• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 16th, 2025

Philippine youth squads sasalang sa Malaysia water polo tilt

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISASABAK ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang 30 junior athletes sa 60th Malaysia International Age-Group Water Polo Championships sa Abril 18-20 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sinabi ni PAI Secretary-General Anthony Reyes na ang mga batang water polo athletes ay binubuo ng mga competitive age-group swimmers at sumailalim sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ni Serbian coach Filip Stojanovic sa nakalipas na walong buwan. “Ang mga batang manlalarong ito, na karamihan ay binubuo ng mga teenager, ay nagsimula kamakailan ng 10-taong developmental at training program ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pamumuno nina president Miko Vargas at Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa suporta ng Philippine Sports Commission,” ani Reyes. Sasabak ang mga junior athletes sa 21-under (boys) at 24-under (girls) division. Kasama ng tropa patungong Malaysia sina head coach Roi Dela Cruz at Sherwin Dela Paz. Ang event ay bahagi ng paghahanda ng PAI dahil ang PSC ay todo suporta sa plano ng aquatics na magpadala ng women’s team sa 47th Sea Age-Group Championships sa Malaysia at sa 33rd SEA Games na naka-iskedyul ngayong Disyembre sa Thailand. Ang huling pagkakataon na nagpadala ang bansa ng women’s team sa prestihiyosong biennial event na ito ay noong 2019,” dagdag pa nito. Ang women’s team ay binubuo nina Sabee de Guzman, Monica Arlante, Julia Basa, Marga Morrison-lonie, Cyril Espongja, Sam Balagot, Raesher Dela Paz, Shinloah San Diego, Ashly Addison, Josie Addison, Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ang junior boys ay kinabibilangan nina Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ugaban, Matthew Romero, Caleb De Leon, Lance Adalin, Matthew Dasig, Niklas de Guzman, Hugo Lopez, Ted Tolentino, Dave Geda, Andre Establecida, Julian Malubag at Sebastien Castro. Samantala, nagpasalamat si Reyes sa artistic swimmer na si Zoe Lim sa pagkapanalo ng bronze medal (13-14) class sa katatapos na 2025 West Australian Artistic Swimming Cup sa Perth, Australia. “Congratulationsto Zoe. Consistent ang ating mga atleta sa artistics swimming since nagbuo tayo ng team sa Asian Age-Group Swimming Championship when the country hosting the event in February last year,” Ang kasamahan ni Lim na si Carmina Sanchez Tan, isang silver medalist sa 2024 SEA Age Group Swimming Championship, ay kasalukuyang sumasabak sa 2025 US National at Junior Artistic Swimming Championship sa Greensboro, North Carolina. Siya ay nakikipagkumpitensya sa Solo, Duet at Team Free routine bilang miyembro ng The Meraquas ng Irvine Artistic Swimming Team.

null

Larry Muyang, sinuspinde ng PBA dahil sa paglabag sa kontrata

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE ng Philippine Basketball Association (PBA) si Larry Muyang matapos itong lumabag sa kanyang kontrata sa Phoenix Fuel Masters. Ayon sa Phoenix, may bisa pa ang kontrata ni Muyang hanggang Mayo ngunit pinili nitong maglaro para sa Pampanga Giant Lanterns sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Kung saan nakapag-ambag si Muyang nang 35 points at 12 rebounds sa laban kontra Manila Batang Quiapo. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagsisisi na umano si Muyang sa kanyang ginawa, ngunit posible pa ring magsampa ng kaso ang Phoenix. Kung magkakaayos man ang magkabilang panig, kinakailangan pa ring humarap ni Muyang sa PBA Board of Governors upang muling makabalik sa liga.

https://contents.spin.ph/image/resize/image/2019/11/25/larry-muyang-ja-1574692562.webp

Taliwas sa naging paglalarawan ni VP Sara na itim ang kulay ng bansa: Konting kula na lang, administrasyong Marcos patungo na sa paputi- Malakanyang

