
PUMANAW na ang mahusay na actor-director na si Ricky Davao sa edad na 63 noong nakaraang May 1.
Kinumpirma nga ito ng anak na si Arabella Davao sa social media posts nito…
“It is with great sadness that we announce the passing of our beloved father, Ricky Davao. He passed away peacefully, surrounded by his children and loved ones, after bravely facing complications related to cancer.
“For more than four decades, he dedicated his life to the craft of acting and directing. His remarkable body of work and award-winning performances have left a lasting legacy that will continue to inspire. Most of all he was a loving father, brother, son, and friend.
“We are deeply grateful for your prayers, love, and kind messages during this difficult time. Details about his memorial service will be shared soon.”
In 2024, na-report na may karamdaman si Davao at isang terminal illness na ito. Hindi pinaalam ng aktor sa publiko kung ano ang naging sakit niya.
Born Frederick Charles Caballes Davao, isa si Ricky sa anak ng former actor ng Sampaguita Pictures na si Charlie Davao. Ang mga kapatid ni Ricky ay sina Bing Davao, Marlene Davao, Mylene Davao at Charlon Davao. Pumanaw si Charlie noong 2010.
Dati siyang kasal sa singer-actress na si Jackie Lou Blanco kung kanino meron siyang tatlong anak: Kenneth, Arabella, and Rikki Mae.
Hindi lang mahusay na aktor sa film, TV at stage si Ricky kundi isa rin siyang mahusay na singer at director. Huli niyang mga proyekto bago siya nagkasakit ay ang ‘Sosyal Climbers’at ‘Sinagtala’ sa pelikula,’ Silver Lining Redux’ sa stage at ‘Seed of Love’ bilang TV director.
Award-winning actor si Ricky at nagwagi para sa mga pelikulang ‘Huwag Mong Itanong Kung Bakit?’, ‘Abot Hanggang Sukdukan’, ‘Ipaglaban Mo: The Movie’, ‘Saranggola’, ‘Minsan May Isang Puso’, ‘Endo’, ‘Iadya Mo Kami’, ‘Dayang Asu’, ‘Paki’ at ‘Fuccbois.’
Huling teleserye na umarte si Ricky ay ‘Love Before Sunrise’ in 2023.
***
TUNAY ngang lumakas ang popularity ni Charlie Fleming after nitong lumabas sa PBB house.
Niregaluhan nga ang Sparkle Teen ng isang LED billboard sa EDSA Guadalupe ng kanyang fans na Team Flemingoes OFC na nabuo dahil sa ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition’.
Nakalagay sa billboard ay “We are proud of you, Charlie!”
“Thank you for all the love for Charlie,” caption ng Sparkle sa IG post nito.
Hinihintay na ngayon kung ano ang mga plano ng GMA sa 16-year old Fil-Scottish teen. May mga nagsa-suggest na gawin na itong bida sa isang teleserye dahil maraming hugot ito sa buhay, lalo na estranged relationship nito sa kanyang Scottish father.
May iba namang nag-suggest na i-train na si Charlie dahil may future ito sa pagsali sa mga beauty pageants. Pang-beauty queen ang height ni Charlie at may confidence na ito sumagot sa kahit na anong itanong sa kanya.
(RUEL J. MENDOZA)