• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 6th, 2025

Masaya na nakakapag-ikot sa iba-ibang probinsya: TONI at ALEX, parehong biritera kaya hinahangaan sa kanilang shows

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
WALANG duda na ang pinakasikat na girl group ng bansa ay ang BINI.
Sa sobrang kasikatan ng grupo na hina-handle ng Star Magic ni Direk Laurenti Dyogi ay binansagan pa silang Nation Group.
Kasi naman napakalawak ng fans ng BINI sa buong Pilipinas at umabot na ang popularity nila sa abroad. Yung mga kanta nila ay pawang top song sa Spotify at iba pang digital music platforms.
Pero teka mukhang may ilang manghuhula ang nagsabi sa kanilang iisang predictions sa BINi na may isang miyembro raw nito ang aalis at magso-solo na.
So, sina kaya kina Bini Mikha, Aiah, Maloi, Colet, Jhoanna, Gwen, Sheena at Stacey ang tinutukoy sa hula na titiwalag sa grupo? At mangyayari kaya ito?
Well let’s wait and see.
***
PAREHONG enjoy ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex sa mga ginagawa nilang concerts sa iba’t-ibang probinsya.
This Saturday, February 8, 2025 at 5:00 PM kasama sina Piolo Pascual at Kapuso Actor Kelvin Miranda ay magpe-perform sina Toni at Alex sa Mamba Gymnasium, Lakandula St., Tuguegarao, Cagayan.
Infairness, ang galing mag-show ng magkapatid at tiyak na patok na naman sa kanilang fans ang duet nila ng isa sa hits ni Celine Dion na “It’s All Coming Back To Me Now,” na kahit saan kantahin ng dalawa ay talaga naman pinapalakpakan.
Yes, parehong biritera sina Toni at Alex at lalo pa silang hinahangaan sa medley nila ng Aegis songs. Na kayang-kaya nilang kantahin na mapapanganga ka sa taas ng kanilang mga boses.
Expected na mapupuno nina Alex, Toni, Piolo at Kelvin ang venue sa concert na gagawin na handog ni Congresswoman Camille Villar.
Parehong masaya ang Gonzaga sisters na dahil sa kanilang mga provincial shows ay nakakahalubilo nila ang kanilang mga tagahanga at makapagpasalamat na rin.
(PETER LEDESMA)

Tiyak na ‘di makalilimutan ang naganap na bonding: KATHRYN at JOSHUA, pinasaya ang limang maswerteng TNT subscriber

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MASAYA ang pagpasok ng taon para sa limang maswerteng TNT subscriber na nakahalubilo ang mga KaTropang sina Kathryn Bernardo at Joshua Garcia bilang bahagi ng TNT Paskong Panalo promo.
Kabilang sa mga nanalong subscriber na nag-register lamang sa kanilang mga paboritong TNT promo ay sina Benjie Carpio mula sa Pasig City, Gelica Gemina ng Quezon City, at Ophelia Dantes ng Tarlac. Hindi nila akalain na ang kanilang  mga raffle entry ay magdadala sila sa isang pananghalian na puno ng masasayang kwentuhan kasama si Kathryn.
“Di ako makapaniwala na nasa harap ko si Kathryn! Sobrang na-appreciate ko po itong experience,” kwento ni Gelica, 34, isang BPO employee at TNT subscriber ng mahigit 14 na taon.
“Cloud 9 po talaga ang feeling. Di ko rin inexpect na sobrang friendly at sobrang wise ni Kathryn. Worth it po talaga yung puyat ko,” ani naman ni Ophelia, 29, na dumiretso pa mula sa kanyang panggabing trabaho.
“Kinabahan po ako at di talaga makapaniwala,” sabi naman ni Benjamin, 34, na umupo sa harap mismo ni Kathryn sa buong session. “Napaka-humble at napakabait niya at sana hindi siya magbago.”
Bilang TNT KaTropa, game naman si Kathryn na nakipagkwentuhan tungkol sa kanyang karera at personal life at nagbigay din ng mga payo sa mga nanalong subscriber.
“Di kami lumaking expressive. Pero ngayon na may pamangkin na ako, we’re trying our best to say words of affirmation as much as possible. We learned that it’s important to say ‘I love you, thank you, and I’m sorry’ to children,” saad ni Kathryn.
“Also, please don’t forget to take good care of yourself. ‘Wag niyong pabayaan ang sarili niyo dahil marami kayong iniintindi,” payo niya sa tatlong KaTropa.
Samantala, dalawang mapalad na subscriber naman ang nagkaroon pagkakataong mas makilala ang kanilang iniidolo na KaTropa na si Joshua. Sila ay sina 3Najer Basser, 37, ng Iloilo City at Roselyn Ricorte, 30, ng Pagadian City.
“Akala ko po talaga ay scam lang to nung una, kaya sobrang saya ko po nung nakita ko si Joshua. Maraming salamat po sa TNT, hindi ko po ito malilimutan,” kwento ni Roselyn, na pansamantala munang sinara ang kanyang sari-sari store ng isang araw para lumipad pa-Maynila at makita si Joshua.
“TNT lang po talaga ang load na binebenta ko sa may amin sa Pagadian kasi yun po ang malakas ang signal,” dagdag niya.
Si Najer naman, na tindero ng mga tsinelas at sandal sa palengke, ibinida ang kanyang hindi malilimutang karanasan. “Yung pamilya ko naman, gustong makipagpalit sa akin para ma-meet si Joshua! Nagpapasalamat ako sa TNT kasi ‘di ko inexpect na mangyayari ito,” kwento niya.
Bigla naman naisipang isorpresa ni Joshua ang mga kaanak nina Roselyn at Najer.
“I-video call natin sila para maniwala sila,” sabi ni Joshua, dahilan para siya ay pagkaguluhan ang aktor ng mga pamilya ng mga KaTropa.
“Maraming salamat po dahil bumyahe pa po kayo nang malayo just to spend time with me. I really appreciate your time,” sabi ni Joshua, na nag-kwento rin tungkol sa mga karanasan niya bilang Batangueño nakipagsapalaran sa Maynila.
“Na-overwhelm ako noon sa mga building at sa dami ng pwedeng gawin dito. Pero ngayon, mas na-appreciate ko na yung katahimikan sa probinsiya,” giit niya.
Nagbigay rin siya ng payo para sa dalawang TNT 2: “Siguro pareho lang sa  payo sa akin ng tito kong pari – maging mabuti at magtrabaho nang marangal at walang tinatapakang ibang tao.”
“Naniniwala rin po ako na darating ang success ‘pag nagsusumikap at kumikilos tayo,” dagdag ni Joshua.
Bukod sa hindi makalilimutang bonding kasama sina Kathryn at Joshua, nag-bigay-saya rin ang kakatapos na TNT Paskong Panalo promo sa limang mapalad na grand winner mula  North and Central Luzon, NCR, South Luzon, Visayas, at Mindanao, na nag-wagi bawat isa ng nakakapagpa-bagong buhay na P1 milyon.
Ngayong ika-25 na anibersaryo ng TNT, mas kapanapanabik pa ang mga sulit na data offer, promo, at ‘di matatawarang karanasan para sa mga KaTropa saanman sa bansa, katuwang ang pinakamalakas nitong mobile network.
Abangan pa ang mga mas maraming ‘saya’ mula sa TNT. I-follow na ninyo ang TNT sa FacebookX, at TikTok, o payo ang https://tntph.com.
(ROHN ROMULO)

Netflix’s Physical: 100 levels up into Physical: Asia, a high-stakes national showdown featuring boxing icon Manny Pacquiao

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

THE adrenaline-fueled survival competition Physical: 100, which ruled Netflix’s Global Top 10 TV Series (Non-English) rankings for two consecutive years, is making a seismic comeback—this time with a thrilling new format. 

The series levels up from individual endurance battles to a high-stakes national showdown, where teamwork, resilience, and national pride take center stage.

Previously, Physical: 100 pitted 100 elite competitors against one another in a grueling test of strength and stamina. Now, Physical: Asia flips the script, transforming the competition into an electrifying team-based warzone. Each team represents a country, and in a heart-stopping twist—if one member falls, the entire squad is eliminated. This means every challenge carries life-or-death stakes for each nation’s representatives, raising the tension and drama to unprecedented levels.

In a first for the Physical franchise, boxing legend Manny Pacquiao joins Physical: Asia as the Philippines’ representative. The only boxer in history to claim world titles in eight different weight divisions, Pacquiao brings his unmatched fighting spirit, discipline, and experience to the ultimate test of endurance. His presence not only raises the stakes but also solidifies Physical: Asia as a battle of champions—where Asia’s strongest warriors fight for national glory.

Since its debut, Physical: 100 has captivated global audiences, marking history as Netflix’s first Korean unscripted series to dominate the Global Top 10 (Non-English) rankings. Now, with Physical: Asia, the spectacle grows even more intense. Contestants of all ages, genders, and weight classes will unite under their national flags, tackling the most grueling physical challenges yet.

Prepare for heart-stopping action as elite athletes from across Asia push their limits in the most extreme test of teamwork, endurance, and raw power.

Relive the intensity of Physical: 100 by streaming its first two seasons on Netflix. And don’t miss the upcoming launch of Physical: Asia—where the fight for survival is no longer just personal, but national.

(ROHN ROMULO) 

Ads February 6, 2025

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Alex Eala makakaharap ang Japanese tennis player sa round of 16 ng Mumbai Open

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
Handa ng harapin ngayong araw ni Pinay tennis star Alex Eala si Japanese tennis player Mai Hontama sa Round of 16 ng Mumbai Open sa India.
Ang 19-anyos kasi na si Eala ay nakausad sa Round of 16 ng talunin si Sara Saito sa score na 6-1, 6-0.
Nasa ranked 134 sa Womens Tennis Association ranking si Eala habang si Hontama ay ranked 166.
Bukod sa singles tennis ay sasabak din si Eala sa doubles kung saan makakasama niya Tsao Chia Yi ng Taiwan.
Makakaharap ng dalawa sina Elena Pridankina at Amina Anshba ng Russia sa Round of 16.
Huling nagwagi si Eala sa singles at doubles ay noong Hulyo ng nakaraang taon ng ma-dominada nito ang W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain.

Eldrew Yulo, target ang Asian Junior World Championships

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
Pinaghahandaan ni Karl Eldrew Yulo ang Asian Gymnastics Junior Championships at Junior World Championships ngayong taon.
Ayon kay Eldrew, araw-araw siyang nagsasanay, kahit wala ang kanyang coach na si Munehiro Kugimiya, na siyang nagturo rin sa kanyang kapatid na si Carlos Yulo.
Matapos ang matagumpay na training sa Japan noong Oktubre, nakatakdang ipagtanggol ni Eldrew ang kanyang titulo sa vault apparatus ng Asian Junior Championships sa South Korea mula Hunyo 12-16. Susunod naman ang Junior Worlds sa Manila mula Hulyo 12-21.
Bukod sa gintong medalya sa vault sa Asian Championships sa Uzbekistan, nagwagi rin siya ng walong ginto sa Chiu Wai Chung Cup sa Hong Kong noong Disyembre. Dahil dito, ginawaran siya ng Special Citation sa 2024 PSA Awards Night.
Target ng magkapatid na Yulo na magkasamang lumaban sa 2028 Los Angeles Olympics.

DepEd, kailangan ng mas maraming pondo para sa agarang pagkukumpuni ng mga napinsalang eskuwelahan

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HUMIRIT si Education Secretary Sonny Angara ng karagdagang pondo para sa quick response fund (QRF) ng Department of Education (DepEd) para sa agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga napinsalang school buildings.
Sa isang kalatas, tinukoy ni Angara ang report ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2), isang ahensiya na may atas na i-assess at suriin ang performance ng Philippine education sector, ukol sa kakulangan ng QRF ng departamento.
“Our current Quick Response Fund is simply not enough to address the scale of destruction we face each year. If we want to rebuild quickly and effectively, we need more resources,” ayon kay Angara.
Nakasaad sa Edcom 2’s Year 2 report na ang disaster funds ng DepEd ay “are insufficient and constrained by procedural limitations, hampering proactive disaster preparedness and effective response reports.”
Ang QRF ay isang standby fund na maaaring gamitin ng departamento para tulungan ang mga calamity-stricken areas. Ang DepEd ay isa sa limang departamento na naglalaan ng QRF.
Sinasabi pa rin sa Edcom 2’s report na “as the Philippines ranks as the most disaster-prone country, the “DepEd still faces annual losses of P17.98 billion due to high hazard exposure” even when all school buildings are in “optimal condition.”
Sinabi pa rin ng DepEd na may 1,855 eskuwelahan ang apektado ng iba’t ibang kalamidad noong 2024, nagresulta sa P6.6 bilyong halaga ng pagkumpuni at rehabilitasyon sa ‘classroom repairs at rehabilitation.’
Idinagdag pa nito na habang ang QRF ng departamento ay tumaas ng P3 billion, nananatili namang “insufficient to meet these demands” ang pondo.
Gayundin, inirekumenda naman ng Edcom 2 na “[t]o address climate-related challenges to school infrastructure, education policymakers must prioritize building climate-resilient structures and designing innovative learning solutions.”
Winika pa ni Angara na pagtutuunan ng pansin ng departamento ang konstruksyon ng calamity-resilient school buildings.
Inanunsyo naman ng DepEd na ang pagtatayo ng 15,000 classrooms, sa isang kasunduan kasama ang public-private partnership, ay mapakikinabangan ng 1,600 eskuwelahan sa 9 na rehiyon.
“Tututukan natin ang pagpapatayo ng mga disaster-resilient facilities sa ating schools, lalo na sa mga lubhang naapektuhan ng mga bagyo noong nakaraang taon. Our facilities must have structural integrity to withstand stronger typhoons and earthquakes,” ang tinuran ni Angara.
Samantala, kamakailan ay pinangunahan ng mga opisyal ng DepEd ang groundbreaking ceremony para sa 12-story medium-rise public school building sa Don Vicente Rama National High School sa Cebu City.
“The school building, is designed “to withstand natural disasters” and houses 42 classrooms, nine workshops, an audiovisual room, a library, a clinic, and fully equipped laboratories,” ayon sa departamento.
Kaya nitong i- accommodate ang 2,000 students sa isang shift. ( Daris Jose)

Food security emergency, layon na ibaba ang presyo ng bigas sa P41-P45

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
LAYON ng Department of Agriculture (DA) na impluwensiyahan ang local market para ibaba ang rice retail prices ng mas malapit sa July 2023 levels sa ilalim ng food security emergency para sa bigas.
Nagmarka kasi sa panahon na ito ang tuloy-tuloy na pagtaas ng rice inflation sa bansa, nakapagtala mula July 2023 hanggang November 2024, lumampas sa target ng gobyerno na 4% para sa rice inflation.
“Such (a) condition is considered to remain in place while rice prices have not returned close to the level prior (July)… Iyong July 2023 well milled is P45 per kilogram (and) regular milled is P41/kg,” ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa.
Sa ilalim ng food security emergency para sa bigas, layon ng DA na tugunan ang tumataas na presyo, ibenta ang mga stock ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa local government units (LGUs), ibang ahensiya ng gobyerno at government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa halagang P33/kg, at gawin itong accessible sa mga consumer sa halagang P35/kg, at tulungan na ihanda ang mga NFA warehouse para sa napipintong palay procurement mula sa mga lokal na magsasaka.
Idagdag pa rito, sinabi ni de Mesa na ang National Price Coordinating Council (NPCC) ay gumawa ng resolusyon kung saan kinokonsidera ang saklaw ng “extraordinary” price hikes ng bigas sa kabila ng bumababang mga presyo ng bigas at ibinaba o 15% taripa sa imported rice.
“Nakita yun ng NPCC na beyond doon sa 4 percent na inflation sa rice, more than double digit at hindi ganun kabilis ang pagbaba. So that’s basically the reason why we are doing this,” aniya pa rin.
Tinukoy naman ni De Mesa ang pagsirit ng rice inflation na umabot ng 8% noong August 2023, 17% noong September 2023, at mas mahigit sa 20% level sa buong mga buwan ng 2024.
Sinasabing nitong December 2024 lamang nakinabang ang mga filipino mula sa 0.8% rice inflation, isang mahabuluhang pagbaba mula sa 5.1% na iniulat, isang buwan na mas maaga, batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kasalukuyan, ang presyo ng imported regular-milled rice hanggang imported well-milled rice sa Metro Manila ay mula P38/kg hanggang P52/kg; habang ang local regular-milled hanggang local well-milled rice ay may presyong mula P37/kg hanggang P55/kg, ayon sa DA-Bantay Presyo.
Samantala, sinabi ni De Mesa na naturang deklarasyon ay “will be subject to periodical reviews” upang matiyak ang pangangailangan.
“So kapag nakita natin na we are already meeting the objectives, itong (this) declaration, the secretary may lift it already. So since this is an emergency, we want to resolve it as soon as possible,” ang sinabi ni De Mesa.
“Ito ay ire-review periodically. Every month, every two months, ang NPCC nag-commit i-review ito four months.” aniya pa rin. ( Daris Jose)

Pag-alis sa U- turn sa C5 ‘approved in principle’ -MMDA

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
“Approved in principle” ang pansamantalang pagtanggal sa U-turn slot sa kahabaan ng C5 Road sa Parañaque City.
Bahagi ito ng pagsisikap na ayusin ang traffic situation sa Metro Manila.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ang pagtanggal sa U-turn slot sa kahabaan ng C5-Kalayaan Avenue Interchange ay isa sa mga pangunahing rekumendasyon na binanggit sa pulong kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.
Sinabi pa ni Artes na mayroon ding rekumendasyon na magkabit ng
stop light at magtayo ng underpass upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
“In effect, [it’s] approved na po [already] in principle,” ang sinabi ni Artes, nang tanungin kung ang panukalang alisin ang U-turn slot sa kahabaan ng C5 Road ay aprubado na.
“Kailangan lamang po na aralin, unang-una, ‘yung traffic management plan doon sa area kasi po, lalagyan po iyan ng stop light in case. And then ‘yung budgeting po siguro nang paggawa ng underpass,” aniya pa rin.
Nakapulong ni Artes si Pangulong Marcos, araw ng Martes para magbigay ng update sa implementasyon ng five-year Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP).
Aniya, halos kalahati ng 12 estratehiya sa ilalim ng CTMP ang naipatupad na.
“Iyan po ay sinisimulan na nating gawin. In fact, marami po sa rekomendasyon, almost half na yung na-implement po natin at patuloy na rin po nating ginagawa, kasama po diyan ‘yung pag-aayos ng mga intersection at iba pa pong mga gawain,” ang sinabi ni Artes.
Saklaw ng CTMP ang 12 traffic management strategies, kabilang na rito ang “urgent and continuous improvement of 209 identified traffic bottlenecks, especially the 42 major or priority intersections, 64 road segments and seven areas.”
Layon din nito na ayusin at i-upgrade ang traffic signal system; ayusin pa ang intersections at traffic corridors; palakasin at ayusin ang intelligent transportation system; palakasin ang traffic regulation at enforcement; pagpapatupad ng road safety; promosyon ng aktibong transportasyon; at development ng isang comprehensive traffic management database.
Layon din ng five-year action plan ang palakasin ang kapasidad ng MMDA pagdating sa traffic management; palakasin ang external coordination ng MMDAs kasama ang traffic management organizations; i-promote ang komprehensibong transportasyon o traffic management planning ng local government units; at palakasin ang transportation network.
Inilatag din ni Artes kay Pangulong Marcos ang benepisyo ng rekumendasyon na i-adjust ang working hours ng government workers mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa halip na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Gayunman, inamin nito na ang masusing pag-aaral ng panukala at feedback mula sa iba’t ibang ahensiya ay kailangan.
Aniya, ang implementasyon ng panukala ay depende sa data.
“Na-experience po namin iyan dito sa MMDA noong nag-implement po kami ng 7 to 4. Mas gusto po ng aming mga empleyado dahil mas nakakauwi sila ng mas maaga dahil hindi po nila nasasapol ‘yung traffic lalung-lalo na sa hapon (We, at the MMDA, experienced that when we implemented the 7 a.m. to 4 p.m.. Our employees prefer it because they can go home earlier because they don’t have to deal with traffic, especially in the afternoon),”ang litaniya ni Artes.
“Hopefully within the year, if data will show na talagang may substantial improvement sa traffic, particularly sa major roads, iri-request po natin iyan sa Pangulo na ma-implement based on data,”aniya pa rin. ( Daris Jose)

Mahalaga para isulong ang open governance: DBM, sanib puwersa sa lahat ng sektor

Posted on: February 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
BINIGYANG DIIN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng partnership at pagtutulungan sa lahat ng sektor para isulong ang open government agenda.
Ito’y matapos na makipagpulong si Pangandaman sa mga miyembro ng Makati Business Club (MBC) at Center for International Private Enterprise (CIPE), at maging sa iba pang lider ng business community sa sidelines ng Open Government Partnership (OGP) Asia and the Pacific Regional Meeting 2025.
“By fostering dialogue between the government and the private sector on budget transparency, open governance, and policy reforms, you not only support our cause: you are our partners in our Agenda for Prosperity,” ang sinabi ni Pangandaman, umaakto bilang chairman ng Philippine OGP.
“Now, more than ever, we understand that true leadership is not defined by the position you hold but by your ability to empower people toward a shared goal of collaboration and good governance,” aniya pa rin.
Inorganisa ng MBC at CIPE, tinalakay sa pagpupulong ang kahalagahan ng ‘budget process at priorities ng gobyerno, procurement reforms, at open government initiatives’ sa pribadong sektor at ang papel na kanilang gagampanan sa pagsusulong ng mga nasabing inisyatiba.
Ani Pangandaman, bukas ang pamahalaan na makipagtulungan sa civil society para tugunan ang anumang patlang o puwang sa pamamahala.
“Call us anytime, we can sit down. That’s really the main reason for Open Government Partnership. That’s why we’re here,” ang sinabi ng Kalihim.
Ang OGP Asia and the Pacific Regional Meeting 2025 ay tatakbo mula Miyerkules hanggang Biyernes sa Grand Hyatt Hotel sa Taguig City.
Mahigit sa 800 opisyal ng gobyerno, civil society leaders, at policymakers mula sa mahigit na 40 bansa ang inaasahan na magpapartisipa.
Ang OGP ay isang global, multi-stakeholder initiative kung saan kabilang ang 75 bansa at 150 local governments, na may layunin na gawing mas ‘transparent, accountable at responsive to citizens’ ang gobyerno.
Pino-promote nito ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at civil society para mapahusay ang public service, paglaban sa korapsyon, bigyang kapangyarihan ang komunidad at lumikha ng tunay at pangmatagalang pagbabago.
Nakatuon naman ang APRM na isulong ang open government at tugunan ang regional challenges sa pamamagitan ng pagbahagi ng practices at innovative solutions na magpapalakas sa pamamahala sa Asia-Pacific. ( Daris Jose)