• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 2nd, 2025

Pinoy boxer Melvin Jerusalem napanatili ang belt

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ni Melvin Jerusalem ang kanyang WBC minimumweight title.

Ito ay matapos na talunin ang Japanese boxer na si Yudai Shigeoka sa pamamagitan ng unanimous decision sa laban na ginanap sa Tokoname, Japan.

Pumabor lahat ng mga judges sa Pinoy boxer sa nakuha nitong score na 119-109, 118-110, 116-112 .

Ito na ang pangalawang beses na magkaharap ang dalawang boksingero kung saan parehas na tinalo ng 31-anyos na si Jerusalem ang kalaban.

Mayroon na siyang 24 panalo at tatlong talo na mayroong 12 knockouts.

Maaring ang susunod na laban ni Jerusalem ay ang rematch kay Oscar Collazo ng Puerto Rico kung saan sa ikapitong round ay nabigo ang Pinoy boxer ng umakyat ito ng timbang sa 105 pound class.

Ilan sa mga tinalo ni Jerusalem ay sina Mexican challenger Luis Castillo noong nakaraang Setyembre sa Mandaluyong.

Sabalenka nagkampeon sa Miami Open matapos talunin si Pegula

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT ni world number 1 Aryna Sabalenka ang kampeonato sa Miami Open matapos na talunin si Jessica Pegula.

Nakuha ng Belarusian player ang scorena 7-5, 6-2 sa WTA 1000 event sa Hard Rock Stadium.

Ito ang unang Miami Open title ni Sabalenka at ikalawa naman sa season na unang nagkampeon sa Brisbane Open noong Enero.

Sinabi nito na hindi naging alinlangan ang pagkatalo niya noong nakaraang mga linggo sa Indian Wells kay Mirra Andreeva ang 17-anyos na Russian tennis star.

Dagdag pa niya na labis ang kaniyang kasiyahan dahil sa ginawa niya ang lahat ng mga makakaya para maipanalo ang laban.

Ito na ang pangatlong paghaharap nila ni Pegula sa finals kung saan lahat ay napanalunan ni Sabalenka.

Malakanyang aminado, walang magagawa sa taas-singil sa pamasahe sa LRT

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang Malakanyang na wala itong magagawa para pagbigyan ang apela at hirit ng iba’t ibang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipatigil ang naging kautusan ng Department of Transportation na taas- singil sa pamasahe sa LRT 1 train line.

Nakatakda na kasing ikasa ang bagong fare matrix ng Light Rail Transit Line (LRT1) sa darating na Miyerkules, Abril 2, 2025.

“Gustuhin po natin man ‘no, gustuhin po ng administrasyon na ito po ay hindi muna maituloy pero iyan po kasi ang nakasaad sa kontrata. Kung hindi po ako nagkakamali, nabanggit po ito na matagal na po dapat nagtaas ng presyo pero hino-hold po ito para po sa ating mga commuters,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Pero tingnan din po natin ang sitwasyon kapag kasama po kasi ito sa kontrata at hindi po itinupad or natupad ng gobyerno ay mas magkakaroon po nang malaking problema ang ating mga commuters,” ang dagdag na wika ni Castro.

Sa ulat, nakatakdang mangolekta ang private operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng P10.00 na karagdagang singil sa pamasahe simula sa nasabing petsa.

Sinasabi ng iba’t ibang grupo na bilang Pangulo ng bansa ay may karapatan ito na baligtarin ang kautusan ng DoTr.

“The ball is now in the court of Bongbong Marcos and he can do the right thing by stopping the April 2 fare hike which will affect up to 370,000 commuters per day,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, ang mga naghain ng apela ay kinabibilangan nina Bayan President Renato Reyes, Jr at Makabayan senatorial candidates Jerome Adonis ng KMU, Mody Floranda ng PISTON at Mimi Doringo ng Kadamay. Sinamahan sila ng Mhing Gomez ng Anakbayan at Nanoy Rafael ng commuter group PARA.

Iginiit ng grupo na ang fare hike ay arbitrary dahil “ no financial necessity” ang ipinresenta sa petisyon para sa fare hike, tanging ang tinatawag lamang na contractual obligation para itaas ang pamasahe ng 10.25% kada dalawang taon.

Hindi namana nakapagpakita at nakapagbigay ang DoTr sa oppositors at publiko ng metrics para idetermina ang bagong pamasahe na tumaas ng P5.00 hanggang P10.00 depende sa layo o distansiya ng byahe.

