• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 21st, 2025

Ads January 22, 2025

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

Stephen Curry at Warriors, dumanas ng 40-point loss sa kamay ng Celtics

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

DUMANAS ng 40 points na pagkatalo ang Golden State Warriors sa kamay ng defending champion na Boston Celtics, 125 – 85.

Hindi na nakabawi ang GS mula sa unang quarter hanggang matapos ang laban kasunod na rin ng 11-point deficit na dinanas ng GS sa pagtatapos ng 1st quarter, 29 – 18.

Tuloy-tuloy na itong tinambakan ng Cetics kung saan sa pagtatapos ng 3rd quarter ay hawak na ng defending champion ang 34 points na kalamangan.

Muling nagpakita ng episyenteng opensa ang Boston sa pangunguna ng big-3 ng koponan na sina Jaylen Brown, Kristaps Porzingis, at Jayson Tatum.

Sa loob ng below-30 mins na paglalaro sa court, pawang nagpakita ang mga ito ng dominant offense; 22 points ang naipasok ni Tatum, 17 kay Brown, at 18 kay Porzingis.

Hindi na rin pinaglaro ang tatlo sa huling bahagi ng laban kasunod ng impresibong pagsisimula ng laro.

Mga sports personalities dumalo sa panunumpa ni Trump

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

ILANG personalities sa panunumpa ni US President Donald Trump.

Kinabibilangan ito ni UFC president Dana White at UFC commentator Joe Rogan.

Personal na inimibitahan ni Trump si UFC heavy weight fighter Jon Jones.

Sinabi ni Jones sa mga pumuna sa kaniya ay kahit na anong political party nila ay isa siyang American at personal itong inimbitahan ng US President.

Magugunitang noong nakaraang taon ay personal na nanood si Trump sa laban ni Jone kay Stip Miocic.

Matapos ang panalo ni Jones sa ikatlong round ay ibinigay niya ang kaniyang championship belt kay Trump.

Ilan din na naimbitahan ay sina Conor McGregor, Jake at Logan Paul ganun ang ilang mga kilalang US football players ay dumalo rin.

PH Embassy, hindi sigurado kung umalis na ng Estados Unidos ang mga undocumented Pinoy bago pa ang mass deportation

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI sigurado at hindi pa madetermina ng Philippine Embassy sa Washington kung may mga undocumented Filipino ang umalis na ng Estados Unidos bago pa ang inaasahang mass deportation sa ilalim ng Trump administration.

 

 

“We are not sure whether many of those that are undocumented na ating mga kababayan have left,” ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.

 

 

Ang alam lamang ni Romualdez ay pinayuhan ng embahada ang mga undocumented Filipino na umalis na muna ng Estados Unidos at magbalik-Pinas muna dahil hindi na makababalik pa ang mga ito kapag-nadeport na.

 

 

“Yun nga ang advice namin sa kanila. Kung wala talaga silang legal path, it is better they go na muna para makabalik sila dito at some point in time. Kasi kapag ma-deport ka, talagang hindi ka na makakabalik,” aniya pa rin.

 

 

Ani Romualdez, sinabi ng US government na prayoridad sa deportasyon iyong mga may criminal records at maging sa 1.3 million immigrants na naproseso na.

 

 

Sa ulat, higit apat na milyong Pilipino na nasa Estados Unidos ay 300,000 sa kanila ang undocumented at nangangambang sila ang unahing ideport.

 

 

Sinasabing pang-anim kasi ang mga Pilipino sa pinaka maraming illegal immigrants sa Estados Unidos kung saan nangunguna rito ang India.

 

 

Bukod dito, sinasabi pa rin n amarami ang sumusuporta kay Trump sa kanyang kampanya laman sa illegal immigrants at naniniwala sila na hindi maganda sa kultura ng US ang pananatili ng mga undocumented sa nasabing bansa.

 

 

Gayunpaman ay marami ring mga democrats ang tumututol sa ganitong sistema at may mga lider na rin ng ilang mga estado ang nagpahayag na hindi sila susunod sa kautusan ni Trump na may kaugnayan sa deportation.

