Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Nagsilbing isa sa mga pangunahing inspirasyon ni Pinay tennis star Alex Eala sa naging laban kay World No. 2 Iga Swiatek, ang presensiya ng kaniyang dating coach na si Tony Nadal.
Personal kasing nanuod ang batikang tennis coach bilang special guest ni Eala sa kaniyang player box.
Sa panayam kay Eala matapos ang kaniyang panalo kay Swiatek, sinabi niyang malaking inspirasyon sa kaniya na nanuod ang kilalang coach, kasama ang kaniyang personal coach at mga kakilala.
Bagaman maaga siyang umalis aniya upang habulin ang isang flight, ang naging presensiya ni Coach Nadal sa simula ng laban ay nagpapakita aniya sa confidence ng batikang coach sa kaniya bilang isang tennis player.
Aminado naman ang Pinay tennis star na hindi naging madali ang kaniyang laban dahil dalawa sa kaniyang hinarap ay kapwa mga Grand Slam champ.
Gayonpaman, ang hindi pagkatakot na magpatuloy aniya ang nagtulak sa kaniya upang umabanse sa kabila ng mga missed shots habang nasa kasagsagan ng laban.
Si Eala ay graduate ng Rafa Nadal Academy at si Toni ang nagsisilbing ambassador ng naturang akademiya.
Siya ay tiyuhin ng 22-grand slam champion na si Rafael Nadal at nagsilbing pangunahin niyang coach at trainer.
Maliban sa makasaysayang panalo ni Eala kay Swiatek, naungkat din ang larawan ng dalawa sa Rafa Academy graduation ni Eala kung saan sina Rafael Nadal at Swiatek ang mismong nag-abot sa certificate ni Eala.
HAWAK na ni Pinay tennis star Alex Eala ang No. 75 sa Live Women’s Tennis Association ranking, kasunod ng impresibong performance sa mga nakalipas na laban sa 2025 Miami Open.
Bago ang pagsabak ni Eala sa naturang turneyo, hawak nito ang pang-140 na pwesto sa WTA.
Agad siyang umakyat sa ranking at nilagpasan ang mahigit dalawampung player na dating mas mataas kaysa sa kaniya.
Ang bagong rank ay batay sa ATP Rankings, isang merit-based system na ginagamit ng Association of Tennis Professionals (ATP).
Kung maipapanalo ni Eala ang mga susunod na laban, tiyak ang lalo pa niyang pag-akyat sa pwesto, kapag ilabas na ng WTA ang opisyal na ranking mga babaeng tennis player sa buong mundo.
Bagaman hindi opisyal ang live ranking, ito ay nagpapakita ng real-time projection sa standing ng isang player, batay sa pinakahuling resulta ng kanilang performance.
Samantala, sa isang panayam kay Eala matapos ang impresibong performance laban kay Iga Swiatek, iginiit niyang dati na niyang inasam na makakaharap din ang World No. 2 at iba pang kilalang tennis player ngunit hindi umano niya ito inaasahang mangyayari sa maikling panahon.
Si Eala ay nagtapos sa Rafa Academy kung saan sa kaniyang graduation ay magkasama sina 22-Grand Slam champion Rafael Nadal at Swiatek na naggawad sa certificate ng tennis star.
BAGSAK kulungan ang walong sugarol matapos maaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-gambling operations kung saan apat sa kanila ay nakuhanan pa ng iligal na droga sa Valenzuela City.
Dakong alas-2:45 ng March 25 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatalaga sa Plice Sub-Station (SS9) sina alyas “Jerome” at alyas “Andrew” na naglalaro ng sugal na cara y cruz sa Justicia St., Brgy. Karuhatan at nakuha sa kanila ang P305 bet money, 3 piso coins na gamit bilang pangara at isang plastic sachet ng shabu na nakumpiska kay ‘Andrew’.
