
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
KABILANG kanilang ina at dalawang Russian coaches sa mga pasaherong nakassaky ng eoplanong bumagsak malapit sa ilog sa Washington DC.
Kinilala ang mga skaters na sina Spencer Lane at Jinna Hahn, kasama ang mga ina nila na sina Christine Lane at Jin Hahn.
Maging ang dalawang dating world-champion skaters at coaches ng dalawa na sina Yevgenia Shinskova at Vadim Naumov ay kasamang nasawi sa eroplano.
Dumalo ang mga ito sa US Figure Skating Championships and National Development Camp sa Wichita, Kansas.
Magugunitang nagkabanggan ang pampasaherong eroplano at isang US Army helicopter kung saan parehas na ito ay bumagsak sa nag-ye-yelong Potomac River.
Una ng kinumpirma ng mga otoridad na wala silang nakitang nakaligtas sa insidente at nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ukol sa insidente.
MAINIT na sinimulan ni two-time Olympian EJ Obiena ang 2025 season matapos masiguro ang pilak na medalya sa 2025 International Jump Meeting Cottbus na ginanap sa Germany.
Nairehistro ni Obiena ang 5.65 metro upang angkinin ang pilak.
Sinubukan pa ng Pinoy champion na makuha ang 5.75m subalit bigo ito sa kanyang pagtatangka.
Una nang nalampasan ni Obiena ang 5.40m kasunod ang 5.55m at ang 5.65m.
Naibulsa ni Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks ng Amerika ang gintong medalya matapos makuha ang 5.75m.
Nagkasya naman sa tanso si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany na may parehong 5.65m gaya ng kay Obiena.
Sa katunayan, tatlo silang may 5.65m kasama si Ben Broeders ng Belgium.
Subalit angat si Obiena sa countback para masiguro ang pilak habang lamang din si Baehre kay Broeders sa countback para kunin ang tanso.
Ito ang unang tournament ng world No. 4 na si Obiena sa taong ito matapos ang ilang buwan na pahinga dahil sa injury.
“Back at it after what seems like forever. On the 29th, I’ll be kicking off my indoor season in Cottbus, Germany. I’m excited to be back in the thick of things and to see what’s in store,” ani Obiena sa kanyang naunang post sa social media.
SINERTIPIKAHAN bilang urgent President Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa ng batas na naglalayong magbigay ng ‘affordable at accessible internet connectivity’ sa mga mamamayang Filipino sa buong bansa.
Sa isang liham para kay Senate President Francis Escudero na may petsang Enero 27, nanawagan si Pangulong Marcos para sa agarang pagsasabatas ng Senate Bill 2699 o Konektadong Pinoy Act para “facilitate the development of a robust and resilient communications infrastructure.”
Nakasaad pa rin sa liham na ang pagtatatag ng “competitive at innovation-driven data transmission industry ay “will safeguard the public interest, promote fair competition, encourage investment in critical digital networks, and equip the government and public with the necessary tools to maintain vital communications channels and effectively respond to emergency situations.”
Nananatili namang nakabinbin ang Senate Bill 2699 para sa pangalawang pagbasa.
Sa ilalim ng panukalang batas, magsasanib-puwersa ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission (NTC) para panatilihin at i-update ang centralized database ng data transmission infrastructure.
May mandato rin ang Philippine Competition Commission at NTC na tiyakin na ang lahat ng industry players ay mabibigyan ng pantay, resonable at non-discriminatory treatment sa lahat ng kanilang ‘dealings.’
Gayunman, sinabi naman ng advisory at research firm na Stratbase noong nakaraang Oktubre na habang ang mga mambabatas ay mayroong marangal na intensyon sa kanilang isipan, “the bill in its current form may expose us to more pitfalls and risks.”
“The law seeks to make it easier for investments in telecommunications to pour into the country, and part of this is to address the roadblocks that hinder the flow of investments. But in our zeal to encourage investments, it would be prudent to maintain the regulatory oversight of the NTC. Only it will keep telcos in line and will serve as the people’s recourse,” ang sinabi ng Stratbase.
Samantala, itinutulak naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapasa ng batas kung saan sinabi nito na makapagbibigay ito ng open access at transparency data transmission sector sa bansa. (Daris Jose)
INANUNSYO ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman ang pagpanaw ng kaniyang amang si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa edad na 82.
Sinasabing atake sa puso ang ikinamatay ng mambabatas, bandang alas-5:01 nitong Huwebes.
Si Lagman ay ipinanganak noong May 1, 1942.
Siya ay nagsilbing minority leader at iba pang posisyon sa Kamara.
Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang political party:
Liberal Party (2012–2025)
UNIDO (1980–1988)
LDP (1988–2001)
LAMMP (1998–2001)
Lakas–CMD (2001–2012)
Siya ang presidente ng LP hanggang sa panahon ng kaniyang pagpanaw.
“It is with profound sadness that we announce the passing of our beloved father, Albay First District Representative and Liberal Party President Edcel C. Lagman. He left this world the way he lived his life – with integrity, compassion, and fearlessness. He fought until the end with the dogged determination, tenacity, and unshakable hopefulness that defined all that he stood for,” wika ni Mayor Krisel Lagman. (Daris Jose)
INAPRUBAHAN na ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang P200 across-the-board na umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Kung mapagtibay bilang batas, oobligahin ang lahat ng mga pribadong negosyo, gaano man kalaki ang industriya, na magpatupad ng P200 arawang umento sa suweldo ng kanilang mga manggagawa.
“The House of the People is working tirelessly to craft a wage increase measure that meets the needs of our workers while ensuring that businesses, particularly MSMEs (micro, small, and medium enterprises), are supported during this transition,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na habang patuloy na tumataas ang inflation ay sumisirit din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kaya lubhang kailangan ng makatwirang wage hike.
Binanggit niya ang huling batas na naipasa para itaas ang sahod— ang Wage Rationalization Act of 1989, ay ginawa mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan at napatunayan na hindi ito nagresulta sa lubhang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagsasara ng maraming negosyo.
“Let’s make history together, and hopefully, after 36 years, this will finally be passed. We are now closer than ever to passing the first-ever legislated P200 daily across-the-board wage increase under the leadership of Speaker Martin Romualdez,” sabi ni TUCP Partylist Rep. Democrito Raymond Mendoza. (Daris Jose)