Naniniwala ang appellants na ang kasalukuyang concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at LRMC ay “grossly disadvantageous” sa publiko.

“The private operator LRMC is guaranteed a fare hike every two years. If such is not granted by the government, it is the government that shoulder the fare deficit payment. The term of the contract is up to 2046, and by then, fares would have gone up by 160%,” ayon sa ulat.

Ayon naman sa  LRMC, “the fare deficit payment that the government owes the private operator now stands at more then P3 billion.” (Daris Jose)

PBBM sa Eid’l Fitr: Palawigin ang pagmamalasakit, iangat ang mga nangangailangan

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga mamamayang filipino na yakapin ang diwa ng pakikiramay at paglilingkod kasabay ng pakikiisa nito sa Muslim community sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Tanda ito ng pagtatapos ng holy month of Ramadan, araw ng Lunes, Marso 31, 2025.

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na maliban sa religious significance ng nasabing pagdiriwang, ang tunay na diwa ng Eid’l Fitr ay nasa pagtulong sa mga nangangailangan at pagpapalaganap ng kaligahayan sa kanilang komunidad.

Inilarawan naman ng Pangulo ang Eid’l Fitr bilang “a time of dignified worship, deep reflection, and solemn prayer.”

“In spirit, the Festival of Breaking the Fast is more than a celebration; it is a testament to our desire for shared humanity, strengthening bonds of family and friendship, as well as unity among our peers,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Beyond the values that Ramadan emphasized, let us continue to be inspired to extend our hands in service, uplift those in need, and help find joy in those who seek it,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, sinabi ng Chief Executive na ang tunay na pagkakaisa at kapayapaan ay maaaring makamit sa pamamagitan ng mamuhay na may ‘full of compassion at inclusivity, kahalagahan na nakapaloob sa turo ng Propetang Muhammad.

“Only through living with compassion and inclusivity can we appreciate and understand what Prophet Muhammad sought to accomplish—a life where harmony and love prevail upon us all,” ang sinabi pa rin ng Punong Ehekutibo.

Binigyang diin pa rin ni Pangulong Marcos ang ‘shared responsibility’ ng lahat ng mga filipino para suportahan ang isa’t isa lalo na sa panahon ng krisis at mga panahon ng pagsubok.

Nanawagan naman si Pangulong Marcos sa lahat na yakapin ang ‘acts of kindness, engage in meaningful conversations, and participate in activities’ na magkaisa ang mga pamayanan at pangalagaan ang ‘sense of solidarity.’

“May the acts of kindness, engaging conversations, and delightful activities that bring communities together define our actions moving forward,” ang winika pa rin ni Pangulong Marcos.

“Let us continue to embody the virtues of dedication and faithso we canfoster a more equitable and peaceful Bagong Pilipinas,” ang lahad nito. (Daris Jose)

Implementasyon ng AKAP, mahirap itigil sa gitna ng alalahanin- Malakanyang

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Malakanyang na mahirap para sa pamahalaan na ihinto ang distribusyon ng tulong sa ilalim ng kontrobersiyal na Ayuda Para sa Kapos ang Kita (AKAP) program.

Ito’y sa gitna ng alalahanin na may ilang incumbent officials na pawang mga kandidato para sa 2025 midterm polls — ang di umano’y ginagamit na kasangkapan ang programa para makapang-impluwensya ng mga botante.

“Mahirap po kasing ihinto ang pagbibigay ng ayuda sa taumbayan. Umaasa rin po sila diyan, katulad nga po nito, sabi po sa survey ay diumanong tumataas ang hunger rate, kahit marami na po tayong programa ng ayuda. Kaya sabi nga po natin, titingnan natin kung saan nanggagaling ito,” ayon kay Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Tinanong kasi si Castro kung makakaya ba ng gobyerno na ihinto muna ang implementasyon ng AKAP bago ang midterm polls.

“Hindi po ito mapapahinto agad-agad ng administrasyon at mas marami po sigurong mga kababayan natin ang mag-aalma lalo na kung nasanay na po silang kumuha ng ganitong ayuda para po ipangtawid sa pang-araw-araw nilang pangangailangan,” aniya pa rin.

Sa ulat, ipinagbabawal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang presensya ng mga pulitiko at anumang materyales na nauugnay sa kanila sa pamamahagi ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

“During the offsite implementation of the program, the DSWD will strictly prohibit: the display or distribution of posters, banners, or any materials that link any politicians to the AKAP as well as the presence of any politicians during the conduct of actual distribution of financial assistance under the AKAP.”

