PAGTUTUUNAN ng pansin ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ang mga pangangailangan at benepisyo ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers, na mga unang tumutugon kung may nagaganap na sunog.
Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng ABP Party list na malaking sakripisyo ng mga ito na makapagligtas ng buhay ng iba sa pamamagitan ng pagresponde at pagsuong sa panganib at hindi alintana ang usok, init at posibeng pagguho ng gusali kapag may sunog subalit kung sila mismo ang naaksidente ay napapabayaan sila ng sistemang kanilang pinaglilingkuran. .
“Dapat ng pagtuunan ng pansin ang ganitong sitwasyon at hindi dapat ipagwalang-bahala lalo na sa panahong sila naman ang lubos na nangangailangan ng tulong kaya marami kaming mabigyang ng pansin ang kalagayan ng mga fire and rescue volunteers” ayon kay Goitia.
Dahil dito, nararapat lamang umano na matugunan ang kanilang mapanganib na kondisyon sa pamagitan ng sapat na hazard pay, sapat na insurance coverage para sa kanilang pagpapagamot, maayos na life at accident insurance.
Isusulong din ng ABP partylist ang pagpapatupad ng Firefighters’ Protection and Welfare Fund na magtitiyak na makakatanggap ng libreng pagpapagamot, benepisyo sa ospital at pinansyal na tulong ang mga bumbero, fire rescuers at volunteers na nasugatan habang rumeresponde sa mga sunog. Kabilang din dito ang panukalang disability support at mental health care para sa mga nakaranas ng trauma sa pagtupad sa kanilang tungkulin, gayundin ang maayos na pagsasanay at tuloy-tuloy na training at de-kalidad na mga kagamitan.
“Dapat na tratuhin silang mga bayani at hindi sapat na tawagin lamang silang bayani. Hindi sila nagdadalawang- isip na isugal ang kanilang buhay para sa mga taong hindi nila kilala.Ang pinakamaliit na magagawa natin ay kung sila ay nasasaktan, may sistema na aalalay sa kanila at ipakita na ang kanilang pagsasakripisyo ay may halaga” ayon pa kay Goitia. (Gene Adsuara)