
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
***
UPANG mas maproteksyunan pa ang mga datos na kasalukuyang hawak ng Ahensya, opisyal na inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, ang Data Privacy Management Program nito kasunod ng pagsasagawa ng unang data privacy training para sa mga Board Member at empleyado ng MTRCB.
Parte ito ng inisyatiba ng MTRCB na matiyak ang seguridad ng mga sensitibong impormasyon bilang pagtalima sa Data Privacy Act of 2012.
Layon ng programa na matukoy ang lahat ng personal na datos na kinokolekta, pinoproseso, at itinago ng Ahensya, pati na rin ang pagbuo at pagpapatupad ng polisiya para masiguro na epektibong napapamahalaan ng MTRCB ang lahat ng datos at maiwasan ang anumang insidente at pagkakompromiso sa mga ito.
Binigyang diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang dedikasyon ng Board na mapangalagaan ang lahat ng datos na kapit ng ahensya.
“Bukod po sa mandato ng MTRCB na maproteksyunan ang pamilyang Pilipino partikular ang kabataan sa pamamagitan ng responsableng panonood, atin din tinitiyak ang seguridad at integridad ng mga impormasyon na ating ginagamit sa operasyon, partikular ang mga sensitibong impormasyon,” sabi ni Sotto-Antonio sa kanyang mensahe.
Kinilala rin nito ang mahalagang parte ng data privacy sa makabagong panahon.
“Sa ilalim ng programang ito, ating matitiyak na tayo ay sumusunod sa nakasaad sa Data Privacy Act of 2012. Makakabuo tayo ng mga hakbang para matugunan ang mga hamon pagdating sa regulasyon at pamamahala ng mga datos ng epektibo.”
Ang naging pagsasanay naman para sa mga empleyado at Board Member ay naging daan para magkaroon ng praktikal na kaalaman ang mga ito upang masiguro na nakalinya sa umiiral na polisiya at regulasyon ang bawat proseso ng ahensya sa pagprotekta ng mga sensitibong datos.
Patuloy naman ang pagtitiyak ng MTRCB na bukod sa mandato nitong pagprotekta sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa responsableng panonood, sinisikap din ng Board na matiyak ang seguridad ng lahat ng impormasyon na sumasalamin sa dedikasyon ng Ahensya sa mataas na antas ng serbisyo publiko.
(ROHN ROMULO)
Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil kahit senior na siya ay maayos pa rin ang estado ng kanyang health at ang pinaka-good news pa ay hindi pa niya kailangang mag-take ng mga gamot pang-maintenance.
Wala raw siyang problema sa hypertension at diabetes pero aminado siyang may mga iniinom siyang food supplements, kabilang na ang vitamins at mga all-natural healthy drinks.
Say pa ni Bossing na ang ilan daw sa mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga” ay may mga maintenance medicines na tulad nina Joey de Leon at Allan K.
Bukod sa pag-take ng supplements, mine-maintain din niya ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, tulad ng regular exercise (pagbibisikleta at walking, kasama na rin ang paggo-golf) at pagkain nang masustansiya at pagkain sa tamang oras.
And course, malaking tulong din sa pagpapalakas ng katawan ang pag-inom niya ng Sante Barley araw-araw, lalo na sa umaga at puwede rin bago matulog.
Kaya malaki ang pasasalamat niya sa CEO ng Sante na si Joey Marcelo, na pinagkatiwaan siya na mag-endorso ng sikat na produkto.
(ROHN ROMULO)
WALANG duda na karapat-dapat na mailuklok sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame si weightlifter Hidilyn Diaz na kauna-unahang Pinoy athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics.
Pormal nang iluluklok si Diaz sa San Miguel Corporation-PSA Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Manila Hotel.
Hindi malilimutan ang tagumpay ni Diaz nang maibulsa nito ang gintong medalya noong 2020 Olympics sa Tokyo, Japan para basagin ang ilang dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics.
Kaya naman bibigyan ito ng natayanging parangal para saluhan sa maningning na programa si first ever Filipino Olympic double-gold medalist Carlos Yulo na tatanggap ng Athlete of the Year award sa programang inihahandog ng ArenaPLus, Cignal at MediaQuest.
Makakasama nina Diaz at Yulo ang iba pang atleta at mga personalidad sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Senator Bong Go, Januarius Holdings, PBA, PVL at 1-Pacman Party List.
Isa lamang si Diaz sa listahan ng mga legendary athletes na nasa Hall of Fame.
Kabilang dito sina late track and field great Lydia De Vega, bowlers Paeng Nepomuceno at Bong Coo, chess grandmaster Eugene Torre, pool idol Efren ‘Bata’ Reyes, late FIDE president Florencio Campomanes at Manny Pacquiao.
Matagumpay ang karera ni Diaz na humakot ng kabi-kabilang gintong medalya sa Southeast Asian Games at Asian Games at sa World Championships at Asian Championships.
Isa lamang si Diaz sa apat na Pinoy athletes na nakasungkit ng dalawang medalya sa Olympics.
Bukod sa ginto ay may pilak din ito sa Rio Olympics noong 2016.
Kasama ni Diaz sa mga double medalists sina Yulo (dalawang ginto), Nesthy Petecio (isang pilak at isang tanso) at Teofilo Yldefonso (dalawang tanso).
MULING napili ng Gilas Pilipinas si Troy Rosario na sasabak sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.
Siya ang unang napili matapos na dumanas ng injury sina Kai Sotto at Kevin Quiambao.
Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na siya ang kukumpleto sa final 12 na isusumite nila.