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang tila patutsada na 31-second video campaign ads nina Vice-President Sara Duterte at Senatro Imee Marcos. Sinabi kasi ni VP Sara kasama si Senator Imee Marcos, na “Itim ngayon ang kulay ng bansa sa gutom at krimen, nagluluksa.” Ang naging tugon naman ni Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay “papunta na po sa paputi, konting kula na lang, medyo maputi na. Hindi man “perfectly white” katulad ng aking sinasabi pero doon na po patungo ang kasalukuyang administrasyon,” Inakala naman ni Castro na ang 31 video campaign ads ay noong 2022 campaign ads. Nailarawan aniya kasi sa video campaign ads ang kapanahunan ng nakaraang administrasyon sa sinasabing campaign ads,” ang sinabi pa rin nito. “Kapag sinabi ba natin na Itim ngayon ang kulay, mas made-describe siguro natin ang nakaraang administrasyon na sobrang itim na ngayon ay papaliwanag na sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Hindi man ganoon kaputi pero patungo na doon,” aniya pa rin. Sa ulat, inendorso ni VP Sara ang reelection bid ng presidential sister na si Imee Marcos ilang linggo matapos na kumalas ito sa senatorial ticket ng administrasyon. Araw ng Lunes, ipinalabas ni Imee sa kanyang Facebook page ang political advertisement kung saan siya inendorso ni VP Sara. Sinundan naman ni Imee Marcos ang linya ni VP Sara at sinabing “Gutom na ang sikmura, gutom pa sa hustisya. Ginigipit ang hindi ka-alyansa.” “Unang-una po may binanggit sila tungkol sa kagutuman. tandaan po natin na ayon po sa records na rin po na naibaba ang poverty incident sa panahon ng 2023, 15.5% mula sa 18.1% in 2021,” ang sinabi ni Castro. Inilatag din ni Castro ang iba’t ibang report pantapat sa sinabi ni campaign ads sa video nina VP Sara at Imee Marcos. Sinagot din ni Castro ang tungkol sa krimen kung saan aniya dapat tandaan ng lahat na may ipilabas na statistics na inayunan naman ni Senate President Chiz Escudero na sa panahon aniya ngayon ay mas mababa ang crime rate kumpara sa nakaraang administrasyon. Sinagot din ni Castro ang sinabi ni Imee Marcos na gutom pa sa hustisya na kasama sa 31-second video campaign ads. Tinukoy nito ang ibang kamag-anak na biktima ng war on drugs campaign ng dating administrasyon. Samantala, dapat din aniya na ang mga botante ay maging mapanuri. “Huwag pong magpaloko sa mga sinasabi sa iilang campaign ads, alamin ang katotohanan, iwasan ang fake news, dignidad mo, boto mo,” ang sinabi ni Castro. Patungkol aniya sa campaign issues, ibinato niya sa campaign manager ng Alyansa ang tanong na ito dahil ito aniya ang awtorisado na magsalita sa ganitong mga usapin. Hindi aniya nais ng Pangulo ang ganitong klase ng mga negatibo na mga pangangampanya lalong-lalo na kung ito’y fake news. Sa katunayan aniya, noon pa man ay sinasabi na ng Pangulo na labanan ang fake news. Mas hindi aniya maganda na gagamnitin itong naratibo sa pangangampanya.(Daris Jose)

 

Comelec sa mga kandidato: Bawal mangampanya sa Huwebes, Biyernes Santo

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT ang paalala ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo. “Sa mga kandidato, paulit-ulit namin sinasabi bawal ang pangangampanya sa Mahal na Araw lalo na ang Huwebes Santo at Biyernes Santo…. I-respeto sana rin natin ang isang napaka-solemn, religious activity at event na to,” ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia. Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11086, na nagtatakda ng rules and regulations para sa Republic Act No. 9006 o The Fair Elections Act, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo, Abril 17, at Biyernes Santo, Abril 18, gayundin sa bisperas ng araw ng halalan sa Mayo 11 at sa mismong araw ng halalan sa Mayo 12. Kasabay nito, nagbabala rin ang Comelec na ang sinumang kandidato na mapapatunayang lumalabag sa naturang polisiya ay maaaring maharap sa kaukulang parusa. Hinikayat rin ng poll body ang publiko na huwag mag-atubiling maghain ng reklamo laban sa mga kandidatong maaaktuhan nilang lumalabag sa election laws. Maaari ring isumbong ang mga ito sa mga awtoridad upang kaagad itong maaksiyunan. Ang campaign period para sa national candidates ay itinakda ng poll body mula Pebrero 11 hanggang Mayo 10 habang ang kampanyahan naman para sa local candidates ay mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025 lamang. (Daris Jose)

 

Mga opisyal ng barangay, bantay din sa komunidad ngayong Semana Santa- MajGen Alba

