
(ROHN ROMULO)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
(ROHN ROMULO)
PINARANGALAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng Gawad Bagong Bayani at ilang opisyal ng Quezon City local government dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga polisiya at programa na nagdadala ng pagbabago sa komunidad.
Iginawad ang “Bayani ng Bayan” Award kay Mayor Joy Belmonte habang ang “Kampilan ng Bagong Bayani” ay iginawad kay Councilor Charm Ferrer.
Nagkamit naman ng “Bagong Bayani” Award sina District 1 Representative Arjo Atayde, Majority Floor Leader Doray Delarmente, Bernard Herrera, at Vladimir Estocado ng Barangay and Community Relations Department.
Para sa kategorya ng pangkat, nagkamit din ng parangal ang National Economic Protectionism Association (NEPA).
Nagpasalamat naman si QC Mayor Belmonte sa pagkilalang ito.
Malugod ding tinanggap ni Councilor Ferrer ang parangal kalakip ang pangakong patuloy na magsisilbi nang may malasakit, tapang, at dedikasyon para sa ikabubuti ng bawat mamamayan ng Lungsod Quezon.
TINATAYANG 60% ng mga natatanggap na tawag sa 911 ng Philippine National Police (PNP) ay prank calls.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Malakanyang, na sa kabila ng mga natatanggap na prank calls ay hindi sila makagawa ng hakbang para maparusahan ang mga may kagagawan nito.
Ayon pa kay Remulla, isa sa nakikita nilang problema kaya hindi mahabol at maparusahan ang mga gumagawa ng prank calls ay dahil sa hindi pa integrated ang national ID system sa telecommunications company.
Kaya sinasamantala rin aniya at naglipana ang POGO scam dahil hindi naging masyadong epektibo ang SIM Card Registration Act.
Dahil dito, kaya palalakasin aniya nila ngayong taon ang 911 integrated system sa buong PIlipinas sa pamamagitan ng pagbuhos ng pondong P500 milyon na tinanggal sa intelligence fund ng PNP.
“Yung savings na ‘yun ay ilalagay natin sa launching and bidding process ng Integrated 911 system para sa buong Pilipinas. So from intelligence fund to 911. It will be a fully audited system na under scrutinous bidding,” ayon pa kay Remulla.
KINONDENA ng Makabayan bloc sa kamara ang mabagal umanong proseo o takbo ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, GWP Rep. Arlene Brosas at
Kabataan Rep. Raoul Manuel, wala silang nasaksihang kasaysan sa kamara na natulog umano nang mahigit isang buwan ang impeachment complaints sa Secretary General’s office.
Naniniwala ang mga ito na ang pagalinlangan para i-transmit at simulan na ang impeachment proceedings ay nag ugat sa nakalipas na mga pahayag ni Presidente Marcos na sinabihan niya ang mga kaalyado na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte dahil hindi naman ito importante at wala naman ito epekto sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino.
ang ganito umanong pakikialam ay isang mapanganib na paghadlang umano sa constitutional processes at democratic accountability.
Hindi anila maaaring magpatuloy ang House secretary general sa pag-upo sa naturang mga reklamo.
“The Constitution mandates that impeachment proceedings must be initiated upon proper filing of complaints,” anang mga mambabatas.
nanawagan naman ang mga ito sa mga kasamahang mambabatas na igiit ang kanilang constitutional mandate at huwag hayaan na madiktahan umano ng Executive ang takbo at kalalabasan ng impeachment proceedings.
(Vina de Guzman)
SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may ilang paraan para tugunan ang kakapusan sa budget ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para ngayong taon ng 2025.
Ito’y matapos na ihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng paraan para dagdagan ang 2025 national budget na isang“suboptimal” kasunod ng budget cuts.
“This is to clarify matters pertaining to the instruction of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. to various National Government Agencies (NGAs) to ensure sufficient funding of legacy projects and programs, which were affected by congress-introduced changes or adjustments in the 2025 General Appropriations Act (GAA),” ang sinabi ng DBM.
