• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 30th, 2025

Pinasilip ang fun wrap party para buong team ng serye: ANNE, biniro si ENCHONG na nakipag-agawan ng mic sa kanya

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINASILIP ni Anne Curtis ang fun wrap party for It’s Okay to Not Be Okay after na mag-last taping day silang lahat.
The celebration took place at Family KTV and Restobar in Manila kunsaan kasama ni Anne ang fellow cast members na sina Joshua Garcia, Enchong Dee, Alora Sasam, Agot Isidro, at ang production team ng show.
“A minute of craziness to wrap up almost a year of filming IOTNBO,” post ni Anne sa kanyang Instagram page.
Biniro pa ni Anne si Enchong na nakipag-agawan ng mic sa kanya: “I officially found my counterpart sa bosesan and agawan ng mic @mr_enchongdee.
May 2024 noong i-announce ng ABS-CBN na si Anne ang magbibida sa Philippine adaptation ng It’s Okay Not To Be Okay with Joshua Garcia and Carlo Aquino.
Inamin ni Anne na huge fan siya ng naturang K-Drama way back in 2020.
“It’s Okay to Not be Okay has been a favorite of mine since I first watched it. I instantly fell in love with the characters and its way of educating and raising awareness on different mental health issues. The storytelling was portrayed so beautifully and is the very reason why I could not say no when it was offered to me. As someone who loved the character Ko Moon-young, I am determined to take her on as Mia Hernandez with utmost care,” caption ni Anne.
***
PINARANGALAN ang Hollywood actress na si Michelle Pfeiffer sa pag-memorialize ng kanyang hands and footprints in cement sa pamosong TCL Chinese Theatre last April 25.
Kasama ng 66-year old three-time Oscar nominee sa event ay ang kanyang two kids and husband David E. Kelley.
Pfeiffer was this year’s honoree at the TCM Classic Film Festival, recognizing her decades of captivating screen performances.
Nagsimula bilang Miss Orange County 1978 winner si Michelle at umabot siya sa Top Six ng Miss California beauty pageant.
1982 nang gawin ng aktres ang first movie niya na Grease 2 at nasundan ito ng mga big Hollywood movies tulad ng Scarface, The Witches of Eastwick, Tequila Sunrise, Married To The Mob, The Russia House, Frankie and Johnny, Batman Returns, One Fine Day, Wolf, Dangerous Minds, Age of Innocence, What Lies Beneath at ang kanyang Oscar nominated performances sa Dangerous Liaisons, The Fabulous Baker Boys at Love Field.
Nakilala si Michelle ng Gen Zs nang gawin niya ang Marvel films na Ant-Man and The Wasp, Ant-Man in Quantumania, Avengers: Endgame.
(RUEL J. MENDOZA)

The devil’s in the details. “Until Dawn” brings Peter Stormare, the iconic Dr. Hill from the video game, in live-action adaptation

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

In Until Dawn a group of friends take a road trip to the last known location of Melanie (Maia Mitchell), Clover’s (Ella Rubin) sister, and investigate the secrets surrounding the disappearance. At the start of their adventure, a mysterious figure manning a gas station points them in the right direction, and that figure is portrayed by acclaimed Swedish actor Peter Stormare.

 

Stormare is no stranger to the franchise, as he played the enigmatic Dr. Hill in the original Until Dawn video game. For this run, however, he wants to keep fans guessing. “Initially, we really don’t know who or what he is,” Stormare elaborates. “But it is really rewarding to embody a character that you can’t nail down 100 percent. He’s both legendary and non-traditional. I was super excited to embody the character because it’s one of the coolest I’ve ever done.”

 

Watch the trailer: https://youtu.be/l8GpjhyzMHs

 

Director-producer David F. Sandberg wanted to build upon the original character and expand it to enrich the film. “We’ll learn more about who he really is. It’s great to have that connection to the game, and it was a joy to work with Peter, as well,” he says.

 

A little tidbit that writer-producer Gary Dauberman is willing to share is that Stormare’s character is a kind of “master of ceremonies who escorts us through the story. He’s also the man behind the curtain, who knows everything that’s happening, or going to happen.”