Ang DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA) ay nagsumite na ng Joint Memorandum Circular No. 2025-01 o ang implementing rules sa AKAP program sa Commission on Elections (Comelec) noong Martes.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na pinag-aaralan ng law department ng poll body ang guidelines bago gumawa ng mga rekomendasyon para sa pagpapatupad nito.  (Daris Jose)

VP Sara humingi ng ebidensiya sa 30K drug war deaths

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Vice President Sara Duterte na makita ang ebidensiya sa sinasabing 30,000 mga namatay sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay VP Sara, kulang ang nasa 181 piraso ng ebidensiya na iniharap ng prosekusyon sa International Criminal Court (ICC).

Hindi aniya ito sapat sa laki ng bilang ng diumano’y extrajudicial killings noong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga human rights group nasa 30,000 ang napatay sa madugong war on drugs pero sa rekord ng pulisya, ang bilang ay nasa 6,000 lamang.

“So, nasaan na ang 30,000 pieces of evidence? This is not a case for the ICC. These were not even cases in the Philippines. Not a single case,’’ sabi ni Duterte.

“How can you prove systematic killing of 30,000 victims if you do not have the names of 30,000 victims? …and yet we have 181 pieces of evidence. And we don’t even have 50 victims. This is 43 counts of murder, not even 50. So, where is the system there of killing thousands?”

Ayon naman kay Atty. Kristina Conti ng National Union of People’s Lawyers na kumakatawan sa mga biktima, “In crimes against humanity, you do not need to name all the victims.”

“Siguro magandang tingnan ni VP Sara—and this is perfect—what happened to the Holocaust?” sabi ni Conti na tinukoy ang Nuremberg trials.

“Sa Nuremberg trials, they did not need to name all those killed. The gist of this case of crimes against humanity is the manner of killing—widespread and systematic—could be established by the testimony of even just one person.”

Nilinaw din niya na ang 181 pieces of evidence ay preliminary documents lang.

Ang confirmation of charges ay gagawin sa September 23, pero naniniwala si Conti na ang ICC prosecutor ay ‘’trial ready.’’ (Daris Jose)

Iniuugnay sa umano’y iregularidad sa paggamit ng P500 milyong confidential fund… Malakanyang, nagtataka  sa ‘Team Grocery’ fund recipients ni VP Sara

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGING ang Malakanyang ay nagtataka sa mga pangalan na kahawig o kapareho ng mga groceries sa listahan ng recipients ng Office of the Vice President’s (OVP) confidential funds.

“Hindi lang po siguro ang Palasyo ang medyo nagtataka, siguro lahat po ng—ang taumbayan mismo ay nagtataka kung bakit ganito ang mga resibo na naibigay ng OVP,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro.

Kaya nga ipinauubaya na ng Malakayang sa Kongreso kung gagamitin ito sa impeachment trial ni VP Sara.

“At ito pong mga ebidensiya po na iyan ay ilalaan na lang po natin at ipapaubaya natin sa House of Representatives at sa Senado kung ito ay gagamitin man sa impeachment trial,” aniya pa rin.

Sa ulat, lumutang na rin ang ‘Team Grocery’ na kinabibilangan ng mga pampano, harina, kasim, bacon sa listahan ng mga pinekeng pangalan na iniuugnay sa umano’y iregularidad sa paggamit ng P500 milyong confidential fund ni Vice President Sara Duterte sa OVP.

Ito ang ibinulgar kahapon ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union kaugnay ng masusing pagsusuri sa mga acknowledgement receipts na isinumite ni VP Sara sa Commission on Audit (COA).

Una nang nakalkal ng House prosecution team ang mga pangalang chichirya, cellphone, prutas sa Dodong Gang at Team Amoy Asim sa confi funds ng OVP.

Inihayag ni Ortega na nagpatibay ito sa hinala na malaking halaga ng public funds ang inilista sa mga gawa-gawang pangalan na nabahaginan ng confidential funds ni VP Sara.

Sinabi ni Ortega na ang mga lumutang na mga bagong pangalan ay mga food items naman sa pangunguna ni “Beverly Claire Pampano,” o ang popular na isda na mabibili sa mga palengke sa buong kapuluan. Nasa listahan din ang Mico Harina  na ang apelyido ay pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay at mga native pastries.

Pinuna rin ni Ortega ang mga pangalang Patty Ting, Ralph Josh Bacon na mga sangkap naman sa burger staples habang ang Sala Casim ay kasim ng baboy na ginagamit sa paggawa ng adobo at menudo.

