• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 1st, 2025

SWS: Pinoy na nakaranas ng gutom lumobo sa 27.2%

Posted on: April 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Muling tumaas ang hunger rate ngayong buwan mula nang ipatupad ang lockdown noong taong 2020.

Base sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong March 15-20, may 27.2 percent ng respondents ang nagsabing sila ay dumanas ng involuntary hunger o pagkagutom at walang makain.

Mas mataas ito sa 21.2% noong Pebrero o halos nadoble kung ikukumpara sa 15.9% noong Enero.

Mas mataas din ito sa 20.2% average noong 2024 habang ito na ang pinakamataas mula sa 30.7% COVID-19 pandemic noong September 2020.

Ayon sa survey, 21% ng respondents ang nagsabing dumanas sila ng moderate hunger mula 15.8% noong Pebrero at  6.2% naman ang dumanas ng severe hunger mula 5.3%.

Ang moderate ­hunger ay yaong mga taong dumaranas ng minsang pagkagutom sa nagdaang tatlong buwan samantalang ang severe hunger ay mga yaong laging dumaranas ng gutom.

Ang involuntary hunger ay tumaas sa Visayas, 33.7%; Metro Manila, 28.3%; Minda­nao, 27.3% at Luzon, 24%.

Magpo-focus na lang sa singing career: JOJO, nasaktan sa pang-iiwan ni MARK kaya nag-goodbye na 

Posted on: April 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA ipinatawag na emergency presscon ng talent management ni Jojo Mendrez na Aqueous Entertainment, inamin ng Revival King na labis-labis siyang nasaktan at na-offend nang bigla na lang umalis at hindi man lang nagpaalam sa kanya si Mark Herras.
Naganap nga ito sa 38th Star Awards for TV kung saan silang dalawa ang magkasamang magpe-present ng special awards.
Isiniwalat nga ito ng Star Music artist at ng mga manager niya ang ilang issue sa kanila ni Mark kasabay ng paglilinaw sa biglang pag-alis ng actor-dancer sa nasabing awards night na ginanap sa Dolphy Theater.
Ipinaliwanag din niya kung bakit kailangang palitan si Mark ni Rainier Castillo.
Ang paalam kasi ng actor-dancer ay magpupunta lang sa CR, pero ilang minute na ang lumipas ay hindi pa ito bumabalik.
Say pa raw ni Mark, hindi na raw ito bumalik dahil may emergency na kailangan niyang puntahan.
Dahil sa paghihintay kay Mark, pinakiusapan pa raw ng team ni Jojo ang organizer ng event na iurong ang gap nila sa program.
At nang malaman niyang umalis na talaga si Mark at agad nilang tinawagan si Rainier para pumalit, buti na lang daw at nasa area lang ito ng venue ng event, dahil sa Quezon City lang ito nakatira.
Paghihimutok tuloy ni Jojo, sa kabila raw ng mga suporta at tulong niya kay Mark ay nagawa pa raw siyang iwanan sa ere. At hindi talaga ito direktang nagpaalam sa kanya at sabihan na aalis na siya.
Inamin din ni Jojo na bayad ang talent fee ni Mark sa lahat ng ginawa nilang collaboration, kabilang na ang duet nila ng kantang “Somewhere in My Past.”
May honorarium din pala siya sa mga special appearances kapag may live show si Jojo para sa promo ng naturang kanta at ng very first original single niyang “Nandito Lang Ako.”
Ipinagdiinan din ni Jojo na wala talaga silang naging relasyon ni Mark na higit pa sa pagkakaibigan at katrabaho.
Ang nakakaloka pang rebelasyon pa ng management ng Revival King, na may malaking pagkakautang pa raw ang aktor kay Jojo, na ginamit raw sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Pero sa ngayon ay wala pa silang balak na kasuhan si Mark, pero pinag-iisipan pa rin nila ng kanyang abogado.
At dahil sa mga kinasasangkutang siyu, minabuti na ni Jojo na magpadala ng mensahe ng pasasalamat kay Mark at tapusin na ang MarJo chapter, dahil siya na ang kusang lalayo. Isang thumbs up lang daw ang sinagot ni Mark.
Sa totoo lang, nag-viral na naman ang #MarJo, na nabuwag na nga at ngayon si Rainier naman ang tinututukan ng netizens, na sa tingin nila ay pinagseselosan daw ni Mark.
Kaabang-abang nga ang magiging pahayag ni Mark sa naturang isyu sa kanila ni Jojo, na nasasangkot nga ang kaibigan niyang si Rainier.  Hihintayin namin ang magiging sagot ni Mark, ilalabas din namin ang kanyang panig, kung magbibigay siya ng kanyang statement.
And hopefully, magkaayos pa rin sila ni Jojo at magkausap, para lahat ay masaya.
Anyway, tama naman na mag-focus na lang si Jojo sa kanyang singing career dahil marami siyang naka-line up na projects sa Star Music PH.
Nakaka-excite naman talaga, dahil bukod sa “Nandito Lang Ako” na napakaganda ng mensahe at maraming nakaka-relate, kaabang-abang ang kanyang sariling rendisyon ng tatlong hit OPM hits na “I Love You, Boy” ni Timmy Cruz, “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ni Michael Pangilinan, at “Tamis Ng Unang Halik” ni Tina Paner.
Pasabog daw kung sinu-sino ang mga kilalang OPM artists na makaka-collab ni Jojo sa kanyang next projects.
(ROHN ROMULO)

Kahit masaya na sa hitsura niya ngayon… ARCI, may pagsisisi sa pagpapa-retoke ng kanyang mukha.