 

Producer Lotta Losten adds to this interpretation, calling the character the “puppet master” of the world of Until Dawn. Losten also praises the work that Stormare has done for the film, recalling how effectively terrifying the actor is at work. “[Stormare] has this way of playing creepy that is just delightful. When, as Hill, he smiles, his cheeks make a little clicky sound. Normally, in post-production, you remove those kinds of sounds because they’re a distraction, but we tuned that up because it makes the character even better.”

 

Watch the mystery unfold as Until Dawn opens Philippine cinemas on Friday, April 25.

 

Connect with the hashtag #UntilDawnMovie @columbiapicph

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

(ROHN ROMULO)

Sa kabila ng tatlong beses na pagka-nominado: Suporta ng fans kay MICHAEL, patuloy na bumubuhos

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na bumubuhos ang suporta ng fans ni Michael Sager sa kaniyang journey bilang isa sa celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa kabila ng tatlong beses na pagka-nominado sa teleserye ng totoong buhay, nananatili ang tiwala ng fans at iba pang viewers kay Michael.

Mababasa sa social media ang kabi-kabilang positive comments tungkol sa Sparkle actor at ang ilan ay nagchi-cheer para kanilang iniidolo.

Ilang fans din ang nagsabi na si Michael ang karapat-dapat na manatili sa paninirahan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ang kasalukuyang ka-duo ng Kapuso star ay ang Kapamilya star na si Emilio Daez.

Kabilang kaya ang celebrity duo na MiLi (Michael at Emilio) sa maliligtas sa nalalapit na ikatlong eviction night?

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

***

MABILIS ang nagiging road to recovery ni ‘Lolong’ lead actor Ruru Madrid mula sa kanyang natamong hamstring injury.

Ilang araw pa lang nga matapos siya maospital, balik-taping na agad si Ruru para sa serye.

 

Kahit pa nga willing mag-adjust ang program para makapagpahinga pa siya, talagang pursigido ang Kapuso actor na gumaling agad at makabalik sa serye.

 

Halos normal na nga ang trabaho nito sa set. Nakakalakad na siya nang maayos at hindi na kailangan ng wheelchair o saklay. Ikinatuwa naman ito ng kanyang doctor.

 

“Nagulat din po siya actually na sobrang bilis po ng healing. But siyempre, sabi niya huwag ka pa rin magsa-stunts na magiging delikado at posibleng bumalik ‘yung injuries.

“Sabi niya at least, ipahinga mo itong linggo na ‘to ‘tapos, try natin mag-MRI ulit. Kung healed na siya, maibigyan ako ng clearance,” say ni Ruru sa isang panayam.

 

Wishing for your full recovery, Ruru!

 

***

ISA sa mga nominado ngayong linggo ang housemate na si Dustin Yu na nagbahagi ng kanyang karanasan sa labas ng bahay.

Sey ni Dustin, bilang middle child sa pamilya ay madalas niyang nararamadaman na siya ang may pagkakamali.

 

Matatandaang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng task leader na si Klarisse de Guzman sa nagdaang weekly task na patuloy na pinag-uusapan online.

Sey ng isang netizen “There is always a reason behind every reaction. Now it’s clear as to why naging big deal kay Dustin yung pag call out sa kanya ni Klarisse. He has past experiences that may have triggered him”.

 

Samantala, bago tuluyang lumabas ng bahay ay humingi naman ng tulong si Kuya sa mga houseguest na sina Bini Stacey at Bini Jhoanna upang mabigyan ng chance ang housemates na maayos ang hindi nila pagkakaintindihan.

Nagbahagi ang dalawa tungkol sa mga bashing na natanggap nila na pinakanakaapekto sa kanilang career at pagkatao. Pinaalala rin nila ang kahalagahan ng pagpapakatotoo.

 

Natapos naman sa isang masayang bonding with the housemates ang pananatili ng mga houseguest. Abangan gabi-gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMA Prime.