Huling naglaro sa Gilas si Rosario ay noong 2021 Southeast Asian Games.
Magugunitang nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si Sotto habang ang 6-foot-6 na si Quiambao ay dumaranas ng right ankle injury.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas sa Pebrero 20 ang Chinese Taipei habang makakalaban nala ang New Zealand sa Pebrero 23.
BINUHAT ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors (GSW) para ibulsa ang panalo laban sa Minnesota Timberwolves, tangan ang isang puntos na kalamangan, 116 – 115.
Kumamada si Curry ng 31 points at walong assists sa panalo ng GSW habang 24 points naman ang ambag ng forward na si Andrew Wiggins.
Hindi pa rin nakapaglaro si Draymond Green sa naging laban ng Warriors ngunit ipinalit sa kaniya ang sophomore na si Trayce Jackson-Davis bilang sentro.
Kumamada si Davis ng 15 rebounds, at dalawang blocks, daan upang pangunahan ang depensa ng GSW.
Hindi naman umubra ang tig-28 points na ipinasok ng dalawang guard ng Minnesota na sina Anthony Edwards at Donte DiVicenzo.
Napigilan ng Warriors ang comeback attempt ng Wolves sa 2nd half ng laban kasunod na rin ng 13-point lead na hawak ng GSW sa pagtatapos ng 1st half.
Pinilit kasi ng Wolves na habulin ang GSW sa ikatlo at huling quarter ng laban gamit ang offensive explosion nina Edwards at Donte.
Gayunpaman, napigilan ng GSW ang last-second shot attempt ng Wolves at ibinulsa ang 1-pt win laban sa kalaban.
IREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-adjust ng mas maaga ang pasok sa lahat ng national government agencies (NGAs) sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng adjusted working hours na ipinatutupad ng local government units na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Sakaling maaprubahan ang rekomendasyon, sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na makatutulong ito para matugunan ang matinding trapiko at pagsisikip sa Metro Manila.
Isinaalang-alang aniya, sa pagrekomenda sa Pangulo na i-adapt din sa NGAs ang ipinatupad ng LGUs dahil sa nakitang malaking improvements sa travel time ng sasakyan at mga empleyado. Ang adjusted working hours sa LGUs na 7:00-4:00 ay batay sa resolusyon na naipasa ng Metro Manila Council (MMC).
“Siguro makakatulong ‘yan mapabawas lalo na sa public transport. Imagine mo, 500,000 ‘yung mga empleyado. Makakaiwas na sila sa pagsabay doon sa ibang bumabyahe. Dapat matapos ‘yung recommendation bago masimulan ‘yung rehabilitation ng Edsa,” ani Artes.
Sa pulong ng MMC, natalakay na ang tinatayang 223,508 kawani ng gobyerno na gumagamit ng public transportation ang makakabawas sa rush hour kung ‘di sasabay sa mga manggagawa ng pribadong sektor.
Lumalabas din na nasa 37.15% ng mahigit 473,500 national government employees sa NCR ang gumagamit ng pribadong sasakyan sa tuwing rush hour.
(Daris Jose)
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture (DA) na Food Security Emergency on rice sa bansa.
Sa panayam kay Pang. Marcos sa Leyte kanyang sinang-ayunan ang nasabing rekomendasyon ng national price coordinating council (NPCC).
Sa isang ambush interview sa lLeyte ngayong araw, sinabi ng pangulo na hinihintay na lamang na pormal na matanggap ng dept of agriculture ang rekomendasyon sa susunod na linggo.
Paliwanag ng Pangulo, gagawin ang hakbang na ito para gumana nang tama ang merkado sa presyuhan ng bigas.
Aniya sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan hindi pa rin bumababa ang presyo ng bigas.
Dagdag pa nito hindi aniya nakasusunod sa law of supply and demand ang merkado.
Kaya kinakailangan na aniyang pwersahan na maibaba ang presyo ng bigas at tiyaking gumagana nang maayos ang presyuhan sa mga palengke.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo may iba aniya na iligal ang pagtataas ng presyo kaya iniimbestigahan ito ngayon ng Kamara. (Daris Jose)
MAY sapat na datos at katwiran para magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng Food Security Emergency on Rice.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang tsansa na maaprubahan ng National Price Coordinating Council ang rekomendasyon na magdeklara ng emergency sa bigas.
Dagdag pa ni Tiu Laurel na dahil sa patuloy na tumataas ang presyo ng bigas kaya mahalaga na mailabas na sa mga warehouse ng National Food Authority (NFA) ang may 300,000 toneladang bigas.
Sa ilalim kasi ng Rice Tariffication Law, hindi maaring mailabas ang bigas sa mga bodega ng warehouse hanggat walang kalamidad sa bansa.
Paliwanag ng kalihim, na sa kabila ng mga ipinatupad na hakbang kabilang ang pagbaba sa 15% mula sa 35% ng taripa sa imported na bigas, ay hindi pa rin bumababa at nanatili sa P60 hanggang P64 ang presyo ng kada kilo ng branded rice sa merkado.
Hinihintay na lamang ngayon ni Laurel ang pormal na rekomendasyon ng NPCC bago konsultahin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Laurel, nasa P3 hanggang P5 ang ibababa sa presyo ng bigas oras na maaprubahan ang rekomendasyon ng NPCC.
Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na nakahanda na ang kanilang hanay na bantayan ang mga mapagsamantalang negosyante.
Ayon kay Roque, P5,000 hanggang P1 milyong multa ang ipapataw sa mga negosyante na hindi susunod sa itinakdang presyo ng bigas. (Daris Jose)