• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 15th, 2025

PBA ipinagdiwang ang kanilang ika-50 anibersaryo

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang ika-50 taon.nSa isang pagtitipon ay ginawaran nila ng pagkilala ang PBA 50 Greatest Players list.nNaimbitahang magtanghal sina Maja Salvador at si Bamboo.nDinaluhan ito ng mga dati at kasalukuyang manlalaro ng PBA.nMagugunitang idinagdag sa listahan ng PBA 50 Greatest sina Scottie Thompson at si June Mar Fajardo.

Mga sikat na tennis player umapela sa mga Grand Slams na dagdagan ang kanilang premyo

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Humiling ang ilang sikat na tennis player sa mundo ng dagdag na premyo sa apat na Grand Slam tournaments.nnNanguna sina Novak Djokovic, Jannik Sinner, Aryna Sabalenka at Coco Gauff at 20 iba na sumulat sa mga organizers ng Grand Slam.nnSa sulat noong Marso 21, na humiling ang nasabin

DepEd, nagpatulong na sa Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa napaulat na ‘bullying’ sa Bagong Silangan High School

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

nnnnNAGPASAKLOLO na si Education Secretary Sonny Angara sa Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa di umano’y napaulat na ‘bullying’ sa Bagong Silangan High School.nnKumakalat kasi ngayon sa social media ang di umano’y pambu-bully sa isang babaeng Grade 8 student ng kaniyang mga kaklase sa loob ng isang paaralan sa Bagong Silangan, Quezon City.nn nnSa isang liham kay QCPD Director Brig. Gen. Melecio Buslig Jr., sinabi ni Angara na ang insidente na kinasangkutan ng mga menor de edad ay kailangan na mahawakan ng maayos ng mga eksperto o may kasanayan at pagiging sensitibo.nn“The Department of Education (DepEd) has initiated internal protocols to ensure that the matter is addressed with urgency and care,” ang sinabi ng Kalihim.nn“While we have instructed the school to expedite its investigation and extend support to the affected learners, we also recognize that certain aspects of the incident may require your office’s expertise — particularly in maintaining the safety of the school community,” ang nakasaad pa rin sa liham.nnHangad din ni Angara ang pagtutulungan sa pagitan ng Learner Rights and Protection Office (LRPO) ng DepEd at Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Desk.nn nn“Your specialized training, experience, and established protocols in handling such cases are instrumental in ensuring that all parties, especially the children involved, are treated with compassion, dignity, and due process,” ang sinabi nito.nnNauna rito, inatasan na ng DepEd ang pamunuan ng Bagong Silangan High School sa lungsod ng Quezon na palawakin ang imbestigasyon ukol sa insidente ng pambubully sa isang estudyante.nn nnMayroon ng inilaang pulong ang DepEd sa Child Protection Committee ng paaralan para marinig ang panig ng mga magulang at mga sangkot na estudyante.nn nnSinabi ni DepEd Media Relations Chief Dennis Legaspi na hindi papayagan ang anumang uri ng pambubully sa mga paaralan.nn nnHanda umano nilang tulungan ang mga paaralan para mahigpit na maipatupad ang batas ukol sa anti-bullying.nn nnMagugunitang inireklamo ng isang magulang sa nasabing paaralan ang ginawang pambugbog sa kaniyang anak na babae kung saan lagi umano itong binubully. (Daris Jose)

PH Army team, nagsimula na ng search, rescue sa earthquake-hit Myanmar

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

nnnnNAGSIMULA na ang Philippine Army team na magpartisipa sa search and rescue mission para sa mga indibiduwal sa Myanmar na winasak ng magnitude-7.7 earthquake noong nakaraang linggo.nnSinabi ng Philippine Army na ang 10-man Search and Rescue (SAR) team mula 525th Combat Engineer Battalion of Combat Engineer Regiment ay sumama para gampanan ang mga ‘specific designations’ kasama ang ibang contingents.nn nn”The team emphasized the adherence to specific security measures to mitigate the risks of petty crimes and the safety protocols to be observed in case of aftershocks,” ang sinabi ng Philippine Army.nnSinabi pa rin ng Philippine Army, na ang SAR team ay may mahalagang papel sa humanitarian assistance at disaster response matapos ang malakas na paglindol sa Turkiye noong February 2023.nn nnNauna rito, ang first batch ng Philippine contingent na may 58 miyembro ay dumating sa Myanmar noong April 1, habang ang second batch na may 33 miyembro ay noong April 2.nnSi Lieutenant Colonel Erwen S. Diploma ang mamumuno sa Philippine contingent na binubuo ng urban search at rescue teams mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources at Private Sector (EDC and APEX Mining).nn nnBahagi rin ng Philippine contingent. ang medical assistance team mula sa Department of Health (DOH) at coordinators mula sa Office of Civil Defense (OCD). (Daris Jose)