(RUEL J. MENDOZA)

Suportado ng MTRCB at hinihikayat na panoorin: Dalawang tanyag na pelikula ni NORA, muling ipalalabas sa mga sinehan 

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BILANG pagbibigay-pugay sa naging kontribusyon ni yumaong Superstar at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Sining Brodkast na si Bb. Nora Aunor, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang tanyag na pelikula ng aktres na muling mapapanood sa mga sinehan.
Ang mga pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” at “Tatlong Ina, Isang Anak” ay nakatanggap ng rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula sa komiteng nagrebyu. Ibig sabihin, swak itong panoorin ng pamilyang Pilipino.
Hinihikayat ang mga magulang sa ilalim ng PG na gabayan ang mga batang manonood at magkaroon ng pag-uusap sa mga bata tungkol sa tema ng pelikula.
Ang 1976 wartime drama na “Tatlong Taong Walang Diyos” mula sa direksyon ni Mario O’Hara ay nakatanggap ng mataas na pagtanggap noon mula sa mga kritiko nito at kinokonsidera bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino.
Habang ang “Tatlong Ina, Isang Anak” (1987) ay tungkol sa kwento ng pagiging isang ina sa katauhan ng tatlong babae na pinagtagpo ng pagmamahal at pagsasakripisyo.
Sa inisyatiba ng ABS-CBN Film Restoration Project (Sagip Pelikula), nagsisilbing pagkilala, parangal, at papuri ang mga pelikulang ito kay Bb. Nora Aunor, kung saan ang kanyang buhay at talento ay nag-iwan ng kasaysayan sa kultura at sining ng Pilipinas.
“Ang ating Superstar na si Bb. Nora Aunor ay hindi lamang isang pambansang yaman kundi ay sumisimbolo sa tagumpay ng industriya ng pelikula ng Pilipinas,” sabi ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.
“Tayo sa MTRCB ay masaya na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang klasikong pelikula ng yumaong superstar, na makatitiyak na ligtas itong panoorin ng mga manonood anuman ang edad.”
Hinihikayat ng MTRCB ang publiko na panoorin at makibahagi sa pagkilala sa legasiya ni Bb. Nora Aunor na siyang nagpapatunay sa mayamang kultura at sining, at maipagmamalaking pelikulang Pilipino.
(ROHN ROMULO) 

Dableo, Pangalawa sa Sydney Standard Tournament

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Pilipinas sa Sydney International Open 2025 Standard chess tournament na ginanap noong Abril 23 hanggang 27, 2025 sa Novotel West HQ, Conference Room sa Sydney, Australia.

Mas pinahusay ni Dableo, na tubong Sampaloc, Maynila, ang kanyang performance matapos siyang mag-third place sa blitz chess tournament kamakailan.

Ang head coach ng multi-titled University of Santo Tomas (UST) chess team ay nagtapos ng siyam na rounds na may kabuuang 7 puntos, mula sa anim na panalo, dalawang tabla, at isang talo — kasunod ng kampeon na si Grandmaster Guha Mitrabha ng India na nakakuha ng 7.5 puntos.

Si Dableo, isa sa mga pangunahing manlalaro ng Philippine Army chess team, ay tumaas ng 13.2 puntos sa kanyang ELO standard chess rating, mula sa 2362 paakyat sa 2376.

Nakakuha na si Dableo ng tatlong (3) grandmaster norms ngunit kailangan pa niyang itaas ang kanyang live rating mula 2376 hanggang 2500 upang makumpleto ang kanyang Grandmaster (GM) title.

Tinalo ni Dableo sina Michael Steadman ng New Zealand at FM Jason Hu ng Australia sa unang dalawang rounds.

Naputol ang kanyang winning streak nang magtabla siya kay Tejas Datar ng Australia sa ikatlong round.

Nanalo si Dableo laban kay FM Felix Xie ng New Zealand sa ikaapat na round ngunit natalo kay GM Mitrabha sa ikalimang round.

Bumawi si Dableo sa ikaanim na round nang talunin niya si FM Anna-Maja Kazarian ng Netherlands, at muling nagtala ng tabla laban kay GM Jacek Stopa ng Poland sa ikapitong round.

