• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 18th, 2025

Pamahalaang Panlalawigan, BCCI, nagdagdag ng kulay sa Ika-50 Anibersaryo ng Sto. Niño de Malolos, naghain ng trade fair sa mga bisita

Posted on: January 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– “In for a treat” ang mga bisita ng Sto. Niño de Malolos Grand Exhibit mula sa lahat ng sulok ng bansa sa pagkakaroon ng pagkakataon na matikman ang masasarap na lutong Bulakenyo at makapamili ng kakaibang produkto sa Tatak Bulakenyo/BUFFEX Trade Fair sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) at ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) mula Enero 16 hanggang 23 na magdaragdag ng kulay sa selebrasyon.

 

Matatagpuan sa matingkad na kapaligiran ng Kapitolyo, sa harapan ng Bulacan Capitol Gymnasium at Regional Trial Court, ang pinagsamang trade fair na binubuo ng 46 exhibitors mula sa panig ng Tatak Bulakenyo at 28 exhibitors naman sa panig ng BUFFEX.

 

Sa kanyang mensahe sa pambungad na programa, idiniin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng Sto. Niño sa buhay ng mga Pilipino at mga Bulakenyo.

 

“Sa limang dekada ng ating exhibit ng Sto. Niño, tampok natin ang batang Hesus sa iba’t ibang anyo, bihis at wangis. Ito ay simbolo na ang kaharian ng Diyos ay para sa lahat, bata man o matanda, anuman ang ating estado o uri ng pamumuhay,” anang gobernador.

 

Buong pagmamalaki din niyang ipinakita ang kanyang sariling itinatanging imahe ng Sto. Niño, isang pamana ng pamilya na nasa kanyang pangangalaga, kasama ng nasa 500 iba’t ibang imahe na representasyon ng Batang Sanggol mula sa buong bansa.

Sinamahan si Fernando nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Regional Director ng DOT Richard G. Daenos, Bureau of Customs Acting Deputy Commissioner of Internal Administration Group Michael Fermin, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, Pinuno ng PCEDO Abgd. Jayric L. Amil, Provincial Information Officer Katrina Anne B. Balingit, at Nanunuparang Pinuno ng PHACTO May Arlene Torres bukod sa iba pa.

Ang Sto. Niño de Malolos Grand Exhibit na matatagpuan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito ay bukas sa publiko mula Enero 17 hanggang 24 mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Quezon City LGU pasok na sa R-Cities

Posted on: January 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PASOK  na ang ­Quezon City sa Resilient Cities Network.

Ito naman ang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kung saan sumali ang lungsod sa R-Cities para mapalakas at tumibay pa ang lugar sa gitna ng banta ng shocks.

Ayon kay Belmonte, maaring maging biktima ang lungsod ng heatwaves, baha, bagyo, traffic congestion, informal settlements at polusyon.

Nasa tatlong milyon ang populasyon sa Que­zon City.

Bilang tugon sa mga hamon, sinabi ni Belmonte na nagtayo ang lungsod ng Enhanced Local Climate Change Action Plan (LCCAP)  at kauna-unahang Climate Change and Environmental Sustainability Department sa buong bansa.

“Quezon City, like many other cities in the Philippines, is vulnera­ble to extreme heat, tropical cyclones, and floo­ding. Unfortunately, these weather conditions are mostly felt by low-income and vulne­rable communities. Since the worsening climate crisis gravely affects lives, health, livelihood, and community, the local government must be at the forefront of efforts to mitigate these impacts and create a sustainable, livable, and resi­lient city for everyone,” pahayag ni Belmonte.

Kasama sa R-Cities ang may 100 lungsod sa mga lugar ng Paris, Cape Town, New York City, Rio de Janeiro, Sydney, at Singapore.

“After over a year of partnership to transform schoolyards for children and their communities in Quezon City, I am thrilled to be welcoming them to the Resilient Cities Network,” said Lauren Sorkin, Executive Director, Resilient Cities Network. The city’s commitment to understanding and managing the city’s shocks and stresses will go a long way to ensuring its residents thrive in the polycrisis reality. We are eager to support them in their resilience journey and connect Quezon City to the Network’s knowledge and members regionally and globally.” dagdag ni Belmonte.

Ads January 18, 2025

Posted on: January 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments