Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
He makes saving the day look painless.
Jack Quaid (The Boys) takes on his most adrenaline-fueled role yet in Novocaine, playing Nathan Caine—a man who literally cannot feel pain. But when the love of his life, played by Amber Midthunder, is kidnapped, Nate transforms his unique condition into his greatest weapon in a relentless fight to rescue her.
In the newly released featurette, No Pain, All Gain, Quaid teases the film’s high-energy action and unexpected humor.
“The fun of this movie is watching [Nathan Caine] get his butt kicked,” says Quaid in the new “No Pain, All Gain” featurette, “but he doesn’t feel any of it.”
Joining him in the behind-the-scenes look are costars Amber Midthunder and Jacob Batalon, who reveal why Novocaine is an absolute must-watch for action lovers. With thrilling fight sequences, high-stakes drama, and a touch of heart, this film is set to keep audiences on the edge of their seats.
Brace yourself for an electrifying cinematic ride when Novocaine opens in Philippine cinemas on March 12, 2025. Don’t miss out—join the conversation online using #Novocaine and tag @paramountpicsph! (Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)
(ROHN ROMULO)
***
REUNITED ang magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina primetime action hero Ruru Madrid at Jon Lucas sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Nagkatrabaho sila sa full action series na Black Rider na pinagbidahan din si Ruru at si Jon gumanap bilang pangunahing kontrabida. Sa seryeng ito rin lumalim ang kanilang pagkakaibigan.
Muli silang magtutuos on-screen dahil papasok si Jon bilang isa sa mga bagong karkater sa Lolong: Bayani ng Bayan.
Gaganap siya bilang Lizardo, isang fighter na sabak sa sabungan ng mga Atubaw.
Mapapanood rin ngayong linggo ang paglaya ni Dona Banson, played by Jean Garcia. Dadalhin niya sa labas ng kulungan ang kanyang katauhan bilang religious leader na kung tawagin ay “Banal na Ina.”
Magbabalik na rin sa Tumahan si Dolores–karakter ni Maui Taylor–na laging handang tumulong kay Dona.
***
PAMBANSANG Healthy Daddy ang tawag sa dating sexy actor na si Christian Vazquez pagkatapos nitong mag-post ng mga video na todo workout siya sa gym.
At nung 48th birthday niya ay pinost niya ang isang mirror kunsaan kita ang kanyang six-pack abs. May caption ito na “Checking 1 2 3 at 48.”
Kaya maraming kaedaran ni Christian na na-inspire sa kanyang posts. Na hindi raw sapat na makuntento sila sa kanilang “dad bods”. Puwede pa nilang ma-achieve ang katawan ng aktor na malapit na sa edad na 50.
Nasabi pa noon ng aktor: “I want to be strong when I reach 50. So I start today and everyday coz that is the way. It rhymes they say.”
Sumikat si Christian dahil sa 2000 PLDT TV commercial kunsaan nanggaling ang sikat na linyang “suportahan ta ka”.
In 2001 ay na-introduce si Christian sa pelikulang Pagdating ng Panahon nila Sharon Cuneta at Robin Padilla. In 2003, pinasok niya ang pagpapa-sexy sa mga pelikula ng Seiko Films na Liberated at Liberated 2.
Kasalukuyang napapanood si Christian sa mga teleserye na FPJ’s Batang Quiapo at How To Spot A Red Flag.
(RUEL J. MENDOZA)
KUMOLEKTA si Luka Doncic ng 29 points at 9 assists at may 17 markers si LeBron James sa 108-102 pagpapatumba ng Lakers sa Clippers
Isang puntos na lamang ang kailangan ng 40-anyos na si James para maging unang player sa NBA history na umiskor ng 50,000 combined points sa regular season at playoffs.
Nag-ambag si rookie Dalton Knecht ng 19 points para sa ikaanim na sunod na panalo ng Lakers (38-21) bagama’t hindi naglaro sina injured starters Austin Reaves at Rui Hachimura.
Bumira si Kawhi Leonard ng season-high 33 points para sa Clippers (32-28) na ilang beses binura ang 21-point deficit ngunit kinapos sa huli.
Inilista ng Lakers ang 86-66 abante sa 2:20 minuto ng third quarter bago ito naputol ng Clippers sa 102-107 mula sa three-pointer ni Leonard sa huling 1:40 minuto ng fourth period.
Sa Boston, umiskor si Jaylen Brown ng 22 points habang nagsalpak si Derek White ng isang floater sa huling minuto ng laro sa 110-103 pagdaig ng nagdedepensang Celtics (43-18) sa Denver Nuggets (39-22).
Sa Cleveland, bumanat si De’Andre Hunter ng 32 points kasama ang go-ahead 3-pointer sa huling 30 segundo sa overtime sa 133-129 paglusot ng Cavaliers (50-10) sa Portland Trail Blazers (27-34).
Sa San Antonio, nagpasabog si Jalen Williams ng career-high 41 points habang may 31 markers si Shai Gilgeous-Alexander sa 146-132 panalo ng Oklahoma City Thunder (49-11) sa Spurs (25-34).
