Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
INAABANGAN ng mga basketball fans ang magiging harapan ngayong araw ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.
Huling nagkaharap ang dalawang koponan ay noong Christmas Day ng nakaraang taon kung saan nakapagtala si Warriors star Stephen Curry ng 38 points.
Sinabi ni Warriors head coach Steve Kerr na kakaiba na ngayon ang Warriors dahil sa pagdagdag sa kanilang koponan ni Jimmy Butler.
Sa 10 regular-season games na nagharap kasi ang dalawang koponan ay tatlo lamang ang naging panalo ng Warriors.
Bagamat malaking hamon ito ngayon sa Warriors dahil sa home court pa ng Lakers gaganapin ang laro sa Crypto Arena.
Nasa pang-limang puwesto ang Warriors na mayroong 44 panalo at 31 na talo habang ang Lakers ay nasa pangatlong puwesto na mayroong 46 panalo at 29 na talo sa Western Conference.
NAIBENTA sa auction sa halagang $1.067 milyon ang pirmadong relic card ni Los Angeles Dodgers satar Shohei Ohtani.
Ang makasaysayang 50/50 effort ay siyang unang Dodgers star na nakapagbenta ng mahigit $1-M sa auction.
Ito ang 1-of-1 numbered Ohtani card na makikita ang Major League Baseball logo mula sa pantalon na suot niya noong Septembre 2024.
Sa nasabing taon ay naitala niya ang ika-49,50 at 51st home runs ganun din ang pag-steal niya ng 50th at 51st bases laban sa Miami Marlins.
Magugunitang nabili rin sa auction ang Ohtani card sa halagang $533,140 para sa 2018 Bowman Chrome Rookie Autograph Orange Refractor rookie card sa Goldin Auctions noong Nobyembre.
PINAALALAHANAN ng Department of Tourism (DOT) ang mga dayuhang turista na maging maingat sa kanilang kilos at pag-uugali at igalang ang mga lokal kapag kapag bumibisita sa Pilipinas.
“As the Philippines warmly welcomes guests from around the world, it is essential that they respect our people and our culture and comply with our laws during their stay,” ang sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco.
“The Philippines is renowned for its friendly and hospitable people, and this is a key part of the unique Philippine experience that we offer to travelers. It is imperative that this generosity is met with respect,” ayon pa rin sa Kalihim.
Ani Frasco, kinokondena ng DOT ang anumang uri ng mapang-abusong pag-uugali ng mga turista, maging ito man ay pambabastos sa kultura ng mga filipino o paglabag sa karapatan ng mga indibiduwal.
Sa kabilang dako, pinuri naman ni Frasco ang mabilis at desididong aksyon ng Philippine National Police at Bureau of Immigration (BI) sa pag-aresto sa Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, nahuli sa video na hina-harass ang mga Filipino sa Bonifacio Global City (BGC) in Taguig.
“This underscores the government’s unwavering determination in upholding our nation’s laws and ensuring public safety, in line with our shared commitment to protecting the dignity and rights of every Filipino,” ang winika pa ni Frasco.
Sa isang viral post na kumakalat sa X, nakita si Zdorovetskiy na lumapit sa isang babae para bigyan siya ng pera.
Nang tumanggi ang babae at lumakad palayo, kagyat na inakusahan ni Zdorovetskiy ang babae na may suot na face mask ng mayroon itong “Covid” (coronavirus disease) at tapos ay sumigaw at tinawag ang babae na “liberal f—” at sinabi sa babae na “get your vaccine.”
Sa ulat, inaresto ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa isang hotel sa Pasay City nitong Miyerkoles dahil sa pangha-harass umano sa mga Pilipino sa kaniyang mga livestream, ayon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes.
Sinabi ng CIDG na dinakip ang naturang content creator at streamer matapos maglabas ang Bureau of Immigration (BI) ng Mission Order for Undesirability laban sa kaniya.
Sinabi ni CIDG chief Police Major General Nicolas Torre III na inaabala umano ng vlogger ang mga Pilipino at nagpakita ng “disruptive behavior” sa kaniyang livestream sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.
Nag-viral online ang mga video ni Vitaly habang nakatanggap naman siya ng batikos dahil sa diumano’y pangha-harrass at pang-iinsulto sa mga Pilipino para sa content.
“His recent video filmed in BGC and viral online has sparked outrage due to his alleged disruptive and inappropriate behavior toward unsuspecting and friendly Filipinos,” sabi ng CIDG. (Daris Jose)
MAAARING maging mas agresibo ang Pilipinas sa agricultural exports bunsod ng ipinataw ng gobyerno ni United States President Donald Trump na 17% taripa sa Philippine goods papuntang Estados Unidos.
Ang duty (buwis) ng Trump administration ay mas mataas kaysa sa 10% baseline tariff rate sa buong mundo.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaaring samantalahin ng bansa ang kalimitan na “favorable” na ipinapataw na duties (buwis) kumpara sa ibang competitor countries sa Asya.
“Base sa nakita kong tariff rates, tayo pinakamababa. Isa sa pinakamababa. So, it just means that we should put more sales into the US of our products,” ayon sa Kalihim.
“As far as agriculture is concerned, kasi technically, ang competitor natin is basically Indonesia, Vietnam, Thailand, and other ASEAN countries to the US.” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, ang Vietnam ay sinampal ng 46% taripa; Thailand, 36%; Indonesia, 32%; iba pang ASEAN members gaya ng Cambodia, 49%; at Malaysia, 24%.