“Mukhang listahan po ng mga bibilhin sa palengke o grocery ang mga bagong pangalang nakita natin,” ayon pa kay Ortega. (Daris Jose)

Panibagong listahan ng pekeng pangalan ng umano’y Budol Gang — na tinagurian nitong “Team Grocery”, ibinunyag

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V (La Union) ang panibagong listahan ng pekeng pangalan ng umano’y Budol Gang — na tinagurian nitong “Team Grocery.”

Kabilang na dito ang Pampano, Harina, Casim, Bacon, at Patty Ting, na nakalista bilang beneficiaries umano ni Vice President Sara Duterte sa P500 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon sa mambabatas, ang mga bagong pangalan ay kahalintulad sa iba’t ibang uri ng pagkain na kadalasang nakikita sa palengke at groceries.

Nangunguna sa listahan ay isang “Beverly Claire Pampano,” isang kilalang isda na ibinebenta sa bansa, na sinundan ng “Mico Harina,” “Patty Ting,” “Ralph Josh Bacon,” at “Sala Casim.”

“Mukhang listahan po ng mga bibilhin sa palengke o grocery ang mga bagong pangalang nakita natin,” pahayag ni Ortega.

Sinabi pa ni Ortega na ang mga naturang pangalan ay kasama sa listahang isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA).

Katulad ng unang listahan, ang mga nasabing pangalan ay hindi nakita sa official birth, marriage o death records mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Kung hindi sila totoong tao, nasaan napunta ang pondo?. Hindi ito ang unang beses na may nakita tayong katawa-tawa o kakaibang pangalan. Ang mas nakakalungkot, patuloy itong nadadagdagan. Typo ba ito? Mukhang may effort na talagang mag-imbento ng listahan para pagtakpan kung saan dinala ang pondo,” pahayag ni Ortega.

Noong nakaraan ay ibinunyag ni Ortega ang mga pekeng pangalan na “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug De Asim,” na nasa listahan ng benepisaryo umano ng confidential funds ng DepEd ng kalihim pa ang vp.

Bukod kina “Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin,” nakita din ang pangalan ng “Renan Piatos,” “Pia Piatos-Lim,” “Xiaome Ocho,” “Jay Kamote,” “Miggy Mango” ant limang indibidwal na may pangalang “Dodong.”

(Vina de Guzman)

Wanted sa rape sa Antipolo, nakorner sa Malabon

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang construction worker na akusado sa kasong statutory rape matapos masukol ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa 27-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Persons sa Antipolo City matapos makatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ito sa Malabon.

Ganap na alas-5:30 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng DSOU ang akusado sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Longos ng lungsod.

          Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape under Paragraph 1D, Article 266-A of the Revised Penal Code (RPC), as amended by Republic Act 8353, in relation to Section 5(A) of Republic Act 8369 na inisyu ni Presiding Judge Monica Cecilia F. Almeda-De Mata, ng RTC Branch 72, Antipolo City, Rizal.

          Walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Antipolo City Jail.

          Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang DSOU para sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagpapatupad ng batas kung saan muli niyang pinagtibay ang dedikasyon ng NPD sa walang humpay na operasyon laban sa mga wanted na criminal. (Richard Mesa)

2 kelot, kulong sa hindi lisensyadong baril sa Caloocan

Posted on: April 2nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na kapwa nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na pagsalakay sa bisa ng search warrant sa Caloocan City.

Unang sinalakay ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals sa bisa ng search warrant na inilabas ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) 2nd Vice Executive Judge Rosalia I. Hipolito-Bunagan ng Branch 232 ang bahay ng 35-anyos na si alyas “Naldo” sa Brgy. 167 dakong alas-10:50 ng gabi,

Nakuha ng mga pulis na armado ng suot na body camera ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala sa loob ng plastic na drawer ng suspek na nagresulta sa kanyang agarang pagkakadakip.

Dakong alas-3:10 ng Sabado ng hapon nang salakayin naman ng mga tauhan ng West Grace Park Police Sub-Station-3 ang bahay ni alyas “Rene”, 33, sa Florencia St. 12th Avenue, Brgy. 71 sa bisa pa rin ng search warrant na inilabas ng hukuman.

Nakuha sa bahay ng suspek ang walang kaukulang papeles na kalibre .9mm pistol na may tatlong bala sa magazine.

Sinabi ni Col. Canals na ang dalawang nadakip sa magkahiwalay na operasyon ay sinampahan nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na pagpapatupad ng saearch warrant kung saan binibigyang-diin ng operasyong ito ang pangako ng NPD na disarmahan ang mga kriminal at tiyakin ang kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)