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISILBING bantay din sa komunidad ang mga barangay officials ngayong panahon ng Semana Santa. Sa katunayan, sinabi ni PNP spokesman at Director for Police Community Relations Major General Roderick Augustus Alba sa press briefing sa Malakanyang na kasama ang local government units (LGUs) at iba pang organisasyon na accredited ng PNP para tumulong sa kapulisan para sa kaligtasan at seguridad ng lahat sa buong Lenten Season. “Actually, kasama po sila sa deployment na sinasabi natin because the 65,000 personnel are not purely members of the uniformed service ng PNP – sa PNP lang po ito. We are actually deploying 40,000 – iyong 40,000 na ito po this covers the entire summer vacation security deployment. Now, pagdating po ng Holy Week, we increased it with another 25,000. Aside from this, we will be engaging volunteers groups,” ang sinabi ni Alba. Partikular na tututukan ng kapulisan at ng hindi miyembro ng uniformed service ng PNP ang walong krimen gaya ng ‘robbery, theft, murder, rape, carnapping MV at carnapping MC, homicide at Physical injury. “But we are very particular sa crime against properties, sinabi ko po kanina, once we leave our homes, ito po talaga ay common targets ng mga suspects or criminal suspects na tatargetin nila. That’s why ito po iyong ating guidance, that we have to closely coordinate with our nearest police stations before we leave our home at keep these numbers with us,” ang pahayag ni Alba. At ang payo nito sa publiko na mag-uuwian sa lalawigan para ipagdiwang ang Semana Santa ay “dapat may mga load iyong ating cellphone na anytime po ay puwede tayong mag-access ng mga websites ng PNP, getting the hotline numbers.” Sa kabilang dako, babantayang mabuti ng mga tauhan ng PNP ang terminal, transport hubs, pilgrimage sites, simbahan, tourist destinations. Nakasaad sa guideline ng PNP ang magkaroon ng enhanced police presence o dapat na visible ang ating Philippine National Police (PNP) sa mga nasabing lugar. “We’ll also augment mobile patrols kasi po ang ating concentration ay sa highly populated areas now mayroon pong mga kabahayan iyong mga subdivision areas, residential areas ay naiwanan po ang mga bahay – so, ito rin po ay isang focus namin,” aniya pa rrin. Samantala, sa ngayon ay wala pa naman aniya silang natatanggap na pagbabanta para sa seguridad at kaligtasan ngayong Lenten Season. “But on the part of the PNP, we remain on full alert especially in historically vulnerable areas. Our intelligence units are closely coordinating with the Armed Forces of the Philippines kasama namin dito iyong Philippine Cost Guard to preempt any threats from any groups would want to magkaroon po ng disorder iyong ating bansa,” ang sinabi ni Alba. “So, as to our vital installations we have also increased deployment of our personnel around power plants, communication infrastructure and transportation terminals. We’re also closely coordinating with private security groups and local crisis management councils. Sinabi po ng ating good Secretary kanina mayroong mga possible road mishaps, sea mishaps – ito po ay aming pinagpreparahan sa ngayon on the part of the Philippine National Police,” litaniya ni Alba. (Daris Jose)

null

Pagtiyak ni Herbosa, lahat ng ospital nakahanda para sa anumang insidente ngayong Mahal na Araw

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na nakahanda ang lahat ng ospital sa anumang insidente sa gitna ng Mahal na Araw kung saan karamihan sa mga tao ay nasa bakasyon. Binigyang diin ang pagtugon sa heat-related illnesses. ”So, let me say that the Department of Health has declared Code White on all our hospitals. That means, they are ready for the… iyong all the incidents that can happen for people traveling for this Holy Week,” ang sinabi Herbosa sa press briefing sa Malakanyang. ‘Number two, of course, our warnings for effects of heat illness especially for people going to hot areas like the beaches. So, very important, stay protected. So, sunscreen for those going out; hydration; and then, don’t stay too long in the sun, for those people,” ang sinabi pa rin ng Kalihim. Tututukan at imo-monitor din aniya ng DoH ang mga insidente ng pagkalunod dahil karamihan sa mga taong nagbabakasyon ay nagpupunta sa beach ngayong Holy Week. ”And, of course, every Holy Week, nagkakaroon kami ng mga problems of drowning and near drowning so very important din to watch your family especially in these places where you are vacationing and relaxing, make sure do not drink and drive; do not text and drive; and follow the rules of the road,” ang sinabi ni Herbosa. Nauna rito, binigyang diin ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo ang kahalagahan ng tamang bentilasyon kapag nasa loob ng bahay. Binigyang diin nito na kailangan na ‘hydration.’ Pinayuhan ang mga tao na uminom ng 7 hanggang 8 baso ng tubig araw-araw upang mapigilan ang heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. Pinayuhan din niya ang publiko na magkaroon ng regular breaks o “heat breaks” para mapigilan ang overheating. Samantala, umaasa naman si Herbosa na walang magaganap na road rage incident sa mga biyahero ngayong Semana Santa. ”Sana walang road rage kasi nga eh ano naman tayo ‘di ba, Holy Week, be patient and be kind to the other road users,” ayon kay Herbosa. (Daris Jose)

null

Sa layunin nitong food security na may sapat na rice reserves: Pinas, nananatiling ‘on track’ -NFA