 

 

Kabilang rito ang Los Angeles City sa California na nagpatupad ng “Sanctuary City” Ordinance na naglalayong protektahan ang kapakanan ng mga immigrants sa lugar.

 

 

Malaking tulong din kasi umano ang mga nasabing immigrants para sa ilang industriya kagaya na lamang sa sektor ng agrikultura, health at sa mga services.

 

 

Nais din sana ng mga nasabing Pilipino na maging documented subalit dahil sa hirap ng immigration process kung kaya’t napipilitan silang maging illegal immigrant. (Daris Jose)

Posibilidad na ma-extend ng 4 na buwan si Gen. Marbil bilang hepe ng PNP, pinag-aaralang mabuti ni PBBM

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAG-AARALANG mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na ma-extend ng apat na buwan ang panunungkulan ni Gen. Rommel Francisco Marbil bilang chief ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Sa isang ambush interview kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown Bonifacio, BGC Fort Bonifacio, Taguig City, araw ng Lunes, Enero 20, sinabi nito na hindi maganda na bigla na lamang papalitan ang hepe ng PNP sa kalagitnaan ng campaign period at nalalapit na election period sa bansa.

 

 

“Well, there is a very strong argument that it would be, it would not be good for stability especially to change the chief PNP in the middle of a campaign period and approaching an election period. So pinag aaralan namin, but I think that is probably a very strong argument to keep him on. At the very least, until after the elections,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa ulat, nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may mga indikasyon na mapahaba pa ang termino ni Marbil bagamat wala pang opisyal na pahayag mula kay Pangulong Marcos.

 

 

Ang nalalapit na midterm elections ang maaaring maging pangunahing dahilan ng extension nito, na posibleng tumagal hanggang Hunyo.

 

 

Si Marbil ay itinalagang PNP chief noong April 1, 2024, at nakatakdang magretiro sa February 7, 2025, sa mandatory retirement age na 56. (Daris Jose)

Pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos: PBBM, nagpaabot ng pagbati kay US Prexy Donald Trump

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPAABOT ng kanyang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay US President Donald Trump na pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos.

 

 

“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history. I look forward to working closely with you and your Administration,” ang naging mensahe ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang malakas at pangmatagalang alyansa aniya ng Pilipinas at Estados Unidos ay magpapatuloy para panindigan at pagtibayin ang nakabahaging pananaw ng kaunlaran at seguridad sa rehiyon.

 

 

Sa ulat, pinangunahan ni Chief Justice John Roberts ang panunumpa ni Trump sa loob ng Capitol Rotunda.

 

 

Bukod sa Abraham Lincoln bible para sa panunumpa ay ginamit ni Trump ang kaniyang personal na bibliya.

 

 

Ang nasabing bibliya ay siyang ginamit niya rin sa unang termino niya bilang pangulo noong 2017.

 

 

Matapos ang panunumpa ay nagpaputok ng canyon ang US military bilang tradisyon sa pagpupugay nila.

 

 

Isinagawa sa loob ng Capitol Rotunda ang panunumpa ngayon dahil sa labis na lamig ng panahon sa labas.

 

Huling isinagawa ang indoor na panunumpa ay noong panahon ni dating US President Ronald Reagan noong 1985.

 

 

Bago ang panunumpa ni Trump ay nanumpa na rin bilang kaniyang bise presidente si JD Vance na pinangunahan ni Supreme Court Justice Brett Kavanaugh.

 

 

Dumalo sa nasabing panunumpa ang mga napiling bubuo ng kaniyang gabinete ganun din ang mga dating pangulo ng US at kanilang mga asawa.

(Daris Jose)

DBM, aprubado ang pagpapalabas sa P30.4-B para sa MUP pension para sa Q1 2025

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng P30.409 billion para i-cover ang regular pension requirements ng military and uniformed personnel (MUP) para sa first quarter ng 2025.

Sinabi ng DBM na ang pondo ay huhugutin sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng Republic Act 12116 o 2025 General Appropriations Act.