Tinuran ni Tiu Laurel na puwede itong makatulong na palakasin ang page-export ng bansa sa niyog, seaweeds, at iba pang fish products, bukod sa iba pa.
“I have given instructions to look at the whole product range na natin ng ini-export natin… but in general, I think it’s more positive than that,” ang sinabi pa rin nito.
Gayunman, nagpahayag naman ng pag-aalala si Tiu Laurel ukol sa iba pang competitor country, particularly Ecuador, mayroon lamang na 10% taripa.
“Ecuador also produces a lot of tilapia, a lot of shrimp, and some products similar to ours. So that might be a concern. But of course, in the whole scheme of things, I believe that we are, I’ve been to Ecuador many times, and I know how they work. I think we are, we can be competitive in this,” ang sinabi ni Tiu Laurel. (Daris Jose)
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka, mangingisda at mga naging bahagi ng food industry para sa kanilang pagsisikap na tiyakin na mayroong pagkain sa hapag o lamesa.
Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa pambansang paglulunsad ng Filipino Food Month.
“Sa buwan na ito, huwag din po nating kalimutan na sa bawat na masarap na putahe ay may mga kamay na nagtitiyaga upang tayo ay may maihain sa ating mga mesa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Sila ang ating mga magsasaka, ang ating mga mangingisda, ang ating manggagawa sa industriya ng pagkain. Maging ang ating paboritong kusinero sa karinderya ay ating purihin at pasalamatan,” aniya pa rin
Winika pa ng Pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang tiyakin na ang mga Filipino ay mabibigyan ng sapat at abot-kayang pagkain.
“Ang bawat ulam na kanilang hinahanda ay may katumbas na sipag at tiyaga,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos.
“Kaya naman ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang masiguro na may sapat at murang pagkain para sa bawat Pilipino,” dagdag na wika nito.
Samantala, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 469 na nilagdaan noong 2018, ang Abril ng bawat taon ay idineklara bilang Buwan ng Kalutong Pilipino.
Nagsanib-puwersa ang Department of Agriculture (DA), Department of Tourism (DOT), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Philippine Culinary Heritage Movement (PCHM) para pamunuan ang isang buwang selebrasyon na may temang “Pagkaing Pilipino, Susi sa Pag -unlad at Pagbabago.”
Ang pambansang pagdiriwang ay naglalayon na pahalagahan, pangalagaan, itaguyod, at tiyakin ang paghahatid ng malawak na tradisyon at kayamanan sa pagluluto ng mga Pilipino sa susunod na henerasyon at suportahan ang iba’t ibang industriya, magsasaka, at agri-community.
Ang pagbubukas ng seremonya para sa Buwan ny Kalutong Pipino ay ginanap kamakailan sa makasaysayang Metropolitan Theater. Ipinalabas ito noong Abril 1, 2022 (Biyernes, 3PM) sa mga social media pages ng mga nangungunang ahensya tulad ng DA, DOT, NCCA, PCHM gayundin sa Facebook pages ng Met , PCOO, RTVM, at PTV.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, local government units, pribadong sektor, at media.
Ang mga pinuno ng mga nangungunang ahensya ay naghatid ng mga mensahe bilang suporta sa pagdiriwang.
Maliban dito, nasaksihan din ang mga pagtatanghal mula sa iba’t ibang artista tulad nina Lara Maigue na kinanta ang “Sa Kabukiran”, Arman Ferrer na inawit ang “bahay Kubo”, at nagsi-sayaw ang Sindaw Philippines, at Halili-Cruz School of Ballet.
Si Issa Litton ang host ng seremonya. Itinampok din dito ang mga higante ng Angono, Rizal at mga food booth ng apat na nangungunang ahensya. (Daris Jose)
SINABI ni Finance Secretary Ralph Recto na ang P60 billion excess funds na ibinalik ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury ay ginamit para sa health-related projects.
Matatandaang, ipinag-utos sa PhilHealth na ibalik ang P89.9 billion na excess funds sa national treasury.
Noong nakaraang taon, nag-remit na ang PhilHealth ng P60 billion bago pa mapalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema na upang ihinto ang paglipat ng natitirang P29.9 billion.
Sa pagpapatuloy naman ng oral arguments sa PhilHealth funds, sinabi ni Recto sa SC na ang P60 billion ay inilaan sa:
*P27.45 billion para bayaran ang allowance ng COVID-19 frontliners
*P10 billion sa Social Programs for Health para makapagbigay ng provide medical assistance sa mga mahihirap na Filipino
*P3.37 billion para sa pagtatatag ng tatlong DOH facilities
*P4.1 billion para palakasin ang umiiral na DOH facilities
*P1.6 billion sa Health Facilities Enhancement Program
*P13.00 billion para pondohan ang government counterpart financing para sa foreign-assisted infrastructure at social determinants para sa mga healths project
*”Your Honors, the P60 billion that was returned didn’t vanish—it paid frontliners, built hospitals, and gave the poor access to medicine. Every centavo remitted was converted into service. That is fiscal justice,” ang sinabi ng Kalihim.
Samantala, binigyang diin ni Recto na ang P89.9 billion na ipinag-utos sa PhilHealth na ibalik ay government subsidies na nananatiling hindi pa nagagamit at hindi nagmula sa member contributions.
“It bears stressing that not a single centavo meant for the members’ coverage was touched. Not a centavo of benefits was compromised,” ang sinabi pa rin ni Recto.
“PhilHealth’s daily operations and benefit packages remain intact. They will not be disrupted but will even be improved.” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
PARTE ng kuwento ng horror film na “Untold” ang tungkol sa fake news.