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING ‘on track’ ang Pilipinas na makamit ang food security, partikular na ang suplay ng bigas. Ang dahilan ng National Food Authority (NFA) ay sapat ang buffer stock para sa mahigit na 9 na araw. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na nakamit na ng administrasyong Marcos ang food security, tinukoy ang mahalagang pagbuti sa rice reserves ng bansa. “Kung ang bigas ang ating pag-uusapan, ako masasabi ko na we are on track, in fact, in less than a year from one day to last buffer stock, ngayon po ay 9.36 na,” ang sinabi ni Lacson. “So, we are on track and we are continuously increasing our buffer stock for rice, as we all know, rice is the main gauge of food security,” aniya pa rin. Binanggit din ni Lacson ang plano na palawigin ang rice buffer stock ng 15 araw ngayong taon, alinsunod ito sa mga susog sa Rice Tariffication Law. Sa kasalukuyan, hawak ng bansa ang 358,000 metric tons ng bigas rice, katumbas ito ng 7.16 million bags –sapat para pakainin ang buong populasyon para sa 9.36 days ‘in case of emergency’ o supply disruption. Samantala, nito lamang Marso 31, bumili ang NFA ng 2.2 million bags ng palay mula sa mga magsasaka sa buong bansa, nagkakahalaga ng P2.6 billion. At upang mas masuportahan pa ang mga maliliit na magsasaka, pinahusay ng ahensiya ang fast lane program nito, itinaas ang cap mula 50 sa 70 bags kada transaksyon para ma-accommodate ang mas maraming seller. (Daris Jose)

null

Dalawang BOC deputy directors, itinalaga ni PBBM

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sina Ronnel Hombre at Michael Fermin bilang mga deputy commissioner ng Bureau of Customs (BOC). Papalitan ni Hombre si Allan Geronimo habang papalitan naman ni Fermin si Erwin Mendoza. Sina Hombre at Fermin ay kapuwa dating BOC directors. ang kanilang appointment papers ay nilagdaan ni Pangulong Marcos noong April 10, kung saan ito ay ” kaagad na epektibo.” (Daris Jose)

null

Paalala ng Malakanyang sa mga OVERSEAS FILIPINO VOTERS: CHOOSE WISELY

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang Malakanyang sa mga overseas Filipino voters na gampanan ang kanilang ‘patriotic duty’ sa pamamagitan ng maingat na pagboto at may integridad. Ang panawagan ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga overseas online voting para sa 2025 midterm election ay bumoto nang nararapat at mula sa puso. “Ang ating mensahe po mula po sa Palasyo ay gampanan niyo po ang inyong tungkulin bilang isang Pilipino. Bumoto po kayo nang nararapat. Bumoto po mula sa puso,” ang sinabi ni Castro. Pinaalalahanan din ni Castro ang mga Overseas Filipino voter na huwag magpadala sa tawag ng ‘financial incentives’ kundi pumili ng lider na ‘patriotic, reliable, at committed’ na magsilbi sa bansa na may integridad. “Voters should choose leaders who will ensure the country’s sovereignty will not be compromised, ” ayon kay Castro. “Huwag pong bumoto dahil lamang sa bulong o dahil kayo ay nabayaran kundi iboto niyo po ang mga taong nararapat. Iyong maaasahan po natin. Mga lider na hindi ibebenta ang bansa kahit sa anumang paraan at mga lider na makabayan,” aniya pa rin. Umaasa naman si Castro na maisasagawa ang isang maayos at episyenteng online voting. “Sana po mas maging maayos po ito at dahil po ito ay mas mapapabilis po ang pamamaraan ng pagboto ng ating mga kababayan,” ani Castro. Samantala, ang overseas voting ay nagsimula na, araw ng Linggo, Abril 13, at tatakbo hanggang May 12 ng alas-7:00 ng gabi. (Daris Jose)

https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2024/09/ofw.jpg

Pinay na dating  Law Enforcer, pina-deport

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 34-anyos na Filipina na biktima ng human traficking at illegal recruitment ang pina-deport mula Malaysia. Si alyas Tina ay dumating sa Zamboanga International Seaport noong March 28, 2025 matapos pauwiin ng mga awtoridad sa Malaysia. Ayon sa Bureau of Immigration’s (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), “ si Tina,” na dating government law enforcement personnel, ay umalis sa Pilipinas noong February mula Palawan patungong to Kudat, Malaysia, saka nagtungo sa Kota Kinabalu via speedboat. Pagdating sa Sabah, siya ay pinagtrabaho bilang entetainer sa isang club ng sampung araw matapos itong i-rescue ng mga awtoridad sa Malaysia at dinala sa shelter sa Kota Kinabalo hanggang sa ipina-deport. “We remind all Filipinos never to agree to illegal employment or unverified overseas work offers,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado “The backdoor is not a shortcut—it is a direct route to exploitation. The government is serious in protecting our nationals and stopping trafficking rings, in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to safeguard our citizens from abuse abroad.” (Gene Adsuara)

null