Tinatayang P16.752 billion ng P30.409 ang ipinalabas para sa General Headquarters-Proper ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Veterans Affairs Office sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

May kabuuang P13.297 billion ang ipinagkaloob sa sa mga attached agency ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kabilang na ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at National Police Commission.

Ipinalabas din ng DBM ang P8.530 million para sa 34 pensiyonado sa ilalim ng National Mapping and Resource Information Authority ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“The funding requirements for the payment of pension to the 2,836 retired uniformed personnel of the Philippine Coast Guard for the same period reached P350.680 million,” ang pahayag ng departamento.

“The releases are based on the actual pension payroll submitted by the above-mentioned MUP agencies as of Dec. 31, 2024,” ayon pa rin sa DBM.

Sinabi ni Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo para sa pensyon ng MUP ay pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“For many MUP retirees and their families, pensions are a lifeline that ensure their daily needs are met, katulad po ng pambili ng gamot o pagkain,” ang sinabi ng Kalihim.

“Naiintindihan po natin, lalo na po ni Pangulong BBM, kung gaano kahalaga na matanggap po ng ating mgapensionerang benepisyo nila kaya agad-agad rin po, matapos makumpleto ang mga kailangang dokumento, pinirmahan po natin ang pagpapalabas ngbudgetsa mgaconcerned agencies,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

DBM, pinaigting ang ‘website capacity’ sa gitna ng ‘fake news’ ukol sa 2025 budget

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INANUNSYO ng Department of Budget and Management (DBM) ang system upgrade sa website nito kasunod ng pagtaas ng trapiko at paglaganap ng ‘misleading claims’ kaugnay sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang Information and Communications Technology Systems Service (ICTSS) nito ay nagsagawa ng three-hour maintenance mula alas-10 ng gabi , araw ng lunes hanggang ala-1 ng madaling araw , araw ng Martes, para i-improve ang bilis at episyente ng website.

 

 

Ang hakbang ay bunsod at sa gitna ng ‘false rumors’ na umiikot sa online na di umano’y pinalitan ng DBM sa 2025 GAA sa pamamagitan ng “filling in the blanks.”

 

 

Hayagang itinanggi ng DFBM ang pahayag na ito.

 

 

“There is no truth to the rumors disseminated by fake news peddlers and professional government destabilizers that the DBM edited the 2025 General Appropriations Act (GAA) to fill in the blanks, as there is no single page or figure missing in the 2025 GAA,” ang sinabi ng DBM.

 

 

Ang 2025 GAA ay “publicly available’ simula Enero 3, 2025 sa pamamagitan ng website nito.

 

Sinasabing madali naman itong ma -access ng libo-libong users online.

 

 

Ang printed copies ay available kapuwa sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Binigyang diin pa rin ng DBM na ang National Expenditure Program for 2025, nakabalangkas ang panukalang budget ng pamahalaan, in-upload sa website noong Hulyo 29, 2024.

 

 

Tinukoy din ng DBM ang kamakailan lamang na pagkilala sa Pilipinas bilang

 

“Most fiscally transparent nation” sa Asya, resulta ito ng commitment ng Pilipinas sa transparency sa pamamagitan ng inisyatiba gaya ng Open Government Partnership and Digitalization.

 

 

Sa kabilang dako, hinikayat ng DBM ang publiko na maging maingat sa mga ‘misinformation’ at sanayin ang pang-unawa sa pagsusuri sa mga naglalabasang pahayag.

 

 

Sa ulat, kamakailan lamang ay sinabi nina dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na may 13 pahina ng budget kasama ang mga items na may blank appropriations, nagpapanukala ng “blank check” scheme para sa future allocations.

 

 

Hayagang itinanggi naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang alegasyon na ito, mariing sinabi na “nagsisinungaling” ang dating Pangulo at batid aniya ni Digong Duterte na bilang Pangulo ng bansa ay hindi maipapasa ang budget ng may blank items.