HANDANG-handa na ang Pilipinas para sa pamamahala sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championships na hahataw sa Setyembre 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang sinabi kahapon ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara sa ikalawang Inter-Agency Meeting na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa GSIS Conference Hall sa Pasay City.
Kasama rin si Department of Tourism Secretary Christina Frasco sa nasabing briefing sa mga kinatawan ng higit sa 20 government at private agencies na bumubuo sa Task Force para sa hosting mula sa inilabas na Administrative Order No. 30 ng Malacañang.
“It’s all systems go and the preparations are going on smoothly,” wika ni Suzara sa kahandaan ng bansa sa pagdaraos ng nasabing world meet.
Solidong suporta ang pangako ng gobyerno sa nasabing event, ayon kay Bachmann na namumuno sa Inter-Agency Task Force.
“The full support of the government is guaranteed for this historic and world-class event,” sabi ng PSC chief.
Nasa pulong din ang mga kinatawan ng Philippine Amusement and Gaming Corp., Departments of Trade and Industry, Health, Foreign Affairs, Public Works and Highways, Interior and Local Government at Information and Communications Technology.
Sinamahan sila ng Metropolitan Manila Development Authority, Commission on Higher Education, Senate of the Philippines, PHLPost, Commission on Immigration, Customs, Philippine National Police, National Intelligence Coordinating Committee, Climate Change Commission at ng MVP Group pati na ang mga opisyales ng Pasay, Manila, Taguig at Quezon City.
HIMAS-REHAS ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa at pang wanted person matapos madakma ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng pinagsanib na mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Women’s and Children Protection Desk (WCPD) at Station Intelligence (SIS) ang pagtugis kay alyas “Jonhnel”, 22, na nakatala bilang No. 7 Top Most Wanted Person sa lungsod.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang madakip ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang akusado sa kanyang bahay sa Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan.
Ang akusado na nakatala din bilang No. 8 TMWP sa NPD ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court Brach 73, noong February 4, 2021 na walang inirekomendang piyansal.
Samantala, alas-12:40 ng tanghali nang damputin ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS7) sa Frederick St., Brgy. Hulong Duhat ang mangingisda na si alyas “Ruel”, 41, sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa P.D 1602 na inisyu ng Malabon City RTC Branch 292 noong January 16, 2025.
Nang kapkapan, nakuha ng mga tauhan ni Col. Baybayan kay alyas Ruel ang isang improvised handgun (pen gun) na kargado ng isang bala ng caliber .38 kaya mahaharap siya sa isa pang kaso na paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines). (Richard Mesa)
UMABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navota City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nagawang makipagtransaksyon kay alyas “Pugak”, 43, ng Market 3, Brgy. NBBN ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).
Agad ikinasa ng mga tauhan ni Col. Cortes ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-8:43 ng gabi sa Road 10, Brgy. NBBN, matapos bintahan ng P5,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 55.7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahlaag ng P378,760, at busy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P5,000 boodle money.
Kasong paglabag sa Sections 5, at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
PINALAGAN ng Malakanyang ang kamakailan lamang na sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na ang kanilang papel ay hindi para ibenta ang Pangulo o ang administrasyon kundi ang umakto bilang mensahero sa publiko.
Ang makasama aniya sa Presidential Communications Office (PCO) ay nangangahulugan na maging isang mensahero ng gobyerno sa publiko.
Ang pahayag ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro Castro ay tugon nang tanungin at hingan ng komento sa naging pahayag ni Roque na ang pagtrabaho sa PCO ay katulad ng pagiging isang ‘salesman’ para sa Pangulo at sa administrasyon.
Si Roque, nagsilbi noon bilang tagapagsalita sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nagpahayag na mahirap i-promote ang isang produkto, o sa pagkakataong ito, ang isang Pangulo, kung ito’y masama o may depekto.
Sa kanyang naging pahayag, binigyang diin ni Castro na ang papel ng PCO ay ipabatid sa publiko ang tungkol sa mga inisyatiba ng gobyerno.
“Hindi po kami salesman dito. Kami po ay messenger,” ayon kay Castro.
“Ang salesman po kasi ay kailangan na maganda ang bokadura mo; kailangan na ibenta kahit na minsan ay hindi totoo iyong mga sinasabi mo para lang mabenta ang isang tao o isang produkto,” aniya pa rin.
“Hindi po kami nagbibenta ng pangulo o ng gobyerno. Pinapakita lamang po namin at inilalahad namin kung ano ang maaaring makuha ng taumbayan sa ating gobyerno, kung anong puwedeng itulong ng ating gobyerno sa taumbayan,” ayon pa rin kay Castro.
Tila pinasaringan naman ni Castro si dating Pangulong Digong na kilala sa kanyang pagiging ‘rhetorics at tough-talking persona’ sabay sabing mahirap na i-promote ang isang tao na kilala rin sa kanyang mga pagbibiro o jokes.
“Naniniwala po talaga kami na mahirap ibenta ang bulok o masamang produkto,” ang sinabi ni Castro.
“Mahirap po talagang ibenta kapag ang ibinibenta mo ay kailangan mo pang linisin ang mga sinasabi. Mahirap ibenta ang mga tao na ang laging nababanggit ay joke lamang iyan,” aniya pa rin.
(Daris Jose)