Tinapos ni Dableo ang torneo sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na panalo kontra kina FM Sterling Bayaca ng Australia (Round 8)at GM Sayantan Das ng India (Round 9).

Nagtabla sina GM Das at GM Zhao Zong-Yuan ng Australia para sa ikatlo hanggang ika-apat na puwesto na may tig-6.5 puntos, habang sina FM Reyaansh Chakrabarty ng Australia at IM David Cannon ng Australia ay nagtapos sa ikalima hanggang ikaanim na puwesto na may tig-6.0 puntos.

Kinompleto ng mga sumusunod ang Top 10:

Ika-7: IM Gary Lane ng Australia (5.5 puntos)

Ika-8: GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Pilipinas (5.5 puntos)

Ika-9: CM Hu Yifei ng Australia (5.0 puntos)

Ika-10: FM Felix Xie ng New Zealand (5.0 puntos)

“Kalalapag lang dito sa Manila International Airport galing Sydney, Australia! Salamat sa Diyos sa ligtas na biyahe at proteksyon, kasama ang aking asawa na si Tara, at sa matagumpay na 5 araw ng Sydney International Open Tournament — Blitz (3rd place) at Standard event (2nd place).

Lubos kong pinasasalamatan ang komunidad ng mga Filipino chess players sa Sydney at Blacktown/Rooty Hill, Australia.

Napaka-accommodating nila at solid ang samahan — naglaan sila ng oras para dumalaw at sumuporta sa amin sa tournament, nagpakain pa ng lunch o dinner, at may mga pampasalubong pa para sa amin pauwi ng Pilipinas.

Nag-host pa ng despedida at karaoke party si Sir Allan Laurente sa kanilang bahay.

Maraming salamat kina Sir Allan Laurente, Sir Ronald Manila, Sir Levi Descallar, Elize Cafirma, Jesson Montenegro, Jowenn Lua, Don Anji (Angelito Camer), Johnny Teves at Ronald Edejer Nonles . To God be the glory,” isinulat ni Dableo sa kanyang Facebook account na “Ro Nald.”

Samantala, nagtapos sa ika-21 puwesto si Ronald Nonles sa Challenger section na may 5.0 puntos, habang sina Johnny Miranda Teves ay nasa ika-43 puwesto na may 5.0 puntos, at IM Jose Efren Bagamasbad sa ika-51 puwesto na may 4.5 puntos.

Nasungkit naman ni WFM Supreetha Potluri ng India ang kampeonato sa Challenger section matapos makalikom ng 7.5 puntos.

Ang 9-rounds Swiss system tournament ay inorganisa ni G. Winston Zhao Chen, Pangulo at Webmaster ng Rooty Hill Chess Club. (Marlon Bernardino)

Filipinong FM Ivan Travis Cu, Runner-Up sa Budapest First Saturday Chess Tournament

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINAPOS ng Filipinong FIDE Master (FM) na si Ivan Travis Cu ang First Saturday IM April 2025 Chess Championship bilang ikalawang pwesto sa torneo na ginanap mula Abril 5 hanggang 12, 2025 sa Hotel Golden Park, Budapest, Hungary.
Nagtala si Cu ng mahalagang panalo laban kay Arena FIDE Master Pavan sa huling round upang tapusin ang kanyang kampanya na may kabuuang 6.5 puntos mula sa limang panalo, tatlong tabla, at isang talo. Nangibabaw sa torneo si Li Wenxiang ng Tsina matapos magtala ng 7.0 puntos.
Matapos ang pagkatalo kay Li Wenxiang sa unang laban at isang tabla kontra International Master (IM) J. Sai Agni Jeevitesh ng India sa ikalawang round, bumangon si Cu sa pamamagitan ng sunod-sunod na panalo laban kina IM Kanan M. Geidarli ng India, Lut Yin Luke Lau ng Hongkong, Grandmaster (GM) Lajos Seres ng Hungary, at Siddharth Singh ng Estados Unidos sa ikatlo, ikaapat, ikalima, at ikaanim na rounds.
Na tabla niya sina FIDE Master Levente Papp ng Hungary at Woman FIDE Master (WFM) Ganta Kheerthi ng India sa ikapito at ikawalong rounds bago tuluyang winalis si Arena FIDE Master Pavan sa ikasiyam at huling round.
Bunga ng kanyang mahusay na pagganap, kumita si Cu ng karagdagang 29.4 elo rating points at nagtala ng performance rating na 2405 sa FIDE Standard Round Robin format na torneo.
Ang kanyang kampanya sa Europa ay sinuportahan ng Go For Gold Philippines at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).  (Marlon Bernardino)