 

 

Samantala, sinabi naman ng DBM na ang alegasyon ay “malicious and irresponsible allegations,” sinabi pa nito na ang pinresenta nina Digong Duterte at Ungab na mga pahina mula sa Bicameral Conference Committee Report, at hindi ang General Appropriations Bill o ang aprubadong GAA. (Daris Jose)

Dahil 60% ng tawag sa 911 ay ‘prank’… SIM Registration Law, hindi epektibo-Remulla

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANINIWALA si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na hindi epektibo ang SIM Card Registration Act dahil ang POGO operations, iniuugnay sa mga ilegal na aktibidad ay nagpapatuloy.

 

 

Sinabi ito ni Remulla, dahil 60% ng tawag sa 911 ay ‘prank’.

 

Aniya pa rin, ang problema sa pagpaparusa sa mga nasa likod ng prank calls ay maaaring iugnay sa Sim Card Registration Act.

“Ang problema kasi, hindi pa integrated ang national ID system sa mga telco natin. So, kaya nag-proliferate ang mga POGO dahil iyong SIM Card Registration Act na ginawa natin na hindi naging masyadong effective kasi walang national ID na attached,” ang sinabi ng Kalihim sa press briefing sa Malakanyang.

 

‘So, minsan ang isang tao, isang daan ang SIM card niya na nabibili– so, that has to be integrated also,” aniya pa rin.

 

 

Oktubre 2024 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas.

 

 

Layunin ng SIM Registration Act o Republic Act 11934, mapigilan ang paggamit ng mga SIM card sa krimen, kabilang na sa text at online scams.

 

 

Tiniyak din ng Pangulo na ang anumang impormasyon na kakailanganin sa pagpaparehistro ng SIM card ay “absolutely confidential, unless access to this information has been granted by the written consent of the subscriber.”

 

 

Sa ilalim ng batas, itinatakda sa mga public telecommunication entities na magsumite sa National Telecommunications Commission (NTC) ng verified list ng kanilang authorized dealers and agents sa buong bansa.

 

 

Kailangan nilang isumite ang listahan tuwing ikatlong bahagi ng taon.

 

 

Kung hindi ipaparehistro ng gumagamit ang SIM card sa itinakdang panahon, awtomatikong papatayin ng PTE ang koneksyon nito at hindi na magagamit.

 

 

May mga nakalaang parusa sa lalabag sa confidentiality ng impormasyon ng mga magpaparehistro ng SIM card, magbibigay ng maling impormasyon, magnanakaw at magbebenta ng nakarehistrong SIM card, ipagagamit sa iba ang SIM nang hindi sumusunod sa itinatakda ng batas, at iba pa. (Daris Jose)

Wong mabagsik sa comeback game

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS  ang limang buwan na pahinga, nakabalik na sa aksyon si playmaker Deanna Wong sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Kaya naman isang mabagsik na Wong ang nasilayan matapos pamunuan ang Choco Mucho sa 20-25, 20-25, 25-22, 25-22, 15-9 panalo laban sa ZUS Coffee noong Sabado.

Tila nanibago pa si Wong sa kanyang pagpasok sa court.

Subalit malaking tulong ang chemistry nito sa kanyang teammates para makapag-perform ng solidong laro para sa Flying Titans.

“Medyo alalay pa ako sa una pero I think also it’s because matagal na kasi kami magkasama so kahit nawala ako ng ganun katagal, nababalik din naman pagbalik ko sa training so hindi naging ganun kahirap,” ani Wong.

Alam ni Wong na marami pang kailangang ayusin para mas maging solido ang galaw ng kanilang team.

At desidido ang buong Flying Titans na kumayod ng husto para maibalik ang bagsik ng kanilang tropa.

“Alam namin sa sarili namin na sa amin yung problema so kami din makakapag-bigay ng solusyon dun. Lahat kami naging patient. It came to a point na parang we needed to regroup and we needed talk to each other, so ‘yun ang ginawa namin,” ani Wong.

Dahil sa solidong laro ni Wong, nakalikom si outside hitter Sisi Rondina ng 25 puntos habang nakagawa naman si Dindin Manabat ng 19 at pinagsamang 24 puntos sina Isa Molde at Lorraine Pecana.

Muling masusubukan ang tatag ng Choco Mucho sa Enero 23 kung saan ma­kakagupa nito ang PLDT.