Kinagabihan bandang alas-11:20 nang madakip naman ng mga tauhan ng Gen T De Leon Police Sub-Station 2 sina alyas “Mark” at alyas “Pual” habang nagsusugal din ng cara y cruz sa Lower Tibagan, Brgy. Gen T De Leon. Nasamsam sa kanila ang P350 bet money, 3 piso coins na gamit bilang pangara at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nakuha kay alyas Mark.
Kinabukasan, dakong alas-7:00 ng umaga nang mahuli sa akto ng mga tauhan ng SS6 na nagka-cara y cruz sa Santiago St., Brgy. Dalandanan sina alyas “Jerico” at alyas “Luvin” at nakumpiska sa kanila ang bet money at 3 piso coins pangara habang ang isang plastic sachet ng shabu ay nakuha kay ‘Jerico’.
Tiklo naman sina alyas “John” at alyas “Jermy” nang maaktuhan ng mga tauhan ng SS5 na nagsusugal ng cara Y cruz din sa loob ng isang pampublikong palikuran alas-7:15 ng gabi sa Phase 3, Sagip St., Brgy. Arkong Bato at nasamsam sa kanila ang bet money, 3 piso coins pangara at dalawang plastic sachets ng shabu.
Ayon kay Col. Cayaban, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag PD 1602 at R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
TILA nagbigay ng lecture si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si Senador Imee Marcos nang sabihin ng huli na mistulang nagtatago ng mahahalagang katotohanan ang mga opisyal ng gobyerno na palaging isinasangkalan ang executive privilege at sub judice rule sa mga tanong tungkol sa paghuli kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at pagdala rito sa The Hague.
“Sana po malaman din po ni Senator Imee Marcos kung ano po bang ibig sabihin ng ‘executive privilege.’ Ito naman po ay—executive privilege po is a constitutional doctrine that allows the president and high-ranking officials, executive officials to withhold some sensitive information especially kung ito po ay magkakaroon na po ng encroachment ng isang branch over to another branch,” ang paliwanag ni Castro.
“Kasi ito pong executive privilege is rooted from the separation of powers so may mga pagkakataon po talaga including po iyong mga concerning issues, concerning national security, diplomatic relations, military affairs and internal deliberations within the Executive Branch, hindi po ito dapat na isinapupubliko. So, magkakaroon po ito ng …encroachment by one branch of the government over another. So, wala po tayong itanatago, may mga pagkakataon lamang po na iyong ibang mga napag-usapan ay hindi dapat isinapupubliko,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, kumbinsido naman si Castro na sasabihin talaga ng senadora na sa peliminary findings ng Senado ay matutuklasan na ang Pilipinas ay walang ‘legal obligations’ para arestuhin at i-turn over si Digong Duterte sa ICC at malinaw na may mga paglabag sa karapatan ng dating Pangulo nang gawin ito.
“Ganyan po ang kaniyang magiging opinyon kung ang kaniyang mga nakausap ay ang mga Duterte supporters. Pero kung titingnan po natin ang ibang mga experts katulad po nila Justice Carpio, Atty. Butuyan at iyong ibang mga nagsasabi patungkol sa batas natin na RA 9851, maiiba po ang kanyang tingin sa nasabing issue,” aniya pa rin.
Sana rin aniya ay tingnan ni Imee Marcos ang sinasabi ng gobyerno.
“Wala tayong legal obligation pero mayroon po tayong batas na sinasabi sa RA 9851 – ito, may sinasabing prerogative na makipagtulungan sa Interpol but still, mayroon tayong commitment sa Interpol. But again, ang sumusunod lang—ang gobyerno ay sumusunod lamang sa RA 9851,” anito.