Patuloy na pagbibigay suporta sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC), siniguro ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga stakeholders at pasyente ang patuloy na pagbibigay suporta sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa mga susunod pang panahon.

Ang pahayag ay ginawa ng lider ng Kamara sa ginanap na capsule-laying at groundbreaking rites ng PCMC’s 20-story Advanced Pediatric Services building sa may kanto ng Quezon at Sen. Miriam Defensor Avenues sa Quezon City, na bahagi ng Specialty Hospitals Legacy ng Pangulong Marcos.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang centers ay makakatulong sa libong bata na dumaranas ng mga kumplikadong sakit.

“Malaking tulong ang pasilidad na ito dahil ating binibigyang-halaga ang buhay at kalusugan ng kabataan, para sa kinabukasan ng bayan. Hindi basta-basta ang proyektong ating sisimulan ngayon. Layunin nating magtayo ng multi-specialty center para gamutin ang pinaka-malalang sakit tulad ng pediatric cancer, brain and spine diseases, at iba pang sakit na kailangan ng masusing pag-aalaga,” ani speaker.

Ang 20-storey building ay magkakaroon ng 500-bed capacity at state-of-the-art medical technology.

Magsisilbi ang itatayong bagong pasilidad ay magsisilbing Modern Cancer Center at maglalaan ng mga subspecialty services na kabibilangan ng infectious diseases, nephrology (kidney-related care), cardiology (heart-related care), pulmonology (respiratory system care), endocrinology (treatment for hormonal disorders), neurology (neuro-developmental pediatrics) at surgical services, at intensive care units for critically ill children, rehabilitation services.

Pinasalamatan naman ni Speaker Romualdez ang mga PCMC doctors, nurses at iba pang staff sa kanilang serbisyo at sakripisyo, Binati rin nito ang ospital sa kanilang 45th anniversary nitong Martes. (Vina de Guzman)

PBBM, ipagpapatuloy ang paggigiit sa territorial rights ng Pinas sa WPS

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPAGPAPATULOY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipaglaban ang territorial rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Tinanong kasi si Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang hinggil sa sinabi ng Tsina na inokupa na nito ang Sandy Cay, tinawag itong Tiexian Reef, sa South China Sea.

Sinabi pa ni Castro na ang tinuran ng security officials ay hindi totoo.

Idinagdag pa nito na nakatuon ang Pangulo na igiit ang karapatan ng bansa sa rehiyon.

”Asahan po natin ang wala pong alinlangang dedikasyon ng Pangulong Marcos, na ipaglaban ang ating karapatan sa ating teritoryo, sa ating maritime rights lalung-lalo na po dito sa West Philippine Sea,” ang sinabi ni Castro.

”At wala pong—tuloy-tuloy pa rin po ang pagprotekta sa lahat ng karapatan ng bansa na naaayon sa International law, pero may paniniguro na ito ay para sa peace and stability,” dagdag na wika.

Samantala, mariing kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng China na inokupahan na nito ang Sandy Cay na bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, walang katotohanan ang mga naging pahayag ng China patungkol dito.

Sa katunayan, sinabi ni Trinidad na kasama ito sa isinagawang Inter-Agency Maritime Operation kasama ang Navy, Coast Guard, BFAR at PNP Maritime Group.