Home Top Right Box Outline

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, pinawi ang pangamba ng kakulangan sa pondo ng PhilHealth

Matapos kumalas ang kapatid na si reelectionist Senator Imee Marcos sa slate:

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KAPANSIN-PANSIN na nagbago ang tono ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-endorso sa kanyang senatorial slate matapos na tuluyang kumalas ang kanyang kapatid na si reelectionist Senator Imee Marcos mula sa ticket. nnSa mga nakalipas na campaign rally kasi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, palaging nagtatapos ang talumpati ng Pangulo sa “Labingdalawa, Alyansa!” nn nnSubalit sa campaign rally sa ANTIPOLO, Rizal, ang naging sigaw ng Pangulo ay “Alyansa all the way!” nn“Kaya sa Mayo po, ‘wag na kayong magdalawang isip. Alyansa all the way! Alyansa sa bagong Pilipinas!” ang sinabi ni Pangulong Marcos.nnIto ang kauna-unahang campaign rally simula nang kumalas si Imee Marcos sa administration slate.nn nnMatatandaang, sinabi ni Imee Marcos na ang ginawa ng administrasyon sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan nang tuluyan niyang pagkalas sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang kowalisyon na ini-endorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos.nnSinabi ni Imee Marcos na hindi na niya kayang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa.nn nnSinabi ni Marcos na may mga natuklasan siya na ginawa ng administrasyon tungkol kay da­ting Pangulong Rodrigo Duterte na salungat sa kanyang mga paninindigan at prinsipyo.nnAyon pa kay Marcos, mananatili siyang independent sa pagtakbong muli sa Senado.nnSamantala, muli namang inulit ni Alyansa sa Bagong Pilipinas campaign manager at Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kanyang mensahe kay Imee Marcos, “Senator Imee has decided na hindi na po siya sasama sa Alyansa, and we respect her decision and wish her luck.” nn nn“Kami naman tuloy-tuloy lang po ‘yong kampanya namin, para ipakita tulad ng sabi ko kanina ‘yong kakayanan namin, ‘yong kwalipikasyon ng aming labing-isang kandidato na makikita naman kapag pinagkumpara ‘yong track record which is very important, ‘di ba?” ang sinabi pa rin ni Tiangco. (Daris Jose)

Tapos na ang gawain sa The Hague:

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED ng umuwi ng Pilipinas si Vice-President Sara Duterte dahil tapos na ang kanyang task bilang anak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakaditine sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands dahil sa kinahaharap na crimes against humanity.nn nn“Yes, yes, I am excited to go home…I’ll just book the travel arrangement,” ang sinabi ni VP Sara sa isang panayam.nn nnSa katunayan aniya ay naihatid na niya ang mga dokumento na kailangan at babalik na siya ng Pilipinas sa oras na ang kanyang travel arrangements ay tapos na.nn“Yes, everything’s organized with the lawyers… and there’s already a system for the family with regard to the visiting here in the detention units… so yes… and that the last document that was needed of me, I delivered it this morning to the person inside who asked for it. So yes, my task is done. Well-organized,” aniya pa rin.nn nnSi VP Sara ay nasa The Hague simula pa noong Marso 12, o isang araw matapos na arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Duterte, inaresto dahil na rin sa naging kahilingan ng International Criminal Court bilang bahagi ng imbestigasyon nito sa “war on drugs” sa ilalim ng liderato ng dating Pangulo.nnSinabi pa ni VP Sara na uuwi na siya ng Pilipinas kapag ang travel arrangements para sa ibang miyembro ng pamilya ay natapos na rin, at habang naghihintay ay mananatili ang mga ito na malapit sa kanilang ama habang ito ay nasa detensyon. (Daris Jose)