Samantala, naniniwala naman si Castro na maganda talaga na kumalas na si Imee Marcos sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang kowalisyon na ini-endorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Sa ngayon po, siya naman po ang nagsabi na siya’y kumakalas na sa Alyansa dahil ang sabi niya ay hindi yata pareho ang kanilang mga adhikain, ang adbokasiya. Kung hindi po talaga nalilinya ang kaniyang mga paniniwala sa paniniwala ng Alyansa, mas maganda po siguro talaga na siya ay umalis dahil kung hindi niya po paniniwalaan ang mga programa ng Alyansa, hindi po talaga magkakaroon ng magandang relationship,” ang naging pahayag pa rin ni Castro.
At kahit man aniya ano ang sabihin ni Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Marcos nang simulan ng mambabatas ang Senate inquiry sa pag-aresto kay Digong Duterte ay sinabi ni Castro na wala namang sinasabi si Pangulong Marcos laban sa senadora.
“Wala po tayong nadidinig na anumang salita mula sa Pangulo. Siya lamang po ang nagsasalita ng mga bagay-bagay na katulad ng ganiyan. Siguro iyan po ‘yung kaniyang pananaw pero sa Pangulo po, wala po tayong madidinig,” ang winika ni Castro. (Daris Jose)
PINAYUHAN ng Malakanyang si dating senador Gringo Honasan na makipag-usap muna sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago ituloy ang plano nitong paghahain ng petisyon sa International Criminal Court (ICC).
Ang nasabing petisyon ay naglalayong pabalikin sa Pilipinas ang dating Pangulo na nasa kustodiya ngayon ng ICC sa The Hague dahil sa crimes against humanity na inihain laban sa kanya.
“Well, karapatan naman po niya kung anong nais niyang gawin, para ipagtanggol ang dating Pangulong Duterte, pero mas mainam po siguro makipag-usap muna siya sa legal team ni dating Pangulong Duterte, baka hindi naman po siya pansinin sa ICC,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Sa panig naman aniya ng pamahalaan, sa panig ng administrasyon ay sinabi ni Castro na wala silang gagawin patungkol sa legal procedure ng ICC.
“Dahil walang responsibilidad ang gobyerno at po tayong—wala na po tayong responsibilidad, wala po tayong gagawin anuman patungkol po sa legal system, legal procedures ng ICC,” dagdag na pahayag ni Castro.
Samantala bukod kay Honasan, makakasama nito sa maghahaing petisyon sa ICC ang anak ni dating Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Sa ulat, sinabi ni Honasan na Honasan na ang petisyon ay ihahain sa pamamagitan ng people’s initiative signature campaign.
“This petition is in accordance with the rules and regulations of the ICC, allowing the people to participate directly in the ongoing proceedings,” ayon kay Honasan.
“We aim to gather as many signatures as possible and extend invitations to other organizations to join us in our efforts to bring back Former President Rodrigo Duterte and uphold the sovereignty of our laws, courts, and the dignity of the Filipino nation,” dagdag na wika ng dating senador. (Daris Jose)
PINAYUHAN ng Malakanyang ang taumbayan lalo na ang mga magulang na magpunta sa kani-kanilang health centers dahil sa kampanya ng gobyernong “Bakunahan sa Purok ni Juan”, handog ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga anak laban sa tigdas.
Sumipa na kasi ang bilang ng kaso ng measles-rubella o tigdas sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Marso 1.
Sa katunayan, ayon sa Department of Health ay nakapagtala ito ng 922 kaso ng nasabing sakit, na mas mataas ng 35% kumpara sa 683 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, magkakaroon ng measles catch up immunization campaign sa ilang piling Local Government Units (LGUs) sa Kalakhang Maynila at ito’y nakatakdang gawin mula March 17 hanggang 28.
“So, kung ang kababayan po natin ay may mga panahon, punta lamang po sila sa mga health centers at maia-avail po nila itong pagbabakuna especially po sa sinasabi nating tigdas,” ayon kay Castro.