Gayunman, taliwas sa mga ibinabandera ng China, sinabi ni Trinidad na walang nakitang anumang bakas ng Tsina sa Sandy Cay at wala ring nakitang katibayan kung saan gayundin ay kung kailan kinuha ang larawang ibinabandera ng nasabing bansa.

Kaya’t malinaw ayon kay Trinidad na bahagi ito ng “malign influence” ng China upang ipangalandakan sa mundo ang kanilang naratibo na sila lamang ang naniniwala. (Daris Jose)

DepEd, nangako na paghuhusayin ang suporta para sa mga mag-aaral na may kapansanan

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na palalakasin ang suporta nito para sa mga learners with disabilities (LWDs) habang itinutulak nito upang ipakilala ang mga kaugnay na groundbreaking na inisyatiba na nakatuon sa teknolohiya at pinalawak na mapagkukunan.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, layon ng DepEd na magbigay sa mga (LWDs) ng equal access sa quality education at oportunidad.

Ide-develop din ng departamento ang isang artificial intelligence (AI)-powered tool para sa maagang disability detection.

“The Department is fully committed to harnessing technology not only for instruction but also for decision-making, resource planning, and inclusive service delivery,” ang sinabi ni Angara.

Paghuhusayin din ng DepEd ang Alternative Delivery Modes (ADM) nito at ang Alternative Learning System (ALS) upang makakuha ng mas mahusay na capacity-building para sa mga mga tagapagturo, palakasin ang policy monitoring, at pagsama-samahin ang ‘assistive technology at AI’ sa silid-aralan.

“The move aims to create more personalized learning experiences tailored to the unique needs of LWDs,” ang sinabi ni Angara.

Idagdag pa rito, ang itinuturing na ‘major technological leap’ ay ang development ng Project SABAY (Screening using AI-Based Assistance for Young children) ng DepEd-Education Center for AI Research (ECAIR).

Winika pa ng Kalihim na ang kasangkapang ito ay naglalayon na gawing modernisado ang maagang identification process para sa potensyal na mga bata na nasa peligro na magkaroon ng kapansanan, pagsuporta sa mahalagang Child Find System na ipinag-uutos ng Republic Act 11650.

“Through the SABAY Project, we affirm our mission that every Filipino child—regardless of ability—deserves timely support and access to quality education,” ang sinabi ni Angara.

Ang Project SABAY ay binuo na may inputs mula sa education experts, health professionals, at special education practitioners. (Daris Jose)

3rd Nominee ng ABP Party List, binaril, patay, kasama sugatan 

Posted on: April 30th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang dating Chairman at pangatlong nominee ang Ang Bumbero ng Pilipinas, (ABP) Party List habang sugatan ang kasama nitong isang Police Officer habang nakatayo sa isang lugar sa Sampaloc, Manila Lunes ng hapon.

Isinugod sa UST Hospital ang biktima na si Lenenski Bacud, dating Chairman ng Brgy 435 at 3rd nominee ng ABP Party List para sa darating na national election at Jethro Realiza, isang Police Offficer na nakatalaga sa QCPD subalit namatay habang ginagamot si Bacud dahil sa tama ng bala sa katawan.

Inilarawan naman ang mga suspek na magkaangkas sa isang kulay itim na motorisklo, kapwa nakasuot ng Angkas helmet, kulay greeen na long sleeve at armadong di nabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat bandang alas-5:34 kamakalawa ng hapon  nang naganap ang insidente kung saan nakatayo ang mga biktima sa kahabaan  ng Sta Teresita corner P. Guevarra St., Brgy 435 Sampaloc, Manila nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo, bumaba ang angkas nito, naglabas ng baril at pinaputukan si Bacud  at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sumaklolo  naman  si Realisa na isang Police Officer at hinabol ang mga suspek kung saan tinamaan sa hita habang papatakas ang mga ito sa direksiyon ng Lacson  Ave., Sampaloc, Manila.

Isinugod naman ang mga biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot si Bacud matapos mapuruhan.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril habang nagsasagawa ng backtracking sa CCTV ang pulisya sa posibleng pagkakakilanan sa mga suspek.

(Gene Adsuara)