na Darryl Yap, dahil sa pagkakadawit ng pangalan sa trailer ng pinag-uusapan pelikula.
Thankful si Bossing Vic sa suportang natatanggap niya lalo na movie industry.
“I’m very thankful that I have family supporting me, my friends and my friends in the business, na tuloy-tuloy ang pagsuporta sa akin.
“Like Sir Joey (Marcelo), trusting me endorsing ng isang magaling na produkto.
“Kaya maraming-maraming salamat sa inyo at sa lahat ng tao.”
Inamin niya na naapektuhan din siya ng mga negative issue, “hindi naman puwede na hindi ka maapektuhan.
“Pero sabi ko nga, ipagpasa-Diyos mo na lang, mawawala na ‘yun. With God on your side, wala ‘yun stress-stress na yan at mga pagsubok, whatever it is. Kumbaga, yakang-yaka at hindi ko pinapansin kung ano man, basta you trust in God, tanggal lahat yun.”
Nagpasalamat din si Bossing Vic sa media, dahil hindi na siya tinanong tungkol sa isinampang kaso, dahil hindi rin niya ito masasagot, dahil pinagbabawalan silang magsalita tungkol dito.
(ROHN ROMULO)