“Katulad po nito, baka po iyong ibang mga magulang or guardians ay hindi pa po alam na mayroon po tayong “Bakunahan sa Purok ni Juan.” Ito po ha, sabihin ko po iyong mga lugar, punta lamang po sila sa health centers: Caloocan, Quezon City, Taguig, sa Manila, Mandaluyong at Las Piñas. At sa iba pang mga LGUs po ay gagawin po ito sa second quarter of 2025 so punta lamang po kayo sa health centers ngayon para sa pagpapabakuna ng inyong mga anak,” aniya pa rin.
Samantala sa ulat, pinakamaraming kaso ng tigdas ang naitala sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos, Bicol, Western Visayas, at Soccsksargen region.
Batay sa datos ng DOH, 68% o 625 mula sa kabuuang bilang ng kaso ng measles-rubella ay mula sa mga batang hindi nabakunahan ng kontra-measles.
Ang measles o tigdas ay isang nakakahawang sakit na posibleng maipasa mula sa pag-ubo at pagbahing.
(Daris Jose)
TULUYAN nang kumalas si Sen. Imee Marcos sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang koalisyon na iniendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Marcos na hindi na niya kayang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa.
May mga natuklasan din umano siya na ginawa ng administrasyon tungkol kay dating pangulong Rodrigo Duterte na salungat sa kanyang mga paninindigan at prinsipyo.
Mananatili aniya siyang independent sa pagtakbong muli sa Senado.
Kaugnay nito, sinabi ni Alyansa campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco na iginagalang nila ang desisyon ng senadora.
“We respect Senator Imee’s decision. We wish her luck in the campaign,” ani Tiangco. (Daris Jose)
TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na pinaghahandaan na ng kanyang legal team ang napipintong pagdaraos ng pagdinig laban sa impeachment complaint na kanyang kinakaharap sa Senado.
Ayon kay VP Sara, bago pa man maganap ang pag-aresto sa kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay nabuo na ang legal team na hahawak ng kanyang impeachment.
“So, on that point, okay na sila and they are preparing for trial,” pahayag pa ni VP Sara, sa panayam sa telebisyon.
Kahit naman nalalapit na ang pagdinig sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya, sinabi ng bise presidente na hindi pa niya maaaring iwanang mag-isa ang kanyang ama sa The Netherlands hanggang hindi pa pinal kung sinu-sino ang magtatanggol sa kanya sa kinakaharap na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
“Ang dito lang kasi sa ICC, hindi pa mabuo ‘yung team kasi we are waiting for papers for other lawyers,” aniya.
“So ‘yun yung kailangan kong matapos at kailangan kong ma-introduce ‘yung lawyer in charge for PRRD inside and the outside world doon sa mga kapatid ko and sa kay Cielito, para pwede na akong bumalik sa Pilipinas at bumalik na lang dito kapag kailangan,” aniya pa. (Daris Jose)
MAGSISILBING miyembro ng board para sa May national and local elections sa buong Maguindanao ang mga pulis.
Ito ayon kay Comelec Chairman George Garcia kasunod ng naging consensus ng en banc para matiyak ang seguridad sa lalawigan.
Sinabi ni Garcia sa “Meet the Press” forum, na ang mga guro ay hindi na rin itatalaga bilang mga board sa araw ng halalan.
Nauna nang inihayag ng Comelec na may mga miyembro ng Philippine National Police na sinasanay para magsilbi sa eleksyon sa mga lugar na may iniulat na may karahasan.
Nabanggit din ni Garcia may rekomendasyon din sa kanila ang electoral board ng Maguindanao na isailalim sa Comelec control ang buong lalawigan kasama ang del Norte at del Sur pero ito aniya ay pag-aaralan pa.
Sa ngayon, ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao ang inirerekomenda ni Garcia na isaialim sa Comelec control kasunod ng mga insidente ng pagpatay kung saan ang huling insidente ay nito lamang Miyerkules ng umaga nang pagbabarilin ang election supervisor at asawa nito sa Datu Odin Sinsuat. (Gene Adsuara)