Posted on: April 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TANDANG-TANDA pa namin, ang huling mediacon na in-attend-an namin noong 2020 ay ang pagpirma ni Diego Gutierrez ng limang taong kontrata sa LVD Management ng talent manager na si Leo Dominguez.
Makalipas ang ilang linggo ay nag-total lockdown ang buong mundo dahil sa pananalasa ng COVID-19 kaya huminto ang lahat ng ganap sa showbiz, kabilang na ang showbiz career ni Diego.
The following year, noong medyo nababawasan na ang restrictions ng pandemya, nagsimula ng umalagwa ang musical career ni Diego nang ma-release ang kanyang debut single na “On a Dream.”
Taong 2021 rin iyon nasundan naman ng mga awiting “House of Tear” at “I Don’t Think You Can” (2021). Year 2022 naman ni-release ang kanta ni Diego na “Sino Na Tayo” at year 2024 ay dalawang kanta nang nagawa ni Diego ang “Hanggang Sa Dulo” at “Huling Sayaw”.
Si Diego ay isang certified showbiz royalty; sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ang mga magulang niya at grandparents naman niya sina Nora Aunor at Christopher de Leon at sina Pilita Coralles at Eddie Gutierrez
Ate naman niya si Janine Gutierrez na kasama niyang rumampa sa katatapos lamang na fashion show ng Bench, ang ‘Body Of Work.’
Natanong si Diego, nape-pressure ba siya na halos ang buong angkan niya ay mga prominenteng personalidad sa showbiz?
Aniya, “Coming from a showbiz family, I think my family has proven a lot in this industry na parang lahat sila, magagaling sa ginagawa nila.
“The biggest challenge for me is to do my best and make a name also in music and showbiz in general.
“Instead of pressure, ang napi-feel ko, mas napi-feel ko ang motivation to make my family proud.
“I want to be great in my own name.
Aminado si Diego na musika ang first love niya.
“I just want to be able to perform more and on bigger stages, to share my music with everyone.
“I’m a believer in the work that I put in, and I’m a fan of my own music.
“I feel like, one day, it will also catch up to the people.
“My biggest dream is a stadium full of people singing my song back to me.
“That’s one of the biggest dreams I have and hopefully, soon, I’ll be able to reach that as well.
“Acting is something I want to explore further.
“I’ve acted a few times before, and I want to continue that with Star Magic.
“So, yeah. I’ll wait for it. Hopefully.
Kakapirma lang ni Diego ng exclusive contract sa Star Magic.
At dahil pareho na silang Kapamilya ni Janine, open ba si Diego sa pagkakataong makatrabaho ang kapatid niya sa isang teleserye o pelikula?
“Definitely,” ang nakangiting bulalas ni Diego. “I would love to work with her.
***
SA guesting ni Arci Muñoz sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay deretsahang umamin ang aktres na nagparetoke siya ng mukha.
“Tito naman, obvious ba? OG na OG na nga ako diyan. Napapagod na nga rin ako. Sobrang pagod na ako!”
Kasabay nito ang pag-amin rin ng “Sinagatala” movie star na may pagsisisi siya sa pagpapaayos ng kanyang mukha.
“Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa akin itong mga ito. Kasi may mga regrets din ako pagdating diyan.
“Pero alam mo, sinabi ko talaga sa sarili ko, ‘God has a purpose because I learned.
“And when someone approaches me and they’re like, ‘Should I do this? Should I do that?’
“I was like, if I think they don’t really need to do it, ‘Nooo! No girl, huwag talaga. You’ll regret it, sige ka.
“So ako talaga, ‘Yun pala. Yun pala ang reason. Yun pala ang purpose.'”
Patuloy pa ni Arci, “If I can go back to that time when I didn’t touch anything, I would go back there. Yeah.”
Kuntento na raw siya sa kanyang itsura ngayon.
“Wala na. Okay na ako dito. Masayang-masaya, okay na ako.”
Mula sa Sinagtala Productions, kasama ni Arci sa “Sinagtala” sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos, at sina Rayver Cruz at Matt Lozano, sa direksyon ni Mike Sandejas.
Mapapanood ito sa mga sinehan sa April 2.
(ROMMEL L. GONZALES)

First collection ng Brazilian designer, matagumpay na nailunsad: ALEXIA, kahanga-hanga ang pagpapahalaga sa T’nalak ng T’boli Tribe