Nasa tamang direksyon sa pagtupad sa itinakdang revenue collection target…

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA tamang direksyon ang Land Transportation Office (LTO) sa pagtupad sa itinakdang revenue collection target para sa 2025, matapos makalikom ng mahigit P8.3 bilyon sa unang tatlong buwan ng taon.nnAyon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang mataas na koleksyon ng kita ay resulta ng mahusay na pagpapatupad ng mga estratehikong polisiya, pagpapabilis ng transaksyon, at agresibong pagpapatupad ng mga regulasyon sa kaligtasan sa kalsada. nn“Malaki ang revenue target ng LTO ngayong taon at hindi naman ito basta na lang napag-isipan dahil naniniwala kami na kayang-kaya namin itong ma-achieve,” ani Asec. Mendoza. nnItinakda ng LTO ang P34 bilyon bilang revenue target para sa 2025, at pagsapit ng March 31, umabot na sa P8,373,775,537.00 ang nakolekta ng ahensya. nnBinigyang-diin ni Asec. Mendoza ang kahalagahan ng episyenteng revenue collection, dahil ang pondong ito ay hindi lamang para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng LTO, kundi pati na rin sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno na magpapakinabang sa mamamayang Pilipino, lalo na ang mga nangangailangan. nnPinuri rin ni Asec. Mendoza ang sipag at dedikasyon ng mga kawani ng LTO sa nakalipas na tatlong buwan na naging susi sa mahusay na revenue collection. nn“Sa ganitong bilis, kayang-kaya nating abutin ang ating revenue target, at naniniwala akong malalampasan pa natin ito. Sa ating pagsisikap at pagtutulungan upang makamit ang ating layunin, kayang-kaya natin ito,” ani Asec. Mendoza. nnNgunit higit pa sa pagpapahusay ng serbisyo, tinututukan din ng liderato ni Asec. Mendoza ang kapakanan at seguridad sa trabaho ng mga empleyado ng LTO. nnIlan sa mga empleyado ng LTO na matagal nang nasa job order status ay nabigyan na ng regular na posisyon, at patuloy na nakikipag-ugnayan si Asec. Mendoza sa DOTr sa pangunguna ni Secretary Vince B. Dizon at sa Department of Budget and Management (DBM) upang ma-regularisa pa ang mas maraming kontraktwal na empleyado. (PAUL JOHN REYES)

Drug suspect, kulong sa baril at halos P.8M droga sa Valenzuela

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang 19-anyos na tulak na itinuturing na High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at halos P.8 milyong halaga ng shabu nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.nn Kinilala ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang suspek na si alyas “Gio”, ng San Diego, 1st St., Brgy. Maysan ng lungsod.nn Sa kanyang ulat kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Aniway na ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station 4, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activites ng suspek.nn Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng ibinentang isang sachet na shabu, ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-12:55 ng hating gabi sa Baltazar St., Brgy. Malinta.nn Nakumpiska sa suspek ang nasa 115 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P782,000.00, isang cal .38 revolver na kargado ng tatlong bala at buy bust money.nn Ayon kay PSSg Elouiza Andrea Dizon, mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o ang Comprehensive Law of Firearms and Ammunition Act in relation to B.P 881 Omnibus Election Code isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.nnPinuri naman ni Gen. Ligan ang mga operatiba ng DDEU para sa kanilang pambihirang kasipagan at hindi natitinag na pangako sa pagpapanatiling ligtas ang mga lansangan ng Camanava mula sa salot na ilegal na droga at iba pang kriminal. (Richard Mesa)

Criminal gang member, kalaboso sa pagbebenta ng baril sa pulis

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA kulungan ang bagsak ng 32-anyos na miyembro ng isang grupong kriminal nang pagbentahan ng hindi lisensiyadong baril ang pulis na nagpanggap pa buyer sa Valenzuela City.nnSinampahan ng pulisya ang suspek na si alyas “Weng”, ng Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at paglabag sa Batas Pambansa Bilang 881 o ang Omnibus Election Code sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.nnSa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, positibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa pagbebenta umano ng hindi lisensiyadong baril ng suspek.nnBumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Capt. Mark Angelo Bucad saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Weng dakong alas-4:55 ng madaling araw sa isang bakanteng lote sa San Francisco St. Brgy. Karuhatan.nnNakumpiska sa kanya ang isang 1911 kalibre .45 pistol na may isang magazine, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 20 pirasong P1,000 boodle money, cellphone at sling bag.nnAyon kay Col. Cayaban, miyembro ng Monsanto Criminal Group na sangkot sa iba’t-ibang uri ng krimen si alyas Weng, na nagpapakilala bilang balloon decorator. (Richard Mesa)