“Pursuant to the directive of the President, the Department of Budget and Management (DBM) is committed to remedy the funding deficiencies of various Departments for FY 2025, through appropriate measures,” dagdag na pahayag ng departamento.
Sinabi ng DBM na ang ‘funding deficiencies’ ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng “modifying the allotment, using savings to augment deficient items, or using the Contingent Fund or Unprogrammed Appropriations.”
“However, these are still subject to the conditions and requirements prescribed in the applicable Special and General Provisions under the General Appropriations Act,” ang tinuran ng DBM.
Sinabi pa ng DBM na ang available allotments sa loob ng budget ng ahensiya ay maaaring ideklara bilang savings, gaya ng tinutukoy sa
Seksyon 77 ng General Provisions of the 2025 GAA, subalit ang paggamit ng pondo ay magiging ‘subject’ sa ‘rules on augmentation’ na nakapaloob sa Seksyon 78.
Sinasabing, maaari ring gamitin ang Contingent Fund para i- cover ang funding requirements ng bago urgent activities o mga proyekto ng NGAs, government-owned or -controlled corporations, at local government units na dapat ipatupad o binayaran sa loob ng taon, napapailalim sa pag-apruba ng Pangulo.
Sinabi pa ng DBM na ang infrastructure programs at social programs sa ilalim ng SAGIP maaaring i-cover ng Unprogrammed Appropriations, depende sa kondisyon, kabilang na ang availability ng excess revenue, na dapat lamang na sertipikado ng Bureau of the Treasury.
“To recall, earlier this month, the President instructed agencies to review, rationalize, and identify which programs, activities, and projects are within their priorities and ready for implementation, and those otherwise, which should be revisited and identified as possible savings so that they can be reprogrammed or reprioritized,” ayon sa DBM.
“We are one with the President in addressing the validated funding deficiencies. Nevertheless, it is understood that the process and procedures to be undertaken shall strictly adhere to budgeting, accounting, and auditing laws, rules and regulations,” dagdag na wika ng DBM.
Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa idinaos na ‘full Cabinet meeting’ noong Enero 7, ang repasuhin ang mga programa ng administrasyon na nakapaloob sa 2025 National Expenditure Program subalit popondohan ng Kongreso, partikular na iyong mahalaga sa socioeconomic program.
Kasalukuyang nagsasagawa ang Pangulo ng serye ng mga pagpupulong kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para talakayin ang resulta ng kanilang budget review at maghanap ng solusyon sa ‘budget cuts.’ (Daris Jose)
NANGAKO si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na iaangat ang buhay ng bawat Pasigueno at gagawing ‘smart city’ ang lungsod.
Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin niya ang pagkakaroon ng pamahalaan ang Pasig City na marunong makinig sa mga residente at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan.
Sinabi ni Discaya na plano niyang pagkalooban ang mga Pasiguenos ng mga karagdagang imprastraktura, health insurance, lilikha ng trabaho, magkakaloob ng libreng edukasyon at low-cost housing projects.
Bilang isang construction firm owner, nangako rin si Discaya na magpapatayo ng mas maraming imprastraktura gaya ng mga tulay at konkretong road networks na magkokonekta sa interior barangays sa mga pangunahing kalsada.
“This is a big dream but it should start with a dream because if you do not have a dream, you have no inspiration,” ani Discaya.
Naging inspirasyon naman ni Discaya sa pagtakbo sa halalan ang nakikitang pagdurusa ng mga Pasiguenos mula sa kahirapan, red-tape at kakulangan ng suporta ng pamahalaan. Kilala si Discaya na nagtutungo sa mga underprivileged at low-income communities sa lungsod para sa kanyang regular charity works.
Una nang sinabi ni Discaya na sakaling palaring maging susunod na alkalde ng lungsod, ipaprayoridad niya ang pag-modernize sa lungsod at gawin ito bilang isang Smart City, kung saan ginagamit ang teknolohiya at data sa pagpapahusay ng buhay ng mga residente. (Richard Mesa)