Posted on: April 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HANGANG-HANGA kami sa Brazilian actress, model, host at designer na si Alexia Nuñez sa pagbibigay halaga niya sa mga habi ng T’boli tribe mula Lake Sebu, South Cotabato sa Mindanao.
Matagumpay ngang nailunsad ng fashion designer ang kauna-unahan niyang  koleksiyon, ang EON Collection kamakailan sa Reserve Bar, Pasig City, na kung saan bukod sa T’nalak, ay ipinagmamalaki rin niya ang kakaibang tinahing damit mula sa mga ukay-ukay na inirampa ni Alexia kasama ang mga international model.
“I’m launching my sustainable lifestyle brand, along with it’s first fashion collection. The purpose of the project is to support indigenous communities in the Philippines,” pahayag ni Alexia na dinala nila ng kanyang partner, ang aktor/entrepreneur na si Billy James Cash sa Maynila ang 12 miyembro ng Indigenous People mula sa Dream Weavers para maging bahagi ng paglulunsad ng kanyang mga disenyo.
Ang Alexia Núñez Designs ay nilikha na may pananaw na pagsamahin ang sining na may layunin, na inspirasyon ng mayamang tradisyon ng Pilipinas at isang malalim na pangako sa pangangalaga sa kapaligiran.
“Through our designs, we aim to blend creativity with activism, making a lasting impact on the communities we serve and the planet we cherish!,” pahayag ni Alexia na naging bahagi rin pala ng hit teleserye ni Coco Martin na “Batang Quiapo” noong 2024.
“Can you imagine all of these pieces? They are made from ukay-ukay, all recycled materials. Lahat. No single waste, everything, thrift shop, used ones, old ones, people would just throw away, garbage.
“Would you say this is an old jacket, this is a curtain but not right? So I hope you feel inspired to, you know… I hope you look at the beautiful culture you have here in the Philippines. You know, I hope you value the culture you have, I hope you value the indigenous people, their traditions because it’s also yours. It’s also mine.
“It’s okay, I come from Brazil, it’s true. But you know what, we’re the same, just one source, it’s love, it’s God. It’s one planet. We share the same air, we share the same ocean, the same sky.
“It doesn’t matter where you come from, it doesn’t matter what your religion is, your political decisions, you know. It doesnt matter, your color of skin, your gender, as long as you’re connected with love. You’re bringing good. That’s all we need, all we need is love. Maraming, maraming salamat po,” mahabang pahayag pa ni Alexia.
Ang Alexia Núñez Designs ay isinilang mula sa isang pananaw na paghaluin ang sining na may layunin, na inspirasyon ng mayamang pamana ng Pilipinas at isang pangako sa pagpapanatili.
Anim na taon na ang nakalilipas, nagsimulang magtrabaho si Alexia sa mga proyektong panlipunan sa Brazil, na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap na bata at kababaihan.  Nag-promote din siya ng mga hakbangin sa pagpapanatili sa gobyerno ng Brazil at nakakuha ng karanasan sa pribadong sektor, pagbuo ng mga komunidad at pag-aayos ng mga kaganapang pangkalusugan.
Ngayon ay nasa Pilipinas, ipinagpatuloy ni Alexia ang kanyang misyon na lumikha ng positibong pagbabago, gamit ang kanyang mga disenyo para magkaroon ng pangmatagalang epekto sa mga tao at sa daigdig.
Iginiit pa ni Alexia na isa lamang siyang instrumento o channel upang ipakita sa mundo ang kagandahan ng art with a purpose.
“The vision is to merge art with purpose, inspired by the rich traditions of the Philippines and a deep commitment to environmental stewardship. Through our designs, we aim to blend creativity with activism, making a lasting impact on the communities we serve and the planet we cherish.”
Pahayag pa ni Alexia, noong unang dalaw niya sa ’Pinas, kapag magtatanong siya kung saan magandang pumunta, ang laging sagot sa kanya ay Palawan at Boracay.
Pero aniya, mas na-in love siya nang mapadpad sa Mindanao, lalo sa Lake Sebu, South Cotabato, tahanan ng T’boli tribe at Dream Weavers.
“It’s priceless.  hope that you feel inspired to believe in yourself, connect with nature… this is a call to action. This is a movement, this is a community. This is for a higher purpose.”
Sa ngayon ay wala pa silang physical store para sa kanyang kakaibang designs.  Sa ipinamigay ng t-shirts na may tatak at logo ng Alexia Nuñez Designs, ipinagmamalaki niya na gawa ito sa Pilipinas na katatatag lang sa taong ito.
For sure, marami pa siyang designs na ipi-print sa t-shirts, bukod pa sa pants, blouse at katutubong kasuotan, na tiyak na hahangaan at dapat nating suportahan.
Aabangan namin ang paglulunsad ng kanyang mga ginawa, kapag meron siya na silang tindahan o puwesto na puwedeng puntahan.
Mabuhay kay Alexia!
(ROHN ROMULO) 

Ads April 1, 2025

Posted on: April 1st, 2025 by @peoplesbalita No Comments